Home / Romance / BIDDING FOR HER (She was His to Win) / Kabanata 3 => Hindi ka nandito upang maghirap

Share

Kabanata 3 => Hindi ka nandito upang maghirap

last update Last Updated: 2025-06-11 07:46:15

“Pumasok ka.”

Malamig pa rin ang tinig ni Señor Lucien.

Dahan-dahang pumasok si Megan sa loob ng opisina, isang maluwag na silid na tila pinaghalong kapangyarihan at katahimikan ang bumungad sa kanya. Mahina ang ilaw, at ang mga dingding ay puno ng estante ng mga aklat. Sa gitna, isang malaking mesa na yari sa maitim at matibay na kahoy. Doon nakaupo si Señor Lucien, nakasandig ang siko sa mesa at nakapangalumbaba, tila hindi mo mawari kung galit siya o interesado. Isa siyang gwapo at matipunong lalaki, na bakaas ang pagiging sanay sa pagbibigay ng utos at sa pagsunod ng lahat sa kanyang ritmo.

Tahimik na isinara ni Manang Nelda ang pinto at iniwan silang dalawa sa loob.

Halos hindi makalingon si Megan. Sa halip, ibinaling niya ang paningin sa suot niyang puting pantulog. Ramdam niyang dayuhan siya sa lugar na ito, parang ibong tinanggalan ng pakpak at ipinasok sa hawlang gawa sa ginto.

Tahimik lang si Lucien sa unang minuto. Tila binibigyan siya ng oras para makapag-adjust... o baka tinitimbang lang siya. Sa bawat segundo ng katahimikan na lumilipas, pakiramdam ni Megan ay lalo siyang lumiliit.

“Umupo ka,” utos nito.

Maingat siyang lumapit sa isa sa mga silyang nasa harap ng mesa at marahang umupo nang hindi pa rin nagtataas ng paningin. Pilit niyang pinapakalma ang kaba sa kanyang dibdib. Nanginig ang kanyang mga kamay kaya’t pinilit niyang ipatong ang mga ito sa kanyang pajama at pigilan ang panginginig.

“Alam mo ba kung bakit ka narito?” tanong ni Lucien sa malamig at mababang tinig, walang halong emosyon.

Nag taas ng tinginsi Megan ngunit agad ding ibinaba ang paningin nang masalubong ang malamig na titig ng misteryosong señorito.

“Dahil... binili niyo ho ako...”

“Binili kita para sa isang kasunduan.”

Napakunot-noo siya.

“Kasunduan ho?”

“Hindi mo pa kailangang malaman ang tungkol doon. Ang mahalaga lang ay nandito ka na. At kung nais mong manatili, kailangan mong sumunod at patunayan na karapat-dapat ka sa kasunduang iyon.”

“O-oho, Señorito. Gagawin ko ho ang lahat. Maglilinis ako, magluluto, maglalaba, mag-aalaga ng hayop kung meron man. Basta ho… huwag niyo lang akong ibalik sa Inay ko. Kahit ano hong iutos ninyo, susundin ko. Magiging masunurin ho ako. Hindi na ako uulit. Hindi ako tatanggi. Hindi ako aalis. Kahit ano hong gusto ninyo, gagawin ko.”

Napalunok si Megan pagkatapos sabihin iyon. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang tinig ngunit pinilit niyang maging matatag. Ayaw niyang ipakitang mahina siya. Ayaw niyang isipin ng lalaki na wala siyang halaga.

Tinitigan siya ni Lucien. Wala pa ring bakas ng galit o lambing sa mukha nito. Blangko ang tingin nito na parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa, mula sa manipis niyang damit hanggang sa nanginginig niyang laman.

“Bakit ayaw mong bumalik sa nanay mo?” tanong ng lalaki.

“Dahil…” bahagya siyang napatigil, nanginginig ang tinig.

“…kapag hindi ho ako sumusunod sa gusto niya, binubugbog ho niya ako. Wala ho akong halaga sa kanya. Mas mahalaga pa ho sa kanya ang bisyo kaysa sa akin. Pero kahit gano’n, mahal ko pa rin siya. Nanay ko pa rin siya.”

Naluha ang kanyang mga mata, pero hindi siya umiiyak para sa sarili niya. Umiiyak siya para sa isang taong hindi kailanman itinuring siya bilang anak.

“Kung ang pagbenta ho sa akin ang makakapagpasaya sa kanya, kung iyon ang paraan para mapawi ang galit niya… tatanggapin ko. Masakit man, masaya na rin akong kahit papaano, nagamit niya ako sa bagay na gusto niya.”

Natahimik ang buong silid.

Tinitigan siya ni Señor Lucien. Wala pa ring ekspresyon sa mukha nito, ngunit sa likod ng malamig niyang mata, may bahagyang pag daan ng kung anong emosyon sa mga mata niya parang hindi inaasahan ang mga salitang narinig mula sa dalaga. Hindi rin nakalampas sa paningin niya ang namamagang pisngi ni Megan, alam niyang hindi lang iyon dahil sa pag iyak, at ang panginginig ng katawan ng dalaga.

Muling nagsalita si Megan, halos pabulong

“Hindi ko ho siya kinamumuhian. Dahil kung ako ho ang nasa kalagayan niya, baka gano’n din ang maging desisyon ko. Kaya kahit gaano kasakit… pipiliin ko pa rin siyang unawain. Kasi siya lang ho ang meron ako.”

Tumayo si Lucien, mahinahon, at umikot sa mesa hanggang sa makalapit sa kinauupuan ni Megan. Tumigil siya sa harapan nito. Napalunok si Megan. Hindi siya makatingin, at tila mas bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawang paglapit ng lalaki.

Itinaas ni Lucien ang kanyang kamay at marahang itinapat ang dalawang daliri sa baba ng dalaga. Walang pagmamadali. Walang pananakot. Ngunit mabigat ang kilos. Itinaas niya ang mukha ni Megan upang magtama ang kanilang mga mata.

“Naiintindihan ko,” bulong niyang puno ng awtoridad. “Pero dito, hindi mo kailangang magmakaawa.”

Habang tinititigan ang maputlang mukha at mamulang pisngi ng dalaga, ramdam ni Lucien ang init ng katawan nito—may lagnat siya.

Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan iyon. Akala niya ay pandidirihan siya nito, ipapahiya siya,at aapakan ang kaniyang pagkatao, pero hindi. Ang mga mata ni Lucien... bagama’t malamig pa rin, ay may bakas ng pag-unawa.

“Hindi kita binili para maging katulong,” saad ni Lucien, hindi malakas pero tiyak. “At lalong hindi kita binili para saktan.”

Napatigil si Megan. Hindi siya makasagot. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.

“Pero gusto kong makita kung gaano ka katatag. Kung anong klaseng tao ka. Kaya bibigyan kita ng iba’t ibang klase ng trabaho.”

Tahimik si Megan, ngunit hindi na siya nanginginig tulad kanina. May bahagi sa kanya na tila unti-unting lumuluwag.

“Simula ngayon, hindi mo na kailangang magpanggap. Hindi mo kailangang umiyak nang palihim.”

Kaya niya bang hindi magpanggap? Totoo bang ayos lang na ipakita niyang pagod na siya?

“Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Bukas, ibibigay ni Manang Nelda ang iskedyul ng mga gawain mo,” wika ng binata.

Tahimik siyang tumango at tumayo mula sa kinauupuan. Ngunit bago pa siya tuluyang makatayo nang maayos, biglang nagdilim ang kanyang paningin—at bumagsak ang kanyang katawan.

Agad siyang nasalo ni Lucien, kasabay ng pagdulas ng kanyang talukap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   kabanata 9 => Umpisa ng Trabaho.

    Isa siyang tulad ng mga bulaklak sa hallway na lilinisin niya mamaya. Hindi man pinansin sa umpisa, pero may taglay na ganda. At kapag napunasan ang alikabok, masisilayan rin. Dahil minsan, ang mga taong tahimik… ay silang may pinakamatitinding kwento. At ang mga kagaya ni Megan—iyong laging nakayuko, laging nakangiti, laging sumusunod—sila ang pinaka-marupok sa tingin ng iba. Pero sa totoo lang, sila ang may pinakamatibay na likod. Dahil araw-araw, binubuhat nila ang bigat ng hindi pagmamahal. Ngayon, panibagong araw na naman. At kahit walang bumati sa kanya ng “Magandang umaga,” ngumiti pa rin siya. Kasi sa dami ng sakit na dinanas niya, natutunan niyang ang ngiti ay pwedeng maging sandata. At kung ang ngiti niya ang tanging bagay na hindi pa niya nakikitang sinisira ng mundo… ayaw niyang mawala pa iyon. Hindi niya sinayang ang oras. Alam niyang hindi siya narito para magpahinga, kaya’t agad niyang kinuha ang papel na naglalaman ng kanyang schedule at tumuloy sa unang gaw

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 8 => Sa Likod ng Ngiti.

    Sa hindi kalayuan, mula sa ikalawang palapag ng mansyon, tahimik na pinagmamasdan siya ng binata sa gilid ng bintana. Nakasandal ito sa poste ng veranda, hawak-hawak ang baso ng malamig na wine, hindi para uminom, kundi tila ba para may mahawakan lang habang nagmamasid. Hindi ito napansin ni Megan. Abala siya sa marahang pagnguya ng tinapay, tahimik, maingat, parang ayaw lumikha ng kahit anong ingay na puwedeng magpagalit muli sa sinuman. Ang bawat galaw niya ay may takot—hindi hayag, ngunit halatang batid ng isang sanay nang umiwas sa gulo. Ang pagtiklop ng kamay, ang pagyuko ng ulo, ang pag-iwas ng tingin, lahat ay kilos ng isang taong sanay pagsabihan, pero kailanman ay hindi nasanay mahalin. Ang tingin ng binata sa kanya ay malamig, walang emosyon. Ngunit sa likod ng mga matang iyon ay may bahagyang pag-aalinlangan, isang uri ng pagkalito na hindi niya pa kayang pangalanan. "Mahina. Mukhang iiyak lang ‘yan sa unang linggo," bulong ng isa pang binatang nasa tabi ng lalaki, hawak

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 7 => Almusal.

    "Tanggalin mo na ang 'HO' hindi naman ako ganoon ka tanda" Malamig na saad ng binata na sa wakas ay itinuon na ang paningin sa kaniya, naparulala siya sa ganda nito, napaka kinis ng mukha, napaka puti, matangos ang ilong, matulis na panga, at mapupulang labi. "Tapos ka na bang titigan ako?" Malamig na saad nito kaya agad siyang napaiwas ng tingin at napayuko. Nangingilid nanaman ang kaniyang mga luha ngunit pinilit niyang ngumiti sanay na siyang masita ngunit ayaw niya non. "Pasensya na ho-, pasensya na, hindi ko sinasadyang titigan ka, hindi na mauulit." Saad niya habang naka yuko pa rin. "Wag ka nang ngumawa diyan kumain kana." Malamig na saad nito at tumayo. "Manang yung schedule niya ibigay mo na." Marahas na saad niyq sa ginang atsaka mabibigat ang hakbang na umalis ng dining.“Tanggalin mo na ang ‘ho’. Hindi naman ako ganoon katanda,” malamig na saad ng binata, sa wakas ay iniangat na ang paningin at itinapat ito sa kanya.Parang napako si Megan sa kinatatayuan niya. Lahat ng ba

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 6 => Bagong Simula.

    Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ni Megan nang magising. Parang ito na yata ang unang beses sa napakahabang panahon na hindi siya nagising dahil sa masakit na sampal, tadyak at suntok, ngyon ay parang may kakaibang kapayapaan ang bumalot sa kanya parang may humaplos sa kanyang kaluluwa habang siya’y natutulog.Mabilis siyang bumangon. Maayos niyang tiniklop ang kumot, inayos ang mga unan, at pagkatapos ay dumiretso sa banyo upang maligo. Habang ang malamig na tubig ay bumubuhos sa kanyang katawan, dama niya ang unti-unting paghilom ng kanyang mga sugat. Hindi lang mga sugat sa balat kundi pati na rin ang mga lamat sa kanyang damdamin.Paglabas niya mula sa banyo ay dumiretso siya sa walk-in closet. Hindi pa rin siya sanay sa lawak nito, mas malaki pa sa kwartong tinirhan nila ng kanyang ina sa lumang apartment. Habang pumipili ng damit, napatingin siya sa salamin. Doon niya napansing ang mga pasa sa kanyang katawan ay halos wala na. Ang mga galos sa braso ay mapupusyaw na, at ang ku

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 5 => Bangungot.

    Lumipas na ang dalawang araw ngunit wala pa ring malay si Megan. Tila ngayon pa lamang siya nakapagpahinga ng maayos, matapos ang mahabang panahon ng pisikal at emosyonal na pagpapahirap. Sa wakas ay natahimik ang kanyang katawan, ngunit ang katahimikang ito ay nagbabadya rin ng kaba."Hindi pa rin ba siya nagigising?" bungad ni Alyana, ang pinsang buo ni Lucien, habang dahan-dahang pumasok sa silid. Suot pa rin niya ang kanyang uniporme mula sa ospital, dala-dala ang pag-aalalang hindi kayang itago sa kanyang mukha."Hindi pa rin," sagot ni Lucien, hindi inaalis ang tingin kay Megan. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang malamig na kamay ng dalaga. "Ano sa tingin mo ang nangyayari sa kanya? Dapat ko na ba siyang isugod sa ospital?"Hindi sanay si Lucien sa ganitong takot. Sanay siyang magdesisyon, sanay siyang kontrolado ang sitwasyon. Pero ngayon, sa bawat minuto ng katahimikan ni Megan, para siyang sinasakal ng kawalang magawa. Ang dating malakas na babae, na hindi hi

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 4 => Kalinga.

    Mabilis na idinala ni Lucien ang dalaga sa kwarto nito at marahang inilapag sa malambot na kama. Nanginginig ang katawan ni Megan, tila ba kahit ang mga himaymay ng kanyang kaluluwa ay dumaranas ng pagod at sakit. Walang inaksayang oras si Lucien. Kinuha niya agad ang telepono at tumawag sa kaibigang doktor upang ipatingin ang dalaga. Habang naghihintay, nanatili siyang tahimik sa isang sulok ng silid. Mula roon, hindi niya maiwasang titigan ang nakahandusay na katawan ni Megan, mahina, maputla, at tila ginupo ng lahat ng pasakit sa mundo. Pagdating ng doktor ay agad nitong kinuha ang stethoscope sa kaniyang dalang bag at lumapit sa kama. Ngunit sa paglapit nito at sa pagtatangkang tanggalin ang pang-itaas ng dalaga upang masuri nang mabuti, mabilis na lumapit si Lucien at mariing pinigil ang kamay ng doktor. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” singhal niya, ang kanyang mga mata'y naglalagablab sa galit. Napaatras nang bahagya ang doktor ngunit agad ding nagpaliwanag, “Kumalma ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status