Sa hindi kalayuan, mula sa ikalawang palapag ng mansyon, tahimik na pinagmamasdan siya ng binata sa gilid ng bintana. Nakasandal ito sa poste ng veranda, hawak-hawak ang baso ng malamig na wine, hindi para uminom, kundi tila ba para may mahawakan lang habang nagmamasid. Hindi ito napansin ni Megan. Abala siya sa marahang pagnguya ng tinapay, tahimik, maingat, parang ayaw lumikha ng kahit anong ingay na puwedeng magpagalit muli sa sinuman. Ang bawat galaw niya ay may takot—hindi hayag, ngunit halatang batid ng isang sanay nang umiwas sa gulo. Ang pagtiklop ng kamay, ang pagyuko ng ulo, ang pag-iwas ng tingin, lahat ay kilos ng isang taong sanay pagsabihan, pero kailanman ay hindi nasanay mahalin. Ang tingin ng binata sa kanya ay malamig, walang emosyon. Ngunit sa likod ng mga matang iyon ay may bahagyang pag-aalinlangan, isang uri ng pagkalito na hindi niya pa kayang pangalanan. "Mahina. Mukhang iiyak lang ‘yan sa unang linggo," bulong ng isa pang binatang nasa tabi ng lalaki, hawak
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya