Share

Kabanata 4 => Kalinga.

last update Last Updated: 2025-06-15 22:12:04

Mabilis na idinala ni Lucien ang dalaga sa kwarto nito at marahang inilapag sa malambot na kama. Nanginginig ang katawan ni Megan, tila ba kahit ang mga himaymay ng kanyang kaluluwa ay dumaranas ng pagod at sakit.

Walang inaksayang oras si Lucien. Kinuha niya agad ang telepono at tumawag sa kaibigang doktor upang ipatingin ang dalaga. Habang naghihintay, nanatili siyang tahimik sa isang sulok ng silid. Mula roon, hindi niya maiwasang titigan ang nakahandusay na katawan ni Megan, mahina, maputla, at tila ginupo ng lahat ng pasakit sa mundo.

Pagdating ng doktor ay agad nitong kinuha ang stethoscope sa kaniyang dalang bag at lumapit sa kama. Ngunit sa paglapit nito at sa pagtatangkang tanggalin ang pang-itaas ng dalaga upang masuri nang mabuti, mabilis na lumapit si Lucien at mariing pinigil ang kamay ng doktor.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” singhal niya, ang kanyang mga mata'y naglalagablab sa galit.

Napaatras nang bahagya ang doktor ngunit agad ding nagpaliwanag, “Kumalma ka, pare. Kailangan ko lang tignan kung may mga pasa o sugat pa sa katawan niya. Mukhang kaya siya nagkasakit ay dahil sa matinding pagod at posibleng trauma sa katawan. Hindi ito para bastusin siya.”

Muling tiningnan ni Lucien ang dalaga. Kita niya ang basang buhok nito, ang pawis sa noo, ang namamagang pisngi, at ang labis na pamumutla ng balat. Hindi na siya nakasagot. May bahagi sa kaniya ang nanlamig, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa guilt na hindi niya agad nalaman ang pinagdadaanan nito.

Tuluyan nang inalis ng doktor ang pang-itaas na pantulog ni Megan, at bumungad sa kanilang mga mata ang kalunos-lunos na kalagayan ng katawan nito. Maputla ang balat, may pamumula sa ilang bahagi, at may mga maliliit na sugat. Ang iba’y tila hampas ng matigas na bagay—baka sinturon. May ilan ding pasa na nangingitim na, patunay ng ilang araw na pananakit.

Napakuyom ang kamao ni Lucien. “Anong klaseng ina ang may kakayahang magawa ng ganitong kalupitan sa sarili niyang anak?” bulong niya sa sarili, halos hindi na makatiis sa galit.

“Mas malala pa ‘to sa inaakala ko,” seryosong saad ng doktor habang sinusuri ang mga pasa. “Kailangan ko ring tignan ang ibabang bahagi kung may pinsala sa balakang at hita.”

Biglang sumiklab ang galit sa mata ni Lucien. “Hindi maaari!” sigaw niya.

Nagulat ang doktor sa biglang pagtaas ng boses ni Lucien. “Iwanan mo ang mga gamit mo. Ako na ang gagamot sa kanya. Lumayas ka na sa pamamahay ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo!”

“Lucien, kumalma ka,” mariing sagot ng doktor, na ngayo'y pilit nananatiling propesyonal. “Wala akong masamang intensyon. Hindi ko siya ginagalaw para sa kahit anong malisya. Isa akong doktor, marami na akong pasyente, lalaki’t babae, na nakita sa ganitong kalagayan.”

“Wala akong pakialam sa karanasan mo. Lumayas ka na lang. Ngayon na!” mariing sagot ni Lucien, sabay tulak palayo sa kaibigan.

Napabuntong-hininga ang doktor. “Ito na, ito na. Pero sana maisip mo na mas makakabuti sa pasyente kung ang may sapat na kaalaman ang gagamot.” Kinuha nito ang bag at lumabas ng kwarto, iniwang nakasara ang pinto.

Pagkaalis ng doktor ay bumalik si Lucien sa tabi ni Megan. Lumuhod siya sa tabi ng kama, at marahang hinaplos ang noo ng dalaga.

“Megan…” mahina niyang tawag.

Hindi ito tumugon, ngunit ramdam niyang naririnig siya nito. Nakapikit ang mga mata ng dalaga, parang isang batang natutulog matapos ang isang bangungot. Kumuha siya ng malinis na tela at binasa ito ng maligamgam na tubig. Isa-isa niyang pinunasan ang katawan nito, mula sa mukha ng dalaga, dahan-dahan, parang natatakot siyang masaktan ito.

Habang ginagawa iyon ay muli niyang tiningnan ang mga pasa at sugat. Bawat isa ay tila isang marka ng karahasang hindi dapat danasin ng sinuman, lalo na ng isang tulad ni Megan na masyadong mahinhin, masyadong inosente para sa ganitong mundo.

Kumuha siya ng antiseptic mula sa kit ng doktor na naiwan, at marahang tinapalan ang mga maliliit na sugat gamit ang cotton. Nanginginig ang kamay niya, hindi dahil sa takot, kundi sa kaba, na baka lalo niyang masaktan si Megan. Bawat daing at bahagyang kislot ng dalaga ay parang kutsilyong bumabaon sa puso niya. ngayon lang siiya nakaramdam ng ganito.

Sa pag-aalaga niya, hindi niya naiwasang mapalapit lalo. Pinunasan niya ang leeg ng dalaga, ang mga balikat, hanggang sa unti-unti niyang alisin ang natitirang tela upang gamutin din ang mga pasa sa tagiliran nito.

“Megan… Ang Ina molang ba ang gumawa sa’yo nito?” mahina niyang bulong, habang pinapahid ang malamig na cream sa namamagang bahagi ng katawan ng dalaga. “Sana mas maaga pa kitang nakita… sana hindi na tumagal pa ang pag hihirap mo sa lugar na iyon.”

Tahimik. Wala pa ring sagot ang dalaga, ngunit para kay Lucien, sapat na ang presensya niya roon, ang pagiging sandigan ni Megan sa oras na kailangan nito ng kalinga.

Matapos ang halos isang oras na marahang pag-aalaga, tinakpan niya ulit ang katawan ng dalaga ng malinis na kumot at saka naupo sa gilid ng kama. Hindi siya umalis. Hindi siya aalis sa tabi ng dalaga. Kahit magdamag pa siya roon, hindi siya bibitaw. Hindi na niya hahayaang muling masaktan ang babaeng ito.

Hinawakan niya ang malamig na kamay nii Megan, ngunit may bahagyang pintig. Isinandal niya ang ulo sa palad nito at pumikit, habang isang tahimik na panalangin ang sumibol sa kanyang puso

“Patawarin mo ako, Megan. Simula ngayon, hindi ka na masasaktan habang ako’y nandito.”

.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 15 => First Night Together.

    Kakaiba ang dulot ng init ng yakap ni Lucien, na animoy pinoprotektahan siya. Animoy ayaw siya nitong maagaw ng iba, at masaktan. Nakakapanibago. Nakakatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may malalim na dahilan ang yakap na iyon. Hindi ito bastos, hindi mapang-angkin. Sa halip, para itong alon ng damdaming pinilit ikulong ni Lucien sa matagal na panahon at ngayo’y kusa nang bumubulwak. Habang tumatagal ang pagkakayakap nito, lalo lang siyang natutulala. Napasinghap siya nang maramdaman niyang dahan-dahang gumuhit ang mga daliri nito ang kanyang likod, hindi para takutin o paiyakin siya, kundi para aluin. Para bang sinasabi nitong, “Narito lang ako. Salamat, at hinayaan mo akong hagkan ka.” Napalunok si Megan. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga kamay niya. Nasa kandungan lang niya ito, nakatiklop, nanginginig. Gusto niyang itulak ito, o kaya’y tumayo. Pero sa bawat segundo ng paglalapit nila, mas lalo siyang natatali sa kakaibang init na hatid ng bin

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 14 => Kilig?

    Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 13 => Yakap.

    Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 12 => Her Pain.

    hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 11 => Being Bullied.

    Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 10 => Ikalawang araw.

    Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status