Home / Romance / BIDDING FOR HER (She was His to Win) / Kabanata 2 => Bagong may-ari.

Share

Kabanata 2 => Bagong may-ari.

last update Last Updated: 2025-06-09 20:24:58

Tahimik si Megan habang isinasakay siya sa loob ng isang itim at mamahaling sasakyan. Malamig ang aircon, ngunit mas malamig ang katahimikan sa loob. Wari’y hindi mga tao ang mga lalaking nakaitim na nagsilbing escort niya, kundi mga anino lamang ng lalaking nagbigay ng bid para sa kaniya. Nakaupo siya sa malambot na leather seat, habang katabi ang mismong lalaki na bumili sa kaniya.

Nanginginig siya, ngunit hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot. Mabigat ang kanyang dibdib, parang may nakapatong na batong hindi niya kayang alisin. Pero hindi niya magawang lumuha. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman niya, pinilit niyang ngumiti.

'Ayos lang 'to. Ayos lang ako.'

Nakangiting pauli-ulit na bulong niya sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang malawak na bakuran,isang itong gated mansion. Puro marmol ang mga poste. Tahimik ang paligid na tila walang ibang buhay kundi ang hangin.

Bumukas ang pinto at bumaba ang lalaking bumili sa kaniya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang tignan.

“Sumunod ka,” malamig nitong utos.

Agad siyang bumaba, nakayuko, at hindi lumilingon sa paligid. Sinundan niya ang lalaking tila hindi nauubusan ng awtoridad at kasungitan sa bawat pag hakbang.

Pagkapasok nila sa loob ng bahay, tumambad sa kanya ang mga chandelier, mamahaling muwebles, at mga dingding na tila binalot ng ginto. Malayo ito sa barong-barong nilang tahanan na isang bagyo pa'y maaaring nang gumuho.

“Manang Nelda, samahan mo siya sa magiging kwarto niya. Bihisan mo siya. Pagkatapos, ihatid mo siya sa opisina ko,” utos ng lalaki na malamig pa rin ang tono.

“Masusunod po, Señorito Lucien,” sagot ng matanda habang magalang na yumuko. “Kung gano’n po, ihahatid ko na siya ngayon din. Mauna na po kami,” dagdag pa nito.

“Dito po ang daan, Señorita,” saad ni Manang Nelda habang iniunat ang kamay sa isang direksyon. Tumalikod ito’t naglakad, tahimik naman siyang sumunod sa matanda.

Tahimik lang si Megan habang iniisip ang kanyang ina na naiwan nang mag-isa sa kanilang tahanan. May kaalaman siya tungkol sa auction buying, kaya’t alam niyang hindi na siya puwedeng bumalik, hindi hangga’t walang pahintulot mula sa lalaking bumili sa kanya. Masakit isipin na hindi na niya makakasama ang kanyang ina, ngunit kung ang pagbebenta ni Aling Tere sa kaniya ang makapagpapasaya rito, buong puso niyang tatanggapin iyon bilang kanyang kapalaran.

Nagising na lang siya nang bigla siyang bumangga sa likod ni Manang Nelda, na huminto na pala sa paglalakad.

“Narito na po tayo, Señorita. Pasok po kayo upang makapagbihis na rin kayo,” wika ng matanda habang marahang binubuksan ang pinto ng kwarto at pinauna siya sa loob.

Hindi niya mapigilang ilibot ang kanyang paningin. Malawak, malinis, at magara ang kwarto. May malaking flat screen TV, king-size bed, at tatlong pintuan bukod pa sa pintuang kanilang pinasukan.

“Dito po sa unang pinto ang inyong walk-in closet,” sabi ng matanda sabay giya sa kanya sa isa sa mga pintuan. Napanganga siya at parang biglang nawala ang sakit na nararamdaman dahil sa nakita, napakaraming magagarang damit na pambabae.

“Wow...” bulong niya, hindi makapaniwala. Hindi lang mga damit ang naroon kundi pati mamahaling bag, branded na sapatos at sandals, at mga alahas, kumpleto!

“Sigurado ho ba kayong ito ang magiging kwarto ko?” tanong niya,na may halong kaba. Nag-aalangan siyang tumuloy sa loob, baka mamaya ay mapagalitan siya kung may masira man siya sa loob, wala paman dins iyang pera na ibabayad roon kung sakali.

“Opo, Señorita. Sigurado po ako,” sagot ng matanda, may magalang na ngiti sa labi at nakalagay ang mga kamay sa likod.

“Kung gano’n ho, bakit po ang daming gamit dito? May makakasama ho ba ako sa kwartong ito?” usisa pa niya, halatang litong-lito.

“Para sa inyo po ang lahat ng ‘yan. Ipinabili at pinaayos po lahat ni Señorito kanina, bago kayo dumating,” tugon ng matanda saka siya muling inihatid pabalik sa main room at iginiya naman sa isa pang pinto.

Ang banyo.

“Tulungan ko na po kayong maligo upang agad po kayong matapos at makapagbihis,” ani ni Manang Nelda.

“Ah… A-ano… A-ayos lang ho ba talaga sa inyo na samahan ako? Ka-kaya ko naman pong maligo nang mag-isa…” nahihiyang sagot ni Megan, halos hindi makatingin nang diretso sa matanda.

“Opo, Señorita. Ayos lang po. Marahil po ay iyon din ang bilin ng Señorito,” sagot ng matanda, habang nakayuko.

Wala nang nagawa si Megan kundi tanggapin ang tulong ng matanda, kahit pa nahihiya siya.

Tinulungan siya ng matanda na hubarin ang kaniyang suot na manipis na tela, saka siya nito ipinaghandâ ng maligamgam na paligo.

Marahan niyang itinapat ang sarili sa ilalim ng shower. Agad naman siyang hinawakan ng matanda sa braso upang sana'y tulungan siya sa paghihilod, ngunit agad niyang nahatak ang kaniyang braso pabalik at mahinang napadaing nang mahawakan nito ang isa sa kaniyang mga pasa. Sandaling napatigil ang matanda at gulat na napatingin sa kanya, tila kinakabahan.

“Nako, pasensya na kayo, Señorita. Nasaktan ko po yata kayo,” nanginginig na paumanhin ng matanda.

Agad namang umiling si Megan.

“Na-nako… Hi-hindi… Ni-nyo… H-o… Ka-ka-ilang-ang… Hu-humingi… Ng… Ta-tawad… A-ayos… L-ang… Na-ma-man… H-o,” nauutal niyang sagot habang nahihiyang nakayuko, habang unti-unting nalalantad ang mga pasa at pamamaga ng katawan niya, tinangay ng tubig ang koloreteng kumukubli sa mga ito.

“Nako, Señorita, ayos lang po ba talaga kayo? Napakarami niyo pong pasa. At saka ang init niyo rin… Nako, nilalagnat yata kayo, tapos niligo ko pa kayo. Mas mabuting tapusin na natin ito nang mabilis para makapagbihis na kayo,” sabi ng matanda, bakas ang pag-aalala.

Tulad ng sinabi ni Manang Nelda, mabilis at marahan nilang tinapos ang paliligo ni Megan. Isinuot sa kanya ng matanda ang isang puting pares ng long-sleeve na pantulog, malinis, maayos, at masarap sa balat. Naitago nito ang mga namamagang braso, ngunit hindi nito naitago ang pamamaga ng kanyang pisngi, dulot ng pagkakasampal kaninang umaga.

Matapos iyon, inihatid na siya nito sa opisina ng binata. Hindi ito ganoon kalayo mula sa kanyang silid.

Kumatok ng tatlong beses si Manang Nelda bago ikinuyom ang door knob.

“Señorito, narito na po ang Señorita,” magalang nitong pahayag habang nakayuko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 15 => First Night Together.

    Kakaiba ang dulot ng init ng yakap ni Lucien, na animoy pinoprotektahan siya. Animoy ayaw siya nitong maagaw ng iba, at masaktan. Nakakapanibago. Nakakatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may malalim na dahilan ang yakap na iyon. Hindi ito bastos, hindi mapang-angkin. Sa halip, para itong alon ng damdaming pinilit ikulong ni Lucien sa matagal na panahon at ngayo’y kusa nang bumubulwak. Habang tumatagal ang pagkakayakap nito, lalo lang siyang natutulala. Napasinghap siya nang maramdaman niyang dahan-dahang gumuhit ang mga daliri nito ang kanyang likod, hindi para takutin o paiyakin siya, kundi para aluin. Para bang sinasabi nitong, “Narito lang ako. Salamat, at hinayaan mo akong hagkan ka.” Napalunok si Megan. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga kamay niya. Nasa kandungan lang niya ito, nakatiklop, nanginginig. Gusto niyang itulak ito, o kaya’y tumayo. Pero sa bawat segundo ng paglalapit nila, mas lalo siyang natatali sa kakaibang init na hatid ng bin

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 14 => Kilig?

    Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 13 => Yakap.

    Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 12 => Her Pain.

    hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 11 => Being Bullied.

    Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 10 => Ikalawang araw.

    Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status