Share

Chapter 2

C2 

“Where have you been?” bungad agad ng kapatid ko pagpasok ko sa kanyang sasakyan.

“Diyan lang.” matamlay kong sagot sa kanya. Kanina pa kasi ako tumambay sa rooftop nitong building dahil nahihiya ako kanina lalo na kay Isaiah. 

Binuhay naman Ansel ang sasakyan at pinatakbo na ito. Napatingin ako sa labas at nakita ko naman si Isaiah na kasama si Ashley.

“Okay ka lang ba ate?” napatingin naman ako sa aking kapatid dahil ngayon lang siya nagtatanong sa akin.

"Ano na naman bang nakain mo?” kunot noo kong tanong sa kanya. Hindi din kasi ako sanay na ganito ang kapatid ko sa akin. Dahil panay asar lang kasi ang alam niyang gawin sa akin.

“Whoa grave ka naman ate I’m just asking if you’re okay pero yan pa ang sasabihin mo.”

“At kailan kapa nagka-interest sa buhay ko.”

“Ngayon lang naman bakit ba?”

“Alam mo ikaw talagang tatamaan kana sa akin.” asik ko naman sa kanya habang patawa-tawa lang siya sa akin.

“Bakit wala ka pala sa room ninyo kanina?” Napalingon naman ako sa kanya.

“Bakit ka pumunta doon?”

“Ang tagal mo kasi kaya pinuntahan nalang kita pero wala ka naman doon.”

“M-may inutos lang naman sa akin ang prof namin.” pagsisinungaling ko sa kanya ayaw ko kasing malaman niya  na hindi na ako bumalik sa klase pagkatapos akong palabasin kanina.

Mayamaya pa ay huminto na ang sasakyan at doon ko lang napansin na dumating na pala kami sa bahay namin. Agad naman akong lumabas at nagmamadaling pumasok sa loob ayaw ko din kasing magtatanong pa ng husto si Ansel baka malaman pa ni mommy.

Paakyat na sana ako sa hagdan ng makita ko si mommy kasama si tita Lara sa sala kaya lumapit ako sa kanila at hahalik sana kay mommy pero na-alala kung ayaw ni mommy na halikan ko siya kaya tumayo nalang ako sa harapan nila. Pero bigla nalang akong sinampal ni mommy.

“Why did you run away from your class?” galit na sigaw ni mommy sa akin. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman na hindi ako pumasok.

“I-I’m sorry mom,”

“Sorry! We educate you well but what did you do?!”

“Because our prof kicked me out!”

“How dare you to shout me! Wala ka na talagang galang sa akin Charlotte!!” napahawak naman ako sa kabilang pisngi ko na sinampal ulit ni mom. Kahit kasama niya si tita Lara. Ay pinapagalitan niya parin ako kaya mabilis akong tumakbo sa taas at pumasok sa aking room. Dumapa ako sa kama at umiyak kahit saan ako magpunta no one’s love and care to me even my mom. Sometimes I think that they are not my real parents kasi nakikita ko naman sa ibang parents na love nila ang mga anak nila pero sina mommy at daddy si Ansel lang ang mahal nila at hindi nila ako kayang mahalin.

Napatingin naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si dad. 

“Why did you do that to your mom?” tanong ni daddy sa akin habang pinipigilan ang paglakas ng kanyang boses.

“I’m just explaining dad!” mahinang sagot ko kay daddy.

“Explaining to shouting at her!” singhal naman ni dad sa akin. Kaya hindi na ako umimik pa.

“Is there what you were taught in school?”

“ano dad.”

“Fix your habit if you don’t want us to throw you out of here!” Tumango naman ako kay dad habang pinupunasan ang aking luha. Hindi ko naman mapigilang mapahikbi habang nakatingin kay daddy na lumabas sa kwarto.

“Anak naman nila ako pero kaya nila akong palayasin sa bahay na’to bakit ba hindi nila ako mahal ano bang naging kasalanan ko sa kanila.” iyak kong bulong sa sarili.

“Ma’am Charlotte! Pinapatawag ka na po ng mommy mo!” narinig ko namang sabi ni yaya habang kumakatok sa pinto.

“Opo yaya!” sagot ko sa kanya habang inayos ang aking sarili.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba at nagtungo sa kusina. Napahinto naman ako ng makita ko si Isaiah na nakaupo sa mesa katabi ng isang babae at lalaki.

“Oh! That’s your daughter?” tanong naman ng babaeng katabi ni Isaiah siguro mommy niya ito.

“Yes she is.” sagot naman ni mommy habang nakaupo na ako sa tabi ni Ansel.

“Kumusta po!” bati ko sa kanya habang tiningnan si Isaiah na nakatitig din sa akin.

“Hi” bati ko sa kanya at ningitian siya. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Tsk!” sinamaan ko naman ang aking kapatid ng tingin dahil umi-iling siya.

Habang nakikinig ako sa usapan nila dad at ang daddy ni Isaiah ay panay lang ako sa pagtitig sa kanya. Pansin ko din ang pagdilim ng kanyang mukha pero hindi ko ito pinapansin at tumitig pa rin sa kanya.

“Can you stop looking at him ate!” sininghalan ko naman ng tingin ang aking kapatid dahil sa kanyang sinabi.

“Ano ba kasing paki-alam mo!” bulong ko naman sa kanya.

“Ang ganda kaya ng girlfriend niya sa school hindi mo ba alam?”

“Wala akong paki-alam,” bulong ko naman sa kanya.

“Tsk. Ang pangit mo kaya.” Napakunot naman ako sa aking noo dahil sa kanyang sinabi ang sama niya talaga kahit kapatid ko siya sinasabihan niya parin akong pangit.

Napansin ko namang tumayo si Isaiah kaya tumayo nadin ako.

“Saan ka pupunta gusto mo bang makita ang room ko.” sabi ko sa kanya habang nakasunod ako sa kanyang likod.

“And why would I do that?”

“H-ha? K-kasi baka gusto mo lang makita,” utal ko namang sabi sa kanya.

“Tsk. You’re so noisy.”

“Sorry!” umupo naman siya sa upuan na bakal na nakalagay sa labas kaya umupo rin ako sa katabi nitong upoan.

“Did I say to you to sit beside me?” agad naman akong napatayo dahil sa kanyang sinabi.

“Sorry ha,” Nailing naman siya at inilabas ang kanyang phone. At dahil makulit ako unti-unti naman akong umusog at lumapit sa kanya pasimple din akong sumilip para makita ang ginagawa niya sa kanyang phone.

Nakita ko naman na naglalaro lang siya kaya nanunuod lang ako. Kahit hindi ko maintindihan ang kanyang nilalaro kasi wala namang kahit isang laro sa aking phone dahil pinagalitan ako ni mommy. Kapag nakita niyang maglalaro ako sa aking phone.

“Ano yang nilalaro mo?” tanong ko sa kanya habang nanunuod parin sa kanyang nilalaro.

“Can you get away!” agad naman akong napalayo sa kanya dahil sa kanyang pagsigaw sa akin.

“Ate!” Napalingon naman ako kay Ansel ng tawagin niya ako.

“Ano?” sagot ko sa kanya habang papalapit siya sa akin.

“Come I have something to show you.” sinamaan ko naman siya ng tingin habang hinihila na niya ako.

“Saan moba ako dadalhin?” asik ko naman sa kanya dahil nilalayo niya ako kay Isaiah.

“Somewhere far from him.” Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.

“Ano ang pinagsasabi mo?” singhal ko sa kanya dahil ang weird niya ngayon lang siya nangingialam sa akin.

“Ate can you stop, you know he doesn't like you but you still follow  him!” nagulat naman ako sa kanyang pagsigaw.

“Eh, ano naman gusto ko nga siya eh,”

“Are you really stupid ate? Alam mo bang pinagtatawanan ka nila sa school because of your feeling’s for him?” 

“I don’t care wala naman akong ginawang masama.”

“Oo wala pero binu-bully ka na nga ng mga friends niya you still like him!”

“Can you stop shouting? Naririnig naman kita eh,” iyak kong sabi sa kapatid ko. habang pinunasan ko ang aking luha. I know he right pero hindi ko naman talaga mapigilang magkagusto kay Isaiah kahit maging tanga at kata-tatawa na ako panay parin ang pagsunod ko sa kanya. Wala eh, mahal ko talaga siya. Pero alam din pala ito ng kapatid ko ang akala ko wala siyang pakialam sa akin kaya lalo akong napa-iyak lalo na ng yakapin niya ako.

“I just want to see you happy ate, because I love you kasi ate kita,” Niyakap ko naman siya ng mahigpit dahil sa kanyang sinabi ang buong akala ko wala siyang pakialam sa akin at hindi niya din ako mahal tulad nila mommy at daddy pero  mali pala ako kasi mahal ako ng kapatid ko.

“Thank you Ansel mahal na mahal din kita.” sabi ko sa kanya habang yakap parin siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status