Mag-log inHabang nasa ika-anim na buwan ng pagbubuntis, nahuli ni Marikit Valejo ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng kaniyang prenatal checkup. Mabigat ang kaniyang katawan dahil sa pagdadalantao, gusot ang buhok, at hirap siyang alalayan ang lumolobong tiyan habang palihim siyang pinagtatawanan ng mga tao sa ospital. Mas masakit pa rito, tinawag siyang “losyang” ng bata at magandang kabit ng kaniyang asawa—habang walang pakialam na hinayaan iyon ng lalaki. Ngunit bago naging ganoon ang lahat, si Marikit Valejo ang dating pinakamarikit na babae sa kanilang panahon—tulad ng kanyang pangalan. Subalit naniwala si Mikael na ginamit lamang ni Marikit ang kaniyang katawan upang makapasok sa alta sociedad at mapalapit sa pamilyang Altaverde. At dahil doon, malamig nitong inihain ang divorce paper, bago pa man siya makapanganak. Pagkatapos manganak, nilagdaan niya ang mga papeles at tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Marikit bilang isang makapangyarihang negosyante sa industriya ng cosmetics at luxury brands. Mas maganda, mas makapangyarihan, at isa nang business tycoon na may hundred of billions networth. Bukod pa roon, siya na ngayon ang babaeng pinag-aagawan ng mga elite bachelor sa Pilipinas. Habang ang lalaking dating itinapon siya— si Mikael Altaverde hindi pa rin pala tuluyang naka-move on. Dahil kahit matagal na silang hiwalay, hindi pa rin pirmado ni Mikael Alteverde ang annulment papers. At nang mag-file muli si Marikit para tuluyan na siyang makalaya sa kasal na iyon, bigla na lamang naging baliw sa selos ang lalaking minsang tumanggi sa kaniya. “Subukan mong magpakasal sa iba, Marikit…” paos nitong bulong. “at susunugin ko ang buong mundo para pigilan ka.”
view moreANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya.
Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results habang unti-unting namumutla ang mga daliri niya. Sa harap niya, isang matangkad at guwapong lalaki na nakasuot ng mamahaling black overcoat ang maingat na nakayakap sa isang babae. Napakaganda nito. Maliit ang mukha, maputi ang balat, at nakasuot ng puting satin sleeveless dress na lalong nagpalambot sa inosente nitong itsura. Namumula pa ang pisngi nito dahil sa mainit na panahon habang maingat na inaayos ng asawa niyang si Mikael ang buhok ng babae. Napaka-gentle ng ekspresyon nito, napakalayo sa malamig na tinging palaging ibinibigay nito kay Marikit. Nang mga sandaling iyon ay parang biglang nanikip ang dibdib niya. Ang mainit-init na sa simoy ng hangin ay lalo pang nagpasakit sa nararamdaman niya. Ilang sandali pa'y sa wakas ay mapansin ni Mikael ang asawa mula sa di kalayuan. Ngunit walang kahit anong guilt ang makikita sa mukha nito matapos mahuling may kasamang ibang babae. Nanatili itong kalmado habang personal pang binubuksan ang pinto ng Rolls-Royce para sa babae. Napaka-gentleman, napaka-sweet. Parang hindi ito ang parehong lalaking halos hindi siya halos tinitingnan sa loob ng bahay. Mayamaya pa'y napalingon ang babae kay Marikit bago bahagyang kumunot ang noo nito. “Baby, kilala mo ba ’yung losyang na nakatingin dito?” Napatigil si Marikit sa narinig. Parang may matalim na bagay na marahas na bumaon sa dibdib niya. “Losyang.” Hindi man niya narinig nang malinaw, nabasa niya iyon sa galaw ng labi ng babae. Mapait siyang napangiti. Twenty-four years old pa lang siya. Pero sa hitsura niya ngayon, kahit sino sigurong makakita ay iisiping nasa trenta o kwarenta na siya. Malayong malayo sa pangalang niyang “Marikit.” Manas ang katawan niya dahil sa pagbubuntis. Halos hindi na rin mawala ang eyebags sa ilalim ng kaniyang mga mata dahil sa stress at puyat. Nakasuot lamang siya ng simpleng black maternity dress, makapal na longsleeve, at cap na hindi man lang maayos ang pagkakasukbit. Samantalang ang babaeng kasama ni Mikael ay mukhang bagong labas sa luxury magazine shoot. Natural na hindi sila maikukumpara. Tahimik lamang si Mikael habang inaalalayan na pumasok ang babae sa sasakyan. Ni hindi man lang siya nito kinausap, na para bang hangin lang siya. Nanatiling nakatayo si Marikit habang unti-unting umaandar palayo ang sasakyan. Pakiramdam niya, may kung anong dahan-dahang nadudurog sa loob ng dibdib niya ng mga oras na iyon. Pinakasalan siya ni Mikael dahil nabuntis siya. At alam iyon ng buong pamilya Altaverde. Para sa isang lalaking katulad ni Mikael Altaverde na kilala bilang genius businessman at tagapagmana ng Altaverde Corporation, ang kasal nila ay isang malaking mantsa. Mas lalo na ang batang dinadala niya. Isa iyong responsibilidad na ayaw tanggapin ng lalaki. Walong taon niyang minahal si Mikael. Mula pa noong college. Tahimik siyang sumunod sa mga yapak nito habang pilit inaabot ang mundong ginagalawan nito. Nag-aral siya nang mabuti, nagpuyat, at halos ubusin ang sarili para lang maging karapat-dapat sa tabi ng lalaking iyon. Hanggang sa kalaunan, naging executive assistant siya ni Mikael. At sa loob ng maraming taon, naging sentro ng mundo niya ang lalaki. Ngunit isang gabi lang ang sumira sa lahat— ang gabing nabuntis siya. Hindi niya kailanman makakalimutan ang tingin ni Mikael sa kaniya matapos ang gabing iyon. Punong-puno ng disgusto. Na para bang napakarumi niyang babae. Tahimik na tumulo ang luha ni Marikit habang inaalala iyon. Siguro nga, mas bagay kay Mikael ang mga babaeng elegante at magaganda. Hindi katulad niya. Biglang kumirot ang ibabang bahagi ng tiyan niya ng mga oras na iyon. Napahawak siya rito habang mabilis na sumandal sa marmol na poste malapit sa entrance ng ospital. “Ma’am!” Agad siyang inalalayan ng isang nurse na napadaan nang makita siya. “Mukha po kayong nahihilo. Come with me.” Hindi na nakatanggi pa si Marikit nang dalhin siya nito pabalik sa examination room. Thankfully, walang nangyaring masama sa baby. Sumakit lamang ang tiyan niya dahil sa matinding emotional stress. Matapos ang checkup, mag-isa siyang nagmaneho pauwi sa villa ni Mikael sa Ayala Alabang. Tahimik ang buong bahay pagdating niya. Dalawang kasambahay mula sa old residence ng mga Altaverde ang kasalukuyang kumakain sa dining area habang nagkukuwentuhan. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, agad napalingon ang isa sa kanila, ito ang nagsisilbing tagapag-alaga niya. “Kumusta ang checkup?” malamig ang tono nito. Walang respeto. Parang hindi siya ang legal na asawa ng amo nila. Malamig lamang siyang tiningnan ni Marikit bago dumiretso sa hagdan. At dahil sa inasal niya ay nainis naman ang babae. “Kinakausap kita,” sabi pa nito na bakas ang iritable sa tinig. Tagapag-alaga lang niya ito pero kung umasta ay parang ito pa ang boss. Subalit hindi pa rin lumilingon si Marikit at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat. At bago pa siya tuluyang makalayo, narinig pa niya ang sinabi nito na para bang sinasadya na iparinig iyon sa kanya. “Kala mo talaga totoong Mrs. Altaverde. Mukha namang buntis na balyena. Ano bang ipinagmamalaki niya?” Saglit na napapikit si Marikit, pero hindi na siya sumagot pa. Ayaw niya ng stress kaya diretso na lang siyang pumasok sa kuwarto, at dahan-dahan naupo sa gilid ng kama. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya kailanman tinanggap ng pamilya Altaverde, alam niya iyon. Pinakasalan siya ni Mikael dahil iyon ang gusto ng matandang Altaverde noong panahong malubha ang kondisyon nito. Nagkataon ding buntis siya noon kaya naniwala ang pamilya na baka magdala iyon ng swerte sa matanda. At totoong gumaling ang matandang Altaverde matapos ang kasal nila. Doon lamang bahagyang nagbago ang pakikitungo sa kaniya ng matriarch ng pamilya. Pero ang iba? Nanatiling mababa ang tingin sa kaniya. Maya-maya, tumunog ang cellphone ni Marikit. Napabalik siya sa realidad nang makita ang caller ID, si Professor Kent Morales. Agad niya iyong sinagot. “Professor.” “Marikit, may available slot para sa doctoral program sa Stanford. Gusto mo bang kunin?” Natahimik siya nang matagal. Alam ni Professor Morales kung gaano niya kamahal si Mikael at kung gaano siya katagal naghintay para mapansin nito. Kaya marahil hindi rin nito inasahang papayag siya. Ngunit matapos ang mga nangyari ngayong araw ay biglang natauhan si Marikit. “I’ll take it.” Napatahimik sa kabilang linya si Professor Morales bago ito muling nagsalita. “Then report to my office tomorrow at ten in the morning.” “Okay po.” Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga si Marikit. Pakiramdam niya, unti-unti nang luminaw ang isip niya matapos ang mahabang panahon. ‘Hindi ka mamahalin ng lalaking kailanman ay hindi ka pinili.’ ‘Hindi magiging masaya ang batang isinilang mula sa isang relasyong puno ng pagpilit...’ Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili na para bang isang orasyon, hanggang sa isang tawag muli ang nagpabalik sa kanya sa wisyo. Ang tumatawag naman ay ang matriarch ng pamilya Altaverde at pinapapunta siya sa old mansion. Marahil dahil nalaman na nito ang gender ng bata. Isa itong babae. --- MATAPOS maligo at ayusin ang sarili, nagsuot si Marikit ng light pink maternity dress at puting beret. Kahit paano ay nagmukha siyang mas maayos. Pababa na sana siya upang magmaneho nang makatanggap muli siya ng tawag mula kay Mikael. “Come out.” Malamig pa rin ang boses nito at walang mababakas na emosyon kaya bahagyang natigilan si Marikit bago sumagot. “Okay.” Paglabas niya ng villa, nakita niya agad ang itim na Rolls-Royce sa tapat. Ang parehong sasakyang sinakyan ng ibang babae ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Huminga siya nang malalim bago sumakay. Agad bumungad sa kaniya ang sweet scent sa loob ng sasakyan na marahil ay pabango ng babae nito. May pink teddy bear pa sa backseat. At sa pulso ni Mikael, naroon ang pink hair tie ng babae. Tahimik na umiwas ng tingin si Marikit habang kinakabit ang seatbelt kahit pa parang dinudurog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Mabagal na umandar ang sasakyan habang tahimik lamang siyang nakatingin sa labas bintana. Noon, palagi siyang naghahanap ng topic para makausap si Mikael tuwing magkasama sila. Pinipilit niyang mapalapit dito kahit malinaw namang hindi siya gusto ng lalaki. Akala kasi niya, basta maging mabuting asawa at mabuting ina siya, balang araw ay lilingon din ito sa kaniya. Subalit masyado pala siyang naging tanga. Ilang sandali pa'y biglang nagsalita si Mikael. “Ano ang sabi ng doctor?” Hindi siya lumingon nang sumagot. “Babae ang bata.” Tahimik ang lalaki sa loob ng ilang segundo bago malamig na nagsalita. “Magdi-divorce tayo pagkatapos mong manganak.” Parang biglang tumigil ang mundo ni Marikit sa narinig. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan. Masakit pa rin pala, kahit alam na niyang darating ang araw na iyon. Mabagal naman siyang tumango saka sumagot ng, “Okay.” Saglit siyang tiningnan ni Mikael. Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito na para bang hindi nito inaasahang ganoon lang kadali siyang pumayag. May pinaplano kaya si Marikit?SUBALIT wala nang pakialam si Marikit nang mga oras na iyon. Mahigpit niyang inalalayan ang tiyan niya bago diretsong naglakad palabas ng living room.Nang makita naman iyon ni Mikael ay bigla itong huminto. Unti-unting tumalim ang ang mga mata nito habang pinapanood ang asawa, pero katulad ng dato ay hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong pinanonood ang papalayong babae.Paglabas ni Marikit ng villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala siyang suot na jacket at manipis lamang ang tela ng damit niya kaya agad siyang nanginig sa ginaw. Naiwan din sa loob ng kuwarto niya ang cellphone at susi ng sasakyan.Sandali siyang napalingon sa napakalaking villa ng pamilya Altaverde. Unti-unting tinangay ng malamig na hangin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tuluyang naglakad palayo nang hindi na lumilingon pa.Tahimik siyang naglalakad sa ilalim ng mapuputlang ilaw ng exclusive subdivision habang mabagal na hinahaplos ang tiyan
SUMAKAY si Marikit ng taxi pauwi sa villa sa Ayala Alabang. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pagdating sa villa ay wala siyang nadatnang kasambahay sa sala kaya diretsong umakyat siya sa kuwarto.Tahimik niyang inilabas ang isang malaking maleta mula sa cabinet bago nagsimulang mag impake. Mahigit kalahating taon din siyang nanirahan sa villa na iyon. Napakarami niyang gamit. Pero essentials at ilang damit lang muna ang dinala niya. Babalikan na lang niya ang iba kapag tuluyan na silang nag divorce ni Mikael.Tahimik siyang nagtitiklop ng damit nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang nakita si Aling Lydia. Pagkakita sa maleta ni Marikit ay agad kumunot ang noo nito.“Ano ’yang ginagawa mo?” mataray nitong tanong. “Uuwi rito mamaya si Sir Mikael. Saan ka pupunta?”Tahimik lamang na napatingin si Marikit dito.“Maghanda ka na ng dinner para kay Sir,” utos pa nito.Biglang natahimik si Marikit. Uuwi si Mikael? Marahil ay dahil
BIGLANG natigilan si Matthew Lee nang makita ang nangyari. Akala nito ay may nakasalubong lamang na kakilala si James kaya hindi siya lumapit kanina. Ngunit nang makita niyang nakaluhod ang babaeng buntis sa sahig habang namimilipit sa sakit, agad siyang mabilis na humakbang palapit. “Miss, okay ka lang ba?” mahinahon nitong tanong habang inaabot ang kamay sa kaniya. Ngunit bago pa makahawak si Matthew, agad siyang pinigilan ni James. “Hey, Matt. Hayaan mo na ’yan,” malamig nitong saad habang nakataas ang kilay. “Deserve naman niya.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Matthew bago malamig na nilingon si James. Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki at diretsong inalalayan si Marikit para makatayo. “Nasaktan ka ba?” tanong nito. Ngunit sobrang sakit ng pagkakabagsak ni Marikit kaya hindi siya agad nakasagot. Tahimik lamang siyang umiling bago pilit na naglakad papunta sa tumilapong insulated container. Tahimik na napabuntong hininga si Matthew bago nilingon si James.
KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilalagay sa thermal lunch container. “Good morning, anak,” malambing nitong bati nang mapansin siya. Bahagyang ngumiti si Marikit bago marahang umupo sa dining chair. Kagabi pa niya sinabi kina Roberto at Stella na magre-resign na siya sa Altaverde Group at pansamantalang magiging assistant ni Professor Kent Morales sa loob ng isang buwan. Noong una ay tutol silang dalawa. “Buntis ka, Marikit,” paulit ulit na saad ni Stella kagabi. “Kailangan mong magpahinga.” Ngunit nagpumilit si Marikit. “Ayos lang ako,” mahinahon niyang paliwanag noon. “Hindi naman mabigat ’yung trabaho. Mas okay nang busy ako kaysa magkulong lang sa bahay at mag overthink.” At sa huli, wala na ring naisagot si Roberto


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.