Share

Chapter 40

WIWYM C40

CHARLOTTE POV

Lumipas ang ilang buwan at napansin ko ang malaking pagbabago ni Isaiah, ni hindi na nga rin niya ako sinisigawan at sinasaktan. mas nagiging under ko pa nga siya.

Lihim akong napangiti habang nakatingin sa kanya na nagluluto sa kusina. simula rin na naging buntis ako ay nasa bahay nalang siya at nagwo-work from home. marami na rin kaming katulong dahil ayaw niya na mahirapan ako, pero hindi ko naman sila inuutusan dahil siya lagi ang gusto kong gumawa.

“Tapos na ba ‘yan?” Kunot-noo kong tanong habang nilapitan siya.

“Yes Hon, malapit na ‘to.” Kindat niyang wika sa akin kaya napa-iling ako.

“Bakit ba kasi ang bagal mong kumilos?” Inis kong wika habang umupo sa upuan. gutom na kasi ako at gusto ko nang kumain.

“Nagmamadali na nga ako Hon.” Irritable niyang sagot, kaya masama ko siyang tiningnan, kahit nakatalikod siya.

“Isaiah..” Sambit ko sa kanyang pangalan habang nakahawak ako sa aking t’yan. sumakit kasi ito bigla.

“Why?” Nagmamadali siyang lumapit sa akin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status