Share

MISTERYOSANG BABAE

Nagniningning ang mga mata ng bawat nakarinig sa malaking pabuyang nakalaan para sa ikahuhuli ng killer o killers. Lahat ay interesado.

Panay naman ang lagitik ng mga camera mula sa press people na nagpipiyesta sa pag-cover sa maituturing na kontrobersyal na krimen.

Isang malapit kay Capt. Gonzales ang lumapit dito. Si Jake Montalban na radio reporter.

“Sir! Napakalaki ng reward na ibinibigay nila, may lead na ba kayo tungkol sa killer or killers?”

Sinulyapan ng police officer ang pamilya ng mga biktima na pinagkakaguluhan ng ibang miyembo ng media, bago napapailing na sumagot kay Jake.

“Malabo pa, itinuturo ng mga kasambahay, bodyguards at drivers na isang maliit na babae lang ang kasama ng victims, ‘di nila identify ang mukha nito.”

“Kung nakilala nila ang suspect sa party, Sir posibleng may kasama ito na nagdala sa babae at ipinakilala sa kanila? O, planado ang pagpatay sa kanila?”

“Tinitingnan din iyang anggulong may kinalaman sa negosyo ang pagpatay. O, matagal nang kaaway, naagrabyado sa business at pati sa droga.”

“Droga? Bakit, Sir?”

“Lahat naman iyan ay tinitingnan nating anggulo, Alam nating ang ecstacy ay isang illegal synthetic drug, at laganap ang paggamit ng iligal na droga sa bansa.”

“Bakit, Sir? Sa palagay mo ba related sa illegal drugs ang mga kasama ni Mr. Valderama sa bahay niya dahil sila ay foreigners?”

Hindi sumagot ang opisyal. Matatalino ang media, nagagawa nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari. Pero may isa pang palaisipan sa kanila sa krimen.

Pero hindi pa nila ito puwedeng sabihin sa press people para hindi mapreempt ang kanilang pag-iimbestiga. Lalo na’t hindi pa talaga talaga nila matukoy ang suspect.

Patuloy din ang imbestigasyon sa mga katulong, bodyguards at sa mismong lugar kung saan nakilala at nakuha ng mga negosyante ang ‘suspect.’

“Yes po, kami ang event organizer ng masquerade ball. Pero ang participants na a-attend ay naka-costume, suot ang mask!”

“Less formal ‘costume parties’ po ito, isang taunang celebration ng aming samahan.  Ang nighttime events na ito ay para sa entertainment and celebrations lang po.”

“Actually po, si Mr. Balderama lang member ng club, invited niya ang kanyang mga kasamahan. Ang girl na na-meet nila wala sa aming listahan!”

“Paano’ng nangyaring ang babaeng ito, wala sa inyong imbitasyon?”

Ipinapakita ni Major Gonsales ang nahagip sa CCTV camera sa gusali kung saan ginanap ang event. Hindi nakunan nang paharap ang babae.

Wala ring matukoy ang mga organizer. 

“’Di po namin ma-sure, Sir kung kasama iyan ng iba naming guests. Sa dami ng dumating, nataranta na kami, ‘di namin makakabisado ang hitsura ng bawat isa.”

Sinang-ayunan din ang kanilang sinabi ng ibang naroroon sa event.

“Opo, Sir. Halos magkakapareho ang costumes. Iyan, hmmm…balingkinitan, at may buntot na cat-like…’di namin napansin, Sir.”

“At sure na hindi siya bigtime na panauhin sa group. Dahil ang mayayamang members ay nasa VIP room!”

Sa pag-iimbestiga naman sa mga bodyguard at drivers, tiniyak nilang ganoon ang kasuotan ng babaeng dinala ng kanilang mga amo sa bahay.

“Iyan nga iyan, Ser! Iyan ang suot at katawan niya, sexy! Nasa limang talampakan lang, maputi. Kahit naka-maskara, maliit ang kanyang mukha.”

“Hindi niya tinatanggal ang mascara niya kahit nasa mansyon na siya, Ser! Saka pasulyap lang namin tingnan, sa kotse ni Boss Balderama siya sumakay!”

Sa pahayag naman ng mga katulong…

“Wala po kaming narinig, Ser. Abala po kasi kami sa kusina, at malayo iyon sa silid ni Mr. Balderama. Pero itong si Berto, sinabi niyang parang nakarinig siya ng ingay!”

“Pero hindi ko rin matiyak na baril nga ‘yun, Ser! Soundproof ang kuwarto ni Ser Balderama. Ayaw niya kasi ng maingay!”

Nagduda agad ang chief investigator sa sinabi ng security guard, “Soundproof? Dahil ba sa loob may ginagawa silang kalokohan? Ang amo ninyo ay isang sex maniac!”

Nagitla ang mga katulong sa narinig.

“Hindi ba ninyo alam na may lihim na basement sa likod ng aparador sa kuwarto ng amo ninyo? Posibleng doon niya dinadala ang kanyang mga babae!”

Nagsalubong ang kanilang mga tingin. Hindi nga kaila sa kanila na iba’t ibang babae ang dinadala roon ng kanilang amo simula nang mahiwalay ito sa legal wife. Pero wala silang komento tungkol sa tinutukoy ng imbestigador.

“H-Hindi po namin alam ang tungkol doon, Ser. Alam lang namin, iba-iba ang girlfriend niya kasi nasa Amerika ang asawa at mga anak niya.Hiwalay po siya sa asawa.”

“Pero may matagal-tagal siyang naka-live in, Ser. Si Mam Tracy. Pero naghiwalay din sila, nakakarinig kami ng pagtatalo nila pero ayaw naman naming makialam.” 

“Ano ang madalas nilang pinag-aawayan?”

Nagkakatinginan ang mga katulong, ayaw nilang makisangkot sa krimen. Pero sa pagkamatay ng kanilang amo, tiyak nilang wala na rin silang trabaho.

“Hindi kami sigurado, Ser. Pero madalas may mga pasa si Mam Tracy sa braso. Minsan pa nga may black eye pa!”

Lahat ng sinasabi ng mga tauhan ng business magnate ay isinusulat ng imbestigador. Mahalaga sa kanya ang mga detalyeng sinasabi ng mga ito.

“Ipatatawag ko kayo sa istasyon para sa inyong statement.”

Nang makabalik sa kanyang opisina si Major Gonsales, lalong naging palaisipan sa kanya ang mga rebelasyon ng mga tauhan ng business magnate.

Titig na titig ito sa tanging larawang kuha mula sa CCTV sa club, at sa ilang bahagi ng bahay. Ang malabong kuha sa mukha ng babae.

“Marunong ang babaeng ito. Hindi siya nagtataas ng mukha,laging nakatungo at parang ‘di makabasag-pinggan kung kumilos.’

Malaking palaisipan sa kanya ang suspect. Hindi ito karaniwang bayarang babae. Hindi magaslaw kumilos at tila pinipilit pa ng mga biktima sa kuhang mga video.

“Malayong-malayo sa mga babae sa bar o club! Pero ang pagpatay niya, kayang gawin lang ng isang… bihasang killer!”

Inilabas niya ang mga larawang kuha ng kanilang photographer, mga ebidensya simula sa malaking silid ng negosyante hanggang sa basement.

“Sex toys, kadena, BDSM bed…hindi ordinaryong mga tao ang nagsasagawa nito. Si Mr. Balderama, isang business tycoon, isang sadista!”

Alam niya, sa BDSM subculture, ang pang-aalipin ay may pagpayag.  Iginagapos, pinipigilan ang partner para sa erotic, aesthetic, or somatosensory stimulation. 

Sa natuklasang mga kagamitan sa basement, nakatagpo sila ng lubid, posas,  bondage tape, self-adhering bandage. Tiyak niyang tinangkang puwersahin ang suspect.

Nanlalaki ang mga mata ng chief investigator. “Malakas ang kutob kong hindi ordinaryong kaso ng pagpatay ito!”

Maghapong pinag-aaralan ni Major Gonsales ang maituturing na pinakamalaking krimen sa distritong iyon sa pagtatapos ng taon.

Nang… “Kriiiiiing! Kriiiiiiing!”

“Hello? O, P03 Mendez? Ano’ng resulta sa forensic exam?”

“Positive, Sir! May DNA evidence na nakuha sa scene. Pubic hairs, semen sa katawan ng victims, katunayan na may sexual intercourse na nangyari!”

Napatango si Maj. Gonsales. Sa magulong silid hinuha pa niyang pinagpasa-pasahan gamitin ang babaeng nakuha sa Masqurade party.

“Saka, Sir ‘yung Japanese national, nakunan ng traces ng ebaks ang ari niya. Mukhang ginamit pa sa puwit ang pinik ap na babae!”

Napaangat ng ulo ang chief investigator. Lalong lumalakas ang hinala niya sa madugong krimen. “Si Mr. Balderama, ang nakuha sa basement?”

“May mga kalmot din siya sa braso. Patunay na nanlaban ang babae, Sir! Pero walang semilyang nakuha sa katawan niya, posibleng ‘di pa niya nagalaw ang babae.” 

Nanlalaki ang mga mata ni Maj. Gonsales. “Tama ang palagay ko, may sexual assault na nangyari, at base na rin sa mga ebidensyang iyan!”

“Nangangahulugan, Sir na pinilit lang nila ang babae, hindi talaga pokpok! Or kundi man, nasaktan ang babae sa ginagawa nila, hindi nagustuhan.”

“Posible! Pero ang nakakapagtaka rito, professional killer lang ang makakagawa ng gayon klaseng pagpatay at imposibleng sa isang mahinhing babaeng iyon!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status