Share

ANG LIHIM NI ZALDY

“Tatlong daang libo, Aling Teysi?  Saan kayo kukuha ng ganun?” Si Pikoy na gulat na gulat sa kanyang narinig.

Nakikita ni Ka Ambo sa mukha ng mag-ina ang labis na pamomoblema lalo kay Aling Teysi. Nakaupo ang matandang babae sa harap nila na sapo ang ulo.

“Ah, uhurm…‘wag mo maliitin si Teysi, Pikoy. Malamang nakaipon na ito sa dami ng negosyo. Pero malaki nga iyon, kung di naman malubha ang anak ni hepe…”

“Parang sasabog ang ulo ko… Nena, igawa mo nga muna ako ng kape! Binigyan ako ng matinding kunsumisyon nitong anak ko!”

“Pero ano na nga bang nangyari sa anak ni hepe?”

“Ayun nasa hospital! Ewan ko kung ano na ang nangyari run! Sukat ba namang ipabugbog nitong anak ko! Sa dami ng gugulpihin, anak pa ni Col.Zamora!”

Agad pumiksi si Cindy, na ang mga mata animo’y zombie dahil sa humulas na eye liner nito. Gulo ang buhok, bagsak ang balikat. Halata ring nakainom ito ng alak dahil amoy tsiko pa.

“Mommy naman…sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status