Share

BOSS MAID ME CRY Chapter 3

Si Scott ay isang Ceo sa kanilang kumpanya sa Maynila. Isa sila sa mayaman sa bansa, may mga negosyo sa iba't ibang lugar. Kilala ang kanilang pamilya "Pamilya Hernandez", maging sa karatig bansa ng Pilipinas ay kilala sila dahil sa mga karangalan na binigay ni Scott sa pamilya nito at maging sa mga naging eskwelahan niya. Sa kanila ang Samsung Philippines kaya naman kilalang kilala siya ng mga artista, maging ng mga endorsers at mga sikat na model. 

Abala ang araw ni Scott, pagod ito sa trabaho matapos siyang umattend ng limang meeting sa isang araw. Nakipag meet din siya sa magiging model ng bagong unit na i-launch nila ngayon taon. Mapili siya sa mga nagiging modelo ng kanilang produkto. Ayaw ng basta bastang modelo lang. Pihikan sa gamit pihikan din sa tao. 

Tok! Tok! 

"Sir, mauuna na po ako" sabi ng secretary ni Scott

"Oh, yes go ahead. I will finish this work, then will go home na din" sagot ni Scott

Walang sinasayang na araw, walang sinasayang na oras. 

Matapos nga ang trabaho ay diretso na sa bahay si Scott. Pag dating sa bahay nag pahinga lang siya ng kaunting oras sa kwarto. At tinawag na siyang bumaba para mag dinner.

Tok! Tok! 

"Sir, kakain na daw po" ani Mj

Pagka tawag ni Mj ay kasunod na rin niya si Scott. Dumulog sa hapag kainan at nag hapunan. Kumpleto ang pamilya na sabay sabay kumain. Habang ang mga kasambahay ay nag hihintay sa gilid na matapos ang mga amo nila, at naghihintay ng ipag uutos.

Paalis na sa dining si Scott.

"Oh I almost forgot, Mj can you please bring me a glass of water before you go to bed?" 

"Opo sir" sagot ni Mj 

Pagkatapos kumain ay umalis na ang mga amo nila at nag asikaso na sila ng pag liligpit ng mga pinag kainan. Tinulungan ni Mj si Aling Loring, siya na ang nag hugas ngmga plato. At matapos niya gawin ang lahat sa kusina ay nag asikaso na ito para sa pag tulog. Bago siya humiga ay umkayat ito sa kwarto ni Scott para ibigay ang bilin ng amo niya.

Tok! Tok! "Sir", bigkas ni Mj

Nilapag nito ang isang baso ng tubig sa table malapit sa bed ni Scott. Si Scott naman ay nagbabasa ng libro, naka gawian na niya ito bago matulog. 

"Mj, you're from the province right?" tanong ni Scott.

"Yes sir" sagot niya

"Sino naiwan sa mga kapatid mo na nag-aalaga?" tanong pa niya

"Si Tita Loring po kapatid ni Mama" sagot ni Mj

"I heard wala na ang parents mo, so ikaw na ang nag wo-work para sa pamilya mo?" 

"Opo sir" sagot naman niya

"What course are you taking?" tanong ni Scott

"Graduating na po ako ngayong pasukan, Nursing po" malumanay na sagot ni Mj

"Oh I see" ani Scott

"Ok paki iwan mo na lang yan sa table, then you can go thank you" sabi ni Scott

Tumango lamang si mj at umalis na. 

"Mukha naman palang mabait si Sir" isip ni Mj habang pababa ng sa quarter nya. 

"Siguro sa una lang talaga masungit siya dahil hindi ko pa kilala" 

Samantala dumiretso na nga ito sa kanyang silid at nag pahinga. Hindi naman siya nabibigatan sa trabaho niya ngayon dahil si Scott lang ang pinag sisilbihan niya. Mayroon naman ibang katulong para kina Madame Maia at Sir Rodrigo kaya hindi siya gaano mahihirapan. 

Nag hanada na nga siya para matulog dahil kailangan niya gumising ng maaga para hindi siya ma-late ulit at mapagalitan. 

Mahimbing na nag tulog ni Mj, sa gitna ng kanyang pag tulog ay nanaginip siya. 

Nasa panaginip niya ang kanyang mga magulang. 

Umuungol ito at umiiyak, mukhang masama ang laman ng panaginip nito. 

"Mama, papa" banggit nito 

"Bakit niyo kami iniwan" umiiyak siya habang nag sasalita 

Makalipas ang gabing iyon ay bumangon nga ng maaga si Mj. Subalit nasa isip niya ang panaginip niya. 

"Bakit kaya nagpapakita sila mama sa panaginip ko" tanong sa isip niya

"Mukhang hindi din sila masaya sa pag kawala nila" 

Naiintindihan naman ni Mj ang nangyari sa kanyang mga magulang ay isang aksidenta. Ngunit hindi niya alam ang buong pangyayari dahil nasa paaralan ito, tama kasi na may pasok sila ng mga kapatid niya. Aksidente na kinagulat ng marami. Maging ng buong baryo nila. 

"Kawawa naman sila Mj, maagang iniwan ng mga magulang" bigkas ng mga tiga baryo.

Yan na lang ang katagang naririnig niya sa lamay nuon ng kanyang mga magulang, subalit ni minsan hindi siya nag tanong kung anong dahilan. Marami ang rin ang nakiramay noon. At laking pasasalamat niya dahil marami ang nakiramay sa kanyang pamilya. 

Simula nga noon ay siya na ang nag trabaho para sa pamilya. Hindi siya maka hingi ng pera sa mga kapatid ng magulang niya dahil alam niya na sapat lang din ang kinikita nila para sa kanilang pamilya. Pero mayroon siyang isang tito na may pera, ang kapatid ng kanyang ina. Subalit hindi siya lumalapit dito dahil iba ang ugali. Natatandaan nga niya, kung gaano maliitin ng kanyang Tito noon ang kanyang ina nang lumapit ito ng tulong para mag hingi ng pang pagamot ni Jepoy noong nagkaroon ng sakit ito at dalhin sa hospital. Nandoon siya sapagkat kasama siya ng ina dahil kasama siya papunta ng hopsital para maghatid ng gamit sa kapatid at sa Papa na bantay doon. 

Parang hindi niya ito kapatid, hindi na laang magbigay kung mag bibigay ng tulong. Kung ayaw ade huway. Hindi yung marami pang sinasabe. 

Kaya iyan ang tumatak sa isip ni Mj, mahirap ang lumapit sa ibang tao lalo pag mga kamag-anak mo pa ang pilit na nag dadala sa iyo pababa. Mas mabuti pa nga ang ibang tao. Kaya pinilit niya mag trabaho para makatapos siya sa pag-aaral. At mapag tapos niya ng pag-aaral ang mga kapatid niya. Kahit wala na ang mga magulang niya ay maging proud ito sa kanya na hindi siya umasa sa ibang tao. Mag trabaho para mabuhay. Gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Yang ang panuntuanan niya sa buhay. Na pinamulat ng magulang niya ang "maging mabuting tao". 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status