MJ grew up in a poor family, no matter how hard life was. She pushes to finish her study. She decided to have a part-time job, and even do her classmate's project. Janna is her friend who helps her to work in a CEO's house where the sufferings begin.
View MoreNasa 3rd Year College noon si Mj sa kursong Business Management ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Mag kasabay na nawala ang magulang, kaya naman hirap siya itaguyod ang pamilya. Isang taon na lang at makakatapos na siya. Meron siyang dalawang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at Highschool. Siya na ang tumatayong bread winner ng pamilya. Nag-aaral siya habang nag ta-trabaho sa isang karinderya sa malapit lang sa Baranggay nila. Hirap man sa buhay ay sinisikap niya dahil siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid.
Si Nicole ang sumunod sa kanya na matatapos na sa high school. At si Jepoy naman malapit na rin tumungtong ng high school. Kaya doble kayod ito para mapag tapos lang ang mga kapatid niya. Dahil nga sa hirap ng buhay at liit ng sweldo na natatanggap niya sa pag titinda. Nag pasya si Mj pumunta ng Siyudad para duon mag trabaho, bakasyon noon at walang pasok. Sinabi kase ng kaibigan niyang si Janna nag hahanap ng kasambahay ang amo ng kanyang nanay. Tiga asikaso naman sa kusina ang ina ni Janna sa bahay na papasukan niya.
"Friend, wag ka mag papagutom dun ha" banggit ni Janna
"Nandun naman si Nanay makakasama mo lagi, para may maka usap usap ka kung nalulungkot ka" dagdag panito
"Oo naman, kailangan ko yun gawin para sa mga kapatid ko" sagot ni Mj sabay yakap nito sa kaibigan.
Samantala binilin ni Mj ang mga kapatid sa kanyang tita Lita. Nahihirapan man umalis ay kailangan gawin para masuportahan ang pag-aaral at pangangailangan nilang mag kakapatid. Titiisin niya ang lahat para lamang mapunan ang lahat ng pangangailangan ng mga ito dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid.
"Tita ikaw na muna po bahala sa mga kapatid ko, magpapa dala po ako ng pera tuwing sahod ko at tatawag na din po ako tuwing day off ko" ani Mj
"Eh ikaw ba balak mo pa tapusin ang pag-aaral mo? Isang taon na lang tapos ka na Mj. Bakit hindi mo na lang hintayin makatapos ka bago ka lumayo sa mga kapatid mo?" bigkas ng tita Lita nito
"Kulang na po kase ang sweldo ko sa pagiging tindera para sa pangangailangan ng mga kapatid ko malapit na din mag College si Nicole si Jepoy naman malapit na rin mag high school" sagot ni Mj
"Tapos ako pa graduating na po, konting tiis na lang naman po makakaraos na din ako sa pag-aaral ko, makakapag hanap na rin ako ng trabaho na gusto ko" dagdag pa nito
"Oh siya sige, basta mag-iingat ka dun ha, wag ka gagala gala dun baka maligaw ka" ani tita Lita
"Hindi po tita, sa bahay lang po ako" sagot nito.
"Ate mag-ingat ka dun ha, wag mo kalilimutan tumawag lagi" ani Jepoy, ang bunsong kapatid nito, sabay yakap sa kanyang ate.
May bahay naman sila Mj, yun lang ang naiwan ng mga magulang niya sa kanila. Mabuti na lang at hindi sila nangungupahan pa dahil isa pa rin yun sa iisipin niya kapag nagka taon.
"Uuwi naman ako kapag may mahabang bakasyon at papayagan ako ng magiging amo ko" bigkas ni Mj sa kapatid.
"Oh ikaw Nicole, wag mo pababayaan si Jepoy ha! kapag may assignment siya tutulungan mo ang akapatid mo. Huwag mo din hahayaan lumalim ang gabi na hindi pa siya nakakauwi"
"Oo ate" sagot ang ni Nicole
Naka alis nga papuntang Siyudad si Mj. Mga walong oras din ang binyahe nila bago nakarating. Dahil ngayon lang ito naka labas ng probinsya, manghang mangha ito sa matataas na building na nakikita nito.
"Ganda po talaga dito sa Maynila ano tita Loring" manghang sabi ni Mj
"Oo, magaganda talaga ang mga building dito lalo na kapag gabi" ani Aling Loring
Pagdating nila ay sinalubong sila ni Mang Vien, ang driver ng pamilya. Pinakilala ni Aling Lita si Mj kay Mang Vien.
"Manong Vien, si Mj po ang magiging yaya ni Sir Scott" pagpapakilala ni Aling Lita.
"Magandang araw Mj, halika at ipakilala kita kina Madame at Sir sa hardin" bigkas ni Mang Vien
Namangha si Mj sa laki ng bahay ng amo niya. Noon lang siya naka kita ng halos kasinlaki ng bahay nila ang kusina dito.
Pag dating sa hardin, namamahinga at nagkakape ang mag asawang si Sir Rodrigo at Madame Maia.
"Mukhang istrikto naman sila" sa isip niya
"Maganda araw po Sir Rodrigo at Madame Maia, siya po pala si Mj magiging Yaya ni Sir Scott" pag papakilala ni Mang Vien
Tumingin si Madame Maia mula ulo hanggang paa "mapag kakatiwalaan ba yang nahanap ni Loring?" istriktang tanong nito
"Ano ka ba naman Maia, di ka na nahiya sa sinasabi mo kararating lang ng tao ganyan agad sinasabi mo" sabi ni Rodrigo
"Maganda araw po, ako nga po pala si Mj, kaibigan ko po ang anak ni Aling Loring na siyang nagpasok sa akin dito" pag galang ng dalaga.
"Magandang araw din naman Hija" sagot ni Don Rodrigo
"Oh sige na Mang Vien dalhin mo na siya sa magigign kwarto niya, ipaliwanag mo na din kung ano ang trabaho niya dito" ani Rodrigo
"Sige po Sir" sagot ni Mang Vien
"Ano ba naman tong matandang to napaka sungit, ganito ba talaga pag mayayaman?" tanong sa isip ni Mj.
Matapos ipakita ni Mang Vien ang magiging quarter ni Mj pinag pahinga na muna niya ito.
"Oh Mj, mag pahinga ka na muna bukas ka na daw mag sisimula" sabe ni Mang Vien
Pagkatapos ipakilala ni Mang Vien si Mj sa mag-asawang Rodrigo at Maia ay hinatid na nga niya ito sa kanyang magiging quarter. Pinagpahinga niya na muna ito dahil bukas pa naman ang simula ng kanyang trabaho. Matapos mai paliwanag ni Mang Vien ang lahat ay umalis na ito at hinayaan na niya muna si Mj mag pahinga. Ngunit hindi pa nito napakilala kay Mj ang magiging amo niya, si Scott. Si Scott ay bunsong anak nina Rodrigo at Maia. Nakapag tapos sa abroad, matalino. Kaya naman ito ang nag papatakbo ng kanilang negosyo sa Maynila. At si Sunny ang kaniyang ate, tatlong taon ang agwat ng dalawa. Nakapag tapos din sa abroad, ngunit iba ang ugali nila. Si Sunny naman ang nagpapa takbo ng negosyo nila sa mga probinsya. Sa hindi pag papakilala ni Mang Vien at Aling Loring kay Mj malamang ang magiging impression nito Scott ay masungit. Dahil seryoso ito sa buhay, sa trabaho lang ang oras niya. Walang sinasayang na oras, malinis. Ayaw nito ang burara sa mga gamit lalo na sa kwarto at opisina niya. Ayaw niya ang maalikabok na mesa, maging ang sahig na may pakalat kalat. Naka organize ang gamit nito mula sa table hanggang sa mga shelve nito.
Sa pangyayaring ito ay badshot na si Mj kay Mica. Pag-alis ni Mica sa silid ni Scott dumiretso ito sa hardin kung saan laging naroon sina Madame Maia at Don Rodrigo. Lagi nandito ang mag-asawa upang mag pahangin. Pag tungo ni Mica doon ay natagpuan nga niya ang mag-asawa. Nag-i spray ng halaman niyang Variagate Monstera Deliciosa si Madame habang si Don Rodrigo naman ay nagbabasa ng magazine. "Tita can we talk?" anito sa matanda Ngumiti lang naman ang matanda at lumapit ang dalaga sa kanya. Isinalaysay nito ang nakita nadatnan nito sa kuwarto ni Scott. Anito nagkaka mabutihan na ang dalawa dahil kay Mj. Si Mj ang pilit lumalapit sa binata. Hindi naman maiwasan sa mukha ng matanda ang mainis kay Mj. Ngunit si Don Rodrigo naman ay walang pakialam sa dalawang nag-uusap. Matapos mag-usap ang dalawa ay umalis na ang dalaga. "Wag ka nang mag-alala Hija ako na ang bahala" ani Madame sa papaalis na dalaga. Ngumiti naman ang dalaga habang ito ay humahakbang papalayo sa kinaroroonan
Maaga gumayak si Mj para mag linis sa kuwarto ni Scott. Ngunit late na sila naka tulog kagabi kaya nagdadalawang isip ito na baka tulog pa ang binata. Pag katok nito sa pintuan. Tok! Tok! Tok! Walang sumasagot. Dinikit nito ang tenga sa pinto at pinakinggan kung may maririning na ingay mula sa loob. Ngunit wala siyang madinig. Pag labas naman ni Madame Maia ng kuwarto nakita niya si Mj sa pinto. "Anong ginagawa mo diyan?" anito "A-ah eh, iniisip ko po kasi baka tulog pa si Sir Scott sa loob kaya nahihiya ako pumasok bigla. Wala kase sumagot sa pag knock ko" pag dadahilan ni Mj "Wala na siya diyan maaga siya lumalabas pag walang pasok para mag jogging" ani Madame na may halong pag susungit Tumango lang naman si Mj kay Madame bilang pag galang dito saka tumalikod ito ng makitang lumakad na papalayo ang amo sa kinaroroonan niya. Binuksan na niya ang kuwarto saka siya pumasok hila-hila ang vacuum cleaner at dalang pamunas. Wala nga ang kanyang boss dito. Hinawi niya ang kurtina upa
Dali daling pumasok si Mj sa silid dahil ilang minuto na itong late, nag sisimula na ang klase. "Bakit ba naman kase ganito kahirap sumakay sa Maynila ang aga aga kong pumasok tapos na late pa rin ako dahil sa traffic" pagsisisi ni Mj sa traffic dahil nahuli ito ng limang minuto. Hindi nya tuloy naumpisahan ang klase. Ilang buwan na ring ganito ang problema ni Mj sa pag pasok. Kahit maaga na siyang umalis mula sa opisina nahuhuli pa rin siya dumating sa eskwela. "Oy Mj bukas kailangan natin gawin ang thesis makakapunta ka ba?" tanong ni Bryan ang bading nitong kaibigan sa eskwela "Pwede bang sabado na lang, may pasok kase ako Monday hanggang Friday, kahit ako na lang ang gagawa ng kailangan gawin" pag dadahilan ni Mj na parang nagmamakaawa ang mata nito. "Ay yon naman pala eh" sabay napa palakpak ang kaibigan sa narinig na ito mula kay Mj Tuwang tuwa sila dahil hindi na sila mahihirapan mag isip pa, si Mj na ang bahala gumawa ng lahat. Gaya ng dati siya din ang gumagawa ng home w
Maaga noon gumayak si Mj. Dumaan saglit sa kusina para kumustahin si Aling Loring. Hindi na sila madalas makapag kwentuhan dahil busy na siya sa kanyang trabaho madalas maaga siya umalis para pumasok, paguwi naman sa gabi tulog na ang matanda pagdating niya. Kaya sinadya niya ito para makumusta. Sakto nandoon na si Aling Loring sa kusina ginagayak ang pagkain para pang agahan ng pamilya. "Wah!" gulat ni Mj kay Aling Loring "Ay ano ka bang bata ka!" parang tumalon ang puso ni ALing Loring ng bahagya sa ginaa ni Mj Napatawa ng malakas ang dalaga sabay yakap kay Aling Loring. Namiss niya ang tinuturing niyang ina sa mansion. Ang tagal din nila hindi nagkita. Kaya naman ang yakap nito ay parang niyayakap ang kanyang ina. "Naku ang batang ito napaka pasaway" habang ginugulo naman ang buhok ni Mj Samantala nakita naman ni Scott ang ginawang ito ni Mj kay Aling Loring, papasok sana siya sa kusina upang mag agahan ng makita niya dito si Mj na wari'y nag lalambing sa kanyang Ina si Al
Hindi makatulog si Scott, naalala niya ang maamong mukha ni Mj at ang amoy ng hininga nito na tila naaadik siya. Hindi maaari ito, kontra ng isip niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Nais na niyang matulog ngunit hindi siya makatulog pilit sumisiksik sa isip niya ang mga pangyayari simula ng may naramdaman siyang kakaiba mula kay Mj. Samantala nag play naman si Scott ng deep pusic sleep upang dalawin siya ng antok. Subalit mukhang hindi pa rin effecive sa kanya ito. Umaga na gising pa rin siya. Kaya naman gumayak na lang ito at pumasok na sa opisina. Kahit na masakit ang ulo ni Mj dahil sa nangyaring celebration kagabi ay maaga pa rin gumising ito at pumasok ng opisina. At nag tungo ng cafeteria para mag agahan. Habang nag iisa siya sa table dumating naman ang mga kasama niya sa opisina at sinamahan ito sa pagkaen. Masayang nag kukwentuhan ang mga ito hanggang dumating si Scott para mag coffee. Tumahimik naman sila ng makita ito. Napatingin naman si Mj at inalam ku
Hindi makatulog si Mj dahil sa nangyari, sobrang kaba ng dibdib niya. Hindi ito maaaring mangyari na magka gusto siya sa kanyang boss. May iba itong gusto, isa pa malaking malaki ang pagkakaiba nila. Parang langit at lupa silang dalawa. Kaya mas minabuti ni Mj na wag pansinin ang nararamdaman niya. Dahil makakasama lang ito sa kanya kung seseryosohin niya. Kinaumagahan matapos ang pangyayari kagabe. Si Scott ay patungo sa kusina upang mag-agahan bago pumasok samantalang si Mj ay maagang umalis papuntang opisina. Gaya ng dati ayaw ni Mj na may masasabi ang ibang tao sa kanya lalong lalo na ang mga boss niya higit sa lahat si Scott. Samantala pag dating ni Scott sa opisina kaagad hinanap ng kanyang mata si Mj sa pwesto nito subalit wala siya dito. "Malamang ay nasa cafeteria siya" ani Scott sa sarili Dahil naka gawian na ni Scott magtungo sa cafeteria tuwing umaga para bumili ng kape ay nagtungo nga ito. Hindi nga siya nag kamali nandoon si Mj. Subalit habang nasa cashier si Scott
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments