Share

CHAINS 3

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-06-30 09:46:51

Napatingin ako sa cellphone ko—pasado alas-singko na pala ng umaga. Out na ako sa duty, at heto ako ngayon sa locker room, nagbibihis at nag-aayos ng gamit.

Dumating na naman si Master Azrael kanina, pinatawag na naman niya ako sa VIP room niya..

Akala ko talaga kanina ay may masama nang mangyayari sa’kin… pero laking gulat ko nang si Master Azrael pa mismo ang nagsabi kay Ma'am Liza na pwede na akong umuwi.

Ang mas ikinagulat ko, sinabi pa niya kay Ma'am Liza na bigyan daw ako ng bonus dahil sa "magandang serbisyo" ko raw.

Napakunot noo ako. Anong magandang serbisyo? Nag-usap lang naman kami saglit… pero dahil doon, nagsimula nang magbulungan ang mga kasamahan kong babae. Akala nila may nangyayari na sa amin ni Master Azrael.

Napansin kong parang iba ang tingin ng mga kasamahan kong babae, lalo na si Trina. Hindi man siya magsalita agad, ramdam mo ang tensyon sa mga tingin niya, mapanghusga.

“Hmp. Playing innocent pala siya,” bulong ni Trina sa isa pa naming katrabaho, pero siniguradong maririnig ko. “Yung totoo, magpapagamit lang din naman pala kay Master Azrael. Kunwari pa siyang inosente, eh baka nga siya pa ang lumalapit, sabagay hindi ko siya masisisi makalaglag panty nga naman talaga si master." natatawa nitong sabi.

Napako ang tingin ko sa kanya, pero hindi ako nagsalita. dahil alam kong walang saysay ang makipagtalo sa babaeng ang tingin sa lahat ay kompetisyon.

Pikit mata akong lumabas at hindi na pinatulan pa.

Hindi ko na pinansin pa ang mga paratang at mapanirang bulong ni Trina. Wala rin namang patutunguhan ang makipagtalo sa isang taong puno ng inggit. Mas pinili kong manahimik at lumabas ng locker room na taas-noo.

Pagkauwi ko ng bahay, dala ko pa rin ang tip na ibinigay sa akin ni Master Azrael—₱10,000. Malaking bagay ito para sa pamilya ko, lalo na ngayong halos sakto lang ang kinikita ko para sa pang-araw-araw na gastusin.

Bago dumiretso ng bahay, dumaan muna ako sa grocery. Bumili ako ng mga kailangan nina Marco at Leticia—gatas, bigas, ilang delata, at mga paborito nilang biskwit. Sa kabila ng lahat ng panghuhusga, alam kong mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga taong umaasa sa akin kaysa sa opinyon ng mga taong walang alam sa totoong nangyayari.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Leticia.

“Ateee!” sigaw ni Leticia, sabay yakap sa akin.

Napangiti ako at yumuko para salubungin siya.

“Tingnan mo, may dala akong paborito mong biskwit,” sabi ko habang iniaabot ang paper bag.

Si Marco naman, na kasalukuyang nagwawalis sa labas ng pintuan, napahinto at napatitig sa akin. “Bakit ang aga mong umuwi ate?” tanong niya.

"Maaga lang kaming pinauwi ni Ma’am. May bonus pa nga akong natanggap.”

Hindi ko na dinetalye pa dito ang buong kwento. Wala na ring saysay. Ang mahalaga, makakakain kami ng maayos ngayong linggo.

Pumasok ako sa loob at inilapag ang mga pinamili sa mesa. Si Leticia abalang binubuklat na ang mga grocery bag habang si Marco tahimik lang na nakamasid.

“Ate…” mahina niyang sambit makalipas ang ilang sandali.

Napatingin ako sa kanya. “Hmm?”

“Ate… pwede ba tayong dumalaw kay Mama mamaya?”

Napalingon ako kay Marco. Tahimik niyang hinaplos ang ulo niya habang nakaupo sa gilid ng mesa. Sa murang edad niyang sampung taon, masasabi kong hindi basta-basta ang batang ‘to. Advance mag-isip, at masinop pagdating sa pera. Si Marco, kahit bata pa, alam na niya kung paano magtipid—

Tumango ako ng marahan habang pinipigilan ang pagbigat ng dibdib ko. “Oo naman... mamaya, pagkatapos nating kumain. Bibili rin tayo ng bulaklak at prutas.”

Bahagyang lumiwanag ang mga mata niya, pero kapansin-pansin pa rin ang bigat sa likod ng mga ngiti niya. Alam kong miss na miss na rin niya si Mama…

Bandang alas-tres ng hapon, bumalik kami sa ospital.

Tahimik lang si Marco at Leticia habang nakaupo sa jeep, yakap-yakap ang maliit na supot ng prutas na binili namin para kay Mama. Habang papalapit kami sa ospital, napansin kong humigpit ang hawak niya sa palad ko—parang biglang bumalik ang takot at pangungulila sa maliit niyang puso.

Pagpasok namin sa ospital, bumungad agad ang amoy ng gamot at disinfectant. Sanay na ako sa amoy na 'yon, pero sa tuwing nandito kami, parang palaging may bumibigat sa dibdib ko.

Dumaan kami sa mahabang pasilyo. Puting-puti ang paligid, at ang bawat pintuan ay may katahimikang tila ba may itinatagong sakit. Sa Room 308, nandoon daw si Mama—inilipat daw Sabi ng nurse na may hawak sa kanya, matagal-tagal na rin mula nang ma-confine siya dahil sa komplikasyon sa dugo.

Binuksan ko ang pinto, dahan-dahan. Bumungad sa amin ang payat nang katawan ni Mama, nakahiga at nakakabit pa rin sa dextrose. Nakapikit siya, pero nang marinig ang yabag namin, unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

“Marco… Leticia, sienna mga anak ko…” mahina niyang sambit, pero may ngiti sa kanyang labi.

Agad lumapit si Marco, inilapag ang prutas sa side table at marahang niyakap ang kanyang ina.

“Ma… may dala kaming prutas, ‘yung gusto mo—yung mansanas na hiniwa ko na para hindi ka na mahirapan,” aniya habang inaayos ang kumot ni Mama.

Ako naman, abala sa pag-aayos ng mga gamit sa tabi niya, sinigurong maayos ang dextrose at malamig ang tubig sa baso.

“Okay lang ba ang pakiramdam mo, Ma?” tanong ko, pilit na hindi ipinapahalata ang pag-aalala.

Tumango siya, mahina. “Kahit papaano… basta andito kayo, parang gumagaan.”

Sa sandaling ‘yon, kahit nasa loob kami ng ospital, kahit punong-puno ng karamdaman ang paligid, ramdam ko ang init ng tahanan—sa presensya ng taong mahal mo, sa mga yakap na simple pero punô ng pag-asa.

Maya-maya lang, kumatok sa pinto ang isang nurse.

“Excuse me po, nandiyan na po si Dr. Ramirez. Gusto lang po kayong makausap sandali.”

Agad akong tumayo, nag-iwan ng mabilis na sulyap kay Marco at leticia na nanatiling nakaupo sa tabi ni Mama, marahang hinahaplos ang kamay nito.

Paglabas ko, sinalubong ako ng seryosong mukha ng doktor. May hawak itong clipboard at ilang papeles. Nagsimula siyang magsalita—diretso, kalmado, pero may bigat sa bawat salita.

“Nilipat na namin ang nanay mo sa special monitoring room sa kabilang wing. Kailangan naming bantayan nang mas mabuti ang kondisyon niya.”

Napakunot ang noo ko. “Dok… bakit po?”

Huminga siya nang malalim. “Ang resulta ng pinakabagong pagsusuri ay malinaw na... advanced stage na ang leukemia niya. Apektado na rin ang ilang bahagi ng kanyang atay, at may panganib na lumala kung hindi maagapan.”

Parang biglang nagdilim ang paligid. Sa isang iglap, lahat ng lakas ko kanina ay unti-unting nauupos.

“Anong dapat gawin, Dok?”

“Kailangan niyang sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. Kasunod nun ang serye ng chemotherapy at intensive care. Pero…” tumigil siya saglit, waring nag-aalangan.

“…malaki ang kakailanganin nating halaga para dito. Ayon sa estimate ng hospital finance, aabot ito ng humigit-kumulang ₱500,000 para sa unang cycle pa lang. At baka lumaki pa, depende sa magiging tugon niya sa treatment.”

Hindi na ako nakapagsalita agad. Parang nawala ang tunog sa paligid ko. Limang daang libo?

Napakagat ako sa labi, pilit nilulunok ang kabang bumara sa lalamunan ko. Sa bulsa ko ngayon, may pitong libong piso lang… galing pa kay master Azrael.

Pagbalik ko sa kwarto, pilit kong iniayos ang mukha ko—pinahid ang gilid ng mata at pinilit ngumiti kahit parang may gumuguhong pader sa loob ko.

Si Marco, abalang kinukuwentuhan si Mama ng tungkol sa mga nangyari sa klase niya noong nakaraang linggo. Nakangiti si Mama, mahina pero totoo. At sa sandaling iyon, parang hindi siya may sakit. Parang normal lang ang lahat.

“Okay ka lang, Ate?” tanong ni Marco nang mapansin ang tahimik kong pag-upo.

Tumango ako. “Oo naman. Nag-usap lang kami ng doktor. May ilang test lang ulit na gagawin kay Mama.”

Hindi ko masabi ang totoo. Hindi ko kayang basagin ang ngiti sa mukha ng kapatid kong pinipilit manatiling matatag.

Ngunit habang pinagmamasdan ko silang tatlo, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. ₱500,000. Kahit ipagbenta ko lahat ng gamit sa bahay o maging ang isa kong kidney, hindi iyon kakayanin. Kahit anong tip o overtime, kulang pa rin.

Lumabas ako sandali ng kwarto. Doon sa hallway, sa tabi ng vending machine, saka lang ako napaupo. Hindi ako umiyak ng malakas, pero tuloy-tuloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang kamay ko habang iniisip kung saan ako kukuha ng ganun kalaking pera… na gano’n kabilis.

Sa isip ko, isang pangalan ang paulit-ulit na bumabalik.

Kay Master Azrael kaya....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   SPECIAL CHAPTER

    "Hindi mo ba ako sasamahan magpa-ultrasound?" nakangiti tanong ni Sienna habang lumalapit kay Azrael. Napansin niyang tahimik ito, tila nag-iisip, ang totoo nakapag paultrasound na Siya.. gusto niya Lang Makita ang reaction ni Azrael.""We already have five sons... I hope this time, it's a girl." mahinang sambit ni Azrael kay Sienna, may halong pag-asa at kaba.Ngumiti si Sienna. Alam niyang nananabik si Azrael sa isang babaeng anak, at alam din niyang inggit na inggit ito sa mga kaibigan na may mga Babaeng anak.May inabot si Sienna kay Azrael."What is this?" malamig na tanong ni Azrael, hinahawakan ang maliit na envelope na Inabot ni sienna."Buksan mo," nakangiting sabi ni Sienna.Napatitig si Azrael at binasa kung saan galing ang papel. Galing ito sa ospital kung saan nagpa-ultrasound si Sienna."Kahapon ako nagpa-ultrasound," paliwanag ni Sienna, habang tahimik Lang si Azrael at umayos ng upo bago tuluyang binuksan ang envelope.Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi makapan

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   EPILOGUE

    Ang araw ay bahagyang tumatagos sa makukulay na stained glass windows ng simbahan, Tahimik ang paligid, tanging ang malumanay na tugtugin mula sa organ ang naririnig.Si Azrael, nakatayo sa unahan, ay nakangiti. Nakatingin siya sa babaeng dahan-dahang naglalakad patungo sa altar. Suot nito ang puting damit-pangkasal, na may simpleng elegance at detalye ng lace sa mga manggas. Ang buhok ni Sienna ay nakapusod sa likod, may maliliit na bulaklak na nakapaskil dito, na nagbibigay ng natural at eleganteng hitsura.Ang bawat hakbang ni Sienna ay tila pinapabagal ng oras sa paningin ni Azrael. Ang mga mata niya ay puno ng paghanga, bahagyang nagliliwanag sa emosyon na hindi niya maipaliwanag. Halos naririnig niya ang tibok ng kanyang sariling puso sa bawat hakbang ng BAbaeng minamahal patungo sa altar.Si Sienna naman ay damang-dama ang kaba, pero ramdam din niya ang pagmamahal at katiyakan sa mga tingin ni Azrael. Ang kanyang mga kamay ay bahagyang nanginginig habang hawak ang bouquet, ngun

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 52

    AZRAEL POVIt all started as just an attraction. The moment I first laid eyes on her, I was captivated by her striking beauty... Sienna. I thought it was just a simple attraction, something that would fade once I had a taste of her.But the more I watched her, the more I realized... there was something about her I couldn't let go of. Her presence demanded attention, her eyes held secrets, and even the way she moved... it intrigued me. I felt a pull I couldn't control-a dangerous, intoxicating pull that made me want to possess her completely.I forced her to stay by my side, even though she often cried whenever I touched her... I didn't care. All I knew was that she was mine, and there was nothing she could do about it.I did everything to make her stay by my side. If necessary, I would tie her to me or lock her up... everything about her was mine.I was blinded by an overwhelming obsession with her. I wanted all of her-her scent, the way she trembled in fear, and the tears that fell w

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 51

    "Napatingin si Sienna sa orasan-alas dos ng madaling araw-ngunit naglalaway siya...gusto niyang kumain ng hilaw na mangga."Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Azrael. "Azrael...""What is it, sweetheart?" - pupungas-pungas ang bungad nito kay Sienna."Nagugutom ako..." - nahihiya nitong sabi.Ngumiti si Azrael at bumangon."Wait, magpapaluto lang ako."Palabas na sana ito ng pinto nang tawagin niya ulit si Azrael."Azrael..."Lumingon sa kanya si Azrael."Gusto ko ng manggang hilaw. Bilhan mo ako."Napatingin si Azrael sa orasan at Kay sienna"Ang aga pa, Sienna. Alas dos palang.""Hindi mo ako bibilhan..." - malungkot na sabi ni Sienna.Napatitig si Azrael dito."Sige, sige. Wait lang, sweetheart. Don't be sad."Paglabas niya ng kwarto, dala ang cellphone, tinawagan niya ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan niya.Ilang ring lang, agad sumagot ang nasa kabilang linya."Roger, bilhan mo ako ng manggang hilaw - ngayon din," seryosong utos niya. "Oorasán kita."Sabi niya pa Dito bag

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 50

    WARNING SPG⚠️⚠️⚠️🙈🙈🙈Nagising si Sienna sa kakaibang init na nararamdaman niya. Para bang may humahaplos sa kanya, dahan-dahan at maingat, na nagpapakaba at nagpapabilis ng tibok ng puso niya.Ngunit agad siyang napadilat at napabalikwas sa gulat.."A-Azrael...!" bulalas niya, nanginginig ang boses.Natagpuan niya itong nasa pagitan ng Kanyang mga hita, ang init ng hininga nito at likot ng dila nito Doon ay nagbibigay ng kakaibang init at pananabik na hindi niya maipaliwanag.Naka business suit parin Ito..habang ginagawa ang bagay na Yun..His hand moved slowly closer to her breast, and the warmth of his touch made her feel dizzy with the sensations he was giving off.Ngunit pinilit niyang panatilihin ang sariling katinuan at tinanong ito, nanginginig ang boses:A-anong oras ka d-dumating, Azrael?Hindi ito sumagot. Tuloy-tuloy lang sa ginagawa nito, waring hindi nito pinansin ang tanong.Na-miss niya ito... sobrang na-miss. Hindi niya alam kung bakit, kung kelan pa siya nag buntis

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 49

    Hindi maganda ang umpisa namin ni Azrael... Kung dati, punong-puno ako ng takot sa kanya-sa isang tingin lang, nanginginig na ako-ngayon, baligtad na. Naiiyak pa rin ako, lalo na kapag hindi pa siya umuuwi o may Meron siyang business na out of town."Ma'am, kumain na po kayo," malumanay na sabi ni Ate Mirna, ang maid na palaging nagdadala ng pagkain sa akin.Napatingin ako sa kanya at napabugtong-hininga, habang hawak ang cellphone. Katatapos lang namin mag-usap ni Azrael kanina... nasa Russia siya ngayon, kasama ang kakambal niya, may inaasikaso doon."Kumain naman ako kanina ng meryenda," sabi ko sa sarili ko, "antayin ko na lang si Azrael."Ngunit tila hindi pumayag si Ate Mirna."Naku, Ma'am... baka abutin pa yun ng kinabukasan. Baka magutom kayo at ang baby niyo..." sabi niya, puno ng pag-aalala.Napatingin ako sa kanya, napabugtong-hininga, at dahan-dahang kinapa ang maliit kong tiyan. Ramdam ko ang init at tibok ng buhay na kasama namin ni Azrael, at sa kabila ng distansya niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status