Mag-log inSa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at takot, iisang pangalan lang ang sapat para manginig ang lahat—Azrael Damon Severino. Sa edad na dalawampu't anim, siya ang kinatatakutang mafia boss ng Night Vipers Organization. Kilala siya bilang isang lalaking walang awa, malamig, at handang pumatay nang walang pag-aalinlangan. Walang sinuman ang nangangahas na suwayin ang kanyang mga utos. Bukod sa pamumuno sa organisasyon, siya rin ang may-ari ng isang sikat na bar kung saan nagtatrabaho ang isang simpleng waitress na hindi niya kailanman inakalang gugulo sa kanyang tahimik at kontroladong mundo. Si Sienna Constantes, labingwalong taong gulang, ay isang ordinaryong dalagang lumaki sa kahirapan.. Ngunit nang mangailangan ng napakalaking halaga para sa operasyong maaaring makapagligtas sa buhay ng kanyang ina, naubos ang lahat ng pag-asa niya. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang desisyong habambuhay niyang pagsisisihan. She approaches Azrael with an offer... One night. One price. One sacrifice. To Azrael, it was supposed to be nothing more than a business transaction. A single night that would end with both of them walking away. Instead, it became the beginning of his obsession. Ang babaeng dapat ay isang simpleng kasunduan lamang ang naging pinakamalaking kahinaan niya. Hanggang sa dumating ang puntong ikinulong niya si Sienna. Isang gabi, nagawa ni Sienna na makatakas. Habang desperado siyang tinatakasan ang lalaking kinatatakutan niya, isang malagim na aksidente ang tuluyang nagpabago sa kanyang kapalaran. Pagmulat ng kanyang mga mata, wala na ang mga alaalang dapat sana'y magpapalaya sa kanya. Ang unang taong nakita niya ay si Azrael. "I'm your husband." Dahil wala nang maalala si Sienna, napilitan siyang paniwalaan ang lalaki. Ngunit hanggang kailan maitatago ni Azrael ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag unti-unting bumalik ang mga alaalang pilit niyang binura sa buhay ni Sienna?
view more⚠️ W A R N I N G ⚠️
Ito ay DARK ROMANCE • Obsessive & possessive love • Toxic relationships • Violence • Dub-con / Non-con elements • Psychological manipulation • Dark themes na hindi para sa mahina ang puso Kung hindi mo kaya ang ganitong klaseng kwento... T U M I G I L N A You've been warned. SIENNA POV Maingat kong tiningnan ang suot kong uniporme-hapit ito sa aking katawan, kaya dama ko ang bawat tingin ng mga lalaking parokyano sa bar na aking pinagtatrabahuhan. Pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Ako si Sienna Constalles, labingwalong taong gulang. Hindi ko na naipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa matinding kahirapan. Siguro kung nasa maayos lang na kalagayan ang pamilya ko, matagal ko na sanang natupad ang pangarap kong makapagtapos at maging isang guro. Sabi nila, maganda raw ako. Namana ko raw ang itsura kong ito kay Mama noong kabataan niya-may lahi kasi siyang Spanish, kaya litaw ang mga mestisahing katangian niya na nakuha ko rin. Bilugan ang aking mga mata na tila laging inosente ang tingin sa mundo. Mahaba at may natural na bagsak ang dark brown kong buhok na umaabot hanggang sa bewang ko. Sabi ng iba, may "kissable lips" daw ako-mapula kahit walang lipstick. Matangos ang ilong ko, at mahaba ang aking mga pilikmata na natural na naka-curl, bagay na lalong nagpapatingkad sa kabuuan ng aking mukha. 5'2 ang taas ko at may balingkinitang katawan. Madalas ding mapansin ang aking dibdib, na palaging napagkakamalang pinadagdagan ko raw-lalo na ng ilang kasamahan ko sa bar. Napapailing na lang ako sa tuwing naririnig ko iyon. Ang manager sa bar ay ilang beses na rin akong inalok na magpa-table, dahil mas malaki raw ang kita roon. Marami ring guest, lalo na ang mga VIP, na madalas akong makita at magustuhan. Pero tinanggihan ko iyon. Kahit ganito ang trabahong pinasok ko, mas pinipili ko pa ring panatilihin ang buo kong pagkatao. Alam kong marumi ang tingin sa akin ng iba-lalo na ng mga kapitbahay namin. Pero natutunan ko na lang manahimik. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko, at wala rin naman silang maitutulong. Basta para sa pamilya ko, kakayanin ko. Ang aking ina ay halos sa ospital na nakatira ngayon dahil sa kanyang malubhang karamdaman-leukemia. Iniwan na kami ng aming ama noon pa. Sumama siya sa ibang babae at kailanman ay hindi na muling nagparamdam. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Kasama ko sa buhay ang aking sampung taong gulang na kapatid na si Marco, at ang aming bunsong si Leticia, na anim na taong gulang pa lamang. Nagtatrabaho ako sa isang bar bilang waitress. Hindi man madali, kinakaya ko para lang may maipambili kami ng gamot ni Mama at may maipakain ako sa aking mga kapatid. Lumabas ako ng kwarto at agad kong narinig ang mahinang halakhak nina Marco at Leticia mula sa sala. Nakaupo silang magkatabi sa lumang sofa, abala sa panonood ng paborito nilang cartoon sa telebisyon. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding-mag-a-alas siyete na ng gabi. May oras pa ako. 9:30 pa ang pasok ko sa bar, kaya makakadaan pa ako sa PGH para dalawin si Mama. Sana gising pa siya pagdating ko. "Marco, i-lock mo ang pinto pag-alis ko, ha? Huwag kang magpapapasok ng kahit sino," bilin ko sa aking kapatid habang inaayos ang bag na dala ko. "Opo, Ate," mabilis na sagot ni Marco. "Ate, uwian mo ulit ako nung tinapay na may palaman na ham, ha? Yung masarap!" sabat ni Leticia habang lumapit sa akin at kumapit sa laylayan ng aking damit. "Oo ba, bunso," sagot ko sabay halik sa pisngi niya at mahigpit na yumakap. Tumayo ako at lumakad papunta sa pinto. "Marco, ikaw na ang bahala dito, ha? Kumain na kayo. May sinaing at pritong itlog sa lamesa. At yung bilin ko, huwag mong kakalimutan." "Opo, Ate... Mag-iingat ka, Ate," sagot muli ni Marco habang hawak ang kamay ni Leticia. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng jeep patungo sa ospital. Sa may kanto pa lang, natanaw ko na ang barkada ni Brandon-nakaupo sa gilid at halatang walang ibang ginagawa kundi mang-asar at manghassel ng tao. Nararamdaman ko na agad ang mga tingin nila sa akin, lalo na si Brandon na walang hiya kung makatitig. Napaismid ako nang mapansing papalapit siya sa akin, dala ang pilyong ngisi na matagal ko nang kinamumuhian. "Sienna, hatid na kita!" alok niya, sabay abante ng isang hakbang. "Huwag na, Brandon. Dadaan pa ako sa ospital," mahinahon ngunit matatag kong sagot habang pinipilit na huwag magpakita ng inis. Pero hindi siya tumigil. Imbes na umurong, lalo pang lumapit. "Sige na, Sienna... magkano ba?" bulong niya na may malisyosong titig, halos nilalantakan na ng mata niya ang katawan ko. Napuno ako. Uminit ang ulo ko at masama ko siyang tiningnan. "Tigilan mo na 'yang pangungulit mo, Brandon. Kung hindi, isusumbong kita sa pulis." Tumawa lang siya, halatang hindi natitinag. Pero sakto namang dumaan sina Mang Tasio at ang mga kasama niyang tanod, mukhang magsisimula na ng ronda. Nakita ko ang saglit na pagbabago sa ekspresyon ni Brandon. Napaatras siya ng bahagya-at doon ako tuluyang dumiretso sa sakayan, hindi na lumingon pa. Pagpasok ko sa pampublikong ospital, agad akong sinalubong ng amoy ng gamot at disinfectant. Maraming kama ang magkakatabi, hiwalay lamang ng manipis na kurtina. Tahimik ang paligid, pero rinig ang mahihinang pag-ubo, tunog ng oxygen tank, at marahang yabag ng mga nars. Nasa dulo ng ward ang kama ni Mama. Payat na ang kanyang katawan-halos buto't balat. Nakasalubong ko ang isang nars na may hawak na clipboard. Bahagya siyang ngumiti sa akin, parang sanay na rin sa araw-araw kong pagdalaw. "Ma..." mahina kong tawag habang lumalapit. Nakadilat siya, pero halatang pagod. Nakasalpak ang oxygen tube sa ilong niya, at ang kaliwang braso niya ay may nakakabit na dextrose. "Anak... maaga ka," mahina niyang sabi, sabay pilit na ngiti. Umupo ako sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang kanyang kamay. "May oras pa po ako bago ang trabaho. Dumaan lang po ako para kamustahin kayo." Tinitigan ko ang mukha ni Mama-ang dating masayahing mga mata niya ay ngayon puno ng lungkot at pagod. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal sa titig niya. "Kamusta sila Marco at Leticia?" "Okay lang po sila. Pinakain ko na bago ako umalis. At si Leticia, nagpapabili na naman ng tinapay na may ham," pinilit kong ngumiti. Napahagikgik si Mama, pero agad rin iyong nauwi sa mahinang ubo. Mabilis kong inabot ang baso ng tubig sa tabi at inalalayan siyang uminom. Sa bawat kilos ko, ramdam ko ang kirot-hindi lang sa kanya, kundi sa puso ko. "Ma... konting tiis na lang po, ha? Mag-iipon pa ako. Baka makuha ko na yung full dose ng gamot niyo sa susunod na linggo." Hindi siya sumagot, pero hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang nanghihina niyang kamay. "Salamat, anak... Pasensya ka na kung ito ang buhay na naibigay ko sa inyo." "Wala kayong kasalanan, Ma. Hindi ko po kayo pababayaan." Niyakap ko siya nang marahan, at sa sandaling iyon, pinilit kong hindi umiyak. Pero sa loob-loob ko- Kailangan ko pang magsakripisyo. Kailangan kong kumapit. Para sa kanila. Pagkalabas ko ng ospital, diretso na ako sa Makati Avenue. Mula sa masikip at maingay na daan ng lungsod, sinalubong ako ng liwanag at ingay ng gabi-mga ilaw ng sasakyan, billboard, at matataas na gusali. Pumasok ako sa isang mataas na building kung saan matatagpuan ang bar na pinapasukan ko. Isang high-class bar sa Makati-hindi basta-bastang lugar. Kadalasang pumupunta rito ang mga kilalang personalidad, negosyante, at lalaking sanay sa karangyaan. Kung hindi dahil kay Trisha, ang matalik kong kaibigan mula pa noong high school, hindi ako makakapasok dito. Siya ang tumulong sa akin na makahanap ng trabaho. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano kumilos, magsuot, at magsalita sa ganitong klaseng mundo. Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na aircon, malambot na music beat, at ang amoy ng mamahaling alak. Dim ang ilaw, pero elegante-may halong ginto at pula ang interior ng lugar, at ang mga waitress ay naka-uniform na hapit sa katawan. "Sienna, you're on Floor B tonight." Agad akong tinawag ng supervisor namin, si Madam Liza, isang babaeng palaging seryoso. "Yes po," sagot ko habang tumango at nagtungo sa staff room upang magbihis ng uniporme. Isang fitted na itim na dress na may slit sa gilid at bahagyang plunging neckline ang sinuot ko. Pinalitan ko ang suot ko kanina dahil sa Floor B ako naka-assign-ibig sabihin, mas daring ang kasuotan doon. Binalewala ko na lang iyon. Waitress lang naman ang pinasok ko, hindi isang escort. Sinuot ko iyon nang may kaunting pag-aalinlangan, pero sanay na rin ako. Kailangang makisabay. Para sa kanila. Para kay Mama. Sa bawat hakbang ko palabas ng staff room, damang-dama ko ang mga mata ng mga lalaking customer na nakaupo sa kanilang VIP booths. May ilan sa kanila na kilalang negosyante, mga executive, o mukhang anak-mayaman na sanay sa kapritso. Isang bagong gabi na naman ng pagtatrabaho. Isang bagong gabing kailangang tiisin. Pero sa puso ko, paulit-ulit ang panalangin: Konting tiis pa, Sienna... konting tiis pa para kay Mama, kina Marco, at Leticia.Agad akong nakapasok sa loob ng bahay, halos mabaliw sa kaba. Isinara ko ang pinto nang dahan-dahan, pero ramdam ko pa rin ang pagyanig ng buong katawan ko. Takot na takot ako.Agad akong sumilip sa bintana, pinakikiramdaman kung sinusundan pa ba ako ng itim na kotse. Walang tao sa labas—tahimik na ang paligid—pero hindi pa rin mapawi ang bigat sa dibdib ko.Biglang bumangon si Marco mula sa sofa, pupungas-pungas pa."Ate... ano po 'yon?" tanong niya, bakas ang antok at pag-aalala."Wala 'yon, Marco. Sige na, matulog ka na ulit," sagot ko sa mahinang tinig, pero halata sa boses ko ang panginginig.Nang makitang bumalik na siya sa higaan, agad akong nagtungo sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto, sumandal saglit, at saka dahan-dahang naupo sa kama.Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin.Parang hindi pa rin totoo ang lahat.Pilit kong pinakalma ang sarili. Tumayo ako, pumasok ng banyo, at agad na nagbuhos ng malamig na tubig. Pilit kong sinabon ang balat ko, paulit-ulit, halos
Sienna's POVMalamig ang tingin na ibinibigay niya sa akin habang nakaupo ako ngayon sa sofa ng kanyang VIP room. Tahimik. Mabigat ang hangin. Ilang minuto pa lang ang lumipas mula nang matapos ang... nakakahiya, nakakapanlambot na ginawa ko para sa kanya.Suot ko na ulit ang damit ko, pero pakiramdam ko’y wala pa ring natira sa sarili ko. Hindi niya pa rin ako pinapalabas. Parang bihag pa rin ako ng presensya niya.Nagsindi siya ng sigarilyo—isang malalim na hithit, kasabay ng malamig na titig na parang sumusuri sa bawat sulok ng kaluluwa ko.Wala siyang sinabi. Hanggang sa bigla niyang iniabot sa akin ang isang bagay.Isang makapal na bundle ng pera, puro tig-iisang libo."Take it. That’s your payment—for the nice blowjob," malamig niyang sambit, walang emosyon, para bang wala lang ang lahat.Napakurap ako, hindi makapaniwala sa walang censor niyang bibig. Napatingin ako isang bundle na Pera na hawak niya inaabot sakin tahimik ko Yun kinuha..makapal, mabigat. Pero walang lumabas na
SPG⚠️⚠️⚠️WARNINGPagbukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na pakiramdam, napatingin ako sa ilaw mula sa maliit na chandelier sa kisame. Tahimik sa loob.... pero hindi komportable lalo pa at bumungad agad siya sakin..Doon siya nakaupo - si Master Azrael, nakamask parin ito nakasandal sa leather couch, naka-itim na long-sleeves, bukas ang ilang butones sa dibdib. Sa gilid niya, isang baso ng alak, at sa kabilang kamay, hawak niya ang lighter na paulit-ulit niyang iniikot sa daliri."Sit."Isang salita lang, pero sapat para mapatigil ang hininga ko. Lumapit ako nang marahan at umupo sa kaharap niyang upuan.Tumigil ang kamay niya sa paglalaro ng lighter. tumingin sa akin - malamig, diretso, Hindi ko gusto ang klase ng tingin niya, para bang hinuhubaran na nya ako sa tingin palang, pero wala akong magawa para pigilan ito.."Now, talk...." utos niya sa malamig na boses, bakit pakiramdam ko may alam siya.."A-ah... a-ang totoo... h-hindi ko rin a-alam k-kung... t-tama ba 'to...
Pagkagaling namin sa ospital, diretso na kaming umuwi sa bahay.Tahimik ang buong biyahe. Walang imik si Marco maging si leticia, nakayuko habang mahigpit na hawak ang aking Mga kamay, pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi ko mapigilan ang ingay sa loob ng isip ko.Pagdating sa bahay, agad kong inihanda ang hapunan at siniguradong makakain sila nang maayos. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong maging normal... kahit ang buong katawan ko ay tila nangangatog na.Pagkatapos kumain. Nagpaalam akong aalis ulit mamayang gabi para sa trabaho-katulad ng dati. Walang tanong. Sanay na sila. Pero ang hindi nila alam... ngayong gabi, hindi na ito katulad ng dati.Tumungo ako sa kwarto, naupo sa gilid ng kama, at tiningnan ang maliit kung pitaka kung saan nakalagay pa rin ang tip na binigay ni Master Azrael. pitong libo nalang. Malaking halaga na ito, oo, pero anong silbi nito kung kalahating milyon ang kailangang bayaran para kay Mama?Imbis na ipikit ang mga mata para sa






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.