Share

CHAINS 4

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-06-30 09:47:14

Pagkagaling namin sa ospital, diretso na kaming umuwi sa bahay.

Tahimik ang buong biyahe. Walang imik si Marco maging si leticia, nakayuko habang mahigpit na hawak ang aking Mga kamay, pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi ko mapigilan ang ingay sa loob ng isip ko.

Pagdating sa bahay, agad kong inihanda ang hapunan at siniguradong makakain sila nang maayos. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong maging normal... kahit ang buong katawan ko ay tila nangangatog na.

Pagkatapos kumain. Nagpaalam akong aalis ulit mamayang gabi para sa trabaho-katulad ng dati. Walang tanong. Sanay na sila. Pero ang hindi nila alam... ngayong gabi, hindi na ito katulad ng dati.

Tumungo ako sa kwarto, naupo sa gilid ng kama, at tiningnan ang maliit kung pitaka kung saan nakalagay pa rin ang tip na binigay ni Master Azrael. pitong libo nalang. Malaking halaga na ito, oo, pero anong silbi nito kung kalahating milyon ang kailangang bayaran para kay Mama?

Imbis na ipikit ang mga mata para sana makatulog pa kahit kaunti, nanatili akong nakadilat.

Hindi mapakali. Para akong binabalot ng makapal na usok sa desperasyon.

Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa ganitong punto na ako mismo... ay mag-iisip ibenta ang sarili.

Pero sa sitwasyon naming ito, anong pagpipilian ko?

Wala akong ari-arian. Walang kamag-anak na tutulong. Walang kaibigang may malaking ipon.

Wala.

Ako lang.

Ako lang ang meron sila.

At kung ang katawan ko lang ang tanging puhunan ko para mailigtas si mama... ano pa bang halaga ng dangal kung kapalit nun ang buhay niya?

Iyon ang tanong na paulit-ulit kong sinasagot sa katahimikan ng gabi, kahit ang mismong sagot ay dumudurog sa natitira kong pagkatao.

Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili sa salamin, nagsusuklay, tahimik lang ang paligid.

Ngunit sa gilid ng mata ko, napansin kong parang may anino sa labas ng bintana. Isang itim na kotse. Nakatigil. Hindi gumagalaw.

Napansin ko na yon kanina pa, habang naglalakad ako pauwi mula sa bar. Akala ko, nagkataon lang. Pero kanina rin, habang papunta kami sa ospital para dalawin si mama, nakita ko ulit. Parehong kotse. Parehong kulay. Parehong distansyang parang tama lang para hindi matawag na kahina-hinala - pero sapat para maramdaman mong minamanmanan ka.

At ngayong gabi, nandoon na naman ito. Nakatigil sa may poste ng kanto. ang bintana nitong tinted, walang mabanaagan na anino sa loob. Ngunit kahit hindi ko makita kung sino ang sakay, dama kong may mata na nakatutok sa akin.

Parang binabantayan ako.

Binalewala ko iyon, kahit nagsimulang manginig nang bahagya ang mga kamay ko. Kailangan kong magpakatatag. Wala akong panahon para sa takot. Hindi ngayon. Hindi ngayong kailangan ni Mama ang operasyon, hindi ngayong ito lang ang naisip kong paraan.

Isinuot ko ang simpleng itim na damit - medyo hapit, medyo daring. Hindi ito pangkaraniwan sa akin, pero para sa gabing ito, kailangan kong ibaon ang sarili kong kahihiyan.

Lumabas ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Pinilit kong iwasan ang tingin sa paligid. Pero ilang saglit lang, narinig kong umandar ang kotse mula sa kanto - dahan-dahang sumusunod sa likuran ko. Ganon na naman.

Pagkasakay ko sa jeep, akala ko liliko na 'yon. Pero hindi. Nasa likod pa rin ito hanggang sa bumaba ako sa tapat ng bar. Tumigil ito sa kabilang kalye, pero hindi umaalis. Parang may hinihintay.

Pinagpapawisan na ako ng malamig kahit gabi. Hindi ko alam kung mas matatakot ako sa presensyang nagmamasid mula pa kanina..

Pagdating ko sa harapan ng bar, huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

Ang lamig ng aircon agad ang bumungad sa balat ko, kasunod ang mabigat na amoy ng mamahaling alak, pabango, at usok ng yosi. Kumikislap ang ilaw sa dance floor, at ang mga babae sa paligid ay bihis na bihis, naka-make up, at nakangiti sa mga kliyenteng parang lobo sa gabi-laging gutom, laging naghahanap.

"Oh, nandito ka na pala."

Napalingon ako. Si Ma'am Liza. Naka-cross arms siya habang nakatingin sa akin mula sa gilid ng lamesa, pamilyar ang ngiting may halong pagsusuri. Parang tinitimbang niya ako mula ulo hanggang paa.

"Maaga kang dumating ngayon ah, Sienna. Magandang senyales 'yan."

Ngumiti lang ako ng pilit. "Maaga po akong natapos sa bahay."

"Good. Dun ka muna sa lounge, sa table seven. Regulars lang mga 'yon. Wala ka pang kailangan alalahanin."

Tumango ako at agad tumungo sa lounge area, kung saan nagsisimula pa lang ang gabi. May ilang costumer na umiinom, may ibang babae nang naka-upo sa piling nila. Ang ilaw dito'y mas madilim, mas intimate, pero hindi pa gaanong maingay.

Lumapit ako sa isang bakanteng table, tumayo saglit para ayusin ang tray ng inumin, sabay pinilit na ngumiti sa mga dumarating na lalaki.

Normal. Katulad ng dati. Wala pang kakaibang nangyayari.

Pero kahit normal ang lahat sa paningin ng iba, iba ang kabog ng dibdib ko.

Napansin kong dumaan si Kara, isa sa mga senior na babae sa bar, at pasimpleng lumapit sa akin habang may dalang tray.

"Oy, narinig ko si Boss Azrael daw ang nasa VIP mamaya. Mukhang ikaw ulit ang tatawagin niya, ha," sabi niya sabay kindat. "Swerte mo."

Hindi ko alam kung swerte nga ba... o simula na ng tuluyang pagkakabaon ko sa mundo niya.

Pumunta ako sa table seven, pinilit na ngumiti at makihalubilo sa mga customer na bagong dating.

"Hi, sir. Good evening po," bati ko sa isang lalaking mukhang regular na, dahil may pamilyar na kumpiyansa ang pagkakaupo niya.

"Oh, ikaw, yung waitress na ayaw magpa-table?" sabi niya, ngumiti.

"Gusto kita, fresh na fresh, nakakagigil...."

Ngumiti ako, kahit ang totoo'y ang bigat na ng pakiramdam ko. Kinuha ko ang order nila, nagtimpla ng drinks, tumawa sa ilang biro, at paminsan-minsan ay sumasagot ng magalang - lahat scripted sa isipan ko paulit-ulit. Halos kabisado ko na.

Maya-maya, dumaan si Ma'am Liza, sumilip sa lounge at tumango sa akin. Pinanood ko siya ng kausapin si Kara at yung isa pang babae sa corner.

Nagsalubong ang tingin namin sandali, pero agad silang umiwas.

May kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.

Pagbalik ko sa bar counter para kunin ang inumin ng customer, nakita ko si Eljay, isang waiter na matagal na sa bar. Tumabi siya sa akin at bumulong.

"May mga bagong tauhan si Master Azrael na dumating. Hindi ko lang sure kung sino ang hinahanap nila, pero mukhang may inaantay."

Lumingon ako sa lounge. Hindi ko alam kung paranoid lang ako, pero pakiramdam ko ang mga mata ng mga bagong dating ay saglit na huminto sa akin, bago sila umupo sa isang table malapit sa hallway papunta sa VIP.

Bumalik ako sa table seven, bitbit ang order. Tuloy pa rin ang kwentuhan, ang tawa, ang inuman. Lahat parang normal. Pero ako... hindi na.

Ang bawat segundo ay parang hinahati ng kaba.

Nagulat ako nang biglang Lumapit si maam liza

"Sienna. VIP room. Ngayon," sabi ni Ma'am Liza sa likod ko, malamig at mabilis.

Tumango ako, marahang binaba ang tray, at sumunod. Ang mga mata ng ibang babae ay sumulyap - iba-iba ang sinasabi ng tingin nila: inggit, pagtataka, awa.

Habang binabaybay ko ang hallway papunta sa VIP room, isang tanong lang ang paulit-ulit sa isip ko:

""Papayag kaya siya...?" bulong ko sa sarili habang tahimik akong sumusunod sa bodyguard papunta sa VIP area.

Ang hallway ay tila mas mahaba ngayong gabi, ang bawat hakbang ay may dalang kabog sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko, malamig ang pawis sa batok. Paulit-ulit kong hinihigpitan ang hawak sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilan ang sariling umatras.

"Para kay Mama... para kay Mama..." Yun na lang ang paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko, Yun Lang ang pinanghahawakan ko habang binubura ko ang takot, at ang hiya, sa sarili.

Pagdating ko sa dulo ng hallway, huminto ang bodyguard sa harap ng pamilyar na pintuan. VIP Room 9. Alam kong nandoon siya. Si Master Azrael. Ang lalaking kayang itapon ang ₱10,000 sa isang sulyap, at ang lalaking posibleng maging sagot sa pagkaligtas ng buhay ni Mama...

Tumigil ako sa harap ng pinto. Hinawakan ko ang seradura... pero hindi ko agad binuksan.

"Papayag kaya siya?"

Papayag kaya siya na tulungan ako... kapalit ng katawan kong ito?

Papayag ba akong ibigay ang sarili ko, buong-buo, sa isang lalaking halos hindi ko kilala, pero wala akong choice..

Tumigil ako sa paghinga. Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin.

"Para kay Mama..." bulong ko, at sa huling pagkakataon, huminga ako ng malalim - bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   SPECIAL CHAPTER

    "Hindi mo ba ako sasamahan magpa-ultrasound?" nakangiti tanong ni Sienna habang lumalapit kay Azrael. Napansin niyang tahimik ito, tila nag-iisip, ang totoo nakapag paultrasound na Siya.. gusto niya Lang Makita ang reaction ni Azrael.""We already have five sons... I hope this time, it's a girl." mahinang sambit ni Azrael kay Sienna, may halong pag-asa at kaba.Ngumiti si Sienna. Alam niyang nananabik si Azrael sa isang babaeng anak, at alam din niyang inggit na inggit ito sa mga kaibigan na may mga Babaeng anak.May inabot si Sienna kay Azrael."What is this?" malamig na tanong ni Azrael, hinahawakan ang maliit na envelope na Inabot ni sienna."Buksan mo," nakangiting sabi ni Sienna.Napatitig si Azrael at binasa kung saan galing ang papel. Galing ito sa ospital kung saan nagpa-ultrasound si Sienna."Kahapon ako nagpa-ultrasound," paliwanag ni Sienna, habang tahimik Lang si Azrael at umayos ng upo bago tuluyang binuksan ang envelope.Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi makapan

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   EPILOGUE

    Ang araw ay bahagyang tumatagos sa makukulay na stained glass windows ng simbahan, Tahimik ang paligid, tanging ang malumanay na tugtugin mula sa organ ang naririnig.Si Azrael, nakatayo sa unahan, ay nakangiti. Nakatingin siya sa babaeng dahan-dahang naglalakad patungo sa altar. Suot nito ang puting damit-pangkasal, na may simpleng elegance at detalye ng lace sa mga manggas. Ang buhok ni Sienna ay nakapusod sa likod, may maliliit na bulaklak na nakapaskil dito, na nagbibigay ng natural at eleganteng hitsura.Ang bawat hakbang ni Sienna ay tila pinapabagal ng oras sa paningin ni Azrael. Ang mga mata niya ay puno ng paghanga, bahagyang nagliliwanag sa emosyon na hindi niya maipaliwanag. Halos naririnig niya ang tibok ng kanyang sariling puso sa bawat hakbang ng BAbaeng minamahal patungo sa altar.Si Sienna naman ay damang-dama ang kaba, pero ramdam din niya ang pagmamahal at katiyakan sa mga tingin ni Azrael. Ang kanyang mga kamay ay bahagyang nanginginig habang hawak ang bouquet, ngun

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 52

    AZRAEL POVIt all started as just an attraction. The moment I first laid eyes on her, I was captivated by her striking beauty... Sienna. I thought it was just a simple attraction, something that would fade once I had a taste of her.But the more I watched her, the more I realized... there was something about her I couldn't let go of. Her presence demanded attention, her eyes held secrets, and even the way she moved... it intrigued me. I felt a pull I couldn't control-a dangerous, intoxicating pull that made me want to possess her completely.I forced her to stay by my side, even though she often cried whenever I touched her... I didn't care. All I knew was that she was mine, and there was nothing she could do about it.I did everything to make her stay by my side. If necessary, I would tie her to me or lock her up... everything about her was mine.I was blinded by an overwhelming obsession with her. I wanted all of her-her scent, the way she trembled in fear, and the tears that fell w

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 51

    "Napatingin si Sienna sa orasan-alas dos ng madaling araw-ngunit naglalaway siya...gusto niyang kumain ng hilaw na mangga."Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Azrael. "Azrael...""What is it, sweetheart?" - pupungas-pungas ang bungad nito kay Sienna."Nagugutom ako..." - nahihiya nitong sabi.Ngumiti si Azrael at bumangon."Wait, magpapaluto lang ako."Palabas na sana ito ng pinto nang tawagin niya ulit si Azrael."Azrael..."Lumingon sa kanya si Azrael."Gusto ko ng manggang hilaw. Bilhan mo ako."Napatingin si Azrael sa orasan at Kay sienna"Ang aga pa, Sienna. Alas dos palang.""Hindi mo ako bibilhan..." - malungkot na sabi ni Sienna.Napatitig si Azrael dito."Sige, sige. Wait lang, sweetheart. Don't be sad."Paglabas niya ng kwarto, dala ang cellphone, tinawagan niya ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan niya.Ilang ring lang, agad sumagot ang nasa kabilang linya."Roger, bilhan mo ako ng manggang hilaw - ngayon din," seryosong utos niya. "Oorasán kita."Sabi niya pa Dito bag

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 50

    WARNING SPG⚠️⚠️⚠️🙈🙈🙈Nagising si Sienna sa kakaibang init na nararamdaman niya. Para bang may humahaplos sa kanya, dahan-dahan at maingat, na nagpapakaba at nagpapabilis ng tibok ng puso niya.Ngunit agad siyang napadilat at napabalikwas sa gulat.."A-Azrael...!" bulalas niya, nanginginig ang boses.Natagpuan niya itong nasa pagitan ng Kanyang mga hita, ang init ng hininga nito at likot ng dila nito Doon ay nagbibigay ng kakaibang init at pananabik na hindi niya maipaliwanag.Naka business suit parin Ito..habang ginagawa ang bagay na Yun..His hand moved slowly closer to her breast, and the warmth of his touch made her feel dizzy with the sensations he was giving off.Ngunit pinilit niyang panatilihin ang sariling katinuan at tinanong ito, nanginginig ang boses:A-anong oras ka d-dumating, Azrael?Hindi ito sumagot. Tuloy-tuloy lang sa ginagawa nito, waring hindi nito pinansin ang tanong.Na-miss niya ito... sobrang na-miss. Hindi niya alam kung bakit, kung kelan pa siya nag buntis

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 49

    Hindi maganda ang umpisa namin ni Azrael... Kung dati, punong-puno ako ng takot sa kanya-sa isang tingin lang, nanginginig na ako-ngayon, baligtad na. Naiiyak pa rin ako, lalo na kapag hindi pa siya umuuwi o may Meron siyang business na out of town."Ma'am, kumain na po kayo," malumanay na sabi ni Ate Mirna, ang maid na palaging nagdadala ng pagkain sa akin.Napatingin ako sa kanya at napabugtong-hininga, habang hawak ang cellphone. Katatapos lang namin mag-usap ni Azrael kanina... nasa Russia siya ngayon, kasama ang kakambal niya, may inaasikaso doon."Kumain naman ako kanina ng meryenda," sabi ko sa sarili ko, "antayin ko na lang si Azrael."Ngunit tila hindi pumayag si Ate Mirna."Naku, Ma'am... baka abutin pa yun ng kinabukasan. Baka magutom kayo at ang baby niyo..." sabi niya, puno ng pag-aalala.Napatingin ako sa kanya, napabugtong-hininga, at dahan-dahang kinapa ang maliit kong tiyan. Ramdam ko ang init at tibok ng buhay na kasama namin ni Azrael, at sa kabila ng distansya niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status