Share

Chapter 52

last update Last Updated: 2025-05-30 23:31:44

Nakayuko si Mahalia habang sinusubuan ang sarili. Ang tahimik nila habang nag-uumagahan. Limang buwan na rin ang nakalipas ngunit hindi parin sila nakatakas sa kamay ni Raine. Parang naging bilanggo sila dahil sa dami ng nagbabantay sa kanila.

"Honey, do you have anything planned? I would like to prepare a dinner date for us later,” basag ni Raine sa katahimikan. Nakaupo siya katabi ang tinutukoy habang kaharap si Mahalia.

“Aalagaan ko si Mahalia, hindi ko siya pwedeng iwan,” walang buhay na sagot ni Natassia na nagpatuloy sa pagkain, kahit isang sulyap sa lalaki ay hindi niya magawa.

Dumilim ang mukha ni Raine, halatang hindi nagustuhan ang sagot ng babae. Marahas niyang binitiwan ang tinidor saka ibinaling ang paningin kay Natassia na nasa kanyang gilid. Napatigil ang dalawa sa pagsubo dahil sa taginting nang ilaglag nito ang tinidor.

“Tinatanggihan mo ako?” matigas nitong tanong. “Ilang beses ko pa dapat sabihin na hindi mo ako dapat tanggihan?”

“M-mommy, hindi muna ako kailangan n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 53

    Gumulong ang mga oras, sumapit ang dilim. Hindi mapakali si Mahalia habang hinintay niya ang kanyang ina at si Raine sa sala. Kinakabahan siya, hindi pa kasi ito bumalik simula nang umalis ito. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya mapigilan ang utak na ma-isip ng masama.“Ma’am Mahalia, hating gabi na, matulog na po kayo, nakakasama sa buntis ang iyong ginagawa, baka bukas pa po sila uuwi,” ani ng katulog na lumapit.“Wala bang binilin sa inyo si mommy, manang?” tanong niya.“Wala naman po,” sagot ng katulong. “Matulog na po kayo.”Bumuga si Mahalia ng hininga para pakalmahin ang sarili. “Matulog na rin po kayo,” saad niya bago niya nilampasan ang katulong. Umakyat siya sa hagdanan papunta sa kwarto niya. Humiga siya sa kama niya, tinakpan ang sariling katawan ng kumot saka ipinikit ang mga mata.Wala namin sigurong nangyaring masama sa kanila. Maybe she is paranoid for thinking negatively.Kinaumagahan, nagising si Mahalia, inunat niya ang kanyang sarili saka umupo sa kama.

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 52

    Nakayuko si Mahalia habang sinusubuan ang sarili. Ang tahimik nila habang nag-uumagahan. Limang buwan na rin ang nakalipas ngunit hindi parin sila nakatakas sa kamay ni Raine. Parang naging bilanggo sila dahil sa dami ng nagbabantay sa kanila."Honey, do you have anything planned? I would like to prepare a dinner date for us later,” basag ni Raine sa katahimikan. Nakaupo siya katabi ang tinutukoy habang kaharap si Mahalia.“Aalagaan ko si Mahalia, hindi ko siya pwedeng iwan,” walang buhay na sagot ni Natassia na nagpatuloy sa pagkain, kahit isang sulyap sa lalaki ay hindi niya magawa.Dumilim ang mukha ni Raine, halatang hindi nagustuhan ang sagot ng babae. Marahas niyang binitiwan ang tinidor saka ibinaling ang paningin kay Natassia na nasa kanyang gilid. Napatigil ang dalawa sa pagsubo dahil sa taginting nang ilaglag nito ang tinidor.“Tinatanggihan mo ako?” matigas nitong tanong. “Ilang beses ko pa dapat sabihin na hindi mo ako dapat tanggihan?”“M-mommy, hindi muna ako kailangan n

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 51

    Rinig na rinig ni Mahalia ang sigawan ng dalawang nasa loob ng kwarto nito; halatang nag-aaway ang mga ito. Tumayo siya sa kama at naglakad papunta sa kabilang kwarto. Lumapit siya sa kanyang ina na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatalikod sa kanila si Raine.“No, she won’t go back to Philippines,” Raine said. “Walang babalik ng Pilipinas hanggat walang pahintulot ko.”Parang inangat ang katawan ni Mahalia sa galit nang marinig niya ang huling mga kataga ni Raine. “Hindi pwedeng bumalik ng Pilipinas hanggat walang pahintulot mo? Wala kang karapatan na magdesisyon sa buhay ko! Inuutusan kita, ibalik moa ko!” Nakakuyom ang mga kamao niya habang matapang na sinisinghalan si Raine.Tiim-bagang na nilingon ni Raine ang babae na nasa kanyang likuran. Matalim niya itong tinitigan. Napatayo naman si Natassia nang makita kung paano titigan ng lalaki ang anak niya.Mariin na kinuyom ni Mahalia ang kamao para doon kumuha ng lakas-loob. “Hindi mo na ako matatakot sa ganyan na tingin mo sa aki

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 50

    Umaga nang araw na iyon, sabay kumain si Mahalia at ang ina nito. Raine was not there. Tahimik silang kumakain nang biglang naduduwal si Mahalia. Tumakbo siya paakyat sa kanyang kwarto, at dumeretso siya sa comfort room nito. Nakakunot rin ang noo ni Natassia na sinundan ang anak. Hinapuhap nito ang likod nito habang nagduduwal ito sa may lababo.“May masakit ba sayo, anak?” tanong ni Natassia na nag-aalala.Duwal nang duwal si Mahalia pero wala naman lumalabas. Biglang umikot ang kanyang paningin at hinimatay, buti’t naalalayan siya ni Natassia bago mabulagta sa sahig.“Mahalia, anak…” tawag nito sa pag-aalala. “Help! Help me!”May pumasok na dalawang katulong sa comfort room kung saan nahimatay si Mahalia. Tinulungan nila si Natassia na dalhin sa kama ang walang malay. Nang nahiga na nila ito rito, nagmamadaling nagtungo si Natassia sa kwarto nila ni Raine, dinampot niya ang cellphone niya nasa night stand at tinawagan ang lalaki. Isang dial lamang niya dito, sumagot agad ito.“bak

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 49

    “Anak, bumaba kana!”Nagmamadaling bumaba ng hagdanan si Mahalia nang marinig niya si Natassia na tinatawag siya. Nasa baba ito ng hagdan, hinihintay siya. Nang makita siya umuna na itong naglakad palabas ng kabahayan. Nakasunod naman si Mahalia dito hanggang sa parking area kung nakahanda na ang sasakyan at driver ng mag-ina sa gagawin nilang pamamasyal.Pumasok si Mahalia sa back seat, nasa loob na rin si Natassia. Magkatabi sila nang tiningnan ng ina ang kaubuhan ng anak. Inayos naman ni Mahalia ang pag-upo nang mapansin niyang nakatingin ang katabi sa kanya.“Napakaganda mo,” puri ni Natassia sa anak. Nginitian niya ito. “Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama.”Ngumiti pabalik si Mahalia. “S-salamat po,” tugon nito, bahagyang namumula sa hiya ngunit masaya sa papuri.“Ma’am Natassia, alis na po ba tayo?” tanong ng driver na nasa upuan. Isa lamang itong Pilipino, sinama nila sa Paris.“Oo, alis na tayo,” sagot niya nang may sigasig. Pinatakbo naman nito ang sasakyan. Ibinalik niya ang

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 48

    Hindi makapaniwala si Mahalia sa mga nalaman. Ang totoo niyang ina ay si Natassia ang ang kanyang ama ay namatay. Ninakaw lamang siya ng tatay Lando at nanay Tessa. Anong dahilan ng mga ito para gawin ang binibintag?Ilang araw ng nagkukulong si Mahalia sa loob ng silid. Hindi niya alam kung nasaan siya, basta ang alam niya sumakay sila ng sasakyan na panghimpapawid bago sila makarating sa malaking bahay kung nasaan sila sa kasalukuyan.May kumatok sa pintua. “Anak, Mahalia… ang mommy mo ito, buksan mo ang pintuan,” ani Natassia na siyang kumakatok na nasa labas ng pintuan. “Papasok ako hah…”Nakahiga si Mahalia sa kama, binalutan niya ang kanyang katawan ng kumot. Wala siyang balak na sagutin ang nasa labas ng kwarto. Ilang beses na siyang nagmakaawa dito na ibalik siya sa mga mahal niya sa buhay pero hindi siya nito pinapakinggan. Kahit sinabi na niya ang ginawa sa kanya ni Raine na kasa-kasama rin nila.Bumukas ang pintuan at pumasok dito si Natassia. “Anak, bumangon kana. Saluhan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status