Matapos magbihis, pumunta si Gainne sa kanyang mga tauhan. Nasa bodega sila at hinanap niya si Crisostomo. Hindi niya ito Makita sa loob Ng kabahayan kaya sigurado siyang naruon ito. Pero wala rin doon ang hinahanap.
“Nasaan si Crisostomo?” tanong niya sa isa sa kanyang mga tauhan.
“Nasa helipad, boss. Inihanda ang helicopter,” sagot ng isa sa mga ito.
“Bantayan n'yo dito,” bilin ni Gainne bago tumalikod at umalis roon.
Kailangan na bumalik si Gainne sa Maynila para sa legal na trabaho niya. He's a cardiologist. Maraming pasyente ang naghihintay sa kanya.
Si Mahalia naman ay abala sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit. Agad niyang inihanda ito para hindi na siya muling magalit si Gainne. Alam niyang galit si Gainne nang iwanan siya nito kanina sa hapag-kainan. Ayaw niyang magalit sa kanya si Gainne.
"Mahalia," tawag sa kanya ng katulong nang pumasok ito sa kanyang silid. "Ito na ang bag, ang mga damit mo ay nasa loob."
Tinanggap ni Mahalia ang bag. "Salamat..." Habang naglalagay si Mahalia ng mga damit sa bag, tinutulungan siya ng katulong. "Ganun ba si Gainne? Bakit lagi siyang galit sa akin?"
"Alam mo, Mahalia, ganyan ang mga lalaki kapag may gusto sila sa isang babae... Nagkukunwari silang galit, pero ang totoo ay gusto nila ito," mahabang sagot ni Gella.
"Gusto ako ni Gainne?" Napakunot ang noo ni Mahalia at humarap sa katulong. Naalala niya ang babaeng nagngangalang Calla. "Gusto rin ba ni Gainne ang babaeng nakita kong hubad sa kwarto niya?"
Pekeng umubo si Gella nang marinig ang tanong ni Mahalia. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.
"Tinatanong kita, manang..."
"G-ganun na nga, Mahalia," sagot ng katulong.
"Ah, ang sweet pala ni Gainne, manang," nakangiti si Mahalia kay Gella. "Dalawa kaming mahal niya."
"Sige na, Mahalia... Aalis na ako, mag-ingat ka lagi." Paalam ni Gella kay Mahalia.
Naiwan mag-isa si Mahalia sa silid. Umupo siya sa gilid ng kama kung saan nakalatag ang mga damit niya. Isa-isa niyang nilagay ang mga ito sa bag na binigay ng katulong at nang matapos ay humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Naalala niya na naman ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya para sa kanila.
Biglang bumukas ang pinto. Gulat na napatayo si Mahalia nang makita kung sino ang pumasok sa silid kung nasaan siya. Mabilis siyang yumuko.
Gainne entered Mahalia's room. Wearing a black long-sleeved shirt, black slacks, and black shoes, he stood tall and imposing before Mahalia. He stared at her face. His jaw tightened when he saw how terrified she was, a fear he had caused.
Sa mga mata ni Mahalia, halimaw ba talaga siya? Well, masamang tao naman talaga siya.
“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” maaaninag sa boses ng dalaga ang takot.
“Aalis na tayo,” sagot niya.
“Ah... S-sige po.”
Kinuyom ni Gainne ang kamao niya at tumingin sa ibang direksyon. Talagang ayaw niya ang ekspresyon ng babae dahil ipinaaalala nito sa kanya ang mga masasamang bagay na nagawa niya at gagawin pa niya. Oo, masama siya, pero tao pa rin siya na may konsensya.
"Kung patuloy kang nakatingin sa akin na para bang natatakot ka sa akin," Gainne breathed harshly. "Papatayin kita."
Nangatal ang labi ni Mahalia. Mas lalo siyang natakot sa taong nasa harap niya. Halos sumabog ang puso niya at nanubig ang kanyang mga mata. Ayaw ni Mahalia na matakot kay Gainne. Gusto niyang maging komportable sa harap nito. Pero hindi niya magawa, lalo na binabantaan siya nito.
“Sumunod ka sa akin, lilipad na tayo,” matigas nitong sabi saka tumalikod at lumabas ng silid.
Nakasunod rin si Mahalia sa lalaki, dala niya ang bag niyang may laman na damit niya. Nagtungo sila sa helipad kung saan naghihintay sa kanila ang nakahandang helicopter.
“D-diyan tayo sasakay?” tanong ni Mahalia. Kahit takot siya sa lalaki, mas takot parin siya sa bagay na nasa kanyang harapan.
“Helikopter lang ang sasakyan na lumilipad, kaya iyan talaga ang sasakyan natin,” sagot nito saka humakbang palapit sa helicopter.
Unang beses na sumakay si Mahalia sa helikopter kaya kinabahan siya. Tinulungan siyang umakyat ni Gainne sa loob ng helikopter. Nakayakap siya sa bag na dala para mapakalma ang sarili sa takot.
Umupo si Gainne sa tabi ni Mahalia. Naiinis siya sa dito, kinuha niya ang bag at ibinigay sa kanyang tauhan na nasa tabi ni Crisostomo, ang piloto. Napatitig siya sa dalaga nang bigla itong yumakap sa braso niya habang pataas ang helicopter.
"Tigilan mo na ang pag-arte, babae. Alam kong gusto mo lang akong akitin. Gusto mo talagang Dito tayo gumawa ng kababalaghan?" Iritadong sabi ni Gainne.
Patuloy pa rin si Mahalia sa pagyakap sa braso lalaki. Narinig naman niya ang sinabi nito, pero wala siyang balak sagutin ito, nakapukos siya sa kanyang takot. Bumilis pa ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman niyang malapit nang umalis ang helikopter. Parang mahuhulog siya.
“Talaga bang natatakot ka?” tanong ni Gainne sa babae, iniisip niyang nag-a-arte lang ito. “Hindi ka ba nagpapanggap, Mahalia?”
“Waahh...! Mamamatay ako!” sigaw ni Mahalia sa takot bago siya nawalan ng malay.
Gainne supported Mahalia so she wouldn't fall off the seat. He smiled as he looked at her face. Even though she was asleep, fear was still evident on her face.
Nagising si Mahalia sa isang madilim na lugar. Wala siyang makita. Ni sarili niya ay hindi niya makita. Ang alam niya lang ay nakahiga siya sa kama.
Biglang sumilaw ang ilaw. Mabilis na bumangon si Mahalia at hinanap kung sino ang kasama niya sa silid. Nakita niya si Gainne na papalapit sa kanya. Mula sa kanang pader siya nagmula. Nakasuot pa rin siya ng parehong damit bago siya hinimatay.
"Mabuti at gising ka na. Kakarating lang natin." Sabi ni Gainne habang umuupo sa gilid ng kama.
"Ganoon ba, mabuti naman at walang nangyaring masama sa atin," nahihiyang sagot ni Mahalia.
Tumayo si Gainne mula sa pagkakaupo at nagkibit-balikat. Dumiretso siya sa pinto at nagsalita. "Matulog ka na lang ulit, alas-nuebe pa lang ng gabi," sabi niya bago tuluyang lumabas.
Iginala ni Mahalia ang kanyang mga mata sa buong silid. Napahanga siya sa modernong disenyo ng silid. Mas maganda ito kaysa sa silid na tinuluyan niya sa bahay sa isla. Humiga ulit siya habang nakatitig sa kisame. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya ulit.
Mahalia wore the dress. Tinitingnan niya ang sarili niya sa human size na salamin na nasa kanyang harapan. She smiled as she saw herself on the mirror. “Ang ganda mo, Mahalia…” puri niya sa kanyang sarili.“Yes, you’re so beautiful, Mahalia.”Napalingon si Mahalia sa bandang likuran niya kung nasaan ang pintuan nang marinig ang boses ni Gainne. Ngumiti siya dito nang makita ang lalaki na nakatayo sa gitna ng pintuan.Lumapit si Gyvanne sa ama nito, tumayo ito sa gilid ng lalaki habang nakapanaywang. “Mama bakit ang tagal mo, gusto ko nang umalis mama.” Kitang-kita ang pagkabagot sa naging reaksyon ng mukha.Dumako ang paningin ni Gainne sa anak. Napatawa siya nang makita niyang nakapamaywang ito.“Yes, you’re so pretty mama but I can make it little faster.”“Oo na.” muling humarap pabalik sa salamin.“Maliligo muna ako. Just five minutes.” Tumalikod si Gainne at pumasok sa pintuan ng banyo.Bumalik na rin si Gyvanne sa kama. Naglagay ng manipis na na make-up sa mukha saka lumabas ng c
Muling umupo si Gainne sa kanyang upuan. Naglagay siya ng pagkain sa kanyang plato saka sinubuan ang sarili. Napalingon siya sa kanyang anak na pakiramdam niya nakatingin sa kanya. Hindi nga nagkamali ang pakiramdam niya. Kumukurap-kurap ito na halatang nagpapapansin.Gainne smiled. “Eat now, Gyvanne. Huwag kang gumaganyan-ganyan sa akin,” bulalas niya.Walang salitang kumain si Gyvanne. He ate the food in his plate. Ganoon din si Mahalia, kumain na rin. Kumakain sila na isang masaya at buo na pamilya.Pagkatapos kumain, dinala ni Gainne ang anak sa sala habang nililigpit ni Mahalia ang kinainan nila. Mayroon naman silang limang katulong ngunit hindi sila nakadepende sa mga ito. Mas gusto ni Mahalia siya ang mag-aasikaso sa kanyang mag-ama. She loves to take care of them.“Diba papa, where going to mall this day. Sinabi mo iyon sa akin kahapon. Ilalabas mo ako diba…” ani Gyvanne habang nakaupo sa sofa, katabi ang kanyang ama.“Oo nga no. I almost forgot, kiddo.” Ginulo niya ang buhok
Nakatayo si Gainne sa harapan ng kaniyang mag-ina na nakahiga sa kama. Nagdadalawang-isip siya kung tatabi ba siya ng higa dito. Nakapikit ang mga mata ni Mahalia, ngunit halata naman na hindi pa ito tulog. Gumalaw ang mga pilit-mata nito.Umupo si Gainne sa gilid ng kama, lumingon muna siya kay Mahalia saka tumabi dito ng higa. Nakaharap siya sa nakatalikod na babae sa kanya. Bigla itong bumaling sa kanya sabay bukas ng mga mata dahilan nang pagtagpo ng kanilang paningin.“A-anong tinitingnan mo?” biglang tanong ni Mahalia.Tipid na ngumiti si Gainne. “Nothing.”“Matulog na nga tayo.” Ipinikit ulit ni Mahalia ang mga mata nang biglang may humawak sa kanyang kamay na may yakap na unan. Binuksan niya ulit ang kanyang mga mata. “Bakit Gainne?”“Are you really okay na matulog tayo ng magkatabi? What I mean, asawa muna ngayon si Primo, brother-in law muna ako. Hindi ka ba naiilang sa akin?”“Bakit naiilang ka ba sa akin?” balik tanong ni Mahalia.“Nope.”Ngumiti si Mahalia. “Iyon naman pa
At night, pagkatapos kumain, pinaliguan muna ni Mahalia ang anak bago pinahiga sa kama para patulogin. Nasa loob sila ng kwarto ni Gainne na kasalukuyan na hindi pa pumasok. “Mama, nasaan si papa?” tanong ni Gyvanne sa ina. “Gusto ko nandito siya sa tabi habang natutulog ako.”“Nasa labaas pa si papa mo anak e, baka papasok lang iyon maya-maya,” sagot ni Mahalia. “Baka kasi nag-uusap pa sila ng tito Cris mo.”Gyvanne pouted. May namuo na luha sa gilig ng kanyang mga mata. “Gusto ko siyang katabi mama, papuntahin mo na siya dito,” may pagmamakaawa niyang wika. “Takota ko baka mawala na naman siya pagising ko.” Niyakap ni Mahalia ang anak. Damang-dama niya ang takot sa puso nito dahil sa lakas ang kabog. “Hindi iyon mangyayari, Gyvanne. Hiindi ka niya iwan. Mahal na mahal ka ng papa Gainne mo.” Hinapuhap niya ang bandang likuran nito.“Pero mama, paano kung iwan niya ulit tayo? Natatakot na akong walang papa,” Gyvanne insisted.Hindi alam kung anong isasagot ni Mahalia sa anak. Mahigp
Magkasabay silang kumain ng tanghalian. Hindi maipinta ang mukha ni Gyvanne dahil sa broccoli na nasa kanyang harapan. Katabi niya si Mahalia habang nasa nakaupo si Gainne sa harapan ng kanyang mag-ina.“Kumain ka na, anak. Maglalaro tayo mamaya sa labas,” wika ni Gainne sa anak niya.“Hindi siya pwede lumabas, maalikabog sa labas, Gainne,” sabat ni Mahalia.Nakatingin ang anak sa ina na may namumuo na luha sa mga mata. “Pero mama, gusto ko maglaro sa labas…” ngumuso siya para maawa ang kanyang ina.“It’s safe outside the house, Mahalia, Sasamahan ko naman siya, don’t worry hindi ko hahayaan na may mangyari sa anak ko. He is my son too, hindi ako papyag na may mangyari sa kanya.”Bumuntonghininga na lamang si Mahalia. Sa pagkakataon, pakiramdam niya pinagtutulungan siya sa kanyang mag-ama. Umiling-iling na lamang siya habang nagsimulang subukan ang anak.“Mama payag kana po, behave naman ako sa labas, hindi po ako hahawak ng madumi.”Nakaramdam ng awa si Mahalia sa anak. Pakiramdam ni
Tumayo si Gainne at lumapit kay Mahalia. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito. Lalong humahagulhol ang babae habang nasa bisig niya ito.“Ang anak ko, Gainne.”“Hindi ko hahayaan na mapahamak ang anak natin, kahit pa buhay ko ibibigay ko sa kanya para maligtas lamang siya.”Kahit papano gumaan ang nararamdaman ni Mahalia dahil sa sinabi ng lalaki. She hugged him back. Ang dala-dala niyang bigat sa puso ay unti-unting nababawasan. Alam niya sa pagkakataon na ito mayroon na siyang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila. Sigurado siyang hindi nito hahayaan na mawalay sa kanila si Gyvanne.Bumitaw sila sa isa’t isa. Pinunasan ni Gainne ang pisngi ni Mahalia na basa sa luha. Humihingus-hingos ang babae. Napalayo na lamang sila sa isa’t isa nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Crisostomo na hawak-hawak ang kamay ni Gyvanne at hila-hila palapit sa kanila.“Huwag ninyong subukan na sundan itong anak ninyo dahil hindi ako magyayo,” bulalas ni Crisostomo.Dumako ang paningi