NA DISCHARGE siya ng gabi na yon. Pag dating sa bahay ay hindi na siya sumalo sa hapunan. Nag paalam siya na mag papahinga na sa kwarto niya
Mabilis siyang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod sa mga nangyari ngayong araw.
Napabalikwas siya ng bangon ng magising sa isang bangungot. Tagaktak ang pawis niya at hilam ang mga mata niya sa luha.
Tinignan niya ang mga kamay. Iniisip kung buhay pa ba siya o namatay na siya ng gabing iyon?
Dali dali siyang umalis sa kama at pumasok sa banyo saka ini-lock iyon
Kalangan niyang maramdaman na buhay pa siya. Na wala siya sa panaginip na yon.
Binuksan niya ang cabinet na nasa loob ng banyo niya. Agad niyang kinuha sa ilalim ng mga twalya ang itinago niyang ligther at kandila. Nang makuha iyo ay ibinaba niya ang takip ng bowl at doon naupo. Hinubad niya ang pajamang suot hanggang tuhod. Sinindihan niya ang kandila saka ito itinuwad upang bumaliktad din ang apoy nito at dilaan ang katawan ng kandila. Nang mapansin niyang tutulo na ang natunaw na wax galing sa kandila itinapat niya iyo sa hita niya at inantay iyong pumatak.
Napaungol siya ng maramdaman ang pag patak ng kandila sa hita niya. Mainit iyon at masakit. Pero sakit na may hatid na sarap. Sarap na nag papa relax sa katawan niya at isip. Napakagat siya sa labi.
Nang mapuno ng patak ang isang hita niya itinapat niya naman ang kandila sa kabila. Hindi siya tumigil hanggang hindi pumayapa ang loob niya.
Nalaman niya na meron palang sarap na nararamdaman mula sa sakit na idinudulot niya sa sarili. Natuklasan niya ito noong labing limang taon siya ng laslasin niya ang pulso niya. Noong una ay natatakot siya sa sakit pero dahil sa ka desperaduhan nilaslas niya ang pulso niya para takasan ang mga bangungot niya. Nang mga oras na yon ang kirot at hapdi na nag mumula sa pulso niya ay nag hatid sakanya kapayapaan. Nagagawang tanggalin ng sakit ang mga masasamang alala hanggang ang physical na sakit ay nahalinhinan ng kakaibang sarap. Sa bawat patak ng kandila o sa bawat hapdi kapag pinapaso niya ang sarili gamit ang ligther may kakaibang sarap siyang nararadaman doon. Nakakaadik. Hinahanap hanap ng katawan niya lalo na sa mga oras na nilalamon siya ng takot
Nang araw na mag laslas siya nakita siya ng daddy niya bago siya tuluyang maubusan ng dugo.
Kaya naman ng makaligtas ng araw na yon. Nag isip siya ng ibang bagay na pwede niyang magamit para saktan ang sarili na hindi siya kakakitaan ng kahit anong sugat. Sinisiguro niya rin na sa tagong parte ng katawan niya siya mananakit
Matagal niya na ito ginagawa lalo na noong madalas siyang bangungutin katulad nalang ng nangyari kanina. Itinatago niya lang ito dahil ayaw niyang malaman ito ng daddy niya dahil paniguradong dadalhin nanaman siya nito sa isang rehabilitation center at ipapakausap sa kung sino sinong psychiatrist.
At ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niya ng mag pa counseling at mag take ng medication. Ayaw niya ng maupo sa loob ng isang kwarto at piliting ipa kwento sakanya ang nangyari sakanya noong labing apat na taong gulang siya para lang malaman kung saan nag mumula ang mental illness niya.
Natawa siya. Hindi siya baliw pero kung ituring siya ng mga doctor na yon ay parang isang baliw. Kaya hinding hindi siya babalik don. Hinding hindi nila malalaman na hindi nahinto ang pananakit niya sa sarili
Napaiyak siya. Hinayaan niya ang sarili na ilabas ang mga luha na hindi niya nailalabas kapag may iba siyang kaharap. Pinalaya niya ang damdamin na nasasaktan sa tuwing binubully siya. Sa mga sampal, sabunot at pangungutya na natatanggap niya sa araw araw na pag pasok sa university. Hindi siya umiiyak sa harap ng mga bu-mu-bully sakanya dahil ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang mga ito na lalong mag diwang pag nakitang miserable siya.
Dalawang taon nalang. Lagi niyang paalala sa sarili. Oras na grumaduate siya matatapos na ang pag hihirap niya. Magiging normal na ang buhay niya.
MAAGA SIYANG nagising kinabukasan kahit halos wala siyang tulog. Kailangan niya kasing pumunta sa supermarket para bilhin ang mga lulutuin at gagamitin sa pag preprepare ng dinner with candle ligth para sa anniversary ng daddy niya at ng tita niya
Nag suot siya ng palda na abot hanggang sakong niya para maitago non ang namumula niyang hita at hindi kumuskos iyon sa paso niya dahil sensitive p iyon ang pang itaas niya ay fitted na kulay pink na forever21 na sando. Nag pulbo lang siya at kaunting lip gloss. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at nag lagay lang ng headband
Sumakay na siya sa kotse at ng pahatid sa pinaka malapit na supermarket.
Binili niya ang mga rekado para sa lulutuin niyang roast beef na paborito ng Tita Melody. Sunod na pinuntahan niya ay isang party needs shop bumili siya ng mga sa tingin niya ay kakailanganin nila para sa pag decorate ng mabili na niya ang mga kailangan nag hanap siya ng flower shop may nakita naman agad siya. Nakangiting lumapit siya don.
Nalibang siya sa pag amoy at pag mamasahid sa mga bulaklak kaya hindi niya namalayang may nakalapit na pala sa likuran niya
Pag lingon niya para lapitan ang mga rosas ay muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa lalaking nakakalokong nakangiti sakanya habang ang mukha ay ilang hibla nalang ang layo sa kanya dahil sa pag kaka dukwang nito.
Parang napapasong mabilis siyang lumayo kay Kenobi
Dumeretso naman ito ng tayo at namulsa
"What are you doing here freak?" Maangas na tanong nito sakanya
Hindi siya nakapag salita parang biglang may bumara sa lalamunam niya. Iniisip niya ang nangyari kahapon ang sinabi nito sakanya. Agad na nanlamig ang mga kamay niya.
Dinampot nito ang isang pulang tulip. Inamoy nito iyon at napapikit pa. Pag katapos ay dumilat at nginitian siya na para bang mag kaibigan sila
Lumapit ito sakanya gusto niyang umatras pero parang napako ang paa niya sa sahig
Itinaas nito ang hawak na tulip. Idinikit nito iyon sa pisngi niya at sensual na ipinadaan nito yon mula sakanyang pisngi pababa sakanyang leeg hanggang sa clivage ng kanyang dibdib
"You have a big tits. I didn't notice it before"
Parang natauhan siya sa sinabi nito mabilis niyang tinabig ang tulips na nasa dibdib niya
"B-bastos" galit na sabi niya dito
"Whoah im just complementing you freak!" Pinandilatan siya nito ng mata na parang napaka inosente lang ng ginawa nito pero ang isang sulok ng labi naman nito ay nakataas na alam niyang nanunuya sakanya. Pinisil nito ang pisngi niya at pilit siyang itiningala dito "Wala ka talagang manners!" Mariing sabi nito sakanya na naniningkit ang mga mata
to be continued...
Excitednamabilissiyangumibisngsasakyanparapumasoksakabahayan.Gumawasilang Valentine's card atnaisipanniyanggawanangmommyniya.LagikasiitongmalungkotdahilwalasiKrishiaatangdaddyniya.MadalasnamagtungosaEnglandang&nbs
Mina's POVHALOS MADAPA NA siya dahil sa pagkaladkad sa kanya ni Shia, Krishia Sandoval, ang kakambal na babae ni Kenobi. Ang alam niya sa Oxford ito nag-aaral at isang psychology student. Hindi niya ito personal na kakilala pero sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandoval?Kaya naman nagulat siya ng bigla itong sumulpot kanina at ng ipagtanggol siya nito saka nang walang ka-abog abog na pagkaladkad nito sa kanya papasok sa loob ng mansion ng mga Sandoval. Narinig niya pang hinabol sila ni Kristoff."S-sandali..." Gusto man niyang bawiin ang kamay niyang hawak nito ay hindi niya magawa, dahil sa higpit nang kapit nito sa kanya. Idagdag pa na mas matangkad ito. Para lang siyang bata dahil sa height niyang 5'3 at sa height nitong 5'8.Paakyat na sila sa hagdan nang makasalubong nila ang pababang babae na sa tingin niya ay kaidad lang ng Tita Melody niya."Hi Mom," bati ni S
"Hi, ladies," bati ng isang lalaki na lumapit sa kanila. Matangkad ito, moreno at di mapagkakailang gwapo."Hi..." nahihiyang ganting bati ng kaibigan niya. Siya naman ay napaiwas ng tingin."I'm Devon," nakangiting pakilala nito sabay lahad ng kamay. Agad naman iyong tinanggap ng kaibigan at nagpakilala. "And you are..?" Baling nito sa kanya"H-Hermina..." halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig niya. Naiilang siya sa mga titig nito sa kanya na para na siyang hinuhubaran.May kumapit ditong babae. Si Alodia na nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanilang magkaibigan"Hey, freak, paano kayo nakapasok dito?" sita ni Alodia sa kanya."Dumaan sa pinto?" patanong din na sagot ni Jessa."You--""I invited them," sagot ni Kristoff na nasa likuran ni Jessa, kasama nito si Elizabeth na nakakapit pa sa braso ni Kristoff. Litaw na litaw ang maputing balat nito dahil sa soot na pulang bikini top at high waist short shorts. Napakagand
Mina's POV"HOY HERMINA bakit nandiyan ka pa? Akala ko naman sumunod ka na sa akin mag-uumpisa na ang klase natin andon na sila pool!" ani sa kanya ni Jessa pero ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakatingin pa rin siya sa dinaanan ni Kristoff."Kurutin mo ko," hiling niya dito."Ano?" naguguluhan namang tanong nito sa kanya."Kurutin mo ko," ulit niya."Okay." Nagkibit-balikat ito saka siya malakas na kinurot sa balikat."Aray!" sigaw niya at mabilis na inilayo ang balikat niya dito dahil talaga namang masakit ang ginawa nitong pagkurot, "Masakit.""Ginusto mo yan sabi mo kuritin kita!" Pinandilatan siya nito ng mata.Nahimas niya ang nasaktang braso."Hala hindi ako nanaginip!" Nanlalaki ang mga matang hinarap niya si Jessa, "Hindi ako nanaginip," sabi niya dito."Naka-drugs ka ba Mina?" nagdududang tanong nito sa kanya."No! Of course not. Hindi lang ako makapaniwala..."
"THEY'RE HERE!" impit na tili ni TatiNag angat siya ng tingin mula sa pag kakaupo sa lawn ng garden. Sinindahan niya ang huling kandila na nasa loob ng isang mason jar na ikinalat nila sa lawn. Ideya iyon ni Tati para daw mas romantic.Akay nina Shimmer ang Daddy nila at akay naman ni Shine si Tita Melody. Parehong may piring ang mga mata ng mga ito.Dinala ng kambal ang mag asawa malapit sa round table na inihanda nila para ditoHumilera naman sila sa gilid nina Tati na kanina pa halos mamilipit sa kilig, katabi nito si Amanda na panay naman ang irap dito. Wala si Geneva dahil sinundo ito ng biological mother nito kanina."What's really happening girls?" Nangingiting sabi ng Daddy nila"Okay love birds pwede niyo ng tanggalin ang piring niyo" masayang sabi ni TatiSabay ngang tinanggal ng dalawa ang mga piring."Happy anniversary!" Duet nilang mag kakapatidLumapit dito si Amanda at iniabot ang binili niyang bouquet kanina."Oh my god.." Naiiyak na sabi ni Tita Melody. Bakas sa mukh
Mina's POVBUMABA ANG mag kahalong asul at berdeng mga mata nito sa mga labi niya. Matagal itong tumitig doon na parang nahihipnotismo. Nag taas baba din ang adams apple nito.Nanlaki ang mga mata niya ng unti unting bumababa ang mga labi nito papunta sakanya"Excuse me sir, mam may napili na po ba kayo?" Sabi ng saleslady na lumapit sakanila.Natigilan si Kenobi at napakurap kurap mabilis nitong inilayo ang ulo sakanya at mahinang napamura, binitiwan siya nito at hinarap ang tindera."Bibilhin ko lahat ng bulaklak dito. Here's my card" dinukot nito ang pitaka at kinuha ang isang black na credit card doon "ipadala mo sa address niya" tinuro siya nito. Pag katapos kunin uli ang credit card nito at walang paalam na lumabas na ng shop.Nasundan niya nalang ito ng tingin ang papalayong si Kenobi. Kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang ugali nito.Mula pa ng unang araw na tumapak siya sa loob ng campus ng university naging mainit na ang mga mata nito sakanya.Naalala niya ang ibinulo