공유

Chapter 6.2

작가: Raw Ra Quinn
last update 최신 업데이트: 2025-06-19 21:48:50

Mina's POV

Paglingon niya ay muntik nang maglapat ang labi nila. Napaatras ang leeg niya at halos maduling siya sa lapit ng mukha nila ni Kenobi. Nakataas ang sulok ng labi nito habang nakakalokong nakatingin sa dibdib niya.

Natatarantang agad niyang tinakpan ng kamay ang dibdib niya.

Napaka bastos talaga nito! Inis na naibulong niya na lang sa sarili.

Tinapik nito sa balikat ang katabi niyang lalaki na nasa kaliwa niya at ito ang naupo doon. Halos magbungguan ang mga tuhod nila sa sobrang lapit nito sa kanya, naiilang na uusog sana siya papalayo dito pero mahigpit nitong hinawakan ang tuhod niya. Agad na may gumapang na nakakakiliting kilabot sa katawan niya dahil sa paglapat ng kamay nito sa balat niya.

"Mas gwapo ako dyan kay Devon, bakit mas gusto mong lumapit sa kanya?" Nag-isang linya ang makakapal na kilay nito at tumiim ang pagkakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang mas lalong paghigpit nang hawak ni

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 6.2

    Mina's POVPaglingon niya ay muntik nang maglapat ang labi nila. Napaatras ang leeg niya at halos maduling siya sa lapit ng mukha nila ni Kenobi. Nakataas ang sulok ng labi nito habang nakakalokong nakatingin sa dibdib niya.Natatarantang agad niyang tinakpan ng kamay ang dibdib niya.Napaka bastos talaga nito! Inis na naibulong niya na lang sa sarili.Tinapik nito sa balikat ang katabi niyang lalaki na nasa kaliwa niya at ito ang naupo doon. Halos magbungguan ang mga tuhod nila sa sobrang lapit nito sa kanya, naiilang na uusog sana siya papalayo dito pero mahigpit nitong hinawakan ang tuhod niya. Agad na may gumapang na nakakakiliting kilabot sa katawan niya dahil sa paglapat ng kamay nito sa balat niya."Mas gwapo ako dyan kay Devon, bakit mas gusto mong lumapit sa kanya?" Nag-isang linya ang makakapal na kilay nito at tumiim ang pagkakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang mas lalong paghigpit nang hawak ni

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 6.1

    Krisroff's POVLUMABAS NA SIYA SA entertainment room para bumalik sa kasiyahan sa ibaba.Agad siyang kinawayan ni Xyrius, nakaupo ito kasama ang mga ka-teammates nila at ilang mga babae, kasama na sina Elizabeth na nakaupo ng pabilog at sa gitna ay may isang bote na ipinaiikot.Ang laki nang pagkaka-ngiti sa kanya ni Xyrius habang akbay-akbay ang kaibigan ni Mina na pilit inaalis ang kamay ni Xyrius sa balikat nito. halatang inis at naiilang na ang kaibigan ni Mina. Napailing na lang siya. Bestfriend niya si Xyrius at mukhang nakakuha na naman ng paglalaruan ang kaibigan niya.Nakangiting tumayo si Elizabeth at sinalubong siya. Hinila siya nito papalapit sa mga nag-uumpukan at pinaupo sa tabi nito."We're playing truth or dare, babe," malambing na sabi nito at inihilig pa ang ulo sa balikat niya. Kinantyawan naman sila ng mga nakapalibot sa kanila na tinawanan lang niya.Wala naman silang relasyon ni Elizabeth. Hind

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 5.2

    Excitednamabilissiyangumibisngsasakyanparapumasoksakabahayan.Gumawasilang Valentine's card atnaisipanniyanggawanangmommyniya.LagikasiitongmalungkotdahilwalasiKrishiaatangdaddyniya.MadalasnamagtungosaEnglandang&nbs

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 5.1

    Mina's POVHALOS MADAPA NA siya dahil sa pagkaladkad sa kanya ni Shia, Krishia Sandoval, ang kakambal na babae ni Kenobi. Ang alam niya sa Oxford ito nag-aaral at isang psychology student. Hindi niya ito personal na kakilala pero sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandoval?Kaya naman nagulat siya ng bigla itong sumulpot kanina at ng ipagtanggol siya nito saka nang walang ka-abog abog na pagkaladkad nito sa kanya papasok sa loob ng mansion ng mga Sandoval. Narinig niya pang hinabol sila ni Kristoff."S-sandali..." Gusto man niyang bawiin ang kamay niyang hawak nito ay hindi niya magawa, dahil sa higpit nang kapit nito sa kanya. Idagdag pa na mas matangkad ito. Para lang siyang bata dahil sa height niyang 5'3 at sa height nitong 5'8.Paakyat na sila sa hagdan nang makasalubong nila ang pababang babae na sa tingin niya ay kaidad lang ng Tita Melody niya."Hi Mom," bati ni S

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 4.2

    "Hi, ladies," bati ng isang lalaki na lumapit sa kanila. Matangkad ito, moreno at di mapagkakailang gwapo."Hi..." nahihiyang ganting bati ng kaibigan niya. Siya naman ay napaiwas ng tingin."I'm Devon," nakangiting pakilala nito sabay lahad ng kamay. Agad naman iyong tinanggap ng kaibigan at nagpakilala. "And you are..?" Baling nito sa kanya"H-Hermina..." halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig niya. Naiilang siya sa mga titig nito sa kanya na para na siyang hinuhubaran.May kumapit ditong babae. Si Alodia na nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanilang magkaibigan"Hey, freak, paano kayo nakapasok dito?" sita ni Alodia sa kanya."Dumaan sa pinto?" patanong din na sagot ni Jessa."You--""I invited them," sagot ni Kristoff na nasa likuran ni Jessa, kasama nito si Elizabeth na nakakapit pa sa braso ni Kristoff. Litaw na litaw ang maputing balat nito dahil sa soot na pulang bikini top at high waist short shorts. Napakagand

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Chapter 4.1

    Mina's POV"HOY HERMINA bakit nandiyan ka pa? Akala ko naman sumunod ka na sa akin mag-uumpisa na ang klase natin andon na sila pool!" ani sa kanya ni Jessa pero ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakatingin pa rin siya sa dinaanan ni Kristoff."Kurutin mo ko," hiling niya dito."Ano?" naguguluhan namang tanong nito sa kanya."Kurutin mo ko," ulit niya."Okay." Nagkibit-balikat ito saka siya malakas na kinurot sa balikat."Aray!" sigaw niya at mabilis na inilayo ang balikat niya dito dahil talaga namang masakit ang ginawa nitong pagkurot, "Masakit.""Ginusto mo yan sabi mo kuritin kita!" Pinandilatan siya nito ng mata.Nahimas niya ang nasaktang braso."Hala hindi ako nanaginip!" Nanlalaki ang mga matang hinarap niya si Jessa, "Hindi ako nanaginip," sabi niya dito."Naka-drugs ka ba Mina?" nagdududang tanong nito sa kanya."No! Of course not. Hindi lang ako makapaniwala..."

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status