Nakatayo si Antoine Savic sa loob ng silid niya, nakatalikod sa buong mundo. Ang tanging liwanag ay ang mahina’t kumukupas na sinag ng city lights mula sa bintana ng kuwarto niya. Tahimik ang gabi, pero sa loob niya, isang matinding bagyo. Maingay ang isip niya. Mabigat ang dibdib. Walang katahimikan sa sarili niya—hindi ngayong bumalik na ulit siya sa Pilipinas.Zarina... That name alone felt like a pulse beneath his skin.She was the chaos he never planned for, yet the one he always found himself running back to. Hindi man literal—pero sa isipan, sa puso, sa panaginip. Siya ang gulong pilit niyang iniiwasan pero siya rin ang direksyong gustong-gusto niyang puntahan. Kahit bawal. Kahit mali. Kahit alam niyang hindi dapat.Kinakapatid niya. He reminded himself of that—over and over again. Pero hindi naging sapat ang label na ‘yon para supilin ang nararamdaman niya. Hindi naging sapat ang mga taon ng paglimot, ng paglayo, ng pagpilit na mahalin ang iba.May nararamdaman siya kay Za
Ilang araw na ring halos araw-araw nagpabuntot-buntot si Zarina kay Antoine sa opisina nito sa Savic Avionics Corporation sa Makati.May mga umaga pa rin na kailangan niyang dumaan sa eskwelahan—may kailangang ayusin na clearance, mag-follow up sa final grades, o makipagkita sa adviser nila. Pero bago pa magtanghali, nandoon na siya sa lobby ng Savic building, tila parte na siya ng daily routine ni Antoine. Alam na rin siya ng receptionist; hindi na kailangang tanungin pa kung sino ang pakay.At si Antoine—bagaman halos hindi na nauubusan ng trabaho, mula sa mga technical design meetings hanggang sa pagbubuo ng panibagong investor pitch—lagi’t laging may oras para sa kanya. Minsan, abutan pa niya itong nakasubsob sa desk, may hawak na coffee mug at may animated na kausap sa phone. Pero pagpasok niya, agad siyang ngingitian ni Antoine, parang automatic na sumasaya ang araw nito kapag andun siya.“Five minutes. Tapos sa’yo na ko,” bulong nito minsan, bago bumalik sa kausap pero nakatiti
Nakita ni Antoine ang ama niyang si Antoinio na nakatayo sa balkonahe, nakatingin sa kanila ni Zarina habang papalapit sila sa bahay.Tahimik ang gabi pero ramdam niya agad ang tensyon. Hindi niya nasabi sa ama kanina na dumaan si Zarina sa opisina niya.Ginabi na rin sila. Zarina insisted na sumama ito pabalik sa opisina matapos silang mag-lunch sa pinakamalapit na restaurant sa opisina niya. Kaya kinansela na rin ni Antoine ang huling appointment niya para makauwi ng mas maaga. Pero kahit alas-singko sila umalis sa Savic Avionics Corporation, inabot pa rin sila ng tatlong oras sa biyahe.Pagkapasok pa lang sa bahay, agad na umakyat si Zarina sa guest room nang hindi na lumingon pa.Tahimik na naglakad si Antoine papalapit sa ama niya at nagmano.“Zia was with you?” malamig ang tanong ni Antoinio, pero halatang may hinanakit.“She came to my office before lunch. She wanted to talk. I didn’t see the harm in it,” mabilis pero diretso ang sagot ni Antoine.Tinapik siya ni Antoinio sa
Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak. Gusto niyang ipakita sa lahat kung gaano siya nasaktan. Pero hindi. Hindi dito. Hindi ngayon.Hindi niya bibigyan ng satisfaction ang mga taong nag-aabang lang ng kahinaan niya. Hindi niya ibibigay ang moment na 'yon. Hindi siya gano’n kadaling gibain. Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili habang papalayo sa opisina ni Antoine. Her heels clicked hard against the marble floor—each step echoing with sharp, deliberate fury, as if her stilettos were stabbing the feelings she tried so hard to swallow.Sa dulo ng corridor, kita agad niya si Serenity—nakayuko kay Jacky, bulong nang bulong na tila ba kinukuwento nito ang nangyari kanina. Baka paranoid lang siya? She stopped dead in her tracks.Dahan-dahan siyang napatingala, sabay ang unti-unting pag-angat ng kilay.“Seriously? Are they talking about me? Pinlano nila ‘to? Sinadya ba ng babaing iyon na yakapin si Antoine dahil ba alam nito na pupunta siya?”Napatawa siya—isang
Palipat-lipat ang tingin ni Zarina sa dalawa. Her eyes bounced between Antoine… and the woman in his arms.Bago pa siya makagalaw o makapagsalita, unti-unting humarap sa kanya ang babae.Napakunot si Zarina ng noo, instinctively squinting, trying to figure out who this woman was.And then, her breath hitched.For a second, nanlaki ang mga mata niya. What the hell... Is this....?That woman was stunning. Angelic face, glowing skin, eyes that looked too kind to be real. She had that graceful presence, like she walked straight out of a fashion magazine, but with nun-level elegance.She was tall. Mas matangkad kaysa sa kaniya. Halos abot na abot ang height kay Antoine. They looked… good together.Too good.Zarina’s grip tightened slightly on the strap of the bag. Her heart stung—just a bit. Damn, bakit parang bagay sila?But no.She blinked, straightened her back, and took a sharp breath.No, girl. You don’t do insecure. Not today. Not ever.She forced a soft, almost sarcastic smile on
Pagbukas pa lang ng elevator sa floor ng opisina ni Antoine, agad na bumundol ang kaba sa dibdib ni Zarina. Hindi naman ito ang unang beses na bumisita siya sa opisina ng mga Savic. Pero ngayon, ibang klaseng kaba. This time, hindi lang siya basta guest. Hindi lang siya basta may dalang lunch. This time, she was paying a wife-like visit. With food. With love. With purpose. Pero kahit anong lakas ng loob ang i-project niya, ramdam niya sa sarili—kinakabahan siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Oh, god! Kinikilig talaga siya. Tumikhim siya ng bahagya, trying to compose herself. “Relax, girl. You’re Zarina Eunice Montes,” bulong niya sa sarili. “You walk in, you own it.” Sabay flip ng buhok, as if sinadya niyang ipaalala sa sarili kung sino siya. Every step she took was practiced like a queen on a runway, and her heels reverberated on the glossy floor. Chin up, shoulders back—no room for weakness. Pero kahit gaano siya ka-poised sa labas, hindi ni