Si Veronica Smith, isang dalagang matalino at mabait mula sa probinsiya, ay nagpunyagi upang maiahon ang kanyang pamilya. Ngunit ang isang aksidente ay magbabago ng lahat, matapos tulungan ang matandang si Venus, inialok siya ng kasal kay Jarred Heart, isang matagumpay at napakasupladong CEO, at guwapong apo ni Venus. Wala sa plano ni Veronica ang magpakasal sa isang estranghero, ngunit sa halagang isang milyong piso para sa operasyon ng kanyang ama, pinirmahan niya ang kontrata—bawal mainlove, bawal makakaalam ang kanilang kasal, at bawal makialam sa buhay ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat, lihim na nahulog ang loob ni Veronica kay Jarred, habang para kay Jarred, ang kanilang relasyon ay isang simpleng kontrata lamang. Habang papalapit na ang araw ng annulment, nagsisimulang magbago ang lahat—may bagong manliligaw si Veronica, si Kenny Bill, isang katrabaho na may tapat na pag-ibig para sa kanya. At doon, nagising ang puso ni Jarred na mahal na pala niya si Veronica. Pero para kay Veronica, nagsimula nang mag-give up, natatakot na madurog ang kanyang puso. Maagaw pa ba ni Jarred si Veronica mula kay Kenny, o tuluyan na bang magkakahiwalay ang kanilang mga landas? Ang isang kasal na nag-umpisa bilang isang kontrata, magtutuloy kaya sa isang tunay na pagmamahalan?
View MoreMatapos ang apat na taon ng pagsusumikap, pagtatapos ni Veronica Smith sa kursong Business Administration sa isang unibersidad sa Basilan ay isang malaking tagumpay. Hindi lamang siya isa sa pinakamatalino at pinakamagandang dalaga sa kanilang bayan, kundi siya rin ay tinuturing na pinakamabait, palaging handang tumulong sa mga nangangailangan. Nang malaman na magna cum laude siya, ang buong pamilya ay halos mag-iyak sa tuwa. Subalit, sa kabila ng tagumpay, ang pinakamalaking layunin ni Veronica ay hindi ang pansariling kapakinabangan kundi ang makaalis sa hirap at matulungan ang kanyang pamilya.
"Baka ma-scam ka dun, anak," ang sabi ng kanyang ina habang abala sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang maluwalhating hapunan. "Magingat ka sa Manila. Marami riyan ang manloloko." Nakatulala si Veronica sa isang maliit na kahon ng mga gamit, ang kanyang mga mata punong-puno ng determinasyon. Ang mga alalahanin ng kanyang ina ay hindi hadlang sa kanyang mga plano. Nais niyang mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya, kaya’t nag-apply siya sa iba't ibang kumpanya online bago pa man siya lumuwas. Laking tuwa niya nang matanggap siya bilang Junior Analyst sa Hearts for Life Company, isang malaking IT firm sa Manila."Mag-iingat ka ha, anak," paalala ng kanyang ama habang pinipiga ang kanyang kamay.
Sa kabila ng mga babala, hindi nag-atubili si Veronica. Puno ng pag-asa, humakbang siya papunta sa bagong buhay sa Manila. Ang lungsod na para bang isang imahen ng bago at mas magaan na buhay, isang buhay na maaaring magbigay ng sagot sa lahat ng sakripisyo at hirap ng kanyang pamilya.
Pagdating sa Manila, ang unang impresyon ni Veronica ay ang napakalaking kaibahan mula sa kanilang tahimik na probinsiya. Ang magulong kalsada, ang mga matataas na building, ang matinding ingay ng mga sasakyan, at ang mabilis na takbo ng buhay. Lahat ng iyon ay nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nandoon ang matinding determinasyon na magsimula ng bagong buhay.
Habang naglalakad papunta sa Hearts for Life Company, nakatagpo siya ng isang matandang babae na tila nahihirapan. Ang matanda ay naglalakad ng mabigat, ang kanyang mga mata ay malabo at tila malapit nang mawalan ng malay dahil sa init ng araw.“Lola, ok lang po ba kayo?” tanong ni Veronica, agad na nilapitan ang matanda nang makita itong humihingal at tila malapit nang mawalan ng malay.
"B-baka po may heatstroke," wika ni Veronica na agad na binuksan ang kanyang tumbler ng tubig at ipinainom ito sa matanda.
Sa mga sumunod na sandali, tumawag siya ng taxi at ipinakita ang hospital na malapit sa kanila. Nakiusap siya sa driver na madaliin ang biyahe. Mabilis na dinala ng taxi ang matanda sa isang malapit na ospital, at doon ay agad na tinulungan siya ng mga doktor.
Pagkatapos maagapan ng mga doktor ang kondisyon ng matanda, humarap ito kay Veronica at nagsalita ng may matinding pasasalamat.
"Salamat, iha. Kung hindi ka tumulong sa akin, malamang wala na ako ngayon," ani ng matanda. "Single ka ba, iha? Kasi, para sa akin, napakaswerte ko nakatagpo ako ng tulad mo, maganda ka na, mabait pa. Gusto ko sanang mapangasawa ng apo ko na si Jarred Heart."Nagulat si Veronica at napahinto. "Huh? Lola, baka po dala lang po ng pagkahilo ninyo 'yan. Hindi ko po kailanman inisip na may ganitong bagay."
Pero nagbago ang ekspresyon ng matanda, at nakita ni Veronica ang matinding saya sa mata nito. "Hindi, iha. Ikaw na nga ang gusto ko maging apo ko. Hinding hindi ako makakapayag na hindi kita maging bahagi ng pamilya namin."
Nagkamot si Veronica ng ulo at halos hindi makapaniwala. "Naku, Lola, parang hindi ko yata matanggap 'yan. Huwag po kayong mag-alala, ako po ay narito lang para tumulong."
Samantalang si Jarred Heart, ang apo ng matanda, ay abala sa isang board meeting sa Hearts for Life Company. Nang marinig ang tawag mula sa lola, sinagot niya agad ang telepono.
"La, napatawag po kayo? Is anything wrong? I'm in a board meeting," tanong ni Jarred, ang CEO ng kumpanya.
"May nangyaring masama sa akin. Pumunta ka dito sa hospital," wika ni Venus, ang matanda.
"Okay la, going na ako. Don't worry," mabilis na sagot ni Jarred bago nagtakda ng isang desisyon sa kanyang board members. "Our meeting is adjourned now, we’ll do this tomorrow," malamig na sinabi ni Jarred.
Samantalang si Veronica, pagkatapos matulungan ang matanda, ay nagdesisyon na tawagan ang HR ng Hearts for Life at ipaalam na hindi siya makararating dahil may emergency.
"Ok lang po kayo, Lola?" tanong ni Veronica habang tinutulungan si Venus na magpahinga sa kama.
"Teka, iha, halika muna saglit dito," tinawag siya ng matanda.
"Po, Lola?" tanong ni Veronica, medyo maguguluhan.
"Anong pangalan mo, iha?" tanong ni Venus.
"Veronica Smith po," sagot ni Veronica.
"Ang ganda ng pangalan mo, iha. Sing ganda mo. Nababagay kayo ng apo kong si Jarred. Wala siyang asawa, at 30 na siya. Magugustuhan mo siya, I’m sure. Mabait ang apo ko, iha," sabi ni Venus na may matinding ngiti sa mukha.
Pagkatapos ng ilang minuto, biglang pumasok si Jarred sa kwarto ng matanda.
"La, ok ka lang ba?" tanong ni Jarred, nagmamadali.
"Ah, ito si Veronica, ang batang nagligtas sa buhay ko," sabi ni Venus habang ipinakilala ang dalaga kay Jarred.
Si Jarred, na naguguluhan, ay tumingin kay Veronica at nagkamot ng ulo. "Hindi ko yata maintindihan, la."
Ngunit hindi na nakapagpigil si Venus at sinimulang ipatong ang kamay ni Jarred sa kamay ni Veronica. Nagkatinginan silang dalawa, at hindi nila alam kung anong nangyayari.
"La, huwag ka naman magbiro," saad ni Jarred, ang kanyang tinig puno ng pagkabahala. "Ano nangyari sa'yo?""Apo, na-heatstroke ako sa daan at nahimatay," sagot ni Venus, ang mga mata'y parang matalim na matalim. "Buti na lang sinagip ako ni Veronica at dinala ako sa hospital. Kung hindi, baka hindi mo na makita ang napakaganda mong lola."
"Kumusta na pakiramdam mo, la? Wait, tatawag ako ng doctor..." takot na saad ni Jarred, pero pinigilan siya ni Venus.
"Ok na ako, apo," sagot ni Venus, ang boses matigas. "Kakaalis lang ng doctor. Pero bago tayo magpatuloy sa ibang usapan, tutal sinagip ni Veronica ang buhay ko, dapat ibigay mo ang buhay mo sakanya. Niligtas ako ni Veronica, kaya dapat pakasalan mo siya, para masuklian ang kabutihan at pagsagip niya sa akin. Hala, sige na, magpakasal na kayo."
Si Jarred, bagama’t gusto pang sumagot, ay nanatiling tikom ang bibig. Ang mga kamao niya’y nakasara, ang dibdib ay mabigat sa galit na hindi niya maibulalas. Ngunit sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi siya kayang tapatan ng lola niya kapag ganito na ang tono mapanganib, matalim, at buo ang desisyon.Dahan-dahang lumayo si Madam Venus, tumalikod, at naglakad papalabas ng library. Pero bago tuluyang isara ang pinto, huminto siya at nagsalita muli, mababa ngunit mas matindi ang bigat ng banta:“Isa pa, Jarred. Kapag nakita ko pang sinaktan mo si Veronica hindi lang sa salita kundi pati sa gawa, wala na akong apo. Tandaan mo yan. Matutuwa ako pag maayos mo siya pakisamahan, mas lalo na pag bibigyan niyo ako ng apo,” saad ni Madam Venus, at tila lumiwanag pa ang kanyang mga mata sa pagbanggit ng salitang apo.Napasinghap si Jarred, napailing at napahawak sa sintido na para bang nabibigatan sa lahat ng naririnig. “La naman…” aniya, may halong inis at pagod sa tinig. “Alam mo naman na
Samantala, sa itaas ng mansion, nakatayo si Jarred sa balkonahe ng kanyang silid, hawak ang baso ng alak. Nakatanaw siya sa ilalim kung saan natatanaw ang dining hall. Kita niya ang ilaw at bahagyang anino ng lola niya at ni Veronica. Pinikit niya ang mga mata, mariing huminga, ngunit imbes na pagsisisi ang dumapo, mas pinili niyang patigasin ang sarili.“Walang puwang ang emosyon,” bulong niya sa sarili. “Kontrata lang ito.”Ngunit kahit gaano niya paulit-ulitin iyon, hindi niya matanggal sa isip ang pamumula ng mga mata ni Veronica at ang nanginginig nitong tinig kanina.Tahimik ang gabi sa mansion. Ang mga chandeliers ay nakababa, may bahagyang dilim na bumabalot sa mga pasilyo. Sa dulo ng hallway, ang pintuan ng library ay marahang sumara matapos pumasok si Madam Venus, dala ang bigat ng kanyang narinig at nakita sa hapag.Naroon si Jarred, nakaupo sa isang malapad na leather chair, hawak ang basong alak na parang iyon ang tanging sandalan niya laban sa lahat ng bagay. Nakataas an
Hindi napigilang mapalunok ni Veronica. “Grabe… La, ngayon lang ako makakatikim ng ganito karaming masasarap na pagkain. Sa amin sa probinsya, tuyo lang at itlog ulam namin, minsan munggo. Ngayon, parang..parang panaginip ito.”Muntik nang matawa si Venus, ngunit mas nangingibabaw ang awa at saya sa kanyang puso. “Iha, hindi ka na magtitiis. Apo na kita, asawa ka na ni Jarred, kaya lahat ng ito ay para rin sa’yo.”Ngunit bago pa man makasagot si Veronica, biglang nagsalita si Jarred, ang boses malamig at puno ng panlilibak.“Para sa kanya?” tumaas ang isang kilay ni Jarred habang kinukuha ang baso ng alak. “La, wag mong gawing espesyal ang simpleng bagay. Baka naman isipin ni Veronica na lahat ng ito ay para sa kanya. Hindi siya prinsesa. At lalong hindi siya karapat-dapat para tratuhin na para bang bahagi ng pamilya natin.”Tumigil ang kamay ni Veronica na sana’y kukuha ng tinapay. Napatigil siya at unti-unting ibinaba ang kanyang mga mata sa mesa. Nararamdaman niya ang init na umaak
Pagpasok pa lang sa malawak na tarangkahan ng mansion ng mga Hearts, hindi mapigilan ni Veronica ang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Para bang bawat metro na nilalakbay ng sasakyan ay isang paalala na malayo-layo ang mundo ng kanyang pinasok kumpara sa tahimik at simpleng buhay na nakasanayan niya.“Iha, huwag ka nang mag-alala,” biglang saad ni Madam Venus na nakatitig sa kanya mula sa harapan ng sasakyan. May lambing at kasiguraduhan ang tono nito. “Yung mga gamit mo sa dormitory, pinakuha ko na sa mga tauhan ko. Pasensya ka na at hindi ko agad nasabi.”Napakagat-labi si Veronica, bahagyang nakaramdam ng hiya at kaluwagan sa parehong oras. “Ok lang po, La. Maraming salamat po.”Pagkababa nila ng sasakyan, hindi nakaligtas kay Jarred ang mahinang ungol ni Madam Venus. “Jarred,” mariin nitong bulong na may diin, “alalayan mo naman ang asawa mo. Hindi kita pinalaki para maging walang-galang.”Napasinghap si Jarred, napairap ng bahagya bago sumunod, marahas at hindi taos-pusong inal
Ngunit bago pa man matapos ang mahigpit na yakap, nilapitan ni Venus si Jarred. Tinutok niya ang mga mata nito at sa isang mababang boses, may kasamang ngiti, binulong niya, "Gumawa na kayong baby ngayong gabi, ha, Jarred?"Ang mga salitang iyon ay tumama kay Jarred na parang kidlat. Naramdaman niyang ang lahat ng mata ay agad na tumutok sa kanya, ang mga tao sa paligid ay tumahimik na naghintay sa kanyang reaksyon, na para bang ang bawat segundo ng katahimikan ay nagsisilbing patunay ng bigat ng hinihiling sa kanya."LA, CAN YOU PLEASE STOP?!" ang galit na sigaw ni Jarred, ang mga mata ay kumikislap ng inis. Ang kanyang mga pisngi ay nag-iba ng kulay dahil sa hirap ng sitwasyon. Hindi na niya kayang takpan pa ang bigat ng galit sa dibdib, lalo na’t ang mga salitang iyon ni Venus ay nagpapalala sa kanyang kalagayan."Napilitan lang ako, lola," ang malutong na sabi ni Jarred, tumingala siya kay Venus, at kita ang paghihirap sa kanyang mata. "Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi k
"Ikaw, Veronica Smith, tinatanggap mo ba si Jarred Heart bilang iyong asawa, sa saya at sa hirap?" tanong ng mayor, ang mga salitang iyon ay bumangon sa hangin, nagdadala ng bigat na hindi maipaliwanag.Si Veronica ay nanatiling tahimik, ang kanyang mga kamay ay bahagyang nanginginig sa tabi ng kanyang katawan. Nakatingin siya sa ilalim ng altar, ang mga mata ay malalim, puno ng kalituhan. Walang tanong na lumalapit sa kanyang isipan. Ang lahat ng ito,ang kasal, ang mabilis na pagbabago ng kanyang buhay, ay tila isang panaginip. Hindi niya alam kung paano sumagot, ngunit ang mga mata ni Venus, nakatingin sa kanya ng may pananabik, ay nagbigay ng lakas sa kanya.Habang humihinga siya ng malalim, nagbigay siya ng isang malumanay na ngiti at tumingin kay Jarred. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman niyang pagdududa at takot, may isang maliit na bahagi ng kanyang puso na nagsasabing tama ang ginagawa niya."Oo, tinatanggap ko siya bilang aking asawa, sa saya at sa hirap," sagot ni Veronica,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments