Share

Chapter 1: Resign

“Maam, ayoko na po, aalis na po ako dito. Hindi ko na po siya kayang alagaan pa. Mamamatay ako ng maaga kapag nagtagal pa ako dito.” Nanginginig na tugon ni Manang Mawi kay Mommy at dali-dali na inaakay ang nga bagahe nito palabas ng mansyon.

Sinundan siya ni Mommy at nakita kong marahan na hinawakan niya ito sa braso. Gosh! 'Yan na naman si Mommy. Nakisosyo na rin sa eksena si Daddy na bagong dating lang. “Manang sandali lang naman, pag-usapan natin ito ng maayos.”

Umiling si Manang Mawi sa takot. “Maam, ayoko na po, parang awa niyo na payagan niyo na po akong magresign.” Mangiyak-iyak na usal nito at kapansin-pansin ang panginginig ng buo nitong katawan sa takot. “Nakaya kong palampasin ang mga ginawa niya sa akin noong una pero nitong huli ay hindi na. Masyado na pong nakakasakit at hindi makatarungan. Kaya nararapat lang po na umalis na ko dito bago may lumala ang gawin niya sa akin.”

“Manang, sandali lang.” Pinigilan siya ni Mommy nang akma nitong pipihitin ang doorknob palabas ng mansyon. “Dadagdagan ko ang sahod mo basta huwag kang umalis. Kung ano man ang ginawa ng anak ko sa’yo, ako na ang humihingi ng pasensya.” Paghingi ni Mommy ng pasensya sa kabalastugang ginawa ko kay Manang na kararating lang noong nakaraan. “Natagalan niyo na siya ng tatlong araw e saka alam niyo naman na nahihirapan na kaming maghanap ng yaya para sa kanya. Kaya nagmamakaawa po ako, huwag na po kayong umalis.” Pakikipag-usap ni Mommy rito at konti na lang ay lumuhod siya sa harapan ni Manang Mawi.

Umiiyak na umiling ang yaya ko. Paulit-ulit ito na nagmamakaawang huwag siyang pigilan sa binabalak nitong pag-alis sa aming mansyon. Nakita ko kung paano siya kumbinsi ni Mommy ng ilang beses, sinabi niya rin na tataasan niya ang sweldo nito kapag nanatili pa siya sa amin. Pero kahit na anong pagmamakaawa ni Mommy ay hindi na niya ito napapayag pa.

Napahilot si Mommy sa kanyang sentido at saglit na nagkatinginan sila ni Daddy. Wala silang nagawa kundi ang hayaan at pagbigyan ang gusto ng ale. Pinanood nila si Manang Mawi na dali-daling umabas ng aming bahay hanggang sa paglabas nito sa malaki naming gate. Nakakabinging katahimikan ang nabuo sa pagitan nilang dalawa sa pag-alis ni Manang Mawi.

Inayos ko na ang sarili ko para makababa na't makakain ng breakfast dahil papasok pa ako. Nagkunwari akong walang napanood o narinig hanggang sa marinig nila ang sunod-sunod na yabag ng paa ko sa may hagdanan namin.

Tumambad sa kanila ang bagong ligo na awra ko, nakasuot ako ng school uniforme na plantsadong-plantsado dahil walang gusot na makikita rito Mayabang akong naglakad pababa ng hagdanan na animo’y walang nangyari. Kinabahan ako nang lapitan ako ni Mommy at inalis ang headset na nakasalpak sa magkabila kong teinga.

“Ano na naman bang ginawa mo kay Manang Mawi?” Galit na tanong ni Mommy sa akin. “Alam mo bang nagresign na siya dahil diyan sa mga kalokohan mo, ha?”

Nagkibit-balikat ako at nagsalita. “I didn’t do anything to her, Mom.” Sagot ko sa inosenteng tinig saka ibinalik ko sa teinga ang aking headset. Muli na naman itong inalis ni Mommy para makausap niya ako ng maayos na ikinainis ko.

“Kinakausap kita ng maayos, Rhaiven, huwag kang bastos.” Pagtataas ni Mommyng boses at sinenyasan ako na maupo sa malapit na dining table. Sumunod naman ako kaagad pero nabasa ko ang inis sa mukha ni Mommy kaya napalunok ako. Kakaiba pa naman kung magalit itong nanay ko. “If you didn’t do anything to her, why did she insist on leaving home and resigning from work? When will you come to your senses? Do you know I’m having a hard time finding a nanny for you and you’re just mistreating them? Gosh, Rhaiven, out of all the nannies I’ve gotten, not one of them lasts a week or even five days.” Panenermon ni Mommy sa akin pero kunwaring wala akong pakialam dahil tumusok ako ng hotdog gamit ang tinidor na hawak ko at kinain iyon.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Mommy sa inasta ko. "Are you listening to me, Rhaiven?" Linapitan siya ni Daddy at pinakalma siya nito at baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Napabuntong-hininga rin ako ng malalim saka itinapon ang tingin kay Mommy na naroon sa gilid ko, hinihilot niya ang ulo nito na biglang sunakit sa panenermon nito sa akin. “How many times do I have to say that I don’t need a nanny, Mom? No matter how many times you hire a nanny, I will and will still find a way to get them to leave right away. As long as you and Daddy don’t stop doing what you want, nor will I stop driving them away. Patigasan tayo ng ulo.”

Naglakad palapit si Mommy sa gawi ko. “Rhaiven, kapakanan mo lang ang iniisip namin ng Daddy mo.” Hinawakan niya ang mukha ko. “Baby, we’re doing this for your own good. Huwag mong isipin na sinasakal ka namin.”

Tinapik ko ng marahan ang kamay ni Mommy na nakahawak sa mukha ko. Sinulyapan ko siya ng masama. “Stop it, Mom." Pagpapatigil ko sa kanya at napatayo na sa aking pagkakaupo at itinaas ng bahagya ang kanang kamay ko. "Stop calling me baby, I'm no longer a baby. For God sake, I'm already 21 years old, Mom."

"Rhaiven, huwag mong sigawan ng ganyan ang Mommy mo." Suway ni Daddy sa akin na nasa likuran siya ni Mommy.

Akmang hahalpusin ni Mommy ang mukha ko nang mabilis akonh umiwas. Dahil sa magmamataas ko ng boses sa kanya, napansin ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata nito. Nakaramdam ako ng konting guilt pero mas nanaig ang inis kondahil sa pagmamatigas nila na kunan ako ng mga ito ng yaya.

"I'm leaving, I'm going to be late." I coldly informs my parents. With the annoyance I felt, I didn't bother to kiss the cheeks of the two to say goodbye properly. I left my mother who was already in tears because of my proud voice.

Alas nuebe pa ang oras ng klase ko at napaaga ako ng konti. Wala akong balak pumasok ng maaga pero sa komprotasyon na naganap sa pagitan namin ni Mommy, pinili kong umalis na at baka kung saan pa mapunta ang pagtatalo namin.

Pumaroon ako sa dati naming tambayan ng mga kaibigan ko at nadatnan ko roon si Luis na mukhang kararating lang din.

"Uy! Himala, maaga ka yata ngayon?" Natatawang biro ni Luis sa akin at s******p sa hawak nitong vate saka kalaunan ay ibinuga ang usok sa ere.

"Nagtalo kami ni Mommy e, umalis na 'ko don para 'di lumala ang away namin." Sagot ko at umupo sa pwesto kung saan ko nakagawiang upuan. May kanya-kanya kaming mga pwesto ng mga kaibigan ko at kahit na sino walang karapatan na umupo sa pwesto ko maliban sa akin.

Nawala ang pokus ni Luis sa paghihithit sa vate niya at itinapon sa akin ang tingin. "Bakit, ano na naman ang pinagtalunan niyo at badtrip na badtrip ang pagmumukha mo?" Naniningkit siyang tinitigan ako.

Nagdekwarto muna ako bago sinagot ang tanong ng kaibigan ko. "Huwag ka na magtanong kung ano, alam na alam mo na, Luis."

Natawa si Luis at napamura ng malutong. "Tsk! Pre, wala ka talagang panalo kapag si Tita na ang kalaban mo. Just accept the fact na sa edad mong 'yan dapat may yaya pang nakabuntot sa'yo."

Sa inis ko sa sinabi ni Luis ay ibinato ko ang hawak na spinner na nilalaro-laro ko sa aking kamay. Mabilis na umilag si Luis bago pa tumama sa mukha niya ang spinner na ibinato ko sa kanya.

"I never agree with their idea. As long as I can make a way for the nannies they hire, I will not stop." I replied while looking away. "I'll wait for them to give up on their idea. Tsk."

"Then, goodluck pre."

Hindi na namin inantay pa ang dalawa naming kaibigan na sina Kenneth at Chris na dumating dahil time na ng first class namin. Naabutan na namin sila sa room pagpasok namin. Binatukan ko pa silang dalawa dahil hindi manlang nila kami ininform na nauna na palang pumasok rito.

Pare-parehas kami ng kursong kinuha na BS in Entreprenuership at magkakaklase pa kaming apat. Kilala kaming apat sa unibersidad na pinapasukan namin lalo na't kilala ang mga pamilya namin sa mundo ng business.

At bukod sa pagiging kilala namin sa tawag na anak ng mga business minded, kilala rin kami sa pagiging Playboy. Hindi na nakapagtataka na lahat ng makakasalubong namin ay napapalingon sa amin. Taglay namin ang kakaibang karisma na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa buong campus. Kaya hindi maiwasan na maraming babae ang naghahabol sa amin at lumalandi.

"Rhaiven, pwede bang magpalahi sayo?"

"Luis, anakan mo 'ko."

"Kenneth, handa akong magpakagarapara basta sa'yo ako sisipsip."

"Chris, hindi lang kita lalandiin, luluhuran din kita."

Ilang lang 'yan sa mga naririnig namin sa araw-araw na pagpasok namin sa unibersidad. Nakasanayan na namin ang ganoong kaganapan kapag pinagkakaguluhan kami ng mga tao. Hinahayaan na lang namin ang mga ito at minsan ay kami pa ang puno't dulo ng pag-aaway ng mga kababaihan na nagfafangirl sa amin. At syempre, maski relasyon ng magkasintahan ay hindi nakaligtas sa mga nasisira namin sa taglay naming kasikatan.

"From now on, stop calling me babe at tigilan mo na rin ang kakabuntot sa akin." Walang ekspresyon na tugon ko sa babae na nakakandong sa akin. Marahan ko itong tinulak paalis sa aking kandungan.

Malaking pagtataka ang naipinta sa mukha ng babae sa sinabi ko. "Huh? Why?"

"I'm breaking up with you." Malamig na tugon ko at sumandal sa aking kinauupuan.

Namilog ang mata ng babae sa sinabi ko. "What? Ganon na lang ba kadali sa'yo na ibreak ako, Rhaiven? Ano bang nagawa ko?

Did I do something you didn't like? Are you not satisfied with my performance last night, huh?" Sunod-sunod na tanong ng babae sa akin.

"I am."

"Then why are you breaking up with me?"

Tinitigan ko ang babae saka ibinuga ang usok ng vate na s******p ko. "Coz, you're not my type."

"What?"

"You're not my---"

"Pak!"

"Oh shit!" Tugon ng tatlo kong kaibigan matapos mapanood ang malakas na pagsampal ng babae sa akin. Halos mapatingin pa ako sa gilid sa lakas ng pagkakatama ng palad ng babae sa pisngi ko.

"All this time you only want sex with me? Psh! Fuck you." Singhal ng babae sa akin at padabog na kinuha ang bag sa mesa. Pagkatapos ay nagmamartsang umalis ang babae saka nilapitan ako ng mga kaibigan ko.

Sinuri ni Luis ang pisngi ko nang hawakan niya ito. "Shit! Sinampal ka niya pre, okay lang kaya ang kamay niya?"

"Damn! Luis, mas concern ka pa talaga sa palad non ah." Galit na tugon ko at padabog na tinapik ang kamay nito. Natawa sila sa itsura ko at nagpeace sign na lang ang nagawa ni Luis.

"Idol na talaga kita, Rhaiven. Ibang klase ka magpaikot ng babae." Pumapalakpak na tugon ni Chris.

Sinang-ayunan non ni Kenneth na pumalakpak na rin. "Yeah, I agree, ibang klase ang galing mo. Kakaibang technique na naman ang naipakita mo sa'min ngayon."

Nagtawanan kami at hindi nawala ang pang-aasar nila sa pagkakasampal ko. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na makita nilang sinampal ako ng babae. Halos araw-araw nilang nakikita na nagpapalit-palit ako ng girlfriend. At dahil sa impluwensya ko ay nakakasabay na rin sila sa pagiging playboy ko.

"Kung tumawag ka para sermonan rin ako, Dad, pakirescedule, please. I'm not in the mood right now." Walang gana na pakikiusap ko kay Daddy nang tawagan niya ako.

Narinig ko ang pagsinghal nito sa akin. "I'm not going to do that but I have a simple favor to you."

"What?"

"Pakisundo ang kapatid mo sa Sitio Taguipuro, isesend ko 'yong bahay na kinaroroonan niya." Pag-uutos ng Daddy ko sa akin.

"Ayoko nga! Sinabi ko bang pumunta siya ron at susunduin ko siya? Bahala siya umuwi mag-isa. Busy ako."

"Utos 'to ng Mommy mo kaya wala kang choice."

"Tsk! Here we go again, Dad. Ginagamit mo na naman si Mommy pangblackmail sa akin kapag ganitong 'di mo ko mautusan." Depensa ko. "Tsaka napakaunfair niyo ni Mommy, kapag si Rhaivee nagpaalam sa inyo na aalis, pinapayagan niyo agad samantalang ako hindi? Kung tutuusin siya dapat ang kunan niyo ng yaya hindi ako." Pakikipagtalo ko sa aking ama.

Totoo naman e, kapag si Rhaivee walang pagdadalawang isip kung magdesisyon sila samantalang ako inaabot ng dalawang araw bago sila gumawa ng desisyon. Hindi naman ako nagseselos kay Rhaivee at walang nakakaselos sa babaeng 'yon. Napakaunfair lang talaga kapag galaan na ang usapan. Sobrang dali lang sa kanyang magpaalam samantalang ako dinaig pa ang buhay ng daga sa hirap. Tsk.

"Huwag ka na magreklamo dyan, sunduin mo na siya. I'm hanging up may meeting pa ako."

"Dad naman e.... Hello? Tangina, pinatayan ba naman ako." Naiinis na tugon ko't padabog na inilapag sa mesa ang selpon ko.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nakatanggap ako ng text mula kay Daddy. Nakasaad roon kung nasaan ngayon si Rhaivee na kung saan ko siya susunduin. Wala naman akong magawa dahil mahirap makasakay sa probinsya pabalik dito sa syudad. Kaya kahit inis na inis ako ay nag-aksaya ako ng panahon para sunduin siya. Kahit papaano concern pa rin ako sa kapatid ko na 'yon.

"Kuya, where na ba you?" Conyo na pakikipag-usap ni Rhaivee sa akin nang tawagan niya ako.

"Papunta na, mag-antay ka, hindi mo'ko driver." Singhal ko.

"Thank you, Manong. Hahaha!" Saka niya ako binabaan ng tawag kaya hindi niya narinig ang pagmumura ko sa kanya.

Dalawang subject lang ang pinasukan kong klase ngayong araw hanggang 12 lang. Hindi ganoon nahirap ang traffic na naabutan ko sa EDSA kaya nakalusot kaagad ako palabas ng syudad. Mahaba-habang byahe ang susuyurin ko para sunduin lang ang kapatid ko. Ayaw na ayaw ko pa naman magmaneho ng matagal.

Makalipas ang ilang oras na pagmamaneho narating ko na ang probinsya na pinuntahan ni Rhaivee. Chineck ko ulit 'yong tinext na address ni Daddy sa akin saka kinapalan ang mukha na nagtanong-tanong sa mga taong nakakasalubong ko. Nasabi nila na malapit na ako sa paroroonan ko, konting byahe pa lang daw. Nakaramdam ako ng gutom at pagkauhaw kaya huminto ako sa palengke nila. Hindi ako ganon pamilyar sa lugar kaya sa maliit na store na lang ako bumili ng tubig saka dalawang biscuit. Pagkatapos kong bumili na bumalik na ako sa sasakyan ko upang ipagpatuloy ang pagbyahe.

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko at dala ng pagmamadali may isang babae na hindi tumitingin sa dinaraanan niya ang muntik ko ng mabangga. Natapon sa sahig ang laman ng timba niya, hindi ko alam kung ano ang laman non. Napahinto ako para icheck sana kung napuruhan siya nang agresibo niyang pinagkakakatok ang bintana ng sasakyan ko. Animo siyang tigreng galit na galit .

"Hoy! May balak ka pang patayin ako ha? Alam mo bang muntik mo na akong mabangga!" Rinig kong singhal ng babae sa akin.

Hindi ko ugaling pumatol sa babae kaya hindi ko ibinaba ang bintana ng sasakyan ko para harapin siya. Hinintay ko ang mga susunod niyang gawin at laking gulat ko nang pagsisipain niya ang gulong ng sasakyan ko. At sa inis ko ay binusinahan ko siya dahilan para mapamura siya sa gulat. Natawa ako sa naging reaksyon niya pagkatapos ay nakita ko siyang naglakad palapit ulit sa bintana ng sasakyan ko't pinagkakakatok na naman iyon.

"Miss, can you please stop? Don't make a scene here." Suway ko rito nang ibaba ko na ang bintana ng sasakyan ko upang harapin siya.

"Huwag mo'kong maenglish-english dyan ah." Tinuro niya pa ako gamit ang isang daliri niya. Galit na galit ang itsura niya kaya natawa ako. "Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan ha? Nakakatawa bang muntik mo na akong mabangga? Sumagot ka?!"

"Miss, first of all, hindi ko kasalanan." Tugon ko na ikinagulat niya't ikinakunot ng noo niya sa inis.

"Anong hindi? Muntik mo na nga 'kong mabangga dahil sa bilis mong magpatakbo e. Paano na kapag napatay mo'ko, sino na ang mag-aalaga sa lola ko, ha?"

"Mali ka, kasalanan mo kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Malamang mabilis ang pagpapatakbo ko dahil daan 'to." Pakikipagtalo ko.

"Hindi! Kasalanan mo kasi mabilis ka magpatakbo, kahit daan 'to dapat disiplinahin mo ang sarili mo dahil una sa lahat hindi lang naman sasakyan ang dumadaan dito pati mga tao din." Galit na galit na bulyaw ng babae sa akin na sobrang talim ang mga tingin nito na itinapon sa akin. "Dahil sa'yo natapon ang mga paninda ko."

"Ako na naman? Ikaw 'tong may hawak sa timba, ako sisisihin mo. Saka, kasalanan ko bang nagulat ka?" Asik ko.

"Aba! Ayaw mong tumanggap ng pagkakamali mo ah. Bayaran mo 'to."

"Ayoko nga! Hindi ko naman kasalanan kung ba't natapon ang laman nyan e."

"Anong hindi? Muntik mo nga 'kong mabangga e, nagulat ako kaya natapon ang mga paninda ko. Kaya kung gusto mo ng maayos na usapan, bayaran mo."

"No way!" Pagmamatigas ko't akmang itataas ang bintana nang mabilis niyang ipinatong doon ang kamay niya upang pigilan ako.

"Babayaran mo o sisirain ko 'tong bintana mo?"

Padabog kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa bintana ng sasakyan ko. "Miss, tumigil ka nga. Nagmamadali ako. Pag may nangyaring masama sa kapatid ko dahil dito sa pang-aaway mo sa'kin, idedemanda kita."

"Edi magdemandahan tayo, sinong tinakot mo."

"Tsk!

Nang makita kong inalis niya ang kamay niya sa binayan ay kinuha ko ang chance na yon para isarado na ang bintana't pinaharurot paalis. Nakita ko siya sa side mirror na nag-aalburuto ito sa galit dahil sa ginawa ko. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na papunta sa Sitio Taguipuro upang sunduin si Rhaivee

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status