Share

Chapter 136: Explaination

"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "

Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.

Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon.

"Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview.

Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status