Share

Chapter 2: Meet Up

"Ano bang sungay ang meron ka't hindi nagtatagal 'yong mga yaya na kinukuha ng nanay mo sa'yo? Kampon ka ba ni satanas, ha?" Tugon ni Luis sa akin at abalang pinupuno 'yong baso ko ng alak na kanilang pinagsasaluhan. Doon na ako dumiretso matapos kong masundo si Rhaivee sa probinsiya. Mabuti nga at humupa na 'yong inis ko sa babaeng nakasagutan ko kanina.

"Tsk! Hindi naman na kasi ako bata para kunan pa ng ponyetang yaya na 'yan. Kaya ako na ang gumagawa ng paraan para 'di sila magtagal sa bahay. Masama na kung masama, bahala sila." Tugon ko at dire-diretsong nilagok 'yong alak na laman ng baso ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng kapiraso nong pizza na pulutan namin at saka ito kinain.

"Ibang klase ka talaga." Natatawang usal ni Chris. "Kahit naman anong gawin mo, kukuha at kukuha si Tita ng yaya para sa'yo. For sure, tumawag na naman siya sa ibang agency at nagrequest ng yaya para alagaan ka. Kilala mo 'yong nanay mo, mas overacting sa'yo kaysa kay Rhaivee."

"Bwisit na bwisit nga ako sa bagay na 'yan e. Imbes na si Rhaivee 'yong kunan ng yaya, ako pa talaga." Iritableng tugon ko dahil 'yon ang totoo.

Nagagawa lahat ni Rhaivee ng gusto niyang gawin ng walang katakot-takot. Nagagawa niyang gumala kahit na anong oras. Nagagawa niyang mamasyal at lumabas kasama 'yong mga kaibigan niya kahit anong oras niya gusto. Pwede siyang gumala ng hindi kinakabahan pag-uwi. She can do whatever she want. She live her own life while me, suffering from a very annoying life. Hindi ko maintindihan sina Mommy, minsan naiisip ko baka ampon ako kaya nila ako pinaparusahan o baka hindi nila ako ganon kamahal.

"Oh! Bakit?" Sagot ko sa tawag ng kapatid kong si Rhaivee. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon. Close kami pero ang tanging pinag-aawayan lang namin ay itong pagkakaroon ko ng yaya. Palagi kong ipinaglalaban kina Mommy na sobrang unfair nila pagdating kay Rhaivee. Pero kahit na anong paglaban ang gawin ko, mananalo at mananalo pa rin siya.

"Umuwi ka na daw. Daddy want's to talk to you."

"What if I don't like?"

"Edi ihanda mo 'yang pwet mo kung ganon." Kantyaw nito sa akin at narinig ko ang nakakainis niyang pagtawa.

"Tsk! Tatay mo pink. Ulul." Pinatayan ko na siyang tawag at ibinalik sa bulsa ko 'yong selpon.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na uuwi na ako dahil kakausapin ako ni Daddy. Nakapagdrive naman ako ng maayos dahil hindi naman ako ganon kalasing, konti lang ang ininom ko. After ilang minutes ay nakarating na ako sa bahay. Sa sobrang laki ng bahay namin, ni langaw siguro maliligaw.

"Bukas darating 'yong bagong yaya mo. Please, Rhaiven, magbehave ka naman." Paalala ni Daddy sa akin. "Pagod na pagod na kaming humanap ng yaya para sa'yo. Nahihiya na kami sa mga agency na pinagkukunan namin. Anak, bentang-benta na kami don e. Kulang na lang ireklamo na kami don sa dami ng yayang pinagmalupitan mo." Sermon ni Daddy sa akin habang nasa hapag-kainan kami.

Wala si Mommy, hindi namin kasalo dahil may business trip siya abroad. Sanay naman na kami sa pagiging busy ni Mommy sa work. Hindi naman ito 'yong unang pagkakataon na umalis siya't inuuna ang kanyang trabaho. Pero kahit nasa malayo siya, 'yong pagiging nanay niya sa amin, nandon pa rin. She always checked us, lalo na sa akin. Konti na lang ay pabaunan ako ng CCTV para makita lahat ng ginagawa ko.

"Bakit hindi ang isang 'yan ang kunan niyo ng yaya. Mukhang may sakit sa pag-iisip e." Pagpaparinig ko sa kapatid kong si Rhaivee na tahimik na kumakain sa tapat ko. At dahil sa sinabi ko, napaangat ito ng tingin sa akin ag pinagtaasan ako ng kilay.

"Actually, magpapakuha rin sana ako kaso mas kailangan mo yata Kuya." Sarkastimong tugon nito na ikinais ko.

"Tsk!" Itinapon ko na lang ang tingin ko kay Daddy. "Anak niyo rin naman ako, Dad. Hindi ba pwedeng maging malaya rin ako katulad ni Rhaivee? I want also to live my own life. Gusto ko na malaya akong nakakagala kahit saan at kahit na anong oras ko gusto. Tangina! Buti pa 'yong ibon nakakalayang lumipad e."

"Bakit, are you ibon ba, Kuya?" Conyong biro ni Rhaivee.

"Shut up, woman!" Singhal ko sa kanya't binelatan na lamang ako nong suwayin kami ni Daddy dahil nasa harap kami ng pagkain. Kung umabot lang 'yong paa ko sa tyan niya, nasipa ko na sana e. Gigil na gigil ako kapag ganitong binabara niya ako't pinapamukhang mas malaya siya kaysa sa akin.

"Rhaiven, we're doing this for your own good. Concern lang kami ng Mommy mo dahil alam mo naman kung ano ang nangyari five years ago."

"I'm okay now, Dad, hindi ba halata?"

"Nakapagdecide na kami ng Mommy mo kaya wala ka ng magagawa. Whether you like it or not, magkakaroon ka ulit ng bagong yaya." Pagtatapos ni Daddy sa usapan kaya napabuntong-hininga ako ng malalim. "Kumain na kayo para makapagpahinga na."

"What the fuck!" Padabog kong binitawan 'yong hawak kong kutsara at tinidor dahil sa mga sinabi ni Daddy. Naiinis ako ng sobra. Naiintindihan ko naman na concern sila sa akin dahil sa nangyari five years ago pero sana hindi sa ganitong bagay, hindi sa ganitong sitwasyon. They make my life miserable. They make my life horrible like hell.

"If I was lived again, I'll never asked to be me again. Never!"

_

"Never na tayong maghihirap, Lola. May trabaho na po ulit ako." Masayang pagbabalita ko sa Lola ko matapos makatanggap ng mensahe mula sa agency na pinagtratrabahuan ko. Matapos pala ang isang malas na araw ay mapapalitan ng isang malaking biyaya. Hindi ko na pinaalam kay Lola ang tungkol sa nangyari sa akin sa daan na muntik na akong mabangga ng isang mayabang na lalaki. Ayokong mag-alala siya kaya itinago ko na lang.

Naging masaya ang pagsasalo namin ng hapunan ni Lola dahil kinabukasan ay magsisimula na ako sa trabaho. Pero hindi maalis ang lungkot sa puso ko dahil maiiwan ko na naman si Lola. May excitement na may halong lungkot ang nararamdaman ko nong nag-iimpake na ako ng gamit na dadalhin ko sa trabaho. Nasanay ako na kasama ko palagi si Lola dahil bata pa lamang ako, siya na ang kasama ko.

Napilitan akong huminto sa pag-aaral at naisipang magtrabaho na lang para makatulong sa Kuya ko na nasa abroad. Hindi ko na nakilala 'yong Nanay ko, namatay siya nong ipinanganak ako samantalang 'yong tatay namin ay may ibang pamilya na. Pero kahit na ganon, nabusog naman kami sa pagmamahal at pag-aaruga na pinaramdam ni Lola Sonia sa amin. Lumaki lamang ang gastusin namin nong nagkasakit siya kaya napilitan ako na humanap ng mas malaking sahuran na trabaho.

"Lola, palagi niyo pong iinumin 'yong mga gamot niyo, ha? Makinig rin po kayo kay Criza. Huwag po kayo maging pasaway ha? Magpagaling kayo. Babalik naman ako kapag natapos 'yong kontrata ko don." Pagpapaalala ko kay Lola kinaumagahan nong naghahanda na ako paalis ng bahay.

Ang kaibigan kong si Criza ang nakatoka palagi sa pag-aalaga kay Lola kapag ganitong magtratrabaho ako sa malayo. Kapitbahay lang namin sila ng pamilya niya. Isa rin sila sa mga tumutulong sa amin pagdating kay Lola. Naging kapatid na rin ang turingan naming dalawa kaya sa kanya ko ipinagkakatiwala si Lola kapag aalis ako.

"Bes, ikaw na ang bahala sa lola ko, ha? Ingatan mo 'yan."

"Oo, basta mag-iingat ka rin don." Tugon nito at niyakap niya ako.

"Apo, balik ka ha? Hihintayin kita." Naiyak na ako ng tuluyan nang makitang bumubuhos ang mga luha ni Lola sa kanyang pisngi at nakita kong mabigat ang mukha niya sa pag-alis ko. Bago pa 'ko umatras sa pag-alis ko, umalis na ako. Pilit kong inihakbang 'yong mga paa ko na hirap na hirap iwan ang Lola ko. Para sa kanya 'tong gagawin ko kaya lalakasan ko na lamang ang loob ko.

_

"Ate, dito po ba ang Mendoza's Residence po?" Pagtatanong ko sa isang babae na nagbukas nong gate na kinatukan ko kanina. Sa sobrang laki ng bahay ay halos maduling pa ang mata ko. Excited akong magtrabaho sa mansyon na ito. Hindi ako makapaniwala na dito ako magtratrabaho.

"Heto na nga po, sino po sila?"

"Ako po 'yong ipinadala nong agency para maging yaya po dito."

"Pasok ka."

Iginaya ako ng babae sa may sala, mukhang katulong rin 'yon dahil nakadamit katulong siya. Sinundan ko lamang siya papasok nong mansyon at kahit nasa labas pa lamang kami, halos maluwa na 'yong mata ko sa ganda non. Sa lahat ng pinasukan kong trabaho, ito lamang 'yong bukod tanging mansyon. Pagkarating namin sa loob at doon pa halos lumuwa ang mata ko. Napakakinang lahat ng muwebles na naroon sa malaking sala, halatang mamahalin ang mga 'yon. May malaking hagdanan na sa telebisyon ko lamang nakikita na nilalakaran ng mga nagdedebut. Ang motif ng bahay ay gold saka silver. Sobrang ganda.

"Maupo ka muna at tatawagin ko si Sir Russel."

Tumango na lamang ako at dahan-dahan na naupo sa napakaganda nilang sofa. Sa sobrang kintab non, mahihiya pa ang pagmumukha ko. Napakalambot nong upuan ko at ang sarap-sarap tulugan. Nilalaro-laro ko pa ang pag-upo ko hanggang sa magbounce ako at natigilan lamang ako nong marinig ang yabag ng paa papunta sa gawi ko. Kaagad akong tumayo upang salubungin ang may katandaang ginoo pero may itsura.

"Ay! Hello po, Sir. Haila Santiago po. Ako po 'yong ipinadala ng agency sa inyo para maging yaya." Magalang na tugon ko't nakipagkamay sa kanya. Sinenyasan niya akong maupo at inutusan ang katulong na umassist sa akin na ipaghanda kami ng meryenda.

Nakaupo ako sa malaking sofa samantalang si Sir Russel at naroon sa pang-isahang sofa lamang na nasa tapat ko.

"I'm glad to see you, Haila. Sana magtagal ka dito." Ani ni Sir Russel na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. Kakaiba ang dating nong sinabi niya pero binalewala ko nalang at nakinig sa mga sinabi niya ukol sa pagiging yaya ko nga. Nagpirmahan kami nong kontrata saka ipinakita 'yong ilang dokumento na kailangan upang kilalanin ako.

"Hindi naman mahirap ang gagawin mo, hija. Babantayan mo lang naman ang anak ko't sisiguraduhin na ligtas siya."

"Makaasa po kayo, Sir. Kering-keri ko po 'yan." Nagthumbs up pa ako na naging dahilan upang mapangiti siya sa akin.

At sa kalagitnaan ng pagkwekwentuhan namin ay may tinig na pumukaw sa atensyon naming dalawa at nagmumula 'yon sa ikalawang palapag ng kanilang mansyon.

"Dad, ikaw na lang daw 'yong wala sa meeting. Your secretary called me, even si Mommy, hinahanap ka."

Teka? Ba't parang pamilyar ang boses na 'yon sa'kin? Saan ko ba 'yon narinig at naencounter?

"Okay, pakisabi on the way na ako." Sagot ni Sir Russel pabalik. "Hija, I'm sorry but I need to go. Si Rhaiven na ang bahala sa'yo, okay?" Tumango na lamang ako at ngumiti ng pasimple. "Rhaiven, pumarito ka nga para makilala mo 'yong bago mong yaya."

"S-sir? 'Yong nagsalita po ba ang sinasabi niyong aalagaan ko?"

"Oo, hija, siya nga!"

Napakagat na lamang ako ng labi't hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Ano? 'Yong nagmamay-ari ng tinig na 'yon ang aalagaan ko? Jusko! Boses binata! Akala ko ba isang malikot na bata ang aalagaan ko't hindi 'yong mas matanda sa akin?

"Rhaiven, baba na riyan at makipagkilala ka kay Haila. Dali. Ikaw na ang bahala sa kanya, okay?"

"Pababa na." Tugon ng tinig mula sa taas.

"Mauna na ako, hija. Welcome again." Iniwan na ako ni Sir Russel at tinahak na ang daan palabas ng mansyon.

Halos hindi ko na magawang ngitian si Sir Russel dahil sa kaba na nararamdaman ko. Titig na titig ako sa may hagdanan, inaabangan ko kung ano ang itsura nong lalaki na aalagaan ko. Sa boses pa lamang kasi ay halatang pasaway na. Jusko!

Awtomatikong umayos ang sarili ko nang marinig ang yabag ng paa sa may hagdanan at narinig ang pagsasalita ng lalaki. "Mukhang may yaya na namang mapapa-----"

"Ikaw? What the fuck!" Sabay naming usal pagpakita sa bulto ng bawat isa muntik pa akong mapatalon sa gulat at ganoon rin siya.

Hindi pwede! Ayoko! Kinakailangan ko ng trabaho pero mukhang gulo ang nahanap ko. Sa dinami-dami ng magiging alaga ko, bakit itong mayabang na muntik makabangga pa sa akin ang nabingwit ko? Jusko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status