“Buti na lang hindi ako napagod sa paglalaba. Hindi naman pala sira ang washing machine. Baka ‘yong nantrip ang sira, ‘no?” Pagpaparinig ko sa binata na kunwari pa akong nakatingin sa malayo.
“Nagpaparinig ka ba?”“Oh, Sir bakit kayo nagreact? Natamaan po ba kayo doon? Sorry naman po,” palusot ko at sinadyang paliparin ang aking buhok.“Tss. H’wag mo ko simulan dyan ah. At para sabihin ko sa’yo, hindi ako nasisiraan ng bait.”“Wala naman po akong sinabi ah. Ikaw ‘tong nagrereact bigla. Tinamaan ka, ‘no?” “Alam mo ikaw, napakatapang mo para sagut- sagutin mo ako ng ganyan, ‘no? Hoy! Yaya ka lang dito at kami ang may-ari ng bahay na ‘to kaya umayos ka. “Sumagot ako na napakamot pa sa aking ulo. “Nakaayos naman po ako.”“Tangina,” pagmumura ni Rhaiven sa inis. “Ipaghanda mo na nga lang ako ng meryenda ko baka ano pa magawa ko sa’yong negra ka.” Singhal nito na akma akong hahambalusin._“Sir, eto na po ang meryenda niyo,” masiglang wika ko ng malapit na ako sa pwesto niya. Kaagad ko na inilapag ang mga dalang pagkain sa mesa at nilagyan ng juice ang baso niya.“Ano ‘yan?”“Meryenda nyo, Sir, ano pa ba?” “Alam ko na meryenda ‘yan pero bakit ganyan ang dala mo?”“Bakit Sir ayaw niyo po ba?”“Magrereklamo ba ako ng ganito kung gusto ko?”“Sir, masarap po at masustansya ‘tong lumpia na ginawa ko at talagang para sa inyo lahat ‘yan.”“Lumpia? Sa tingin mo kumakain ako ng ganyan? Itapon mo ‘yan at umorder ka ng pizza saka fries. Dalian mo,” utos ng lalaki saka ibinalik ang tingin sa telebisyon.“Pasensya na po pero hindi ko po susundin ang gusto niyo.”“At bakit hindi?”“Inutusan po ako ni Si Russel na pakain kayo ng gulay e.”“Inutusan ka na naman? Tss. Sino ba ang alaga mo sa’ming dalawa, siya ba? ‘Di ba ako? Kaya sige na itapon mo na ‘yan at umorder ka na. Nagugutom na ako.”“Bawal nga po kasi.”“Itatapon mo ‘yan o ikaw mismo ang itatapon ko sa labas?”“Sir naman e,” reklamo ko na nakasimangot’t nagpapadyak pa sa sahig.“Dali na, nagugutom na ako, “Umiling ako kaya lalo siyang nainis sa akin.“Isa!” Pagbibilang nito.“Sir bawal nga kasi.”“Dalawa!”“Mapapagalitan po ako ni Sir Russel nito..”“Tatlo!” Pagpapatuloy na pagbibilang ng binata na halos salubong na ang kanyang dalawang kilay. “Pag ‘to umabot ng apat makikita mo na talaga.”“Oo na, heto na itatapon na po,” nakasimangot na wika ko at padabog na kinuha ang mga iyon._ “Haila, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at pinapapunta kami ni Sir Russel doon sa bodega upang maglinis,” wika ni Manang Selya sa akin habang abala ako sa pagpupunas ng mga kubyertos na nagamit.“Opo manang, ako na po ang bahala dito.”Wala naman na akong ibang gagawin. Napakain ko naman na ‘yong alaga ko ng meryenda niya at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamoveon sa pangrereject niya sa lumpia ko“Hoy! Tubig nga.”Tinignan ko lamang ito saka inalis din kaagad ang tingin. “Bingi ka ba? Sabing pahingi ako ng tubig, nauuhaw na ako dito.”“Sir, sa tingin ko naman po abot niyo na ‘yang ref kaya magkusa na po kayong kumuha ng tubig niyo,” pagsusungit ko at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.“Inuutusan mo ba ako?”“Hindi naman, Sir pero po kasi----” “Pwedeng wala ng madaming satsat? Kanina ka pang umaga na nambabadtrip sa’kin e.”“Kayo naman po kasi ang nauna e,” pakikipagtalo ko naman.“What? Ako? Sino ‘tong nambulabog ng tulog ng napakaaga? ‘Di ba ikaw? Tss. H’wag mo nga isisi sa’kin ‘yong mga kabalastugan mo.”“Psh!” Napakamot ako sa ulo ko sa inis saka padabog ako na naglakad papunta sa ref upang ikuha na ang alaga ko ng tubig upang tumahimik na. “Oh,” padabog ko na nilapag ang baso ng tubig sa lamesa na kung saan siya nakasandal.Nabalot na kami ng katahimikan at pilit pinapakalma ang sarili ko. Umayos ako nang mapansing papalapit sa amin si Sir Russel.“Hello po, Sir..” Masayang bati ko.Sa pagkagulat ay namilog ang mga mata ni Rhaiven na tumingin sa kanyang ama.“Hello din sa’yo. Nga pala, pumunta ako dito upang itanong sa’yo kung ano ang ipinameryenda mo dito kay Rhaiven kanina,” dinuro nya pa ng bahagya ang kanyang panganay na anak na si Rhaiven na muntik ng mabilaukan pagkarinig sa sinabi ng kanyang ama.Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam ang isasagot.Napalunok ako sa kaba.“Ahhh-ehh ano Sir uhm ‘yong-----”“Daddy, lumpiang gulay po ang ipinameryenda niya sa’kin. Ang sarap nga e, nabusog po ako,” bahagya nya pang hinawakan ang kanyang tyan upang mapaniwala ang ama. “Subukang mong magsumbong sigurado akong ‘di ka na masisikatan ng araw,” pasimpleng bulong niya sa akin na ikinatayo ng mga balahibo ko sa braso.“Wow! That’s good to hear, Haila.”“Thank you, Sir,” pilit na ngiti na lang ang nagawa ko.“Rhai, sana naman magtuloy-tuloy na ‘yan para naman tumaba ka kahit konti.”“Sure dad, kahit isang libo pang lumpia ipaluto nyo kay yaya, kakainin ko po lahat kung ‘yun ang gusto nyo.”“Aasahan ko ‘yan, ha.”“Yes Dad..” Rhaiven replied.“Keep up the goodwork, Hija.” Bahagya niya pang tinapik ang aking braso. “So, maiwan ko na kayo pupunta lang ako sa bodega kasi pinalinis ko ‘yun..” Paalam ng matandang lalaki.Tuluyan na ngang umalis si Sir Russel. Kaagad na inalis ni Rhaiven ang pagkakaakbay niya sa akin at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Tinignan ko siya ng masama dahil sa ginawa nito. Isinama ba naman ako sa kalokohan niya at kung hindi lang ako tinakot baka sermon ang aabutin ko.“What?”“Sir, bakit tayo nagsinungaling kay Sir Russel?” “Hoy! H’wag ka ngang magmagaling dyan. Kung sinabi mo ang totoo hindi lang ako ang malalagot kundi madadamay ka rin.” At inalis niya ang tingin sa akin.“Kahit na, Sir. ‘Di ba po bawal magsinungaling?”“Bakit, masweswelduhan ka ba ng pagkahonest mo? Ha?!”“Hindi po pero ba----” “Sa oras na magsusumbong ka, black eye na aabutin mo sa’kin. Naiintindihan mo?!”Tumango nalang ako bilang pagsagot. Padabog na binawi ng binata ang kamay at tuluyan na syang umalis.“Haila, ano ba ‘tong pinasok mo kasi,” usal ko sa sarili at pinukpok ang ulo gamit ang kamay."Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y