Chapter 6
Dalawampung missed calls ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Galing sa iisang numero.
May tatlong text na nagpakilalang si Rex, nakiki-usap kung pwede raw na bumalik na siya sa Hacienda. Bandang alas-onse pa ang mag text message at alas-singko na nang hapon.
Dinelete niya ang missed calls at muling ibinalik ang cellphone sa dala-dala niyang bag. Nagsisimula ng dumilim ang paligid kaya nagsibukasan na ang mga street light na nasa gilid ng magkabilang driveway.
Mas binagalan pa niya ang kanyang paglalakad, ayaw matapos ang sandaling iyon dahil kapag nakapasok na siyang muli sa mansion, alam niyang hindi na naman siya muling makakahinga. Nakasasakal!
Pasado ala-sais na nang gabi nang makarating siya sa mismong bahay ng Hacienda Constancia. Nabistahan niya ang sasakyan ni Alejandro na nakasampa sa Bermuda grass. Tahimik ang paligid nang makapasok siya living room. Walang bakas ni Leticia o ni Hordan man.
Nang makarating siya sa harap ng kwartong tinutuluyan, eksakto naman na bumukas ng pinto ng master’s bedroom. Sinalubong siya ng nakaka-intimidang tingin ni Alejandro.
“You came back,” walang emosyon nitong wika.
Mula nang magkita sila sa hospital, ibang Alejandro ang nakikita niya. The Alejandro Almeradez she used to know is carefree. Mahilig mang-asar, makulit at kung makatawa ay parang palaging may sariling mundo.
Kunsabagay, wala nga palang permanente sa mundo, lahat nagbabago.
“Anong ibig mong sabihin?”
“You left the mansion. Hindi ba’t umalis ka dahil hindi mo kayang pakisamahan si Nexus katulad ng napag-usapan natin.”
Well, pinag-isipan naman niya na umalis na lang talaga at ibalik ang pera pero ilang segundo lang iyon.
“Wala akong sinabing ganyan. It came from your mouth, not mine.”
Ilang sandali siya nitong tiningnan bago tumango. “I heard binalian mo daw ng kamay si Hordan.”
“He deserves it.”
“Same feisty Amara Stephanie I know.” Ngumisi ito sa kanya at bago pa man siya makalayo, naabot na nito ang tuktok ng kanyang ulo at ginulo ang buhok niya katulad ng ginagawa nito noon.
Umangal siya ng reklamo.
Muling bumukas ang pinto ng master’s bedroom. Gulat ang bumakas sa mukha ni Nexus nang makita siya ngunit napalitan iyon ng kalamigan nang dumako ang mga mata nito sa kamay ni Alejandro na nasa buhok niya.
Itinulak niya paalis ang kamay ng lalaki at pormal na humarap kay Rex na nasa likod ni Nexus.
“Uminom na ba siya ng gamot?”
“Yes, Ma’am.”
Malamig ang mga mata ni Nexus na nakatingin sa kanya. Hindi nakaligtas ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito nang iniwas niya ang kanyang tingin.
“Good. Pupunta lang ako sa opisina ko. Marami akong kailangan gawin.”
Walang sumagot kaya tumalikod siya. Subalit, bago pa man niya maabot ang seradura ng pintuan ng guest room, nahawakan na ni Nexus ang kanyang palapulsuhan.
“I-Iwan niyo muna k-kami,” paos ang boses ng dati niyang asawa. Naunang umalis si Rex habang si Alejandro naman ay nagbilin na kailangan nilang mag-usap.
“S-Saan ka nagpunta?” galit na tanong ni Nexus nang tuluyan na silang naiwan sa hallway ng palapag na iyon.
“Sa bahay.” Kunot ang noo niya itong tiningnan. Hindi niya nagugustuhan ang tono nito.
“B-Bakit hindi ka nagpaalam?”
“Pagod ako, Nexus.”
“N-Napapagod ka ba sa akin?” mapait nitong tanong sa kanya. “N-Napapagod ka na ba sa akin dahil p-pabigat a-ako?”
Kumibot ang sintido niya. Nauubos na naman ang pasensya niya. Mas mabuti yata na sinunod niya ang planong bukas na lang siya bumalik sa hacienda.
Huminga siya ng malalim, inalala ang naging usapan nila ni Alejandro. “Hindi ako napapagod sa sitwasyon mo, Nexus.”
“H-Hindi ako…naniniwala sa ‘yo.”
“Isipin mo ang gusto mong isipin. Napapagod ako sa sitwasyon natin.”
Gumuhit ang sakit sa mga mata ng dati niyang asawa. Sumikdo ang puso niya sa sumunod nitong sinabi.
“H-Hindi mo na ba ako m-mahal? H-Hindi mo na ako tinatawag n-na Nix or any e-endearment that you used to call me.” Para itong batang tumingala sa kanya.
“Saka na natin ito pag-usapan. Pagod ako, Nexus.” Pumunta siya sa likod nito at hinawakan ang wheelchair.
Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan nito iyon. “M-May nagawa ba a-akong mali? S-Sorry.”
Hindi niya ito pinansin bagkus ay itinulak niya na ang wheelchair nito patungo sa elevator. Nang makasalubong niya si Rex, ay ipinaubaya na niya rito si Nexus. Ramdam niya ang titig ng dati niyang asawa nang muli siya naglakad pabalik sa guest room.
Mabilisan lang siyang nagbihis bago kinuha ang laptop para simulant na ang mga trabahong kailangan niyang tapusin. Ilang sandali lang ay kumatok si Nanang Yeye sa pinto.
Maliit siya nitong nginitian at tuluyan ng pumasok sa loob. Inilapag nito sa maliit na mesa ang dala-dalang tray na may lamang pagkain.
“Dinalhan na kita ng hapunan.”
“Salamat, Nanang.”
Ngumiti lang ang mayordoma at lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang buhok niya.
“Saan ka ba galing at hindi ka man lang nagpaalam kanina? Mabuti at bumalik ka. Kanina, galit na galit si Nix nang malamang umalis ka ng Hacienda. Naawa ako sa batang iyon. Alam ko naman na wala ka ng pakialam sa kanya. Sa lahat ng pinagdaanan mo, naiintindihan ko kung bakit wala na ang pagmamahal para sa dati mong asawa.”
“Nakakasakal, Nanang,” anas niya at nag-iwas ng tingin.
“Nagpapasalamat ako na kahit ganon ang nararamdaman mo, nandito ka pa rin. Alam mo bang galit na galit kanina si Nix dahil sa nangyari. Pinalayas niya si Leticia at Hordan sa Hacienda.”
Gulat na napatingin siya rito.
“Sinisi ni Nexus ang mag-ina kung bakit ka daw umalis. Kulang na lang ipakaladkad niya sa mga gwardiya palabas ng hacienda ang dalawa. Tapos ayaw kumain at uminom ng gamot. Nagkulong lang sa kwarto at nakita kong umiiyak nang dalhan ko sana ng pagkain niya.”
Naumid ang kanyang dila sa narinig. Binalian niya ng kamay si Hordan. Bakit parang siya pa ang biktima sa inasta ni Nexus?
“Hindi ko alam, Anak. Pero para nakabuti pa yata ang pagkawala ng alaala ni Nexus. Bukod sa umuwi siya sa Hacienda matapos ang dalawang taon, ito rin ang unang beses kong nakitang hindi siya sobrang miserable. Wala iyan ginawa sa Maynila kundi magpakalasing simula nang maghiwalay kayo.”
“LOOK after him, Teph,” simula ni Alejandro habang magkaharap silang nagkakape sa veranda sa pangalawang palapag.
“Trabaho ko naman na manatili sa tabi niya.”
“Hindi lang iyon,” wika nito. “There is something wrong with Nix’s accident. Milyones ang nawawala sa Almeradez Empire bago pa man mangyari ang aksidente.”
Ang alam niya ayon sa report ng pulisya, nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan ni Nexus kaya ito bumangga sa barikada kung saan may ginagawang construction sa kalsada. Bumaliktad ang kotse ng lalaki at muntikan pang matusok ng mga bakal na nakausli sa gilid ng daan.
“Nag-resign ang dating head ng financial department, two months before my brother’s accident. Hanggang ngayon ay walang ina-appoint na papalit but Mrs. Rebadulla is in-charge. Sa palagay ko, may nalaman si Nexus tungkol sa mga nawawalang pera bago pa siya maaksidente.”
“Hindi lang iyon, I received a call from one of his trusted friends and an international lawyer. May mga ari-arian si Nix na nasa ibang bansa na ipinagbili. Mayroon din ilang ari-arian dito sa Pilipinas na nasali sa auction. I don’t think Nix will sell those properties. Hindi niya kailangan ng pera dahil marami siya no’n. At mas lalong hindi niya ipagbibili dahil isa iyon sa mga investments niya.”
Pinagmasdan niya ang pagsalubong ng kilay ni Alejandro. Hindi siya gumawa ng komento dahil alam niyang alam nito ang ginagawa. After all, Alejandro Almeradez is in the military. Alam nito kung paano mag-analisa at rumesponde sa isang sitwasyon.
“Sa tingin ko may kinalaman ang mga ‘yon sa nangyaring aksidente kay Nix. Putol ang brake ng kotse niya, sinadya iyon.”
“Bakit mo ito sinasabi sa akin?”
“Dahil gusto kong bantayan mo siya mula sa sarili niyang ina.”
“Ano?”
“Si Hordan at si Leticia ang isa sa mga pinaghihinalaang suspek. Before the accident, Nexus had a big fight with Hordan. They brawl at the office, maraming empleyadong nakakita. The initial report of initial investigation had Leticia’s name on the list as one of the owners of the bank account kung saan napupunta ang mga perang nawawala.”
Kinuha niya ang kanyang kape at sumimsim roon. Ibinaba niya ang tasa bago bahaw na natawa.
“Nakita ko si Leticia na may pinapa-pirmahan sa kapatid mo.”
“What? Are you serious?” Bakas sa mukha ni Alejandro na tila ba may nakumpirma itong hinala dahil sa sinabi niya.
“The witch doesn’t care about your brother ever since,” iling niya. “May pakialam lang siya sa pera. Well, pabor naman iyon sa akin dahil ibinigay niya itong trabaho sa akin.”
Kinuha ni Alejandro ang sariling cellphone mula sa bulsa nito at mabilis ang kamay na nagtipa. “Narinig mo ba kung ano ang mga pinapirmahan niya?”
“Projects in Almeradez Empire, tungkol sa ni-request ni Leticia na lupa sa kapatid mo and of course, buwanang sustento ni Hordan. Hanggang ngayon gumagatas pa rin ang lalaking iyon sa kapatid mo.”
“Damn those shits!”
She couldn’t agree more.
Maya-maya pa ay may tinawagan ito at nauna ng umalis. Ilang sandali pa siyang nanatili roon bago siya bumaba sa unang palapag. Wala si Nanang Yeye pati na rin ang iba pang katulong dahil nasa taniman ang mga ito, naghatid ng pagkain sa mga trabahador. Anihan kasi ngayon.
Napabilis ang paghakbang niya paakyat nang marinig niya ang sunod-sunod na pagtunog ng buzzer mula sa master’s bedroom.
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l