Share

Chapter 5

Chapter 5

            Natigilan sa paghakbang si Amara Stephanie nang marinig niya ang pamilyar na boses sa loob ng kwarto ni Nexus.

            “Leave us first,” si Leticia.

Nagulat pa si Rex nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto nang lumabas ito. Bahagya lang itong yumuko at umalis sa harap niya, iniwan ang pinto na nakabukas ng kaunti.

            Dumating si Leticia at Hordan kaninang alas-tres ng madaling araw, sakay ng chopper na lumapag sa rooftop ng mansion. Inis na inis pa siya dahil binulabog ang tulog niya. Mabuti sana kung sa master’s bedroom siya nakahiga dahil soundproof iyon.

            Nagkanda-istorbo rin ang mga katulong na namamahinga dahil sa walang pasabing pagdating nito at tila pa donyang sunod-sunod ang utos sa mga kasambahay. Pati si Nanang Yeye na hindi pa masyadong nakatulog ay pinag-uutusan na ng bruha.

            “I have some papers here na kailangan ng pirma mo.”

            Wala siyang narinig na sagot mula kay Nexus.

 Kailangan lang ng pirma mo para sa ilang projects ng kompanya.” Parang nang-uuto ng maliit na anak ang tono ng dati niyang byenan na kinataas ng kilay niya.

            Bakit kailangan ang pirma ni Nexus? Hindi ba’t si Alejandro ang pansamantalang tumatayong Presidente at Chief Executive ng Almeradez Empire at ito ang dapat pumirma ng mga ganong proyekto?

            “Ito pa, Anak. Iyan naman ay sa bangko para sa buwanang sustento ni Hordan pati na rin ang nire-request ko sa ‘yong lupa. Pumayag ka na bago ka pa man maaksidente.”

            Napangisi siya nang masilip si Leticia na atat na ibinigay ang fountain pen kay Nexus. At dahil hindi pa gaanong naibabalik ang reading capability ni Nexus, mabagal na pumirma ang lalaki matapos nitong tingnan iyon ng ilang segundo.

            Umiling siya, gustong matawa dahil hanggang ngayon ba naman na nasa hindi magandang kalagayan si Nexus, pera pa rin ang inaatupag ni Leticia.

            Gayunpaman, ay nagkibit-balikat na lang siya at tumalikod para umalis. Wala siyang pakialam sa buhay ni Nexus. Wala siyang pakialam kung sinasamantala ng sarili nitong ina ang sitwasyon ng dati niyang asawa para makakuha ng mas maraming pera.

            “Nasaan si Nanang Yeye?” tanong niya sa mga kasambahay nang hindi niya nakita sa kusina ang mayordoma. Magsasabi sana siya na uuwi muna sa kanila.

            “Nasa taniman po, Ma’am. Kasama si Rita.”

            Tumango siya at tinalikuran ang apat na kasambahay na busy sa pagluluto ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Masyado kasing maselan ang ina ni Nexus pagdating sa pagkain kaya talaga namang pinaghahandaan mabuti ni Nanang Yeye kapag dumating ito sa Hacienda.

            Kinuha niya ang kanyang cellphone para sana mag-book ng sasakyan pauwi sa kanila. Natigilan siya sa paglalakad nang makita niya si Hordan na nakasandal sa front door ng mansion. Hawak nito ang may sinding sigarilyo at parang tambutsong bumubuga ng usok ang bibig.

            Gumuhit ang nakakairitang ngisi nito nang makita siya. “Kumusta, Amara?”

            Kung hindi na niya ito gusto noon pa man, mas lalo na ngayon. Compared to Alejandro and Nexus, Hordan’s life is f*cked up. A messy one.

            Ang mabalbas nitong mukha, mahaba at kulay mais na buhok ay nagbibigay ng kontrabidang awra sa pisikal na anyo nito. Matalas ang titig nito palagi na para bang bawat taong nakakasalamuha ay binabasa nito ang kaluluwa.

            Hindi niya pinansin si Hordan at nagtuloy-tuloy lamang palabas ng mansion. Subalit, bago pa man siya tuluyang makalayo, hinagip na nito ang kanyang braso.

            Marahas niya itong nilingon at inagaw ang kamay.

“What do you want?” malamig niyang tanong, kasinglamig kung paano niya tingnan ang lalaki.

            “Wow.” Nakuha pang pumalakpak ng lalaki at ngumisi ng nakasusura sa kanya. “Naghiwalay lang kayo ni Nexus, umaasta ka ng maarte.”

            “Wala akong panahon sa mga katulad mo.”

            Binalewala nito ang sinabi niya at humakbang palapit sa kanya, nang-iintimida. “How’s the life? Enjoying being rich after you became sl(u)t?”

            “How about you? Nag-eenjoy ka pa rin sustentuhan ni Nexus kahit matanda ka na? Kumusta ang pagiging tamad?”

            Nawala ang ngisi nito at napalitan ng iritasyon. “B-tch! Dapat lang na magbigay ng pera si Nexus. Magkapatid kami. Habang ikaw, kumapit ka lang na parang linta sa kanya at nagpa-kama kaya mapera ka ngayon.”

            “Kapatid?” Sarkastiko siyang tumawa. “Don’t make me laugh, Monster!”

            “P-kpok ka lang naman hanggang ngayon. Kaya nga tinanggap mo ang offer ni Mama di ba? Isang daang milyon. What’s next, B-tch? Are you gonna f-ck with Nexus again?” Dinaklot nito ang kanyang braso at hinawakan siya nito sa panga. “Hindi mo kailangan magtiis sa lumpo na iyon. May pera rin ako, tumalon ka lang sa kama ko at ako ang bahala sa ‘yo. I’ll make sure that I will give you a good f*ck, better than him.”

            Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya. Hinawakan niya sa mukha sa Hordan at sinapo ang tainga nito papunta sa likod ng ulo nito. Nang makita niya ang tatlong gold sa ngipin ni Hordan, bigla niyang kinabig ang ulo nito pababa at pinasalubong ang kanyang tuhod sa mukha nito.

            She can hear the cracking sound of his nose followed by the loud groan of Hordan. Hindi pa siya, nakontento. Sinalo niya ang kamay nitong sasampal sana sa kanya at pinaikot iyon bago ito malakas na sinipa sa likuran.

            Napasubsob ito sa damuhan habang ang mga kamay ay hawak-hawak niya sa likuran. “I let men kissed dirt, A sshole.”

Ang pag-crack ng buto nito sa kamay at ang malakas nitong sigaw ang bumulabog sa tahimik na mansion.

            “F-ck you, B-tch. Damn you!” galit siya nitong sunod-sunod na pinagmumura at kung hindi lang bali ang kamay ay malamang sumugod na sa kanya. “I’ll kill you, you Sl ut. I’ll kill you!”

            Nagsilabasan ang mga tao sa mansion kabilang na si Leticia na gulat na napatingin sa kamay ng anak bago nanlilisik ang mga matang sinugod siya. Subalit, bago pa man makalapit sa kanya ang babae, hinarang na ito ng mga bodyguard na iniwan ni Alejandro.

            “Lumayas kayo sa harapan ko, mga Stupido! Hay-p kang babae ka. Anong ginawa mo sa anak ko?”

            Pinaghahampas nito ang mga bodyguard nang hindi siya nito malapitan. Tumalikod siya, hindi niya pinansin ang galit na pagtatalak ng babae. Napaatras pa si Hordan nang tapunan niya ito ng tingin.

            Banas pa rin ang kanyang mukha nang tinungo niya ang terminal ng bayan ng Goa. Hindi na siya nag-book ng sasakyan dahil matatagalan lang siya. Kahit ilang oras lang, ay gusto niyang pansamantalang makahinga.

That mansion is hell for her. A hell place with shithead people.

            Sumandal siya sa upuan nang unti-unting umusad ang bus paalis. Ang mga nagtataasang building ay matatag na nakikipagkompetensya sa pang-alas dyes na init ng araw. Tumunog ang cellphone niya nang lumiko ang bus patungo sa bayan ng Sagnay kung saan siya nakatira.

            Pinatay niya ang tawag nang makitang hindi rehistrado ang numero. Tumunog ulit iyon at napilitan siyang sagutin dahil pinagtitinginan na siya ng mga pasahero.

            “What?” malamig at pasinghal niyang sagot.

            “S-Steph. N-Nasaan ka? Babalik ka?”

            Umiling siya at pinatay ang tawag. Ni-off niya ang kanyang cellphone at inilagay sa pinakailalim ng bag niya.

            Nagulat pa ang kanyang ina nang makitang papasok siya sa gate. Ang alam kasi nito ay may bago siyang inaasikasong trabaho at hindi makakauwi sa gabi.

            Nakita niya ang ama na komportableng naka-upo sa pang-isahang sofa habang nanonood ng telibisyon.

            “Teptep, Anak,” bati niyon matapos niyang magmano at halikan sa pisngi.  

            Umupo siya sa arm rest ng inuupuan nito at parang magbarkada lang na nakipagbanggan siya ng kamao rito.

            “Sabi ng ate mo sa akin, may bago ka raw tinatrabaho ngayon kaya hindi ka umuuwi rito sa bahay. Alam ko naman na gusto mong maging Donya pero hinay-hinay lang, ha? Baka magkasakit ka niyan.”

            “Ayos lang ako, Pa.”

            Hinaplos nito ang buhok niya katulad noong bata pa lang siya. Noong nakikipagsuntukan pa siya rito at nakikipag-basketball minsan.

            “Ang bunso ko, masyadong seryoso sa buhay, gayahin mo si Papa. Masaya lang palagi.”

            Umiling ito at hinaplos ang buhok niya.

            “Hindi ka masaya, Amara Stephanie,” malumanay ang boses ni Ara Mijares habang malamlam na naktitig sa kanya. “Hindi nasusukat ang kasiyahan kung gaano ka kadalas ngumiti. Nasusukat iyon sa puso at sa mata. Alam mo iyong kasabihan na, “the eyes is the mirror of the soul”? Malungkot ang mga mata mo, ‘Nak.”

            Nag-iwas siya ng tingin. Kasunod niyon ay binalot sila ng katahimikan.

            Maya-maya pa ay tumayo ang ina niya at pagbalik ay may dala-dala na itong wheelchair. “Oras na ng pagkain, Mahal.”

            Hinawakan nito ang kaliwang kamay ng papa niya habang siya naman ay sa kanan. Sabay nilang binuhat ito palipat sa wheelchair.

Pinanood niya ang kanyang ina nang nagsimula itong itulak ang wheelchair.  

            Kumirot ang dibd ib niya nang sumagi sa kanyang isipan kung bakit nalumpo ang papa niya. Kasalanan niya iyon kaya hindi niya mahanap sa puso niya ang maging masaya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ailene Taduran Atutubo
exciting story nkka tanggal ng stress...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status