Share

Babysitting my Boss
Babysitting my Boss
Author: senyora_athena

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-08-26 11:55:43

“Ate Shaina!” sigaw ng kapatid niya sa labas ng pinto ng CR. “Aba! Kanina ka pa dyan, ah! Wala ka bang planong lumabas?” dagdag pa nitong sigaw habang nakatitig pa rin siya sa salamin.

Muli niyang pinagmasdan ang sarili niyang reflection. Dapat talaga perfect ang suot niya. Ginugol niya lang naman ang buong gabi niya sa pagpili ng perfect outfit. White blouse na plantsado ng tatlong beses para siguradong walang gusot, pencil skirt na sakto lang ang kapit sa bewang—hindi bastusin pero may konting oomph para magmukha siyang sophisticated. Naka-heels din siya, kahit pakiramdam niya e papatayin siya ng mga daliri ng paa niya sa sobrang sikip. Pero keri, kasi sabi nga nila, tiis-ganda para sa future.

This will be my first job interview kaya dapat lang perfect.

“Ate Shaina! Ano ba! Natatae na ‘ko dito, oh!” sigaw na naman ng kapatid niya na walang ibang ginawa kun’di sirain ang araw niya.

“Magtigil ka nga dyan! Kapag ako Talaga hindi natanggap sa trabaho, sisirain ko rin ang future mo. Nagpapaganda ang tao, panay reklamo ka!”

“Wala sa ganda ‘yan ‘te! Nasa utak ‘yan.” Singit na naman ng kapatid niya. Porque matalino ito at naambunan din ng ganda ay wala na itong tiwala sa kaniya.

“Sige na, sa kwarto mo na ‘yan ipagpatuloy ‘yang pagpapaganda mo at natatae na talaga ako.”

Kahit ano pang sabihin nito ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagpapaganda. Ito na nga lang ang panlaban niya sa future niya. Future niya talaga ang nakasalalay dito. Hindi lang basta-basta na job interview ang pupuntahan niya kundi sa isang malaki at sikat na kumpanya.

Pag nakuha ko ‘tong trabahong ‘to, hindi ako uuwi sa boarding house na ‘to.

Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang shoulder bag upang tingnan ang oras. Eksaktong alas syete pa lang kaya hindi pa siya mahuhuli. Nang maibalik na niya ang cellphone ay nagpasya na siyang lumabas ng boarding house at sumigaw na lang sa gilid ng CR para makapagpaalam sa kapatid niya.

Tama nga siguro talaga na lapitin siya ng malas dahil tamang-tama talaga ang pag-ulan kagabi kaya puro putik ang nasa kalsada. Tudo iwas na lang siya sa mga lubak at baka madumihan pa ang damit niya. Mahirap na.

Huwag kang maniwalang malas ka, okay? Kaya mo ‘yan. Dapat makuha mo ‘tong trabaho na ‘to dahil kung hindi, baka sa probensiya ulit ang bagsak mo, bulong niya sarili.

Walking distance lang ang kompaniya na pupuntahan niya kaya hindi na siya nag-abala pa pa na pumara pa ng jeep. Lalakarin na lang niya para makatipid siya. Nang biglang nag-ring ang cellphone niya kaya tumigil siya at mabilis na kinuha ang cellphone niya na eksakto ring pagdaan ng mamahaling kotse.

Mabilis ang pagpatakbo non at diretso pa talaga sa parte ng kalsada na may putik. At bago pa siya makatakbo, tumalik ang tubig ng putik at diretso sa blouse niya.

“OH MY GOSH!” halos mapasigaw siya. Pakiramdam niya ay tinaponan siya ng sabaw ng nilagang baka, pero mas mabaho. Wala sa sariling pumadyak siya at nagsisigaw-sigaw.

Tiningnan niya ang sarili sa repleksiyon ng salamin sa karinderya na nasa gilid lang niya. Kitang-kita niya ang damit na pinaghirapan pa niya kahapon. Mula sa fresh look ay nagging fresh from the putik real quick! Napaismid na lang siya at tiningnan ang mga kumakain na nakasaksi sa pangyayari. Ang iba ay nandidiri pa siyang tiningnan.

“Nako, Ineng! Ang puti pa naman ng damit mo,” ani ng matanda na sinabayan pa ng paghigop nito ng sabaw.

Tila nagliyab ang damdamin niya at sinugod ang kotse na ‘yon. Sakto ring huminto ito para siguro tingnan kung ayos lang siya.

Hindi talaga ako okay! Nakakainis kang driver ka!

Bumaba ang tinted window ng kotse. At doon, nakita niya ang driver ng mamahaling kotse na ‘to.

Isang lalaki. Siguro mga late twenties. Maputi, matangos ang ilong, at ’yong tipong mukha pa lang e pwedeng pang-model sa billboard ng mamahaling relo. Ang ganda ng suit nito—dark gray, fitting na fitting sa broad nitong balikat. Naka-sunglasses pa kahit hindi naman maaraw.

“Miss, are you okay?” tanong nito, kalmado at parang hindi obvious na mukha siyang nilubog sa kanal dahil sa kagagawan nito.

Napasinghap siya. “Okay?!” tinuro niya ang blouse niyang basang-basa ng putik. “Does this look okay to you? May interview ako, Sir, at dahil sa reckless driving mo, mukha na akong contestant sa Survivor!”

Medyo nagulat ito sa tono niya, pero imbes na mainis, kumindat pa ang isang gilid ng labi nito. Para bang aliw na aliw ito sa galit niya. Nakakainis lalo.

“I said I’m sorry,” malamig itong sumagot sagot. “Hindi ko naman sinasadya. And… good luck sa interview mo.”

At ayun na. Umandar ang kotse na parang wala lang nangyari. Naiwan siyang nakatayo sa gilid ng kalsada.

Aba! Siraulo!

Tiningnan na lang niya ang blouse niyang parang may abstract art ng putik.

“Ambisyosong lalaki!” singhal niya habang nagmamadaling naglakad para makaabot siya sa interview. “Kung sino ka mang hudas ka, sana hindi na kita makita ulit!”

Pero syempre, dahil malupit si Lord sa punchline…

Pagpasok niya sa opisina at in-announce ng receptionist, “The CEO will see you now,” muntik na siyang umatras.

Kasi nang bumukas ang pinto, nandoon ito. Nakaupo sa swivel chair, naka-relax na parang hari, at nakatitig diretso sa kaniya.

Ang lalaking binulyawan niya sa kalsada.

Siya pala… ang magiging boss ko.

At doon, sa swivel chair na parang trono, nakaupo ang lalaking pinaka-ayaw na niyang makita.

Lukas Vergara. Pagbasa niya sa nameplate na nasa mesa. So, Lukas ang pangalan niya.

Ang devil in a luxury car na binulyawan niya kanina.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis siyang napalunok. Kung pelikula lang ito, malamang may dramatic zoom-in at slow motion sa mukha ng guwapong CEO. Gwapo naman talaga ito, hindi naman niya ide-deny pero kasama na do’n ang masama nitong ugali.

“Miss Dela Cruz?” tanong ni Lukas, malamig ang boses, ngunit halatang naaaliw. Nagawa pa talaga nitong tingnan ang ang suot niyang damit. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit, dahil pag nagbihis pa siya ay mahuhuli siya sa interview niya.

Pero mukhang hindi siya nagkamali sa ginawa niya. Mabuti na lang at hindi siya nagpalit para makita ng lalaking ‘to ang ginawa nito kanina.

Nagpigil ng buntonghininga si Shaina. “Yes, sir. Ako po ’yong applicant for secretary position.”

Nagtaas ng kilay ang lalaki, halos hindi makapaniwala. “So ikaw pala ’yon.”

Hindi na tinukoy kung anong ibig sabihin—kung siya ba ang aplikante o siya ang babaeng nagalit sa kanya sa gitna ng kalsada.

Pero hindi niya kasalanan na nabulyawan niya ito. May mali rin ito at dapat may responsibilidad din na iniwan lang nito basta-basta.

Matapang siyang tumingin diretso sa lalaki. “Sir, let’s just say… hindi maganda ang first meeting natin.”

Bahagyang kumunot ang kilay ni Lukas at nagkaroon ng mapanuksong ngiti. “Medyo understatement ’yan. You practically screamed at me in the street. I don’t think that’s ‘hindi maganda.’”

Napairap si Shaina, hindi napigilan ang sarili. “Well, pasensya na po. Hindi naman araw-araw nilulublob sa putik ang isang applicant bago mag-interview.”

Mahina itong tumawa na sinahaman ng isang mababang tunog na nakaka-irita. “You’re feisty.”

“Correction, sir,” mabilis niyang tugon. “I’m honest.”

Napahinto si Lukas, nakatitig sa kanya na parang sinusuri ang bawat salita. Pagkatapos ay sumandal ito sa upuan, pinagsalikop ang mga daliri, at tumingin nang diretso sa kanya.

“You know, Miss Dela Cruz, most people would be terrified to talk back to me like that. I like to scare my employees a little—it keeps them on their toes.”

Hindi nagpadaig si Shaina. “Congratulations then, sir. Hindi ako natakot. Na-bad trip lang.”

Sandaling natahimik ang lalaki, pero may bakas ng tuwa sa mga mata nito. Para bang lalo itong naaaliw sa ginagawa nito. Pagkatapos ay ngumiti ito nang malamig, isang ngiting halatang may hatol na.

“Fine,” wika nito. “You’re hired.”

Halos mabingi si Shaina sa sariling tibok ng puso. “Excuse me?”

“I said, you’re hired. Effective immediately.”

“Gano’n lang?” Nagtaas siya ng kilay. “Wala man lang tanong about my experience, skills, background—”

“Hindi na kailangan,” putol ni Lukas. “You’re bold enough to scream at me and stupid enough to argue with me. That’s rare. And yet entertaining.”

She crossed her arms, hindi nagpapatalo. “So, entertainment lang pala ang hanap mo sa secretary?”

“No,” sagot nito, diretso at walang emosyon. “But if you’re going to babysit me—which is basically what secretaries do—I need someone who won’t faint every time I raise my voice.”

Halos matawa siya sa sinabi nito. Anong akala nito sa kaniya? Yaya?

“Babysit you? Sir, sa pagkakaalam ko, hindi kasama sa job description ang pag-aalaga.”

Nagtagpo ang mga mata nila. Si Lukas, malamig at arogante, at siya naman ay matapang at may halong biro. Parang walang gustong umatras sa kanilang dalawa.

“I’ll see you tomorrow, Miss Dela Cruz,” sa wakas ay sabi ni Lukas, as a matter-of-fact, bago ibinalik ang tingin sa laptop nito. Para bang tapos na ang usapan at wala na siyang choice kundi sumunod.

Lumabas siya ng opisina na halu-halong emosyon ang dala: gulat, inis, kaba at hindi niya maikakaila na may nararamdaman siyang kaunting excitement na ayaw niyang aminin kahit kanino.

Simula bukas, opisyal na siyang secretary.

At ang boss niya? Yung lalaking pinaka-ayaw na sana niyang makita ulit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting my Boss   Chapter 89

    Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg

  • Babysitting my Boss   Chapter 87

    Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy

  • Babysitting my Boss   Chapter 86

    Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,

  • Babysitting my Boss   Chapter 85

    Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,

  • Babysitting my Boss   Chapter 84

    Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa

  • Babysitting my Boss   Chapter 83

    Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status