Nang iwanan si Shaina ni Lukas sa opisina ay nagkaroon siya ng oras para ilibot ang paningin sa buong opisina. At nang malibot niya ang buong opisina ay hindi niya mapigilang mamangha. Malaki ang space ng silid, floor-to-ceiling glass walls na tanaw ang buong siyudad, at polished na sahig na para bang hindi pa natatapakan. Wala ni isang kalat kahit balat lang ng candy, walang kahit anong ekstrang gamit na hindi kailangan at ang lahat ng gamit sa loob ay nasa ayos. Mula sa dark wood furniture, black leather swivel chair, at minimalist na paintings sa dingding.Ang ganda, bulong niya sa sarili.At higit sa lahat, amoy lalaki. Hindi yong mabahong pawis kundi yung tipong fresh, woody scent na kahit sino ay mapapalingon.“This will be your desk.”Nagulat siya nang mapansin na nakatayo na pala si Lukas sa tabi niya habang ang isang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa at malamig na tinuturo ang desk na hindi kalayuan sa kanya.Ano ba ‘yan! Bakit napaka-cold mo naman, sigaw ng utak niya.Medyo
Terakhir Diperbarui : 2025-08-26 Baca selengkapnya