Share

Chapter 2

Penulis: senyora_athena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-26 11:56:47

Pagkauwi ni Shaina mula sa interview ay halos ibagsak niya ang katawan sa sofa ng inuupahan nilang boardning. Pawis, pagod, at punong-puno ng sama ng loob ang araw niya at idagdag pa na hanggang ngayon ay amoy na amoy niya ang putik sa katawan niya. Hindi pa man siya nakakapagpahinga ay sumulpot agad si RJ, ang kanyang ever-loyal at ever-loud best friend.

Parang nakaabang na ito sa sala at naka-cross legs sa center table na para bang reyna. Nakasuot ng makukulay na shorts at neon green na sleeveless at hawak-hawak ang pamaypay na iwinawagayway na parang prop sa drag show. Nang makita siya ng kaibigan ay halos mapasigaw ito.

“Oh, ayan na ang queen ng job interview!” tili agad ni RJ na halos tumalon pa papunta sa sofa pero nang makita nito ang hitsura niya na daig pa ang sinabunutan ng dalawang bakla ay natigilan ito at tinaasan pa siya ng kilay. “Anong nangyari sa’yo, te?”

Hindi niya ito sinagot at pumasok na siya sa banyo para maligo nang mabawasan naman ang kabantutan na dala ng h*******k na Lukas na ‘yon. Hanggang ngayon ay kitang-kita niya pa rin ang kayabangan nito nang basta na lang siya nito iwanan sa kalsada. At mas lalong yumabang pa ito nang nakaupo na ito sa trono nito sa sarili nitong opisina.

Ang galing talaga maglaro ng tadhana!

Wala sa sariling sinabunutan niya ang buhok at nag-shampoo na para matapos na siya agad. Baka kung ano pa ang magawa niya kung magtagal pa siya sa banyo.

Nang matapos siyang maligo at lumabas na sa banyo ay nakaabang palas a pinto ang baklitang kaibigan niya. Umiinom pa ito ng milktea at daig pa nito si Boy Abunda kung makahintay ng chismis.

“Pwede bang magbihis muna ako?” malditang tanong niya pero RJ will always be RJ. Hindi ito pumapayag na hindi makasagap agad ng chismis.

 “Spill the tea, girl! Nagka-love at first sight ba agad ang boss mo? May pa-lunch ba agad? Oh my gaaad, tell me everything!” Tumitili nitong tanong at muling humigop ng milktea.

Milktea ‘yan, te! Huwag mo gawing sabaw!

Napabuntong-hininga si Shaina at kinuha ang damit sa loob ng kwarto at muling pumasok sa banyo. “RJ, you won’t believe this. Disaster ang buong araw ko.”

“Disaster?!” Muling nabuhay ang dugo ng bakla at halos buksan pa ang pinto para maka face to face lang sa chismis. “Girl, anong ginawa nila sa’yo? Don’t tell me nag-walkout ka agad, ha?!”

“Hindi naman…” Pinaikot pa niya ang mga mata at binilisan ang pagbihis. “Pero bago pa ako makarating sa office, may kotse na dumaan at binuhusan ako ng putik. As in literal na mud shower, girl!” gigil na gigil niyang kwento sa kaibigan. Nang matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng banyo at sa sala na pinagpatuloy ang pagsusuklay niya ng buhok.

“Ay, Diyos ko, girl!” Tili agad ni RJ, sabay talon sa sofa na parang stage. “At siyempre hindi lang basta kotse ‘yon, luxury car ba?”

Tumango siya dito. Kitang-kita pa talaga sa mga mata ng bakla na tila ba kilig na kilig ito sa balita niya. Sumigaw pa ito kasabay ng paghampas ng pamaypay sa hita ni Shaina. Natigil tuloy siya sa pagsuklay at tinignan ng masama ang kaibigan.

“Girl, I can feel it! I can feel it! Pang romance novel na ‘to!” Patuloy pa rin itong tumitili at pinaghahampas pa rin ng pamaypay ang hita niya. “Rich guy alert! Pak na pak!” Bigla itong tumayo at naglakad-lakad pa ito sa sofa na parang rumarampa sa catwalk at sabay slow twirl.

“Romance novel ka diyan,” iritado niyang sagot. “Hindi mo pa alam ang buong kwento, girl.”

Nag-slide agad si RJ pabalik sa tabi niya at halos idikit pa nito ang mukha sa mukha niya. “Oh, sige na, tuloy mo! Gwapo ba? Gwapo ba? Gwapo ba!”

Napapikit si Shaina at nag-exhale nang malalim. “Gwapo.”

At bago pa niya pagalitan ang sarili dahil sa sinabi niyang gwapo si Lukas ay biglang nagkaroon ng malakas na lindol bunga ng pagtili na naman ni RJ.

“Girl, sabi ko na nga ba!” At muli na naman itong tumili. “Gwapo with abs ba? Aminin mo naaa! May abs ba kahit naka-suit siya? Don’t lie to me!”

“Hindi ko nga nakita kung may abs! Naka-suit nga eh!” reklamo ni Shaina, sabay hampas ng throw pillow sa best friend niya.

Pero tumili ulit si RJ at halos mabaliw na sa kilig. “Gwapo, mayaman, suplado at siya pa ang boss mo, diba?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Wait! paano mo—”

“Ay, huwag mo akong lukohin, teh!” tapik agad ni RJ sa braso niya, malakas at may kasamang titig na parang detective.

Nagkubli si Shaina ng mukha sa throw pillow, pero hindi rin nakatakas ang muffled niyang sagot: “Oo na. Siya nga…”

Nagsimula na naman itong tumili at kinuha ang throw pillow sa kaniya at ito na ang nagtakip ng mukha.

“Secretary ka na ng gwapong suplado. Alam mo ba kung anong ibig sabihin no’n?”

“Ano?” kunot-noong tanong niya.

“Welcome to your own teleserye, baks.”

“RJ!” sigaw niya, sabay hampas ulit ng throw pillow. “Kung ‘di ka titigil, ako mismo ang magbabagsak sa’yo sa putikan!”

Pero imbes na tumigil, tumili lang ulit si RJ at patuloy pa rin sa paghampas sa kaniya. Nang mahimasmasan ay nagkusa rin itong tumigil at tinitigan siya. Na para bang sinabi nitong ang ganda-ganda niya at meron siyang buhok na katulad ni Rapunzel.

“Girl! Ang swerte moooo!”

“RJ!” Kinuha niya ang unan at tumingin nang masama. “Swerte ba ang tawag mo do’n? Arrogante ang mokong na ‘yon! Wala man lang sorry kahit nilublob na niya ako sa putikan. As in deadma lang. Ang kapal ng mukha niya! Nanggigil na naman ako!”

Nag-pose si RJ na parang ini-interview siya sa The Buzz. “Pero gwapo, right?”

Napairap si Shaina. “Kung kasamaan lang ng ugalit ang sukatan, siya na ang pinakaguwapo sa lahat. Gusto ko ngang sampalin ng ID ko eh. Yong tipong hindi na siya magmukhang tao!”

Pero imbes na kampihan siya ng bakla ay tumawa pa ito nang malakas. Nagdadalawang-isip na tuloy siya kung kaibigan ba niya talaga ito napeke na naman siya.

“At akala mo ba, during the interview, parang ako pa yong wala sa lugar? He didn’t even ask me proper questions. Tapos nakaupo lang siya doon, feeling hari ng opisina, habang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatulala lang ako do’n at naghihintay sa sasabihin niya. Apaka talaga!’”

“Girl, wait…” Hinawakan niya ang kamay niya at nagseryosong tiningnan siya. “Are you saying na hindi siya Prince Charming?”

Napangiwi siya ng wala sa oras. “Prince Charming kamo? Heller. Mas mukha siyang kontrabidang mayaman sa teleserye. Yong tipong ipapamukha sa’yo na wala kang karapatang huminga sa opisina niya.”

“Pero kontrabida na gwapo, mayaman, at ikaw ang secretary. Alam mo ba ibig sabihin no’n?”

“Ano na naman?” kunot-noo na naman niyang tanong. “Parang lahat na lang binibigyan mo ng meaning, bakla ka!”

“Enemies-to-lovers arc, girl. Hashtag romance novel.”

“RJ!” sigaw niya, sabay hampas ng throw pillow dito. “Wala akong balak maging bida sa kwento ng mokong na ‘yon!”

Pagkatapos ng makulit na asaran nila ni RJ ay naiwan siyang mag-isa na nakatitig sa kisame ng maliit nilang sala. Unti-unting bumigat ang dibdib niya habang sumasagi sa isip ang sinabi ng boss niya kanina.

“Secretary-slash-babysitter.”

Kahit hindi siya sigurado kung seryoso ba ito sa sinasabi nito ay bigla siyang kinabahan. Paano kung seryoso pala ito at bigla siyang pahirapan tapos utos-utusan na parang yaya?

Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga. Kung hindi lang talaga siya gipit, kung hindi lang siya desperado, hinding-hindi niya tatanggapin ang trabahong iyon. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Kahit pa maging dishwasher sa isang karenderya, gagawin niya. Basta huwag lang maging yaya ng isang hambog na isip-bata. Hindi siya ipinanganak para mag-alaga ng isang bossy, mayamang lalaki na parang hari kung umasta. Pero ano bang magagawa niya? Hindi siya pwedeng maging mapili.

Kailangan niya ng trabaho.

Kailangan ng pera ng mga magulang niya sa Cebu. Kahit anong sipag ng tatay sa maliit nilang talyer at kahit anong diskarte ng nanay sa sari-sari store, kapos pa rin ang kita. Kulang na kulang para pambayad sa mga gamot ng tatay at pang-ikot sa negosyo.

At ang kapatid naman niyang si Regine? Hambog na bata. Nasa kolehiyo pero walang kaalam-alam sa hirap ng magulang. Kung hindi pang-gimmick, gadgets, o bagong bag at make-up, ay sa damit naman ginagastos ang pera. Mabuti na lang ay hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral kaya nagpapasalamat pa rin siya. At sino ba ang nagtitiis na magbigay? Siya rin. Siya pa rin.

Kaya kahit gaano kalaki ang pride niya, kahit gaano kahambog si Lukas, napilitan siyang lunukin ang lahat.

Secretary-slash-babysitter. Ano pa nga ba?

“Kung hindi lang talaga ako gipit,” bulong niya sa sarili, sabay pikit ng mga mata at mariing kinagat ang labi. “Hindi ko hahayaang babaan ng tingin ng kahit sinong mayamang lalaki.”

Pero kailangan niya. Walang ibang aasahan ang pamilya niya kundi siya. At sa puntong ito, iyon na lang ang mas mabigat kesa sa pride niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Babysitting my Boss   Chapter 89

    Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg

  • Babysitting my Boss   Chapter 87

    Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy

  • Babysitting my Boss   Chapter 86

    Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,

  • Babysitting my Boss   Chapter 85

    Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,

  • Babysitting my Boss   Chapter 84

    Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa

  • Babysitting my Boss   Chapter 83

    Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status