Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-08-28 14:15:22

Hindi mapakali si Shaina hanggang matapos ang buong umaga. Mabuti na lang at nag-lunch break ang mokong na si Lukas kaya nakahinga siya nang maluwag. Pero nang muling bumukas ang pinto ng opisina ay muli na naming lumakas ang kabog ng dibdib niya.

What the! Bakit ba kasi ako kinakabahan? Pakialam ko ba kung nabasa niya ‘yong na-type ko? Hindi ba pwedeng typo error lang ‘yon? Inis na bulong niya sa sarili.

Kahit anong gawin niya bumabalik at bumabalik talaga sa isip niya ang nangyayari kanina. Kahit sabihin man niya sa sarili niya na hindi dapat siya mahiya ay hindi talaga nag-sink in sa utak niya ang gusto niyang maramdaman.

“Ang bango niya.” Nakakainis! Kung may time machine lang, babalik siya at siya na mismo ang babatok sa sarili niya.

Nagulat siya nang lumingon si Lukas sa kaniya na nakakunot ang noo. Shemay! Hindi kaya na-voice out niya ‘yon?

Ang dami na nga niyang iniisip dumagdag pa ang isang ‘to. Parang hirap na tuloy siyang kausapin ang sarili kasi baka lahat ng mga salitang dapat sa isip lang ay baka ma-voice out pa niya.

At heto pa, nasa iisang opisina sila. Minsan, hindi niya mapigilang sumulyap kay Lukas. Malinis ang mesa nito, ang office mismo ay parang cover ng isang architectural magazine—dark wood, minimalist, masculine. Parang ang ganda-gandang background para sa isang Greek god na nagtratrabaho.

Greek god my face, singhal niya sa sarili sabay paikot ng mata. Kung maka-utos akala mo siya ang hari ng mundo. Kung makatitig, kala mo akong nagawang tama sa buhay. At yong ngiti niya kanina? Trick lang ‘yon. Wala ‘yang puso.

At ayon na nga, parang tinatawag siya ng malas. Biglang nagsalita ang boss niya at malamig ang tono nito. Malamig na tila nagpatayo ng balahibo niya.

“Miss Dela Cruz.”

Napapitlag siya at agad umayos ng upo. “Yes, Sir.”

Hindi man lang siya nilingon ng boss niya patuloy pa rin itong nakatitig sa laptop nito. “My schedule. What’s my meeting this Thursday, three in the afternoon?”

Napangiwi siya habang mabilis na hinanap sa planner. Nagkagulo-gulo pa kasi hindi pa siya tapos ayusin ang mga gamit ng dating sekretaya. Naiwan na nakatiwangwang ang mga gamit nito kaya kasalukuyan pa niyang inaayos.

Wow, test agad? Eh di sana nag-review ako ng notes kagabi kung alam kong exam pala ang sekretarya job description! Huminga siya nang malalim at hinanap ang schedule nito. Mabuti na lang at malinis ang pagkagawa ng dati nitong secretary.

“Thursday, 3 PM—meeting with the marketing team, sir.” Sagot niya at bumalot na naman ang katahimikan. Akala niya tapos na ang pa-exam nito kaya sinarado na niya ang planner at nilagay na niya sa tabi ng mesa nang muli na naman itong magsalita.

“And Friday, nine in the morning?”

Ay wow. Akala ko tapos na. Hindi ba puwedeng magsalita nang buo? Gusto mo ba ng recitation style? Teka lang po, Sir Vergara.

She cleared her throat at at muling binuksan ang planner. “Board meeting, sir.”

Nang marinig nito ang sagot niya ay tumingin na ito sa kaniya. Wala siyang makitang emosiyon sa mukha nito. Ibang-iba talaga sa nakausap niya kahapon.

“And Monday next week, one in the afternoon?”

Hayop. May next week agad? Pero mabilis niya ring binasa ang nakasulat. “Site visit in Cavite, Sir.”

Tumango ito at saglit na namang natahimik bago ito muling nagtanong ng sunod-sunod na para bang mabilis pa sa kidlat.

“Tuesday morning, ten AM? Wednesday, four in the afternoon? Saturday, lunch?”

Namilog ang mga mata niya.

Pak, pak, pak! Aba’t parang buzzer beater lang ah! Ano ‘to, spelling bee? Sunod-sunod te? Unli-text ka? Unli call?

“Tuesday po, ten AM, you have a client presentation together with Mr. Anderson,” sagot niya, kahit nagmamadali. “Wednesday, four PM, investor call. And last Saturday lunch meeting with Architect Lim.”

Sa wakas, tumigil si Lukas at pinagmasdan siya lang siya. Tinitigan lang siya nito na para bang binabasa ang kaloob-looban niya. Kaya wala siyang nagawa kun’di ang yumuko at kunwari nagbabasa ng mga schedule nito. Bakit ba kasi ganito ito sa kaniya? Parang kahapon lang gigil na gigil siya dito eh. Pero ngayon parang gusto na lang niya ulit amoyin ito.

Shit! What am I thinking?

“Good,” anito na nagpatigil na naman sa kaniya. “Mas mabilis ka kaysa sa mga huling secretary ko.”

Kung ibang babae siguro ‘yon, kikiligin. Pero siya? Umirap siya nang palihim.

Ay, salamat ha. Achievement unlocked. Ano next? Star badge? Trophy?

At parang hindi pa sapat ang pahirap, yumuko si Lukas, may bahagyang kurba ang labi.

“One last question, Miss Dela Cruz.”

Napasinghap siya. “Ano po, Sir?”

Tumitig ito nang diretso. “Mabango ba talaga ako?”

Halos mabulunan siya ng sariling laway. Hindi siya agad nakasagot. Wala siyang mahanap na pambara dito kaya napalunok na lang siya at tinitigan ito.

Putek. Hindi siya nakalimot! Diyos ko, bakit kailangan pa niyang ungkatin?

Napabuntonghininga siya pero gaya ng dati mas pinairal niya ang matulis niyang dila. Hindi pwedeng wala siyang masagot dito. Nagtaas siya ng kilay at tumikhim.

“Kung mabango man kayo, sir, hindi ibig sabihin non gusto ko. Sa totoo lang po, allergic ako sa pabango. Baka bukas sipunin na ako dahil sa inyo.” Pero imbes na magalit ito ay nakita pa niya kung paano lumabas ang ngiti sa labi nito pero hindi ito nagsalita.

Muling bumangon ang katahimikan. Parang pati hangin sa loob ng opisina ay naghintay ng sagot ni Lukas.

At ayun na nga. Bahagya itong natawa. Hindi malakas pero sapat na para magtaka siya. Hindi ba ito nagalit sa sinabi niya?

“Interesting,” anito, muling malamig ang tono pero may bakas ng amusement sa mga mata. “Sipunin ka pala.”

Shaina crossed her arms na parang siya pa ang boss sa kanilang dalawa. Pilit niyang itinatago ang bilis ng tibok ng puso niya.

“Yes, Sir. Kaya kung ayaw niyong mawala ako agad, siguro mas okay kung magpabango kayo na amoy alcohol na lang.”

Ngumiti ulit si Lukas at iyon ang ikinataranta niya. Hindi siya sanay na ngumingiti ito. Para kasing kinakain siya ng puso niya. Hindi niya alam kung mas nakakainis ba o mas nakakakaba ang ngiting iyon.

Sa huli, bumalik ito sa laptop, parang walang nangyari. “Back to work, Miss Dela Cruz.”

At siya naman, napailing na lang. Bwisit. Bakit ang hirap mong kalimutan, Lukas Vergara?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting my Boss   Chapter 89

    Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg

  • Babysitting my Boss   Chapter 87

    Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy

  • Babysitting my Boss   Chapter 86

    Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,

  • Babysitting my Boss   Chapter 85

    Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,

  • Babysitting my Boss   Chapter 84

    Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa

  • Babysitting my Boss   Chapter 83

    Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status