“Miss Dela Cruz.”
Napatigil si Shaina sa ginagawa at mabilis na napaangat ang ulo. Kasalukuyan siyang nag-eedit ng isang document para ipasa sa kaniyang boss nang bigla siya nitong tawagin. Kahit hindi siya tingnan ng boss niya, ramdam niya ang bigat ng boses nito. Para bang isang tawag lang sa kaniya ay dapat automatic na tumayo agad siya at tatakbo para mag-report or gawin ang iuutos nito.
Si Lukas, gaya ng palagi niyang nakikitang ginagawa nito, ay nakaupo na naman ito sa swivel chair at nakasandal pero halata sa mata nitong antok na antok ito. Ang mga daliri nito ay mabilis na pumipindot sa keyboard ng laptop, pero ang mga mata ay namumungay na.
Agad niyang tiningnan ang suot niyang relo at alas tres na pala ng hapon. Sino ba namang hindi aantukin? Pero imbes na bumigay sa antok, si Lukas Vergara ay may sariling solusyon.
“Po?” inosenteng tanong niya, kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang magkunwaring busy. Baka kung ano na naman kasing ipagawa nito sa kaniya at madesgrasya na naman siya, mahirap na. Kung hindi lang siya nakatali sa trabahong ito, baka sinabihan na niya itong, ‘Magkape ka na lang mag-isa, bossing.’
“Coffee,” malamig pero diretso nitong utos.
Sabi na nga bang kape eh, bulong niya sa sarili. Tama nga ang hinala niya.
“Ikaw na mismo ang gumawa. Strong. Two teaspoons of sugar, half cream and no milk. Don’t mix it too sweet, I need to stay awake,” dagdag nito at umandar na naman ang pagiging bossy.
At ayun na nga. Puwede namang i-summarize sa ‘Kape, strong, wag matamis,’ pero hindi. Kailangan may detalye, iba talaga kapag mayaman eh.
“Yes, sir,” sagot niya kahit pilit at sabay tayo na rin. Alangan naming magreklamo pa siya.
Bakit ba ako kinakabahan? Kape lang ‘to, hindi naman exam sa chemistry, aniya ng utak niya at pilit pinapakalma ang dibdib.
Dumeretso siya sa maliit na pantry ng opisina, dala ang baon niyang inis at kaba. Pagtapat niya sa mesa kung saan nakalatag ang mga lalagyan ng kape, sugar, at creamer, bigla siyang napahinto.
Ano nga ulit sabi ni Sir? Dalawang kutsara ng sugar? Isa’t kalahating creamer? Half milk? O walang milk? Diyos ko, bakit ba ang utos niya parang algebra?
Napahawak siya sa sentido at pilit inaalala ang bawat salita ng boss niya. Pero ang bumabalik lang sa isip niya ay ang mukha nito kanina yong seryoso, yung may linya sa noo, yung parang isang pagkakamali niya lang ay tanggal agad siya sa trabaho.
Bahala na, bulong niya. Kung mali ang timpla ko, edi tanggal.
Imbes na sundan ang utos nito ay sinunod niya ang sarili niyang instinct. Nilagay niya ang usual mix niya: strong coffee, sakto lang ang sugar, at nilagyan niya ng powdered milk.
Kung hindi niya magustuhan, edi problema niya. Ako nga, ilang taon na itong kape ng buhay ko at hindi pa ako nadisgrasya.
Pagbalik niya sa opisina, si Lukas ay nakayuko pa rin sa laptop. Maingat niyang inilapag ang tasa sa mesa nito.
“Your coffee, sir.”
Itinaas nito ang tingin, saka kinuha ang tasa. Walang salitang lumabas sa bibig nito at diretso lang nitong tinikman ang kape.
At doon na nagsimula ang torture ng buhay niya.
Mabagal na ibinaba ni Lukas ang tasa. Tapos, dahan-dahan siyang tiningnan. Nakataas ang isang kilay nito pero walang emosyon. Yung tipong judge sa talent show na ready nang mag-judge.
“Miss Dela Cruz.” Malamig at nakakatakot ang pagbigkas nito sa pangalan niya. “Hindi ito ang sinabi kong itimpla mo.”
Halos mahulog siya sa kinatatayuan niya, pero hindi siya papayag na siya lang ang dehado. Kaya agad siyang bumawi. “Eh, sir, kape pa rin naman ‘yan. Mainit, may caffeine, walang lason. At least gising pa rin kayo, hindi kayo inantok sa inis.”
Halos masamid siya sa sariling sagot. Pero pinanindigan na lang niya. Nakakahiya naming sabihin dito na nakalimutan nito ang sinabi nitong measurement sa sarili nitong kape.
Tahimik si Lukas. Ang mukha nito seryoso pa rin, parang nagbabadyang umulan ng termination letter. “So, you don’t follow instructions.”
“Depende sa instruction, sir.” Nag-cross arms siya, kahit halata sa boses niya ang kaba. “Kung hindi makatao, hindi ko sinusunod. Kung masyado kayong bossy, minsan sinusuwag ko rin. Pero ayan, buhay pa naman kayo, di ba? So far, effective ang kape ko.”
At doon, sa hindi niya inaasahang sandali, may nangyari.
Ang malamig na mukha ni Lukas ay unti-unting nabasag. Sa gilid ng labi nito, lumitaw ang isang maliit na ngiti. Hindi malaki, hindi pilit—yung tipong genuine at nakakagulat.
“Sometimes,” sabi nito na halos pabulong, “not following instructions has its benefits.” Saglit na tumigil, sabay diretso ng tingin sa kanya. “I love your coffee.”
Pagkahiga ni Shaina sa kama, agad niyang tinakpan ng unan ang mukha niya. “Bwiset na lalaki!” bulong niya, halos mapunit ang unan sa higpit ng pagkakayakap niya. “Bwiset na Lukas Vergara.”
Naiintindihan niya na trabaho talaga ng secretary ang magtimpla ng kape. Fine. Given na ‘yon. Pero ang hindi niya matanggap—kung bakit siya kinakabahan, at bakit siya kinikilig—ay dahil lang sa simpleng linyang “I love your coffee.”
Napabalikwas siya ng upo, kunot ang noo, galit sa sarili. “Hoy, Shaina Dela Cruz! Anong kinikilig-kilig ka diyan?! Nakalimutan mo na ba kung paano ka halos lamunin ng lupa nong unang araw mo? Natalsikan ka ng putik, tapos binara ka pa niya na para kang walang modo! At ngayon, just because may sinabi siyang ‘I love your coffee,’ tinatamaan ka agad?”
Tinapon niya ang unan sa sahig at napahilot ng sentido. “Hindi puwede. Hindi talaga. Hindi ka puwedeng mahulog sa mga ngiti at linya ng isang lalaking ubod ng yabang. Oo, gwapo siya. Oo, mabango siya. Oo, malakas ang dating niya. Pero, girl, hindi mo puwedeng kalimutan na siya rin ang dahilan kung bakit muntik ka nang ma-late sa interview mo at kung bakit napahiya ka.”
Humiga siyang muli, nakatingin sa kisame. “Hindi ka kikiligin, Shaina. Hindi. Hindi. Hindi.”
Pero kahit anong deny niya, naririnig niya pa rin sa tenga ang boses nito—baritone, kalmado, pero may bigat. “I love your coffee.”Napapikit siya nang mariin. “Argh! Bwiset na boss! Ang sama ng ugali mo pero bakit ba parang gusto kong ulitin bukas?!”
ITO na yata ang pinakamatagal na araw para kay Shaina. Pakiramdam niya parang ang daming nangyari na nakaka-drain ng utak kaya gusting-gusto na niyang magpahinga at matulog. Nang marating niya ang sarili niyang kwarto ay mabilis niyang hinubad ang suot niyang sapatos at nilapag na sa mesa ang dala niyang bag. Parang wala na siyang lakas para maligo pa.
Pagkahiga niya sa kama ay agad niyang tinakpan ng unan ang mukha niya. “Bwiset na lalaki!” bulong niya, halos mapunit ang unan sa higpit ng pagkakayakap niya. “Bwiset na Lukas Vergara.”
Hindi pa rin talaga mawala sa utak niya ang mga nangyari. Mula sa nai-type niya na ang bango nito hanggang sa sinabihan siya nito na ibang-iba siya sa mga naging secretary nito before at hanggang sa sinabi nitong I love your coffee.
Pakiramdam niya talaga ang daming nangyari eh. Ang daming nangyari na gusto niyang kalimutan! Nakakairita!
Naiintindihan niya na trabaho talaga ng secretary ang magtimpla ng kape. Fine. Given na ‘yon. Pero ang hindi niya matanggap ay kung bakit siya kinakabahan, at bakit siya kinikilig. Required ba talagang sabihin nitong I love your coffee?
Required din bang kiligin siya sa line na ‘yon? Bakit parang ang babaw naman ng kaligayan niya.
At bakit ka ba kinikilig ha? Nakalimutan mo bang halos sagasaan ka non sa putikan tapos hindi man lang nag-sorry sayo? Pangaral ng utak niya. Para kasing nakakalimutan na niya eh.
Porque sinabihan ka lang ng ganon!
Eh, bakit kasi parang ang pogi niya rin diba? Parang ibang tao naman yata ‘yong nag-drive sa kotse kaya ganon eh.
Mabilis siyang napailing. Nababaliw na siya.
Napabalikwas siya ng upo at kunot ang noo at humarap siya sa salamin.
“Hoy, Shaina Dela Cruz! Anong kinikilig-kilig mo diyan?! Nakalimutan mo na ba kung paano ka halos lamunin ng lupa nong unang araw mo? Natalsikan ka ng putik, tapos binara ka pa niya na para kang walang modo! At ngayon, just because may sinabi siyang ‘I love your coffee,’ tinatamaan ka agad?”
Tinapon niya ang unan sa sahig at napahilot ng sentido. “Hindi puwede. Hindi talaga. Hindi ka puwedeng mahulog sa mga ngiti at linya ng isang lalaking ubod ng yabang. Oo, gwapo siya. Oo, mabango siya. Oo, malakas ang dating niya. Pero, girl, hindi mo puwedeng kalimutan na siya rin ang dahilan kung bakit muntik ka nang ma-late sa interview mo at kung bakit napahiya ka.”
Humiga siyang muli at tumingin sa kisame. “Hindi ka kikiligin, Shaina. Hindi. Hindi. Hindi.”
Pero kahit anong deny niya, naririnig niya pa rin sa tenga ang boses nito—baritone, kalmado, pero may bigat. “I love your coffee.”Napapikit siya nang mariin. “Argh! Bwiset na boss! Ang sama ng ugali mo pero bakit ba parang gusto kong ulitin bukas?!”
Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg
Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy
Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,
Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,
Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa
Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi