Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-08-26 11:58:18

Nang iwanan si Shaina ni Lukas sa opisina ay nagkaroon siya ng oras para ilibot ang paningin sa buong opisina. At nang malibot niya ang buong opisina ay hindi niya mapigilang mamangha. Malaki ang space ng silid, floor-to-ceiling glass walls na tanaw ang buong siyudad, at polished na sahig na para bang hindi pa natatapakan. Wala ni isang kalat kahit balat lang ng candy, walang kahit anong ekstrang gamit na hindi kailangan at ang lahat ng gamit sa loob ay nasa ayos. Mula sa dark wood furniture, black leather swivel chair, at minimalist na paintings sa dingding.

Ang ganda, bulong niya sa sarili.

At higit sa lahat, amoy lalaki. Hindi yong mabahong pawis kundi yung tipong fresh, woody scent na kahit sino ay mapapalingon.

“This will be your desk.”

Nagulat siya nang mapansin na nakatayo na pala si Lukas sa tabi niya habang ang isang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa at malamig na tinuturo ang desk na hindi kalayuan sa kanya.

Ano ba ‘yan! Bakit napaka-cold mo naman, sigaw ng utak niya.

Medyo naiilang siyang lumapit sa desk na tinuro nito.

Teka! So, meaning ba nito sa iisang office lang kami? Gulat niyang tanong sa sarili. Napahinto siya sa paglakad at muling nilingon si Lukas pero nananatiling walang emosyon ang mukha nito. Wala siyang nagawa kun’di ang lumapit na lang sa desk na tinuro nito.

Ang desk ay mas maliit kompara sa mesa ni Lukas pero may sariling computer at neatly arranged na supplies. Parang masyadong malapit sa desk ng boss niya.

Talaga bang gusto niyang bantayan ko siya twenty-four seven? CCTV on legs ba ako rito?

“Hindi ka hiwalay ng office,” patuloy ni Lukas na parang nabasa ang nasa isip niya. “Mas efficient kung nandito ka mismo sa office ko. Every second counts, Miss Dela Cruz. I don’t want to waste time calling you from another room.”

Napangiwi siya, pero tumango na lang. Mas okay na rin ‘to kaysa sa wala siyang trabaho.

Hindi ba puwedeng maglagay na lang ng bell? Para ka namang si Batman na may sariling Robin na dapat ready anytime.

Sinimulan niyang ayusin ang mesa at binuksan ang mga drawers. Inayos niya rin ang notepads na nasa mesa at nilagay na niya ang bag niya sa ilalim. Tahimik ang buong opisina, sobrang tahimik. Ni walang tunog ng keyboard dahil abala si Lukas sa pagbabasa ng mga papeles. Tanging tunog lang ng wall clock ang naririnig niya.

Para siyang nasa library na bawal kahit huminga nang malakas. Kaya para hindi siya mabaliw ay binigyan niya ng sariling soundtrack ang isip niya at nag-imagine na nasa concert siya ni Taylor Swift.

Nang matapos niyang ayusin ang desk niya ay lumuwag ang dibdib niya nang akala niya’y tapos na ang torture.

Pero hindi.

“Miss Dela Cruz,” tawag ni Lukas sa kaniya na hindi man lang siya tinitingnan. Nakatayo lang ito  at nakatingin sa laptop.

“Yes, Sir?”

Itinuro nito ang sariling swivel chair. “Sit here.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Sa chair niyo po?”

Ano na naman ang naiisip ng mokong na ‘to?

“Yes.” Diretso at walang bakas ng biro ang tono nito. “I want to test your typing skills.Now sit.”

Napilitan siyang sumunod. Pag-upo niya sa leather chair ay halos lumubog ang katawan niya sa sobrang lambot. At bago pa siya makapag-adjust ay tumayo si Lukas sa tabi niya bahagyang nakasandal sa desk at nagsimulang magdikta ng mga salita.

Pakiramdam niya talaga nasa exam siya na babantay ng instructor ang bawat sagot na isusulat niya.

Pinilit niyang i-focus ang sarili at nakikinig sa bawat salita ni Lukas. Kahit natataranta ay pilit niyang sinasabayan ang bawat pagbigkas nito. Mabilis at dire-diretso na para bang nananadya.

Kumakabog ang dibdib niya habang minamadaling i-type ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Pero habang tumatagal ay imbes na puro stress ang nararamdaman niya ay iba ang iniinda niya ngayon.

Amoy na amoy niya ang pabango ni Lukas, sobrang sarap nitong amuyin. Fresh na fresh at nakakabaliw. Sobrang lapit talaga nito sa kaniya na kunti na lang ay pwede na niyang mahawakan ang balat nito. Sa sobrang lapit ay halos maramdaman niya ang init ng katawan nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil parang sinusulit nito ang pagiging boss, o kikiligin siya kasi parang eksena ito sa mga romantic movies.

Argh, Shaina! Focus ka! Hindi pwedeng mahulog ang puso mo dito. Siya si Lukas the Arrogant. Lukas na gusto mong ibaon ng buhay kahapon. Hindi si Lukas the Charming na amoy pabango ng langit.

Pero sa bawat dikta nito, sa bawat sulyap niya sa matangos nitong ilong at malapad na balikat, lalo siyang nalilito. Kilig ba ‘to? O galit? O combo meal?

Habang patuloy na dinidiktahan siya ni Lukas ng mga sentences, pilit na nakatuon ang mata niya sa screen at mabilis ding pumipindot ang mga daliri niya sa keyboard. Nanginginig pa ang daliri niya sa sobrang kaba. Ang problema, masyado siyang distracted. Hindi sa bilis ng bibig ni Lukas, kundi sa amoy nito na halos kumakapit na sa ilong niya.

Focus, Shaina. Huwag mong isipin ang pabango niya. Huwag mong isipin ang shoulders niya. Huwag mong isipin—

Masyado siyang nadala ng sariling iniisip kaya imbes na i-type ang salitang “agreement,” ang lumabas sa screen ay:

Ang bango niya.

Nanlaki ang mata niya nang mapansin ang nakasulat sa screen. Napahinto siya at halos mapatayo sa kinauupuan. Sa gilid ng paningin niya, napakunot din ang noo ni Lukas at unti-unting ibinaling ang tingin sa monitor.

Pareho silang natigilan. Hindi niya alam ang gagawin niya, kung yuyuko ba siya o buburahin nang mabilis ang mga na-type niya na parang walang nangyari.

Mas nanaig ang desisyon niyang burahin na lang ‘yon at umaktong hindi siya nagkamali. Naghintay siya ulit ng mga words galing kay Lukas pero wala itong sinabi. Tahimik ang buong opisina at tanging blinking cursor lang ang gumagalaw sa screen.

Gusto na niya tuloy magpalamon sa lupa. Sobrang hiya ang nararamdaman niya ngayon.

Oh my God. Bakit yon ang na-type ko? Bakit hindi na lang ako natamaan ng kidlat ngayon din?

Handa na siyang marinig ang masakit na komento mula kay Lukas. Pero hindi iyon ang nangyari.

Sa halip, ngumiti ito.

Isang maliit, mabilis, pero malinaw na ngiti. At iyon ang unang beses na nakita niya ang seryosong Lukas Vergara na ngumiti.

Parang biglang naging slow motion ang lahat. Bumilis ang tibok ng puso niya at kahit gusto niyang mainis ay mas nanaig ang kilig ngayon sa puso niya. Pero bago pa siya tuluyang mahulog, agad ding nagbago ang ekspresyon ni Lukas. Bumalik ito sa dati.

“Impressive,” malamig nitong sab isa kaniya na parang walang nangyari. “You type fast. Faster than most secretaries I’ve had before.”

Napalunok na lang siya ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili. “T-thank you, Sir.”

Pero hindi pa doon natapos. Nakataas na ang isang sulok ng labi ni Lukas, parang pinaglalaruan siya.

“Mabango ba talaga ako, Miss Dela Cruz?”

Namilog ang mga mata niya. “W-what?”

Diretso ang titig ng lalaki sa kanya. Hindi ito nagbiro, pero hindi rin nagalit. Parang gusto lang nitong marinig ang sagot niya.

Paano ko sasagutin ‘yon? Aaminin ko bang oo, mabango siya? O itatanggi ko kahit halata namang lasang pabango ng langit ang hangin dito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting my Boss   Chapter 89

    Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg

  • Babysitting my Boss   Chapter 87

    Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy

  • Babysitting my Boss   Chapter 86

    Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,

  • Babysitting my Boss   Chapter 85

    Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,

  • Babysitting my Boss   Chapter 84

    Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa

  • Babysitting my Boss   Chapter 83

    Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status