Amoy bawang at mantika ang boarding house nang ilapag ni Shaina sa mesa ang huling plato ng tapa. Sinabayan pa niya ng itlog at sinangag na espesyal, kaya kahit siya mismo ay napangiti. Maaga talaga siyang gumising para magluto ng agahan nilang magkapatid. Matagal-tagal na rin mula nang magluto sila ng almusal dahil nasa karenderya na lang sila kumakain at ang mas malala pa don, hindi sila magkasabay kumain ng kapatid niya. Palagi siyang mag-isang kumakain sa labas dahil matagal gumising ang kapatid niya.
Saktong papalabas siya ng kusina nang bumungad sa pintuan si RJ, nakasuot ito ng makukulay na oversized shades na parang may gimik na naman mamaya. Hindi na siya nag-abalang batiin pa ang baklang best friend niya at tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya.
“Ano ‘to!” sigaw nito na halos malaglag ang suot nitong shades sa sahig. “Sino ka at anong ginawa mo kay Shaina Dela Cruz? Nagluto ka?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Pati kasi ang bakla ay hindi sanay na nagluluto siya. Sa kanilang dalawa kasi ay ito ang masipag sa kusina at siya ay tagakain lang.
Umirap siya at pinunasan ang kamay sa apron. “Anong drama na naman ‘yan? Kung gusto mong kumain, umupo ka na.”
Agad itong sumugod sa mesa, nakatitig pa rin sa kanya na parang nakakita ng multo. “Girl, seriously, alam mo bang historical event ‘to? Ikaw talaga ang nagluto?” Inayos pa nito ang shades at muli na naman siyang tinitigan. “Ikaw! Hindi si baby girl mong si Regine na beauty rest queen. Ano na lang itatawag ko rito? Miracle of tapa and egg?”
Napahalakhak na lang siya sa pinagsasabi ng kaibigan niya pero bago pa siya makasagot, biglang napatingin si RJ sa kwarto nila. “Wait, teka, nasa’n ang kapatid mo?”
“Tulog pa,” casual niyang sagot habang naglalagay ng sinangag sa plato. Imbes na makipagchikahan sa kaibigan niya ay syempre uunahin niya munang kumain at baka ma-late pa siya sa trabaho.
Doon na sumabog ang drama ng bakla. Tumayo ito, nakapamewang at tili nang tili. “Anooo? Past eight na, ate girl! Tulog pa rin si Inday Regine? Diyos mio Marimar, hindi na siya high school or elementary yan para magpaka-prinsesa sa kama. Second year college na siya, may jowa pa! Tapos itutulog lang ang buhay? Nakakairita na yan ah!”
Napangisi na lang siya at sumubo na ng kanin. “Hayaan mo na. Bata pa ‘yon.”
“Bata, bata ka diyan!” sambit ni RJ, halos mauntog sa pader sa gigil. “Kung bata pa siya, eh ‘di dapat Dora pa ang peg niya, hindi pang-donya na jowang-jowa! Eh buti pa nga yang kapatid mo may jowa eh. Samantalang ikaw na ate, single pa rin.”
Saktong lumabas ng kwarto si Regine, nakatali pa ang buhok at antok na antok ang mukha. “Grabe, RJ, ang ingay mo. Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan bukod sa buhay ko?”
“Ay, nagsalita ang reyna ng kama!” balik ni RJ, taas-kilay. “Kung makalakad parang bagong gising na Diwata ah. Kumain ka na nga bago ako ma-high blood sa’yo.”
Napailing na lang siya sa bonding ng dalawa. “Sige na nga, kumain na lang tayo. Baka lumamig pa.”
Pero siyempre, hindi matatapos ang umagang walang chika si RJ. Habang nagsasandok ng tapa ay bigla itong sumilip sa kaniya na parang batang newscaster na naghihintay ng balita.
“So, kumusta naman ang first day ng madam secretary kahapon? Don’t tell me wala kang pasabog na kwento dyan? Aba, inday hindi pwede yan.” Saad nito at patuloy pa rin sa pagsandok ng kanin. “Gwapo ba talaga ang boss mo? May abs ba? Yung tipong kahit kape lang ang order, pwede ko nang gawing wallpaper?”
Nanlaki ang mata niya at agad na bumalik sa isip niya ang eksena kahapon. Ang dictation. Ang pagkakamali niya sa pag-type ng “Ang bango niya.” At ang boses ni Lukas, malamig pero nakakapang-init, habang sinasabi ang linyang “I love your coffee.”
Napakagat siya ng labi, ramdam ang muling pag-init ng pisngi.
Bwiset na lalaki talaga. Bakit ba hanggang ngayon, siya pa rin ang naiisip ko?
“Oh, ayan na naman, namumula! Kilig pa more!” sigaw ni RJ, parang nanalo sa raffle. “Shai, please lang, bigyan mo ko ng picture! Kahit likod niya lang, para ma-visualize ko habang nagkakape. Ayoko nang mag-imagine na boss mo ay mukhang si Tito Boy.”
“Picture, picture ka diyan,” iritableng sagot niya at minadaling tapusin ang kinakain niya. “Hindi artista ang boss ko.”
“Eh ‘di gawing mong leading man sa puso mo!” balik ni RJ, nagtitili na naman.
Pero imbes na matawa, mas lalo lang uminit ang ulo niya.
Argh, Shaina! Hindi ka pwedeng matulala sa bwiset na boss mo! Oo, gwapo siya. Oo, mabango siya. Pero wag kang pa-fall, girl. He’s trouble.
At sa isip niya, alam niyang hindi magiging madali ang araw na muling haharapin niya si Lukas Vergara.
MABILIS na pumasok si Shaina sa elevator nang makitang walang laman iyon. Eksakto sa gusto niya dahil nais niya sanang mag-muni-muni muna bago sumabak na naman sa gyera. Kanina pa niya iniisip habang naglalakad siya papunta sa building ang posibleng mangyari sa araw na ‘to. Kung ano na naman kaya ang paghihirap na haharapin niya ngayon.
Okay na sana ang pakiramdam niya nang biglang bumukas ang elevator at tumambad sa kaniya ang pagmumukha ng tao na gusto niya munang hindi makita. Walang iba kundi ang boss niya.
Relax, girl. Normal lang ‘to. Normal lang na magkasabay kayo sa elevator kasi natural kompaniya niya ‘to.
“Good morning, Sir Lukas,” pagbati niya rito pero hindi man lang ito bumati pabalik sa kaniya or kahit ngumiti man lang.
Sungit.
Umayos siya ng tayo at inilapit sa dibdib ang bitbit niyang mga folder at tumahimik na lang din habang pinagmamasdan ang suot ng boss niya. Naka-dark blue suit ito ngayon na mas lalong nagpatingkad sa kaputian nito at mukhang mas lalo lang itong tumangkad at gumwapo sa paningin niya. Pero higit sa lahat, naaamoy na naman niya ang pabangong gamit nito. Yung klase ng amoy na parang automatic perfume ad ang elevator.
Agad siyang kumapit sa ilong niya at kunwari inaayos niya ang buhok niya, pero totoo’y sinusubukang bawasan ang epekto ng amoy nito.
Diyos ko, bakit ba parang bumabalot sa buong paligid yung pabango niya?! Hindi ba siya nauubusan niyan?
Kahit ilang beses pa niyang sabihin na hindi mabango ang binate ngunit alam niya sa sarili niya na sobrang mabango ito at nakakaakit ang amoy nito sa totoo lang. Pakiramdam niya kayang-kaya niyang amuyin ito maghapon.
Pilit siyang nakatingin sa harapan, pero paminsan-minsan ay napapasilip siya kay Lukas. At sa bawat sulyap niya, lalo siyang naba-bad trip dahil parang mas lalo itong nagiging mabango.
Argh, Shaina, tigilan mo ‘yan! Hindi ka pwedeng maadik sa amoy niya! Saway niya sa sarili dahil mukhang nakakalimutan na niyan niya ang ginawa ng lalaki sa kaniyang noong nakaraan.
Hanggang sa…
“Caught you,” malamig pero amused na boses ang bumungad. Nakatingin na pala ito sa kanya. At hindi lang basta nakatingin, may kurba ng ngiti sa mga labi nito.
Nanlamig ang batok niya, pero pilit pa rin siyang nagkunwaring walang kaso. “Ano po yon, Sir?”
Dumukwang nang kaunti si Lukas, parang inaamoy siya pabalik. “Kanina ka pa pasulyap-sulyap, Ms. Dela Cruz. Ang bango ko ba?”
Napasinghap siya, halos malaglag ang folder sa kamay. Napakagat siya ng labi, at bago pa man siya makasagot, bumukas na ulit ang elevator pinto at ligtas siyang nakatakas. Pero habang naglalakad papunta sa office, tanging isang bagay lang ang naiwan sa isip niya.
Oo, Lukas Vergara. Mabango ka. At bwiset ka dahil alam mong mabango ka.
Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg
Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy
Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,
Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,
Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa
Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi