Share

Chapter 16

“Akin na ‘yan,” mahinahon na saad ni Rey Jhon kay Gabriella at pilit na inaabot ang bote na hawak ng dalaga. Pero mahigpit pa rin ang paghawak nito sa bote at inilalayo pa sa kaniya.

Kahit anong gawin na pagpigil niya sa dalaga ay parang wala itong naririnig. Ito pa nga mismo ang pumunta sa tindahan para bumili ng alak, wala na naman siyang nagawa. At nang dumating ang dalaga sa boarding house niya na pasuray-suray ay tanging pag-iling na lang ang nagawa niya.

“Akin na sabi! Ano ba, Gabriella! Makinig ka naman, lasing ka na.”

Tumayo si Gabriella at tinapik ang balikat niya na para bang sinasabi nitong hindi siya lasing at kaya pa nito. Kahit pasuray-suray na ito sa paglakad ay nagawa pa talaga nitong lumapit sa kaniya at tapikin siya. Ang tigas talaga ng ulo.

Wala na talaga sa matinong pag-iisip ang senyorita na ‘to, bulong niya sa sarili at sinapo ang sariling noo. Anong gagawin niya ngayon?

“Bakit ba kasi uminom ka sa labas! Paano kung may nangyari sa’yo do’n? Sino na naman ang paga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status