Mag-log inRey Jhon Zialcita became a babysitter to a young Gabriella Chan who never experienced breaking an onion and getting everything. No one knew his holiness except that he was caught kissing a man's picture and was able to ask if he was gay or not. Babysitting Gabriella was well on his way until Gabriella's debut party day came. That one night he just succumbed to the temptation. And he thought things were as good as he imagine they would be. Unfortunately, things were perfect. He goes a long way in finding answers to his question. When he found out he returned to Gabriella but that was why he was hurt. He really ought to have realized that there was a snag somewhere. When he found out what it was, he could have lost how big and heartbreaking it was. The question is, will he succeed?
view more“Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman
“Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s
Mabilis ang mga hakbang ni Gabriella papunta sa canteen ng school nila. Magkasalubong pa ang mga kilay niya dahil marami namang oras na puwede niyang makalimutan ang payong niya, ay ngayon pa talaga kung kailan parang tinamaan ng kabaitan ang araw. Tirik na tirik iyon at tila walang posibilidad na mabawasan ang init na ibinibigay nito. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang bilisan ang mga lakad niya para marating agad ang canteen.Mas lalo lang uminit ang ulo niya nang makitang wala ng bakante. Kanina pa nagrereklamo ang mga boarders niya sa tiyan kaya naisipan niyang bumaba pero ang galing-galing lang talaga dahil ang ganda ng timing niya, walang bakante na mesa kahit isa.Nasapo na lang niya ang noo at muling pinalibot ang mga mata, nagbabakasaling baka may makita siyang kakilala na puwede niyang matabihan. Hindi na puwedeng umakyat pa siya ulit at maghintay na baka magkabakante pa.Umukit agad sa labi niya ang matamis na ngiti nang makita niya si Rey Jhon na mag-isa lang sa mesa at k
“Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito. Nahuli pa talaga siya!“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin. Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay. Daig pa talaga ng security guard nila ang mga guards sa mga movies ng Disney. Iba
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Rey Jhon. Ang araw kung kailan hindi siya teacher at hindi niya estudyante ang dalagang gusto niyang ligawan. Ang araw kung kailan binabalak niyang pumunta sa bahay ng dalaga.Excited pa siyang nagbihis kanina at halos hindi niya kayang humiwalay sa salamin para
Kahit magsalubong pa ang mga kilay ni Gabriella ay hindi nagpapigil si Rey Jhon na gawin ang gusto niya. Kahit ano pang sabihin nito, buo na ang kaniyang pasya na gagawa siya ng paraan para mabalik sila sa dati at magkaroon ng 'sila'. Kung 'label' na lang ang kulang sa kanilang dalawa, gagawa siya n
“Rey Jhon for you. Don't tell me, ayaw mo rin sa’kin.”Tila natigil sa paggalaw ang lahat ng nakapaligid kay Gabriella. Hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin kay Rey Jhon na ayaw niya rito. Hindi niya kayang igalaw ang kamay niya para isarado ang pinto nang hindi na niya makita ang mukha ng
Nakatikom lang ang mga labi ni Gabriella kahit pa tudo ngiti ang Daddy niya at kinawayan pa siya nito. Wala siya sa mood na ngumiti kanina pero mas lumala pa ang tupak niya ngayon. Wala na talaga siya sa mood kahit pa ngumiti na lang ng peke, para bang hindi na niya kayang gawin ‘yon. Sinabihan siya












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore