Share

Kabanata 107

Author: Docky
last update publish date: 2026-09-30 12:56:13

ANYA THERESE BENNETT'S POV

"Bitiwan mo ako, Luca."

Mahina ang boses ko, pero agad niyang sinunod iyon. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa batok ko. Samantala, hindi ko agad nagawang gumalaw. Parang naiwan pa rin sa labi ko ang init ng halik niya.

Dahan-dahan kong hinawakan ang sarili kong bibig. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang bawat pintig ay dumadagundong sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o sa bagay na ayaw kong aminin.

"Anong ginagawa mo?" Pinilit kong mag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 171

    LUCA ODELLE VITALE'S POV Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang isang matalim na tusok sa aking braso. Agad akong napatingin doon. Isang lalaki ang may hawak na syringe na bahagyang nakabaon sa balat ko. Bago pa ako tuluyang makakilos, mabilis nitong inalis iyon at umatras."What the hell did you inject me with?!" galit kong sigaw.Agad akong tumayo at sinubuka kong sunggaban ang lalaking may hawak ng hiringgilya pero kakaiba ang bigat na biglang naramdaman ko sa katawan ko.Napahawak ako sa braso kong tinurukan. Shít! Ano'ng inilagay nila sa katawan ko?Sinubukan kong humakbang palapit sa mga ito pero biglang umikot ang paningin ko. Para bang gumalaw ang buong paligid kahit nakatayo lamang ako. Napakurap ako nang ilang beses at pilit kong inaayos ang aking paningin."Son of a bítch..."Mabilis kong inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ngunit halos hindi ko na maayos ang pagkakahawak doon. Nang subukan kong pindutin ang screen, tila nagiging doble ang nakikita

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 170

    LUCA ODELLE VITALE'S POVNang makita kong komportable nang nag-uusap sina Anya at ang lola niya sa loob ng bahay, nagpasya akong lumabas muna upang bigyan sila ng privacy. Mukhang marami silang kailangang pag-usapan at ayokong maging dahilan para mailang si Anya sa unang pagkakataon na makakasama niya ang kaniyang tunay na pamilya.Besides, I knew how much this moment meant to her.Bago ako lumabas, sinulyapan ko muna sila mula sa may pintuan. Nakaupo si Anya sa tabi ni Donya Carolina habang magkahawak ang mga kamay nilsng dalawa. May ngiti sa labi ng babaeng mahal ko habang nakikinig siya sa sinasabi ng kaniyang lola. Paminsan-minsan ay tumatawa pa siya, bagay na matagal ko nang hindi nakikitang ginagawa niya nang ganoon kakomportable.I couldn't help but smile. Finally. Matapos ang lahat ng pinagdaanan niya, nagkaroon din siya ng pagkakataong maranasan ang pagmamahal na matagal na niyang hinahanap. Hindi man namin mababawi ang mga taong nawala sa kaniya, kahit paano ay may pagkakata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 169

    DONYA CAROLINA'S POVHindi ko akalaing darating ang araw na ito. Sa dami ng taong nakilala ko, sa dami ng lugar na napuntahan ko at sa lahat ng bagay na nakamit ko sa buhay, wala ni isa roon ang makapapantay sa pagkakataong naghihintay sa akin ngayon. Ilang taon kong inisip na wala na akong ibang kailangang hanapin dahil nasa tabi ko na ang apo kong si Caroline. Ilang taon kong pinaniwalaan na ang batang iyon ang anak nina Carol at Liam. Akala ko siya na ang nag-iisang babaeng magmamana ng lahat ng mayroon kami oero nagkamali ako.At ang pinakamasakit sa lahat, hindi lamang pala ako niloko ng mga taong pinagkatiwalaan ko, may isang batang pinagkaitan ng pagkakataong makilala ang tunay niyang pamilya. May isang anak na lumaki sa piling ng mga taong hindi naman pala niya tunay na magulang. At ang tunay kong apo ay nagdaan sa napakaraming paghihirap habang ako naman ay patuloy na namumuhay sa karangyaan at walang kamalay-malay na nasa ibang lugar lamang pala siya.Anya Therese…ang tunay

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 168

    ANYA THERESE BENNETT'S POVHindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko nang sabihin sa akin ni Luca na darating daw si Tres kasama ang lola ko. Ilang segundo akong natigilan habang pinoproseso ko ang sinabi niya. Para bang biglang may kung anong kumurot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.My grandmother…Ilang beses kong inulit sa isip ko ang dalawang salitang iyon. May lola pala ako. At sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko maiwasang makaramdam ng pananabik sa ideyang makakaharap ko na ang isa sa mga taong may kaugnayan sa tunay kong pagkatao.Hindi ko alam kung paano siya makikitungo sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging tingin niya sa akin kapag nagkaharap na kami. Tatanggapin kaya niya ako? Magiging komportable kaya kami sa isa't isa? O baka naman mahirapan siyang ituring akong apo dahil sa dami ng taong nasaktan at mga pangyayaring naganap bago kami nagkakilala?Napatingin ako kay Luca nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko."Are you okay?" tanong niy

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 167

    LUCA ODELLE VITALE'S POVPaalis na sana kami ni Anya para pumunta sa bahay nina Kapitan Dado nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos at agad kong sinilip ang screen. Nang makita kong si Tres ang tumatawag, hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin iyon."Hello?"["Mr. Vitale, huwag muna kayong aalis ni Anya sa bahay. Papunta kami riyan."]Bahagya akong napakunot-noo. "Kami? Sino'ng kasama mo?"["Kasama ko si Donya Carolina, ang Lola ni Miss Anya. Sa private helicopter kami sasakay kaya hindi na magtatagal ang biyahe namin mula rito sa Bancasi Airport. Please, hintayin ninyo kami riyan."]Napatingin ako kay Anya na abala sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin sana namin. Hindi ko inasahang darating agad ang Lola niya, pero kung tutuusin, magandang pagkakataon iyon. Bukas na bukas ay ikakasal na kami. Mas mabuti nang makilala ko nang personal ang kahit isa sa pamilya niya bago ang araw na iyon."All right. We'll wait for you," sagot ko bago tuluyang ib

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 166

    DONYA CAROLINA'S POVMatapos kong tawagan si Tres, agad akong naupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa loob ng Malasakit Hall. Nasa Bancasi Airport na ako. Muli kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na nagpadala ng mensahe sa kaniya upang ipaalam kung saang bahagi ako naghihintay.Hindi ko maaaring basta na lamang siya tawagan nang paulit-ulit. Maraming tao sa paligid at hindi ko nais na makatawag-pansin, lalo na't hindi pa rin ako sigurado kung may mga tauhan ang aking mga kaaway na maaaring nakasunod sa akin.Maingat kong inayos ang pagkakapatong ng aking handbag sa kandungan ko bago ko bahagyang hinila pababa ang brim ng suot kong malapad na beige na sumbrero. Nakasuot ako ng simpleng cream-colored na blouse na may manipis na cardigan, isang pares ng dark trousers at flat leather shoes. Mayroon din akong malalaking salaming pang-araw na halos tumatakip sa kalahati ng aking mukha.Hindi iyon ang karaniwang pananamit ko kapag lumalabas ako ng mansyon. Sanay akong magsuot ng mamahalin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status