Share

Kabanata 12

Sa nakalipas sa dalawang araw simula nang dumating si Zam ay wala itong inatupag gawin kundi ang buntutan si Caleb. Nais na niyang mainis dahil kadalasan ay sumosobra na ang pagiging makulit ng dalaga. Katulad na lamang noong isang araw. Ibig niyang pagsisihan kung bakit pinasama niya ito sa lakad nila ni Marco. Hindi tuloy siya nakaporma dahil halos hindi ito humiwalay sa kanya.

Binibiro tuloy siya ng kanyang kaibigan na nagkaroon daw siya ng guardia civil sa katauhan ng kapatid nito. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili at sinabi niya kay Marco ang kanyang dilemma sa kapatid nito. Ngunit tinawanan lamang siya nito. Ganoon lamang daw si Zam, pasasaan ba at kapag nagsawa ito ay titigil din ito at maghahanap ng bagong magiging apple of the eye. Dalangin niya ay ganoon nga dahil hindi siya makaporma kay Yssa.

Kaya naman nang magkaayaan muli sila ni Marco, ay hindi na lamang nila ipinaalam sa dalaga ang kanilang lakad.

Hatinggabi na at nasa sala pa rin si Zam. Tumawag kanina ang kapatid
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status