Share

My Bracelet With The CEO

Ipinulupot ni Amy ang kanyang dalawang paa sa kanyang kama at umiyak, nalulungkot at nahihiya siya pagkatapos ng nangyari ngayon. Una nawalan siya ng trabaho at pangalawa, binalewala lang siya ng lalaki. Hindi nagustuhan ni Amy ang lalaking iyon, at sigurado siyang mayabang ang lalaki. Ang lakas naman kasi ng loob niyang hamunin ang pinakamakapangyarihang lalaki sa NorthHill? lasing ba siya?

Saan siya makakakuha ng trabaho ngayon? Lahat ng kumpanyang pinadalhan niya ng serbisyo na pwede niyang trabahuin ay hindi naman sumagot sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Angel, "mama!" Tumakbo ito papunta kay Amy bago pa niya matapos ang paglilinis ng kanyang mga luha. Ayaw niyang makita ng mga bata na umiiyak siya.

Alam nkya kasing mag-aalala ito sa kanya, Kaya agad niyang pinahid ang luha at ngumiti dito. "Ma, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Angel.

"Wala naman, Masaya ako dahil kasama ko kayong lahat," pagsisinungaling ni Amy.

"Hindi kami mawawala sa iyo," sabi ni Angel.

Bago pa makapagsalita si Amy ay pumasok na sina Queen at Debby at umakyat rin sa kama. Tuwang-tuwa si Amy nang makita ang mga mukha nila.

"Mama, maaga po kayong nakauwi mula sa trabaho ngayon," sabi ni Queen.

"Yes, kailangan kong umuwi ng umaga dahil nami-miss ko kayong lahat," sabi ni Amy at ngumiti ang mga anak niyang babae.

"Ma, papasok na kami sa eskwelahan sa susunod na buwan di po ba?” Tanong ni Angel habang pasimpleng nakasandal si Debby sa balikat ni Amy.

"Oo, walang magbabago niyan," umaasang sabi ni Amy. Actually, naisip niya na gagamitin niya ang sweldo niya sa katapusan na buwan bilang dentist assistant na pambayad sa school pero natanggal na pala siya ngunit ayaw niyang kunin ang pag-asa na meron ang mga anak niya kaya kailangan pa rin niyang itago at mag-apply ulit siya ng trabaho. .

"Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ni Amy.

"Naglilinis po," sagot ni Queen at tumango si Amy. Ginulo ni Amy ang buhok ni Debby at tinanong, "Debby, kumusta ang tingin mo dito? Gusto mo ba?"

"Gu…Gusto ko lang makilala ang Daddy ko," sabi ni Debby sa mahinang boses at boglang umangat ang matinding tension sa paligid.

"Makikilala mo rin siya, sinisiguro ko," sabi ni Amy at saka sinabi kay Angel, "bakit hindi kayong lahat makipaglaro sa mga kapatid mo? Gusto ko munang magpahinga. Pagkagising ko ay makikipaglaro ako sa inyo."

"Okay, Ma," naniniwala ang mga bata na karapat-dapat magpahinga ang kanilang ina pagkatapos ng trabaho.

Nang mawala ang mga anak niyang babae sa silid, ay napabuntong-hininga si Amy. Wala siyang matatakbuhan para humingi ng tulong, kailangan niyang maging matatag para sa kanyang mga anak.

Tumunog naman ang kanyang telepono at bagama't hindi kilalang numero, sinagot niya ito gayunpaman, "Si Amy Owen ba ito?"

"Tama, ako nga," sagot ni Amy na umaasang magandang balita ito.

"Nagpadala kami sa iyo ng isang mail mula noong tatlong araw na nakalipas at hindi kami  nakakuha ng sagot mula sa iyo, mangyaring suriin ang iyong folder sa spam at ipaalam sa amin kung ano ang iniisip mo," sabi ng lalaki sa kabilang linya at ibinaba agad ang tawag.

Tinitingnan ni Amy ang kanyang mail araw-araw at kahit bawat oras upang makita kung may nakabalik sa kanya sa kumpanya. Paano niya na-miss ito? Mabilis niyang pinuntahan ang kanyang spam folder at nakitang may ipinadala ngang mail sa kanya, ipinadala ito mula sa Alessandro Corporation.

Alessandro’s Corporation? Ito ang may pinakamataas na kumpanyang nagbibigay ng sweldo at siguradong mapalad ang sinumang makatrabaho sila. Napuno agad ni kaligayahan ang kanyang puso at hindi na siya makapaghintay na ipagpatuloy ang trabaho kinabukasan.

Nang gabi na, nakipaglaro siya sa kanyang anim na anak. Napakasaya nila bago matulog ang lahat. Pero alam niyang kahit gaano pa kasaya ang mga anak, hindi magiging kumpleto ang kanilang kaligayahan hangga't hindi nila nakikilala ang kanilang ama.

Kahit siya ay hindi masabi kung sino ang kanilang ama. Mayroong higit sa isang milyong lalaki sa NorthHill. Paano niya makikilala ang gigolo na kanyang kasiping anim na taon na ang nakakalilipas?

Nang sumunod na araw ay agad siyang pumunta sa Alessandro’s Corporation, at pagkatapos na ipakilala ang sarili sa receptionist, na interbyu siya at agad na nakuha sa parehong araw. Inakay siya ng receptionist sa itaas at ipinakita sa kanya kung nasaan ang kanyang mesa at ipinakilala siya sa kanyang pinuno ng departamento.

"Maligayang pagdating saAlessandro’s Corporation, Miss Amy," sabi ng pinuno ng departamento, si Abe.

"It’s my pleasure , Sir," sagot ni Amy. Kumpiyansa siyang umuupo sa harap ng lalaki.

“Eto yung orientation book natin, it contains the rules and regulations of the company,” inabot ni Abe ang isang dokumento sa kanya.

Tinanggap niya ito at sinabing, "sige, sir. I'll go through it."

"And here is the current work the person before you was doing, over here, you have to complete the project before the end of this month," dagdag pa nito.

"That's not a problem, sir," sabi niya at naghintay pa ng ilang segundo, at nang makita ni Amy na may sinusulat si Abe ay nagtanong siya," pwede na ho ba akong umalis , sir?"

"Kailangan muna kitang dalhin sa opisina ng CEO, tradisyon na natin dito para sa bawat manggagawa na makipagkita sa kanya bago sila magsimulang magtrabaho," sabi nito.

"Alright, sir," tumayo si Amy hanggang matapos ni Abe ang sinusulat niya bago rin ito tumayo.

"Please follow me," aniya at sinundan niya nito. Lumabas sila ng kwarto at dire-diretsong naglakad pakanan, agad silang nakarating sa isang kwarto kung saan may planong kumatok si Abe.

"Come in," may narinig na boses sa loob at parehong pumasok sina Abe at Amy.

Nakita ni Amy ang isang slim na babae na nakatayo doon na may dalang tasa ng kape ngunit walang nakaupo sa opisina. Mukhang may ginagawa pa ang CEO.

"Miss Bonnie," bati ni Abe.

"Hey Abe," sabi ni Bonnie at malumanay na inilapag ang kape," May ginagawa pa yata si boss, maya-maya lang ay babalik siya dahil sinabihan akong magtimpla ng kape para sa kanya."

"Sige," sabi ni Abe at pinanood si Bonnie na lumabas.

"That's the secretary to the CEO. You've heard me call her name already, right?" tanong ni Abe kay Amy.

"Yes, I did," sagot ni Amy. Tahimik na naghintay sila ng walong minuto pa sa CEO ngunit wala pa ring dumarating..

"Amy, you can wait here for few more minutes for him. Pagdating niya, magpakilala ka na lang sa kanya. As long as wala ka sa blacklist niya, wala kang problema," sabi ni Abe at naglakad na paalis.

Hangga't wala siya sa kanyang blacklist? Ano ang ibig nitong sabihin? Ni hindi pa nga niya nakilala ang CEO, paano kaya siya nasa blacklist nito?

Naghintay pa siya ng dalawampung minuto, paulit-ulit niyang binago ang posisyon niya sa pagkakatayo at nang halos isang oras na siyang nakatayo ay napagdesisyunan niyang umalis na.

Anong uri ng isang CEO ang nagsasabi sa kanyang sekretarya na maghanda ng kape ngunit halos makalipas na ang isang oras ay hindi bumalik? O baka may biglang pinagkaabalahan?

Nang papaalis na si Amy, bigla niyang sinuri ang malaking opisina ng isang beses pa at biglang napatingin ang kanyang mga mata sa isang bracelet.

Parang pamilyar ang bracelet. Naglakad siya patungo sa bracelet at hinawakan iyon. Kumpirmadong iyon ang bracelet na ibinigay sa kanya ng kanyang ina.

Matapos umalis sa NorthHill anim na taon na ang nakalilipas, napansin niyang hindi na niya nakita ang kanyang bracelet at lagi niyang iniisip kung paano niya ito nawala dahil laging nasa pulso-pulsohan niya ang bracelet.

Paano sa mundo nakuha ng CEO ang kanyang pulseras? Paano? Kinumpirma niya sa pamamagitan ng paghawak at pagsusuri muli sa bracelet at sa katunayan, kanya nga iyon.

Ngnunit hindi naman tama na kunin niya lang ito, kasi tiyak na malalagay siya sa gulo. Pinakamabuting alamin muna kung sino ang CEO na ito.

Dahil sa curiosity na malaman kung sino ang CEO na may hawak ng kanyang bracelet, ay naghintay pa siya ng apatnapu't limang minuto ngunit wala pa rin CEO ang dumating.. Sumasakit na ngayon ang kanyang mga binti dahil sa matagal na pagkakatayo kaya lumabas na lang siya ng opisina.

Pagkatapos ng trabaho, nakatanggap siya ng tawag mula sa pinuno ng departamento nila na nagsasabi sa kanya na mag-ulat sa kanyang opisina at ginawa niya ito.

Pagkatapos niyang maupo sa harapan ni Abe, nagtanong ito, "Nakilala mo ba ang CEO?"

"Hindi po sir. Ilang oras akong naghintay pero hindi ko siya nakita, baka bukas pupunta ako sa opisina niya," sagot nito. 

"Sige, kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" tanong ni Abe.

"Very great, sir. Very great, thank you! At mababait po ang mga kasamahan ko," sabi ni Amy at ngumiti.

"Pupwede bang magtanong?" tanong ni Abe.

"Sure, sir," magalang na sagot ni Amy.

"Dahil sa wala akong nakikitang singsing sa daliri mo, ibig sabihin hindi ka pa kasal? May boyfriend ka na ba?" tanong ni Abe.

Ito ang unang araw niya sa trabaho at ang lalaking ito ay nagtatanong na sa kanya ng ganoong personal na mga bagay.

"I won't like to talk about personal matters, sir," sabi ni Amy.

"Oh!" Napabulalas si Abe, "Okay."

"Pwede na po ba akong umalis?" tanong ni Amy.

"Marami akong pera, maaari tayong magkarelasyon at magiging madali ang mga araw mo rito, sinisiguro ko sa iyo," sabi ni Abe, na bakas ang labis na pagnanasa sa kanya.

Kitang-kita ni Amy sa mukha nito, "Hindi po ako mababang uri ng babae , excuse me po, sir." Tumalikod si Amy sa pagtatangkang umalis ngunit nagsalita pa si Abe,

“O kaya ko ring gawing miserable ang buhay mo dito kung plano mo pang magpakipot,” nakangiting sabi ni Abe.

Lumabas na lang si Amy ng hindi nagre-react o nagsasalita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status