Share

Meeting 'The Special Man'

Habang pauwi si Amy, napagtanto niya na wala siyang binili na mga regalo sa kanyang mga anak. Naunawaan naman ng mga ito lahat ang kalagayan niya sa pera at hindi siya kailanman inistorbo ng mga bata para humingi ng regalo. Ngunit ngayon, nagpasya siyang sorpresahin sila. 

Para kay Abe naman, ayaw niyang isipin ito. Hindi naman siya ang CEO, kaya wala siyang kailangang gawin dito. Hindi siya natakot sa dito, sa halip, kinasusuklaman niya ito dahil sa kung anong uri ng lalaki ito.

Paano niya nagagawang kaka kilala pa lang nito sa isang tao sa unang pagkakataon at agad niyang ipinakita ang malinaw na tanda ng pagnanasa at ipinakita kung gaano ito ka iresponsable?

Huminto si Amy sa mall at pagkapasok na pagkapasok niya ay may nakita siyang matandang sinampal sa pisngi.

"Naku!" Bulalas niya. Naglakad siya patungo sa mga pulutong ng mga tao na nagkukumpulan doon at ipinuslit ang sarili sa gitna ng mga tao hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng matanda.

Nakasuot ng suit ang matipunong lalaking sumampal sa matanda at may iba pang nakasuot na suit kagaya rin  lalaki sa paligid.

Hinamon siya ni Amy," Ang kapal naman ng pagmumukha mong manampal ng matanda? Wala ka bang respeto sa nakakatanda?"

Nagulat ang lahat ng naroon. Lahat sila ay nagkatinginan sa isa't isa at natatakot, hindi para sa kanilang sarili kundi para kay Amy na may tapang na tumayo laban sa lalaking naka-suit.

"Sino ka?" Tanong ng lalaking naka-suit kay Amy at tinignan siya ng masama, "alam mo ba kung sino kami?"

"Wala akong pakialam kung sino kayo, hindi tamang manampal ng matanda! Kailangan mong humingi ng tawad sa kanya at bayaran siya," giit ni Amy.

"O ano?" Galit na tanong ng lalaking naka-suit.

"O sasampalin kita bilang ganti," sabi ni Amy. Wala siyang pakialam sa kahihinatnan, handa siyang ipaglaban ang matandang ito.

"Ang lakas ng loob mo! Sisiguraduhin kong gutay-gutay ka bago ka makaalis dito," sabi ng lalaki at isang matunog na sampal ang ibinato ni Amy sa kanyang mukha.

Nag-echo ang lahat sa gulat, marami ang kumuha ng litrato at marami ang nagre-record ng videos sa mga nangyayari.

Magpapatalo ba siya sa harap ng publiko? Sino ba siya sa akala niya? Napaisip si Amy habang hinihintay ang planong gawin sa kanya ng lalaking nasampal niya?

"Ang lakas ng loob mong sampalin ako," galit na itinaas ng lalaking sinampal ni Amy ang kanyang b****a at akmang ihahampas ito kay Amy. Ngunit isang dumadagundong na boses ang nagsalita mula sa likuran, "stop."

Tumalikod ang lalaki at huminto gagawin sana kay Amy sabay yuko at gustong ipaliwanag ang nangyari pero sinenyasan ng lalaking nag patigil sa kanya na huminto sa ginagawa at tumahimik ito.

Humarap ang lalaki na nagpatigil sa lalaking nanampal sa kay Amy, at doon ay napagtanto ni Amy na ito pala ang 'espesyal na lalaki' na dumating para sa pagsusuri ng ngipin sa ospital kahapon.

Anong ginagawa niya dito?

Bumulong ito sa kanyang personal assistant at kaagad pinaalis ng kanyang personal assistant ang lahat, naiwan si Amy na mag-isa kasama ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill at ang kanyang mga tauhan. Nandoon din ang matandang sinampal dahil hindi siya pinayagang umalis kasama ng iba.

"Are you trying to get my attention by all means, Miss?" Tanong niya.

"No...no,no, I'm not. Ni hindi ko nga alam na nandito po kayo. Nakita ko lang na sinampal ng lalaking ito ang matandang ito at nainis ako, samantalang ang lahat ay nakatingin lang kaya pumunta ako dito para tumayo para sa kanya. "sabi ni Amy.

"Ang matanda ay nagnakaw ng mga bagay mula sa akin," sabi nito at kumunot naman ang noo ni Amy. Lumingon siya sa matandang lalaki na inosente ang mukha at tinanong, "nagnakaw ka ba talaga?"

“Oo,” nahihiyang pag-amin ng matanda.

Mahigpit na sinabi ng pinakamakapangyarihang lalaki sa NorthHill, "malinaw na isa ka sa mga babaeng hindi na makapaghintay na isuko ang kanilang sarili sa akin. Alam ko ang iyong panlilinlang. Dalawang beses ka nang nagpakita sa akin at ipinakita mo na kung gaano ka kadesperada. " Iniabot niya ang kanyang kamay sa kanyang PA at nakipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng kanyang facial language, ang kanyang PA ay nag-abot ng isang daang dolyar na papel sa kanya.

Ibinigay niya ito kay Amy, "kunin mo na 'to at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Pag nagpakita ka pa ulit ay sisirain kita."

Nagulat si Amy sa sinabi nito, pero binibigyan ba niya ito ng pera dahil akala niya ay isa siyang babaeng bayaran  o isa sa mga babaeng nagkaka-crush sa isang celebrity?

"Huwag po kayong mag-alala, sir. Itago niya na po ang pera niyo.At isa pa ay ginagawa ko lang po ang tama, aalis na po ako," sabi niya at tumalikod na para umalis.

Gustong pigilan ng PA nito si Amy pero sinenyasan niya itong bitawan siya. Ito na ang huling babala niya para sa babaeng ito. Sa susunod na makita niya ito, tuturuan niya ito ng leksyon na kahit habang buhay ay hindi sapat para makalimutan ito. Pipinuhin niya ito ng buong-buo. Sa ngayon, hahayaan niya itong umalis.

"Dapat ba akong magsaliksik tungkol sa kanya?" Tanong ng PA niya, naghihinala na siya na baka may balak si Amy sa kanyang amo , kung hindi, bakit dalawang beses na itong sumusulpot sa magkasunod na araw.

"Hindi na kailangan. She's not worth being my enemy. Forget her," deklara niya at naglakad palayo.

"At tungkol naman sa matandang na nagnakaw?" tanong ng PA niya.

"Hayaan mo siya at sisantihin ang nagtaas ng kamay sa babaeng iyon," utos niya.

"Nakuha ko." Napansin ng PA niya.

Nang makatakas si Amy sa paningin ng pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill, ay inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at nakahinga ito ng maluwag. Iyon ay isang makitid na pagtakas.

Bakit naman kasi sa laki ng mundo ay kailangan pa niyang makasalubong  ng dalawang beses sa dalawang magkasunod na araw ang lalaking iyon? Ayaw niya nang problema ngunit tila siya yata ngayon ang nagdadala ng mga problema sa kanyang sarili. Pero bakit niya siya huhusgahan ng ganoon? Akala ba niya ay sinasadya nitong makipagkita sa kanya? Bakit niya naman gagawin iyon?

Ngunit gayunpaman, ito ay isang makitid na pagtakas. Nagdasal si Amy na huwag na sana silang magkitang muli. Sa katunayan, pinaalala niya sa kukuti niya na atupagin na lang ang kanyang sarili at huwag makialam sa iba. Magsisimula na siyang umiwas sa anumang malaking pagtitipon dahil tila kung saan ay maraming tao ay nandoon rin ang makapangyarihang lalaki.

Saglit na naghintay si Amy para kumalma ang abnormal niyang pagpintig ng puso. Pagkatapos, pumasok siya sa loob ng mall at bumili ng mga sombrero para sa kanyang mga anak. Ang mga ito ay medyo mahal ngunit kung ito ay magpapasaya sa kanila ay wala siyang pakialam.

Pagdating niya sa bahay, ang anim niyang maliliit na anak ay nagsama-sama para salubungin siya.

"Meron ba sa inyo ang kayang hulaan kung ano ang binili ko para sa inyong lahat?" Tanong ni Amy, habang nakaupo sa sala kasama ang kanyang anim na anak.

Lahat sila ay nagsimulang manghula habang si Amy ay patuloy na nagsasabing Hindi,at naiinis na ang mga ito. Kaya nakiusap silang lahat kay Amy na sabihin kung ano ang binili niya.

"Walang kayang makahula, di ba?" Tanong ni Amy at tinanggap na lang ng mga bata ang pagkatalo.

"Isang sombrero," biglang nagsalita si Debby na kanina pa tahimik at pinagmamasdan silang lahat.

"Ang talino!" Binati ito ni Amy at sinabing," sombrero nga."

"Mama, ipakita mo sa amin." sabi ni Elijah.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ito, ilabas mo na po," sabi ni Elisha.

"Bumili si mama ng sombrero! Oh my gosh! Isusuot ko po ito kahit sa pagtulog ko," dagdag ni Moses.

"Ma, patingin po ako..." sabi ni Angel.

"Sigurado akong napakaganda niyan," dagdag ni Queen.

Inilabas ni Amy ang mga sombrero at ang mga bata ay nagsimulang pumili nito ng sunud-sunod.

Ngumiti si Amy, "hindi, ito ay para sa mga lalaki at ito ay para sa mga babae." sabi ni Amy nang makita niyang kumukha lamang ang mga anak niya na hindi alintana kung pambabae ba o panlalaki ang sombrero.

Sa bandang huli, lahat ay nagkaroon ng magandang sombrero sa kanilang mga ulo, tuwang-tuwa ang mga bata at nagpasalamat kay Amy. Maging ang laging tahimik na si Debby ay nagpasalamat din sa kay Amy.

Nakikipag biruan pa si Amy sa kanilang lahat bago tumungo sa kanyang kwarto para magpahinga.

Kinabukasan, nagbihis si Amy at umalis para magtrabaho. Nakasalubong niya si Abe papunta sa desk niya at sa kabila ng nangyari sa pagitan nila kahapon ay magalang pa rin niya itong binati.

Hindi pinansin ni Abe ang pagbati niya at sinabing, "Nasa opisina ang CEO, at mag report ito kaagad sa kanya."

"Sipe po," sabi ni Amy at sabay lapag ng bag niya sa mesa niya, umalis siya papuntang opisina. Marahan siyang kumatok ngunit walang sumasagot, bago pa man siya makakatok sa pangalawang pagkakataon ay bumukas mag-isa ang pinto.

Naisip niya sa kanyang sarili na ito ay ang modernong pinto. Si Amy ay nakasuot ng palda na pang opisina na hanggang sa kanyang mga tuhod ang haba at isang puting long-sleeved shirt, at ang kanyang buhok ay maitim na mahaba na nakalugay hanggang sa kanyang leeg. Naka-high heel siya and overall, she looked adorable at disente.

Nang makita niya ang isang lalaki na nakaupo sa opisina ng CEO, napabuntong-hininga siya. At least hindi niya na kailangang tumayo ng matagal ngayon. Ang ulo ng lalaki ay nakabaon sa kanyang laptop na halatang abala sa ginagawa nito.

Hindi alam ni Amy kung magsasalita ba siya o hindi dahil mukhang busy ito pero hindi siya pwedeng tumayo na lang na walang sinasabi.

"Good morning, sir. Ako po si Amy Owen, ang bagong manggagawa sa..."

"Umupo ka," putol nito sa kay Amy nang hindi inaalis ang mukha nito sa laptop.

Pagkatapos ay itinulak niya sa gilid ang kanyang laptop makalipas ang ilang segundo at nagtama ang kanilang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status