FAZER LOGINChapter 112 Kinabukasan ng umaga, hindi ko inaasahan na may bibisita sa akin sa mansyon. “Sir, andyan po si Ma’am Ruth sa labas!” sabi ng katulong ko. Napahinto ako sa paghahanda ng gatas. “Ruth…?” mahinang ulit ko, parang hindi pa agad nagsi-sink in. At saka at kasama niya si Gab. Bahagya akong napalingon sa tatlong crib. Tulog ang dalawa, pero ang isa ay gumagalaw na parang magigising anumang oras. “Papasukin mo sila,” sabi ko, mabilis pero kalmado ang boses. “Po, sir.” Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ruth. Naka-simple lang siya, pero hindi maitago ang presence niya. Matapang. Buo. Pero sa mga mata niya may lambot ang kanyang presensya ay may pag-aalala. At sa tabi niya ay si Gab. Mas matangkad na, mas matured, pero sa sandaling iyon… bumalik siya sa pagiging bata. “Dad…” mahina niyang tawag. Parang may kumurot sa dibdib ko. Ngumiti ako, kahit pagod. “Hey… buddy.” Lumapit siya agad at niyakap ako nang mahigpit. At doon ko naramdaman hindi p
Chapter 111 Ace POV Kahit hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng asawa kong si Mila. Tatlong linggo na. Tatlong linggo mula nang iwan niya ako… kami. Pero kahit gaano kasakit, pinipilit kong tumayo. Hindi para sa sarili ko ay kundi para sa tatlong maliliit na nilalang na ngayon ay umaasa na sa akin. Ang aming triplets. Ngayon ang araw na ilalabas na namin sila sa hospital. Tahimik akong nakatayo sa labas ng NICU, hawak ang tatlong discharge papers. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito nang mag-isa. Dapat magkasama kami ni Mila ngayon. Dapat siya ang unang kakarga sa kanila paglabas. Dapat siya ang ngumingiti habang pinapangalanan namin sila. Pero wala na siya at ako na lang ang natira. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Naroon sila ang tatlong maliit na kama. Tatlong mahihinang paghinga. Tatlong dahilan kung bakit kailangan kong magpatuloy. Lumapit ako sa una. Isang batang lalaki. Mahina siyang gumalaw nang maramdaman ang prese
Chapter 110 Pagdating namin sa mansyon ay tulog na si Gab sa kandungan ko kaya di ko maiwasang mapangiti. Halos alas-onse na ng gabi. Tahimik ang paligid. Ang mga ilaw sa labas ng mansyon ay nagbibigay ng malambot na liwanag, parang niyayakap ang buong lugar sa katahimikan. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Hindi ko akalaing ang aking nag-iisang anak ay matapang, palaban, at laging handang protektahan ako kahit na sa edad nitong anim (6) ay kaya ring maging ganito. “Hayaan mo na muna siya,” bulong ni Mommy mula sa harap, napansin ang ginagawa ko. “Mukhang pagod na pagod.” Ngumiti ako at tumango. “Oo nga po.” Huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon. Bumaba si Dad at siya mismo ang nagbukas ng pinto. “I’ll carry him,” sabi ni Richie. Pero agad akong umiling. “I got him.” Maingat kong inayos ang posisyon ni Gab bago ko siya dahan-dahang ginising. “Gab…” mahina kong tawag. Bahagya siyang gumalaw, pero hindi pa rin nagising. Napangiti ako. “Ang bigat mo na.”
Chapter 109 Hindi pa tuluyang humuhupa ang palakpakan nang maramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Papa sa balikat ko. Isang tahimik na senyales—you did well. Ngunit para sa akin, hindi pa ito ang tunay na laban. Ito pa lang ang simula. “Impressive,” mahinang bulong ni Richie sa likod ko. “You didn’t just return… you owned the room.” Bahagya akong ngumiti, pero hindi ako sumagot. Abala ang mata ko sa pagmasid sa paligid. Sa bawat taong lumalapit, sa bawat kamay na gustong makipagkamay, sa bawat ngiting may kasamang interes. Hindi lahat ng nakangiti ay kakampi. “Miss Mondragon,” bati ng isang lalaking nasa mid-50s, may matalim na tingin at may hawak na wine glass. “Welcome back. We’ve heard… quite a lot about you.” “Hopefully, good things,” sagot ko nang may controlled na ngiti. “Of course,” sagot niya, pero may kakaibang himig. “Your comeback is… unexpected.” Hindi ako nagpahalata. “The best things usually are.” Saglit siyang natahimik. Napangiti ako sa loob-loob ko. Isang
Chapter 108 Fast forward 3 months later. Tatlong buwan. Tatlong buwan ng pagbabago. Pag-aayos ko sa aking tunay na pamilya at pagtanggap ko.sa kanila. Maraming nangyari sa buhay namin ni Gab. Hanggang napagdesisyunan nila Mama at Papa na panahon na. Panahon na para ipakilala ako sa buong mundo. Na ako ay buhay pa at hindi lang iyon kundi isa akong Mondragon. Hindi naging madali ang lahat. Sa totoo lang isa ito sa pinakamahirap na yugto ng buhay ko. Hindi dahil sa emosyon. Kundi dahil sa realidad. Ang mga negosyo ko ang Skyline Company at iba pang investments ay kailangan kong isa-isahin. Ilipat. Ayusin. Baguhin ang lahat ng dokumento mula sa pangalang “Salvador” patungo sa “Mondragon.” “Are you ready for this?” tanong ni Richie Mondragon habang nakatayo kami sa harap ng malaking salamin. Nakaayos ako. Formal. Elegant. Pero sa loob maraming iniisip. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. At doon hindi ko na nakita ang dating ako. Kundi isang bagong babae. Mas matatag. Mas
Chapter 107 Lumipas ang dalawang araw na mahaba, mabigat ang pakiramdam ko pero sa wakas bumukas ang pinto ng silid. Lumabas ang doctor, agad akong tumayo. “Doc, how is he?” hindi ko napigilang tanong. Ngumiti ito nang bahagya. “Okay na po ang anak ninyo. Nakapagpahinga na siya at stable na ang condition. Pwede na po siyang i-discharge anytime.” Parang nabunutan ako ng tinik na uluyan. “Thank God…” mahina kong bulong. Napapikit ako sandali. Sa wakas kahit papaano may isang bagay na naging maayos. “Pero…” dagdag ng doctor. Agad akong napatingin. “He needs emotional care. Trauma po ang pinagdaanan ng bata. Make sure na hindi siya maiiwan mag-isa at iwasan muna ang stress.” Tumango ako agad. “I understand.” Walang pag-aalinlangan dahil gagawin ko ang lahat. Para sa kanya. Pagpasok ko sa loob ng silid nakaupo na si Gab sa kama. Medyo inaantok pa. Pero mas maayos na ang itsura niya. “Mommy…” mahina niyang tawag. Ngumiti ako agad. Lumapit at niyakap siya. “Ready ka na







