Share

Chapter 16

Hindi na halos mawala ang kabang nararamdaman ko pagkapasok namin sa bahay nina Drake. Kagaya nang napag-usapan namin kanina ay simundo niya ako sa coffee shop.

Nakakahiya nga kay Ate Gigi kasi alas siete pa lang iyon, pero sinabi rin naman niya na gusto niyang magpahinga ng maaga kaya magsasara na rin siya. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay tinulungan ko na muna siyang magligpit bago ako umalis kasama si Drake.

Pagkapasok namin ay dumiretso kami agad sa kusina, medyo kumunot pa nga ang noo ko kasi wala namang tao doon maliban sa dalawang kasambahay.

“Sir, nasa poolside po ang mga magulang niyo. Doon po nila kayo hinihintay,” magalang na saad nung isang kasambahay, ngumiti naman si Dmitri at marahang tumango.

“Thank you,” aniya tapos ay nilingon ako. “Let’s go?” anyaya pa niya, huminga na lang ako ng malalim at marahang tumango.

Nang maglakad na siya papunta sa backdoor ay sumunod ako sa kanya. May daan din kasi doon papunt
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status