Share

Chapter 17

Pagkatapos ng dinner ay nakipagkuwentuhan pa sa amin sina tito at tita. Siguro ay mga bandang alas diez na iyon nang magpasya naman sila na magpahinga na.

“Alam niyo naman ang mga matatanda, madali nang mapagod,” may halong pagbibirong saad pa ni tito.

“Baka naman balak niyo lang magpakapagod ni mom, dad, ah?” biro ni Drake kaya mahina kaming natawa, lalo na si tito. Pero si tita ay agad na piningot si Drake dahil sa sinabi nito.

“Kahit kailan talaga puro ka kalokohan,” saad pa ni tita.

Natawa na lang ako dahil doon. Nang makapasok naman na sila ay tatlo na lang kaming naiwan sa poolside. Si Dim ay umiinom pa rin ng wine.

“Are you planning to get drunk, brother?” tanong ni Drake, nagkibit naman ng balikat si Dim.

“Nakakalasing ba ang wine?” balik na tanong naman niya.

“Why don’t we have JD instead?” suhestiyon ni Drake, napangiwi pa ako kasi wala naman sa plano na mag-inuman ngayon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status