Sa labas muna sila tumambay ni Niel habang ginagamot nito ang sugat niya sa paa. After malinis at malagyan nito ng band aid ay nabawasan na ang sakit. Pagkatapos niyan ay kaagad din siyang nagpaalam na maunang umakyat dahil pinakiusapan nito si Javi na iakyat muna si Natsu sa kanyang kwarto dahil baka napagod na rin ang tuta sa buong maghapon sa labas.Pagkapasok niya ay nadatnan nga niya itong mahimbing na natutulog sa sahig. Dahan dahan niya itong binuhat sa loob ng carrier nito at kinumutan.After niyan nagpasya na itong maligo dahil ang alat na rin ng kanyang balat at medyo madumi na rin ang suot niyang shorts. Bago tuluyang hinubad ang buong saplot ay muli na naman itong napangiti nang maalala na may boyfriend na pala siya. Iniisip nito kung atakihin ba sa puso si Lexy oras na malaman niya ito."Bahala na nga!" ani niya sabay ngiti at itinuloy na ang balak na maligo.Ilang minuto din siyang nagtagal sa loob ng banyo bago siya natapos at nagpasya na matulog na rin ngunit nag-iba
Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Chandria ay inabot na siya ng tanghali ng gising. Inilibot niya ang kanyang paningin at kunot ang noo na napabangon ito. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakabalik sa loob ng kanyang kwarto. Matapos kasing pinagsaluhan nila ni Niel ang mainit na sandali ay bagsak na bagsak na ang katawan nito.Sinilip nito ang sarili na natatabunan ng makapal na kumot at napangiti ito nang makitang nakadamit naman siya ngunit nawawala ang dalawang panloob nito.Napatakip ito ng kumot sa kanyang mukha ng muling sumagi na naman ang nangyari sa kanila kagabi ni Niel. It was a random ngunit ginusto naman niya. "I'm sure Lexy is probably gonna kill me if she knows this." ani niya sa kanyang isipan habang nakatitig na naman ang mga mata sa kisame.Pakiramdaman din nito ang gitnang bahagi ng kanyang katawan at napangiti na lang siya dahil hindi na ito masyadong masakit maliban lang sa balakang nito na ramdam pa rin niya ang pangangalay.Pinilit nitong bumangon
Mahigit sa kalahating minuto na rin mula ng lumapag ang sinakyan na eroplano nila Chandria at Niel at ngayon ay binabaybay na nila ang daan papunta sa mismong shop ng dalaga."Mahilig ka talaga sa sasakyan?" hindi mapigil ni Chandria na mapatanong habang iniikot ang tingin sa loob ng sasakyan ng binata na Ferrari na kulay matte black. Ngiti naman sinagot sa kanya ng binata dahil obvious naman kasi."Mas okey na sasakyan lang ang kokolektahin ko kesa sa babae, diba?" pang-aalaska ni Niel sa kanya. Nakangiting inirapan na lang niya ito at pansamantalang ibinaling ang tingin sa Sakto naman na dumapo ang mata nito sa dati nilang bahay. May konting lungkot ang humaplos sa kanyang puso nang makita ang malaking karatula na 'For Sale' sa gilid ng gate."Sandali lang! Pwede bang ihinto mo muna ang sasakyan." pakiusap nito na agad naman na pinagbigyan ni Niel. Sa mismong tapat ng dati nilang bahay ipinarada ng binata ang sasakyan.Hindi maintindihan ni Chandria sa kanyang sarili kung anong nag
"Finally, I'm home!" nakangiting anas ni Chandria pagbungad pa lang mismo nito sa pintuan ng kanilang apartment. Mabilis itong nagtanggal ng suot na sandals at inihagis ang susi ng apartment sa maliit na basket na nakapatong sa ibabaw ng shoe rack. Ipinasok na rin nito ang maliit niyang maleta.Maaga talaga siyang pina-uwi ni Nanay Bebang para daw makapagpahinga siya ng mabuti. Sumang-ayon naman siya dahil ramdam na ramdam din niya ang pagod ng katawan mula pa kaninang dumating siya. Hindi niya lang pinapahalata dahil kailangan pa nitong tumulong kina Lexy at Ana sa pag-aayos sa shop nila. Nahihiya naman kasi siya dahil may limang araw siya na pahinga samantalang sige ang pagtatrabaho ng mga ito.Kaagad na itong dumiretso sa kwarto niya at pabagsak na humiga sa kanyang kama. She's really damn drained ngunit nagawa pa rin nitong kumilos para kunin ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Sa isip niya, mukhang mapapadalas na yata ang paghawak nito sa kanyang cell phone dahil kay Niel. Ti
Natameme si Chandria ng alas-kwatro pa lang ng hapon ay nasulyapan na nito ang puting Land Cruiser Prado na sasakyan ng binata sa labas ng kanilang boutique shop. Madalas kasi ay gabi na siya nito pinupuntahan dahil busy din ito sa kanyang negosyo. Iyon din naman kasi ang napagkasunduan nilang dalawa dahil pareho naman nilang mahal ang kani-kanilang mga negosyo. Maliban lang kung araw ng Linggo dahil parehong day off nila.They even call it 'a bonding day' at buong araw silang magkasama."Why are you so early, today?" kunot ang noo na tanong niya nang pumasok na ito sa loob. Hindi siya nito sinagot. He just smiled at pinulupot nito ang braso sa bewang niya. Muntik na tuloy niyang mabitawan ang hawak nitong mga hanger."Na miss lang kita," paglalambing nito at ginawaran siya ng halik sa pisngi. "Let's go on a date," ani nito ngunit mabilis niya naman itong pinandilatan ng mata.Mabilis itong napatingin sa kanyang wristwatch. "Two more hours to go, honey." Nakangiwi nitong sabi dahil hin
Masayang pinagmamasdan ni Niel ang nabili nitong singsing. Siya talaga mismo ang nagdesign para lang sa espesyal na babae na dumating sa buhay niya. Gawa ito sa white gold at purong diamonds naman ang tumpok na hugis star. Alam niyang masyado pang maaga para ayain na niyang magpakasal si Chandria ngunit hindi na talaga siya makapag-hintay.Sa araw-araw na nakikita niya ito ay mas lalo niya lang itong minamahal. Pero bago 'yon kailangan niya munang makipag-bati sa ina at ito na nga siya ngayon. Sa mismong tapat ng mansyon nila. Bumusina ito at kaagad din naman siyang pinag-buksan.Binati siya ng mga trabahante at isa-isa naman niyang nginitian ang mga ito. Marahil nagulat din ang mga ito dahil ilang taon na rin ang lumipas bago siya muling nakatapak sa pamamahay na ito.Dumiretso na kaagad ito sa garden dahil ayon sa isang katulong nila nandoon daw ang kanyang ina at nag-aalmusal.Nang siya'y makarating, nadatnan na niya ang ina na nagbabasa ng magazine at ilang beses pa itong napaku
Next week na ang birthday ni Lexy kaya nag-paalam muna si Chandria kina Nanay Bebang na hindi muna siya papasok ngayong araw para makapag-shopping. Balak kasi nitong maaga pa lang ay makabili na siya ng iregalo sa bestfriend na magagamit talaga nito sa nalalapit nitong kasal.Mukhang maaga pa naman para mag-shopping kaya ang pinagkakaabalahan muna niyang scrapbook ang pinagtuunan niya ng pansin. Bawat araw kasi na magkasama sila ni Niel ay kinukunan talaga niya ng picture. Gusto niya na sa bawat kasama niya ito ay talagang magmamarka sa puso niya. Na hanggang sa pagtanda niya ay baon-baon niya pa rin ito. 'Beautiful Days with You' iyon ang napili niyang theme sa scrapbook niya.Inisa-isa niyang tiningnan ang mga picture na kuha nila ni Niel at sa loob ng anim na buwan na magkasama sila ay parang ang dami na nilang memories na nagawa together.Bigla siyang natawa ng maalala niya na sabay silang mag-jogging noon at hinabol ng aso. Muntik na siyang madapa non mabuti na lang at maagap su
It's Sunday at parehong wala silang trabaho kaya naisipan ni Chandria na i-surprise and nobyo sa condo nito. Maaga siyang nagising at alam niyang tatanghaliin ng gising ang nobyo dahil halos 3 A.M na ito umuwi kagabi galing sa apartment nila. Isa pa ,wala naman silang naplanohang date kagabi kaya marahil mas maigi na pumirme na lang muna sila sa condo ng binata.Humarap na ito sa salamin upang makasimula na siyang mag-ayos sa kanyang sarili.Itinali na lang nito ang kulay purple niyang buhok in a bun. Kulay puti at itim na high waisted maong shorts naman ang kanyang outfit of the day. Naglagay lang ito ng konting make up sa kanyang mukha at bitbit ang bohemian tote bag ay tuluyan na itong lumabas sa kanyang kwarto.Hindi na ito nagpaalam pa kina Lexy at Nanay Bebang dahil alam niyang tulog pa rin ang mga ito sa mga ganitong oras. Hindi na siya nagdala ng sariling sasakyan at nag-book na lang siya ng Uber. Sigurado naman kasing ihahatid siya ni Niel pauwi mamaya.Saktong 10:00 a.m ay na