A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str
"May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny
Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong
Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m
Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako
“Tanggapin mo na kasi itong birthday gift ko sayong bakasyon Chandy,” pangungulit ni Lexy sa bestfriend niyang si Chandria. Mula pa kahapon ang pangungulit nito sa kaibigan na tila ba hindi ito susuko ngayon hangga't hindi nakukuha ang gusto sa mismong araw. Pinipilit kasi nitong palabasin ang kaisa-isang kaibigan sa malungkot nitong mundo. Paano ba naman kasi parang buong buhay at oras nito sa boutique lang nila umiikot. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito at ibinalik rin ang attensyon sa ginagawa na tila wala talaga itong interes sa offer ng kaibigan. "Sige na kasi,"pangungulit pa rin niya and this time nasa tabi na ito ng kaibigan. Hinawakan nito ang dulo ng damit ni Chandria at hinila-hila iyon na parang bata na may gustong ipabili sa nanay. Napahinto na naman ulit si Chandria at huminga ng malalim. Gusto nitong matawa sa hitsura ng kaibigan na nagpapa-cute sa harapan niya ngunit kahit anong pagpapa-cute ang gawin nito ngayon ay hinding-hindi pa rin niya ito mapagbibi
"Mabuti naman at tinanggap mo na iyong bakasyong regalo sayo ni Lexy," si Nanay Bebang. Sumabay ito sa kanya kanina sa pag-uwi at hindi niya namalayang nasa pintuan na ng kwarto niya ang matanda. Si Nanay Bebang ang nag-iisang Lola ni Lexy na nagpalaki rito at dahil parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa ni Lexy ay parang naging totoong lola niya na rin ito.Mabait at maalaga din ito kagaya ni Lexy. "Opo, ‘Nay, magaling kasing mangulit iyong apo ninyo," biro niya at isinarado na ang dadalhing maleta na may laman na ng mga gamit niya. Bahagya namang natawa ang matanda. "Mabuti naman kung ganun," sang-ayon nito at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya. Naupo ito sa gilid ng kanyang kama. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahang pinisil-pisil iyon. Napangiti naman siya at tuwang-tuwa na inihiga ang ulo sa kandungan ng matanda. Para itong bata na naglalambing sa ina. Batid niyang sobra talaga niyang mami-miss ito kahit ilang araw lang siyang mawawala. "Sumama ba iyon
Mahigit tatlong oras na rin ang paghihintay ni Chandria sa airport sa susundong pinsan ni Lexy sa kanya. Na magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Medyo nangangawit na rin nga ang kanyang mga binti sa kakatayo mula pa kanina. Idagdag pa ang pangangalay ng leeg niya sa kakalingon sa mga taong dumadaan sa paligid niya. Nagbabasakaling isa doon si Sena, pangalan ng pinsan ni Lexy. Ang isang bagay pang kinabu-bwisit niya ay iyong mga taong napapatingin sa kanya. Na-conscious tuloy siya dahil baka agaw atensyon ang kulay purple niyang buhok o di kaya ay masyadong maikli ang maong na palda na suot niya. Hinagilap nito ang cellphone sa dalang bag para tawagan ulit si Lexy kung may susundo ba talaga sa kanya. Saktong kakahawak niya pa lang sa cellphone niya nang may isang lalaking biglang bumangga sa kanya. Dahil hindi nito napaghandaan ay tumilapon talaga siya ng bonggang-bongga."Aray!" Impit niyang daing dahil sa sakit at pilit na ibinangon ang sarili. Narinig naman iyon ng lalake k