Share

Chapter Thirteen

"I TOLD YOU, stay away from him. Umpisa pa lang, 'di ba, sinabihan na kita? Bakit hindi ka ba nakikinig sa 'kin? Pinapahamak mo lang siya, lalong-lalo na ang sarili mo! For pete's sake, Venixe! Pwede bang, makinig ka naman sa 'kin?" panenermon ni Cloud kay Venixe habang nagmamaneho.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapakinggan ito. Bukod sa inaantok siya, ayaw niyang marinig ang sermon nito. Alam na alam naman niya ang bagay na iyon.

"Are you listening?"

Bahagya niyang tinapunan nang sulyap ang binata saka muling binaling ang tingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang ulan, pero kailangan na nilang bumiyahe.

Iniwan niyang tulog na tulog pa si Xander dahil naka-ilang ulit na may namagitan sa kanilang dalawa. Tinawagan niya si Cloud kagabi pa, para sunduin siya nito sa hotel na tinuluyan nila ni Xander. Mabuti na lang at pumayag ito na sunduin siya kahit may gagawin pa ito.

"I'm listening... Inaantok lang ako."

"I'm serious, Ven. Maging maingat ka."

Hinarap niya ang binata. "Cloud, alam na alam ko ang bagay na iyan. Siya nga pala, kailan ang balik ni Balsier ng bansa? May nalaman ka na ba?"

"Two months from now." Nagkatinginan silang dalawa. "Mas maghanda pa tayo. May dalawang buwan pa tayo para makapaghanda nang mabuti."

Tumango si Venixe. Nabuhay na naman ang kaniyang nararamdamang galit pagkatapos marinig ang balita na iyon ni Cloud. "Ano nga pala ang ginagawa mo ngayon sa Maynila?"

"N-othing."

Lingid sa kaalaman ni Cloud, ay nalaman na ni Venixe kung ano ang ginagawa nito sa Maynila. Hindi na siya nag-usisa pa dahil ayaw nito ipaalam sa kaniya ang ginagawa nito.

NAKANGITING kinapa ni Xander ang katabi ngunit bigo siyang napamulat ng mata ng wala na si Venixe sa kaniyang tabi pagkagising. Agad siyang bumangon. Naisip niyang nasa loob marahil ng banyo ang dalaga.

"Babe?" namamaos na tawag niya sa dalaga. Hindi na siya nag-abalang magbihis muna. Dumiretso na siya sa banyo habang nakangiti, expecting Venixe was there inside the bathroom. But to his dismay, wala si Venixe.

'Where is she?' tanong niya sa sarili. Malakas pa ang ulan at alas siete pa lang ng umaga. Nagbihis na agad siya.

Damn it! Umalis na ang dalaga at iniwan siya nito sa hotel. Agad siyang nagbihis at tinawagan ang secretary. Wala na rin ang mga gamit nito. Kung gano'n, talagang umalis na ang dalaga at iniwan siya nito. She's really different from all the women that he dated. Ang mga babae niya noon ay sila pa ang nagrerequest sa kaniya na magstay, tapos itong si Venixe ay basta na lamang siya iniwan pagkatapos nitong ibigay ang pinakaiingatan niya. Mas lalong hindi niya pakakawalan ngayon ang dalaga.

"Thinz, nagawa mo na ba ang inuutos ko sa 'yo?" tinawagan niya ulit ang kaniyang secretary.

"Yes, sir. Nakapagset na po ako ng meeting sa Manager," sagot ni Thinz sa kabilang linya na kinakabahan sa kaniyang boss dahil sa maagang pagtawag at pag-utos nito sa kaniya.

"No. I don't like to talk to the manager. I want to talk to the owner. Do it immediately. Make sure na siya ang makakameeting ko or else, maghanap ka na ng ibang trabaho! Do you understand?" mariin nitong utos sa secretary.

"S-ir naman."

"Just do it, okay?"

"Yes sir," sagot ni Thinz kahit nagdadalawang isip siya kung mapapayag nito ang mismong may-ari ang kakausapin niya. Ang sabi pa naman ng manager na nakausap niya ay nasa bakasyon ang boss nito. Pero wala siyang choice kun'di ang sumunod, dahil mawawalan siya ng trabaho.

"AKALA KO ay matatagalan ka pa sa bakasyon mo, Venixe?" bungad na tanong ni Dorris kay Venixe pagkababa na pagkababa nito sa sasakyan ni Cloud.

Nakakunot ang noo ng matanda habang nakatingin kay Cloud na bumaba na rin ng kaniyang sasakyan. Isang makahulugang ngiti ang ginawad ng matanda sa kanilang dalawa ni Venixe at Cloud. Ito ang unang beses na nagdala ng lalaki si Venixe sa kaniyang bahay bukod kay Miguel.

"Dorris, si Cloud kaibigan ko," walang ganang pakilala nito sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero naiinis siya nang umalis siya ng 'di nakapagpaalam sa binata. May kung anong nararamdaman siya na ayaw niyang aminin sa sarili. She misses him.

"Aakyat na ako, Dorris. Ikaw na ang bahala kay Cloud. Paghanda mo na lang siya ng almusal. Mamaya na ako kakain."

"Ven," seryosong boses ni Cloud. Alam kasi ni Cloud na naiinis ang dalaga.

"I'm tired and sleepy, Cloud. I can't join you on breakfast. Just suit yourself," paalam na niya saka tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.

Mabilis naman siya nahabol ni Cloud at nahawakan sa braso. "Let's talk some other time, Cloud. I want to rest. You can stay here for a while. Alam kong pagod ka na rin sa biyahe. Thank you."

Hinayaan na lamang siya ni Cloud at sinundan ng tingin ang dalaga.

"Sir Cloud, halika na po kayo sa dining. Kumain na kayo ng almusal. Ihahanda ko lang ang kwarto na gagamitin niyo," yakag ni Dorris sa kaniya.

"Hindi na Dorris. I'll go ahead. May pupuntahan pa ako, thanks."

Marahan na tumango na lang si Dorris bago tumalikod si Cloud at lumabas ng bahay ni Venixe.

"MA'AM IKAW po talaga ang gustong kausapin ni Mr. Montereal," imporma ng secretary ni Venixe sa kaniya.

Kakahiga pa lang niya sa kama nang tumawag sa kaniya ang kaniyang manager sa coffee shop niya.

"Tell him, I'm busy. O kaya sabihin mo na nasa bakasyon pa ako. Hindi pa ako umuuwi," naiinis niyang saad. Napahilot siya ng sintido.

"Nasabi ko na po 'yan, Ma'am kaso ayaw po talaga pumayag ni Mr. Montereal."

Napabangon siya habang patuloy na minamasahe ang sintido. "Fine. Kailan ba ang meeting na 'yan?" Wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang makipag-usap sa may-ari ng building. Bigla-bigla na lang ay gustong ipasara ang coffee shop niya dahil may gusto ng bumili property na iyon. Maganda ang nakuha niyang lugar dahil talagang daanan at centro ng mga gusali sa Makati.  Papakiusapan niya ang may-ari ng building. Ayaw naman kasi sa kaniya ibenta ang lugar na 'yon.

"Tomorrow, Ma'am. I'll send the details Ma'am Venixe."

"Okay. Thank you, Mary." Hinagis niya pagkatapos ang cellphone sa kama. Naiinis siya nang hindi niya talaga maintindihan ang sarili.

Muli siyang humiga sa kama at nakatingin sa kisame. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay matuwa ako dahil hindi ko na makikita ulit si Xander," kausap niya sa sarili. Napapikit na lamang siya at niyakap ang malaking unan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wilma Reyes
unlock po ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status