Share

Finale

TWO YEARS LATER

DAHAN-DAHAN na naglakad si Venixe habang papasok sa resort ni Angel. Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Malamig ang klima ng December lalo na at malapit sa dagat.

Lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang makita ang taong hinahanap.

Si Xander.

Hinayaan niya lamang ang sarili na pagmasdan muna ang lalaking minahal niya at mamahalin habang buhay. Dito niya pinuntahan dahil ang sabi ni Angel ay madalas ito nagpupunta sa kaniyang resort dahil umaasa ito na naroon siya. Umaasa raw ito na dito sila magkikita na dalawa dahil dito raw siya unang nakita ni Xander noon.

Namasa ang kaniyang mata sa isipin na iyon na hinihintay siya ni Xander. Kinausap niya si Angel at Lucas upang hindi malaman ni Xander kung nasaan siya.

Sa loob ng dalawang taon ay nagpunta siya ng Italy. Nag-aral siya doon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status