Share

Chapter 4

Ashna Pov

"Ash, baka naman pwedeng ikaw na ang magdeliver dito sa pancit palabok kay Mr. Takahashi? May mga kaibigan daw kasi itong bumisita sa bahay niya kaya itong best seller natin ang inorder" ika ni ate Margaret habang inilalagay ang mga orders sa lagayan.

"Wala kasi si Lisa absent na naman," dagdag pa niya.

Patapos narin naman ako sa pag-pupunas ng mga pinggan. Wala ring ibang mautusan, kaya ako nalang. 

"Sige po ate, saan ko po ba ito idideliver?" Tanong ko habang kinukuha ang naglagyan ng pancit.

"Sa Chino Roces Avenue Street, mag ingat ka gabi na" Sabi niya habang kumukuha ng pera. 

"Oh eto pamasahe bumalik ka kaagad Ash." Sabi nito at iniabot ang two hundred pesos, tumango naman ako at naglakad na palabas ng resto.

Sumakay ako ng tricycle para makatipid at ng mai-saoli ko din ang sobra kay ate. Buti naman at hindi na namin naabutan ang traffic gabi na din kasi pasado 8:30 na. 

Pumasok kami sa isang malaking subdibisyon, ilang sandali pa ay huminto na ang tricycle kaya naman napasulyap ako sa labas, Isang malaking bahay ang bumungad sa akin, kaya naman lumabas na ako at binuhat ang dala ko.

"Ah manong ito po ba ang bahay ni Mr. Takahashi?" Tanong ko ng makababa ako at iniabot ang bayad.

"Oo ineng yan nga, aantayin sana kita kaya lang nagmamadali din kasi ako e." Sabi ni manong at iniabot sa akin ang barya.

"Ok lng po manong magpapara nalang po ulit ako mamaya ng tricycle pabalik" Sabi ko habang luminga-linga sa paligid, mukang mahihirapan akong sumakay mamaya pabalik.

Bahala na. 

Nagpaalam na ako kay manong at naglakad papunta sa gate. Sinipat ko ang dala ko tsaka ang kabuuan ko, hindi naman ako marungis o ano man. 

Nang makarating ako sa harapan ng mismong gate ay nahimigan kong may mga taong nagsasaya sa loob, hinanap ko ang doorbell at pinindot iyon ng tatlong beses. 

Ilang sandali pa ay may nagbukas na rito.

Isang guard iyon.

"Ano pong atin miss?" Tanong ng guard sa akin, ngumiti ako at ngumiti din ito pabalik tsaka tumingin sa dala ko.

"Ah kuya idideliver ko sana itong inorder ni Mr. Takahashi.." Sabi ko sa kanya, sinipat pa ako nito mula ulo hanggang paa.

Muka ba akong mang iiscam?.

"Pasok ka miss," inihakbang ko naman ang mga paa ko para makapasok, chineck muna nito ang malaking supot na dala ko at saka niya tinuro ang entrance ng bahay.

Naglakad ako patungo doon, tumingin ako sa paligid, ang laki ng bahay na to grabe, yayamanin ang may-ari.

Nang makarating ako ng entrance, may maid na sumalubong sa akin.

"Magandang gabi po, idideliver ko lang po sana ito kay Mr Takahashi..." Nginitian ko ang matanda.

"Halika iha pasok, nasa may pool area ang boss ko halika at samahan kita doon" Turan ng matanda at nauna na itong naglakad sa akin, luminga-linga ako sa loob ng bahay nakakalula ang taas nito at ang linis-linis.

Habang naglalakad kami patungo roon ay narinig ko na ang malakas na sigawan ng mga tao at musikang nagmumula roon.

May party yata.

Pagkarating namin ay may mga kalalakihan at kababaihang nagsasaya sa may pool. Puro naka two piece ang mga babae at nakahubad pantaas naman ang mga lalaki. Siguro mga kaedaran ko ang mga ito. 

Makikita talagang ineenjoy nila ang pagiging dalaga't binata, kumpara sa akin. Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ulit ako nagsaya.

Umiling-iling ako at iwinaksi ang tingin sa ibang direksiyon.

May mga cottage din sa paligid nito.

dumaan kami sa may gilid, ang ilan ay napatingin sa amin pero hindi ko alinta ang mga tingin nila dirediretso lang ang lakad ko. Nagtungo kami sa isang malaking cottage na nasa gitna, 

Kagaya ng sa may pool ay may mga tao rin sa cottages.

"Sir Josh dumating na po ang order niyo," Sabi ng matanda at saka tumingin sa akin para ibigay na ang orders, kaya naman humakbang ako papasok sa loob. 

Nakakailang ang mga tingin nila, pero kahit na ganon ay nilakasan ko na ang loob kong makapasok. 

Napadako ang tingin ko sa isang lalaki. Nakaakbay ito sa katabi niyang babae.

Familiar ang muka nito, saan ko nga ba siya nakita? 

Naka topless ito ngayon, kitang-kita ko ang mala batong pangangatawan niya.

Napatingin din ito sa akin ngayon, nanlaki ang mata kong mapagtanto kung sino ang lalaking ito...

Siya yung supladong natapunan ko ng juice noon, nakatali ang buhok nito gaya ng una naming pagkikita, wala ring mababakas na emosyon galing sa kanya, naka pokerface lang ito pero bakit ganun ang gwapo parin talaga niya, kumurap-kurap ako ng magbago ang ekspresyon ng mukha niya. 

Unti-unti siyang ngumisi na para bang may napagtanto.

Lumunok ako at iniiwas ang tingin, ewan ko ba kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko, napakagat labi ako at iwinaksi ang kahibangan.

Kahit na itinuon ko ang atensiyon sa ibang direksiyon ay nararamdaman ko parin kung gaano  kalalim ang titig niya.

Parang gustong lumabas ng kaluluwa ko sa katawan.

"Oh iyan na ba yung inorder ko?," Napatingin ako sa nagsalita.

Ang akala ko ay matanda si Mr. Takahashi mali pala ako, gwapo din ito kagaya ng mga kasama niya ngayon, ngumiti ito sa akin at tsaka tumayo at lumapit, narinig kong tumikhim ang mga kalalakihang narito ngayon.

"A-ah yes sir, heto na po yung order po niyo," ngumiti din ako pabalik at iniabot ang hawak ko, tinanggap nito at inilapag sa mesang nasa harapan nila ngayon.

Sumulyap ako sa iba pang mga tao dito sa loob ng cottage, may mga kanya-kanyang partner ang mga ito.

Habang inaantay ang bayad ng idineliver ay hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang lalaking iyon, kaya naman sumulyap ako saglit pero laking gulat ko ng...

Nakatingin parin iyon sakin, namumungay na ang mga mata niya, lasing na yata ang isang yon.

Kinakausap siya ng kasama niyang babae pero nasa akin ang tingin niya.

Hayst ano ka ba Ash...

"Here's the Payment and the tip young lady..." Iniabot sa akin ni Mr. Takahashi ang bayad, kinuha ko naman ito at ngumiti. 

"Before you go. Eat first," magsasalita na sana ako para tumanggi ay naunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Nahh don't refuse me, I know you already hungry." Nakangiti nitong pag anyaya sa akin, nahihiya akong tumango.

Tutal hindi pa naman ako kumakain.

"Come here," Sabi nito at nauna ng lumabas ng cottage, sumunod naman ako nagtungo kami sa mga pagkaing naka hilera sa gilid ng pool.

"If you need something you can call me, ok?" Hindi parin nawawala ang ngiti nito na lalong nagpagwapo sa kanya, ngumiti ako pabalik dahil napaka bait nito.

Ilang  segundo pa ay nagpaalam na ito at nagsimula na din akong kumuha ng pagkain, lalong umiingay ang paligid dahil medyo lasing na ang mga tao dito. 

Nang makakuha ako ay umupo ako sa gilid, may isa kasing bakanteng mesa kasi dito kaya naman sinimulan ko ng kumain para pagkatapos nito ay makauwi na. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may taong umupo sa harapan ko, ipinagpatuloy ko lang ang pagkain dahil baka kumakain lang din ito at nakimesa lang.

"Are you trying to get my attention?" Sabi ng nasa harapan ko, ang lalim ng boses niya. 

Hindi ko nalang inabalang tingnan ang nagsalita, baka may ibang kausap lang ito. Impossible namang ako ang tinutukoy niya.

"I am talking to you, don't pretend you didn't hear what I said. where is your fucking manners woman?" Inis na turan ng lalaki. 

Ako ba ang tinutukoy niya?

Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko tsaka ako nagtaas ng tingin. 

Si Mr. Suplado pala. 

Anong sabi niya? Sinasabi ba niyang nagpapansin ako? Luh, nananahimik akong kumakain dito. Tapos pagsasabihan ako niyan.

"Mawalang galang na po sir. Hindi ko po alam ang sinasabi niyo..." Magalang kong aniya, kumunot ang noo nito at pinakatitigan ako ng masama.

At tsaka siya ngumisi ng mapakla.

"Alam na alam ko kung anong gusto ng mga babaeng katulad mo." Itinukod niya ang dalawang siko sa mesa at inilapit ang mukha sa akin.

Tinitigan niya ako gamit ang malilikot niyang mga mata.

Tumayo ang balahibo ko sa batok ng bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong labi.

Ilalapit pa sana niya ang mukha sa akin ng sa sobrang pagkataranta ay binaba ko ang tingin sa aking pinggan, at dali-dali akong sumubo pagkatapos ay marahan ko itong nginuya.

Unti-unti naman siyang bumalik sa pagkakaupo, inis na inis ang pustura niya ngayon sa hindi malamang dahilan.

Ano bang iniisip ng lalaking to? 

Humalukipkip siya, hindi parin nawawala ang pagkakunot ng noo niya.

Nilunok ko ang kanina ko pang nginunguya.

"Mi-ister, kung ano man po ang iniisip niyo. Nagkakamali po kayo." Mahinang turan ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"So stop staring at me then, na para bang inaakit mo ako kanina dahil hindi ang gaya mo ang tipo ko." Pagkatapos sabihin ay tumayo a siya at tsaka ipinasok ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

Tiningala ko siya, anong pinupunto niya sa hindi ako ang tipo niyo?

Sumimangot ko at ibubuka na sana ang bibig ko para sumagot ng tumalikod na ito.

Pinanood ko ang pag-alis niya.

Kala mo naman kung sinong magsalita, hindi naman din siya ang tipo ko ah!

Mga mayayaman nga naman...

Nang maubos ko ang pagkain ay nagpaalam na din ako kay Mr. Takahashi. Nagprisinta pa siyang ipapahatid ako sa driver niya pero tumanggi na lamang ako.

May hiya din naman ako kahit papaano.

Mabuti nalang at ligtas akong nakarating sa resto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status