Beranda / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER TWENTY-FOUR: FAMILY AND PEACE OF MIND

Share

CHAPTER TWENTY-FOUR: FAMILY AND PEACE OF MIND

Penulis: Lovina Alice
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-10 21:29:01

Ilang araw na ang nakalilipas buhat nang nasaksihan ko kung paano ipakita ni Sir Kyle ang kaniyang bad side kina Andreah at Jake. Siniguro niya na hindi na uulit pa ang dalawa sa panggugulo nila sa akin lalo na at nagbanta siya sa dalawa na kung sakaling kokontakin pa nila akong muli ay si Kamatayan na ang kanilang makakaharap. Iyon nga lang, kahit nagkaroon ako ng peace of mind ay hindi pa rin ako nakaligtas sa paninisi ng aking sariling magulang.

Personal silang tumawag sa akin para ako ay kagalitan, "Ang sama mong anak! Hindi ka na naawa pa sa iyong kapatid na si Andreah!" bulyaw ni Mama sa akin.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Marahil ay hindi pa rin nila alam kung ano ang ugali ng kanilang pinakamamahal na anak. Nagpasya akong huwag na silang patulan dahil kahit na anong salita pa ang aking gawin ay masama iyon para sa kanila.

"Jean Antoinette, pumunta ka rito sa ospital at humingi ka ng tawad sa iyong kapatid," sabi ni Papa sa akin sa isang galit na tinig. "Ang m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN: PREGNANCY DAYS

    "Sorry, pero kailangan mo na talagang makinig sa doktor mo," sabi ni Kyle sa akin nang naabutan na naman niya akong busy sa pag-de-design ng isang gown para sa VIP client ng boutique. "Iwan mo na ang trabahong iyan kay Heaven." Isang ngiti ang aking pinakawalan nang sandaling iyon, "Maiinip naman ako kung hindi ko gagawin ang isang ito. Hindi naman maselan ang aking pagbubuntis kaya sa tingin ko ay walang problema kung tatapusin ko ito." Muntik nang mangunot ang aking noo nang napansin kong nagpakawala ng isang malalim na hininga si Kyle. Akmang tatanungin ko siya nang bigla na lang siyang lumapit upang kunin ang aking ginagawa. "Malalim na ang gabi, hindi makabubuti sa buntis ang pagpupuyat," sabi ni Kyle sa akin. "Puwede naman kitang payagang ipagpatuloy iyan, pero bukas mo na iyan gawin." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang sandaling iyon. Buntis ako, hindi baldado, para pagbawalang magtrabaho. Work from home na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN: CRAVINGS

    Dahil sa aking pagbubuntis ay nagkaroon ng pagbabago sa aking panlasa. May mga paborito akong pagkain na hindi ko magawang kainin dahil ayaw iyon tanggapin ng aking sikmura. Hindi ko naman naranasan noon na sumubok ng iba't ibang kombinasyon ng pagkain dahil kahit stressed ako sa pagbubuntis ay hindi naman ako hinayaan ng aking panganay na maging mapili sa pagkain. In fact, kapag may cravings ako noon ay nagagawa naming hanapin iyon kaagad. Ngayong sa pangalawa ko na lang nagagawa ang iba't ibang kombinasyon ng pagkain na sa tingin ko ay hindi ko gagawin kapag normal ang aking panlasa. "Sigurado ka ba na hindi burger ang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Kyle nang tinawagan ko siya para lang magpabili ng manggang hinog at powdered chocolate drink. "Baka naman --" "How I wish na burger sana ang gusto kong kainin," pambabara ko sa kaniya. "Kung ayaw mong bilhin ang ipinabibili ko ay huwag mo nang bilhin. Ako na lang ang lalabas ng bahay para bumili," may himig pa ng pagtatampo a

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN: NORMAL DAY

    Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na ikinasal na kami kaya minabuti na lang naming ituloy ang aming mga trabaho habang pinaghahandaan ang tunay naming kasal."Sigurado ka ba na hindi ka stressed ngayon?" tanong ni Heaven sa akin nang siya ay tumawag para ako ay kumustahin. "Biglaan ang pagpapakasal ninyo ah."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang sandaling iyon. Bukod sa mga nakasama namin sa civil wedding ay sina Roman at Heaven lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Wala nga lang sila sa kasal dahil sumunod lang din kami sa schedule na ibinigay ng judge sa amin."Natahimik ka na riyan," sabi sa akin ni Heaven. "Siguro ay stressed kang tunay ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari.""Well, I have to admit na nab

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE: RUSHED WEDDING PLANNING

    Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN: CONFIRMED PREGNANCY

    Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TEN: ANOTHER PREGNANCY?

    Mabilis na lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Naging busy kami pareho ni Kyle sa aming mga trabaho lalo na at mas naging hectic na iyon dahil kasabay noon ay ang pagsasaayos namin sa aming kasal. Iyon nga lang, hindi sa lahat ng oras ay kakayanin ng katawan namin ang pagod kaya mas maaga kaming nakakatulog sa gabi. "Nakausap ko na ang suppliers ng bulaklak," sabi sa akin ni Kyle. "Ipinahanap ko na ang mga paborito mong bulaklak." Akmang sasagutin ko na ang sinabi ni Kyle nang may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya na hindi nagustuhan ng aking ilong. Bago pa man ako makapagtakip ng ilong ay naramdaman ko na ang pagbaligtad ng aking sikmura. "Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong kaagad ni Kyle sa akin nang nakita niyang ako ay naduduwal sa lababo. Hinawi pa niya ang aking buhok upang masiguro na hindi iyon nakaharang sa aking mukha. Isang iling ang aking pinakawalan. Literal na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay gust

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status