Becoming The CEO's Contract Lover

Becoming The CEO's Contract Lover

last updateLast Updated : 2025-08-21
By:  Lovina AliceUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Itinaya ni Jean Antoinette Marcelo para sa kaniyang pag-ibig: from her career opportunities to her own bright future. Isinantabi niya ang bawat oportunidad na dumating sa kaniya dahil lang sa pagmamahal niya sa isang lalaki na inakalang mahal din siya. Her dreams shattered nang bigla na lang naglaho ang lalaki at tinangay pa nito ang kaniyang pinaghirapan bilang isang mananahi sa isang maliit na boutique. To make matters worse for her, nalaman pa niya na ipinagpalit siya ng kaniyang fiance sa kaniyang ate. Her parents disowned her na para bang siya pa ang gumawa ng pagkakamali sa kanila. She’s so broken na inakala niyang katapusan na niya. She was on the verge of giving up her own life nang may kumuha sa kaniya on the spot bilang secretary ng isang kilalang CEO. Inaasahan na niyang mahirap ang kaniyang trabaho. But then, hindi niya inaasahang mas mahihirapan siya sa pakikisama sa kaniyang boss. Kyle Zander Villaester was known for his perfectionist nature. Bawat gawa niya nahahanapan nito ng butas. He could easily tear her down with every rejection sa kaniyang trabaho. Sa kabila ng bawat pagkakamali niya ay hindi siya nito tinatanggal sa trabaho. Instead, he let her repeat everything hanggang sa makuha na niya ang gusto nito. Bumalik ang kaniyang ex-boyfriend na para bang wala itong ginawang kasalanan sa kaniya. Out of desperation, binanggit niya ang pangalan ng kaniyang boss bilang bagong boyfriend, even if alam niyang mali iyon. Kyle Zander knew that he had nothing to do with her affairs, but his ego told him to claim Jean Antoinette as his. “Ano ngayon kung nagkaroon kayo ng relasyon? You were her past, she is mine now. Gusto mo siyang bawiin? You have to pay the heavy price.”

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE: BRTRAYAL OF TRUST

“We sincerely apologize, but we need to close your bank account.”

Nanghina akong bigla nang sabihin ng bank officer sa akin na wala na akong pera sa bangko at kailangan ko na iyong isara. All of my savings disappeared in an instant nang hindi ko namamalayan.

“Puwede ko po bang ipa-trace kung sino ang nag-withdraw sa aking account?” tanong ko sa aking bank officer. “Kung maaari po sana ay makita ko po ang transaction record ng sinasabi ninyong withdrawals sa account ko.”

“Well, bago ko pa man iyon ipakita iyon sa iyo ay kailangan mong mag-file for dispute para ma-check natin kung sino ang nag-withdraw ng pera mo,” sabi ng bank officer sa akin.

“Kung may kailangan akong pirmahan ay gagawin ko, malaman ko lang kung sino ang kumuha.”

Ilang minuto lang akong naghintay para sa aking request, “Miss Marcelo, ito ang iyong transaction record sa mga nakaraang araw.”

Binusisi ko kaagad ang nasabing record at tiningnan kung may pangalang Jean Antoinette Marcelo sa bawat transaction na naganap. I am aware na may ibang tao na puwedeng kumuha ng pera para sa akin dahil naka and/or ang aking bank account at ipinangalan ko rin sa aking boyfriend ang nasabing account dahil magkasama naman na kami sa iisang bahay. 

“Is everything all right, Ma’am?” tanong agad ng kausap ko nang napansin niyang nangunot ang aking noo.

“Ma’am, sa tingin ko ay alam ko na ang nangyari,” pag-amin ko sa bank officer. “Sapat na po ang impormasyong nakuha ko mula sa inyo.”

Pagkatapos ng aking pakikipag-usap sa bank officer ay hindi na ako nagbalik pa sa boutique na pinapasukan ko bilang isang mananahi. Walang ibang pumapasok sa utak ko nang sandaling iyon kundi ang mga katanungan kay Jake. Nais kong malaman kung bakit niya iyon kinuha nang walang paalam at kung ano ang kaniyang pinagkagastusan.

Papasok na sana ako sa bahay nang nakita ko ang isang pares ng sapatos na pamilyar sa akin. Gumapang ang kaba sa aking dibdib nang wala sa oras. Hindi ko pa man nagagawang i-proseso ang kabang iyon ay bumungad na sa aking paningin ang isang bagay na hindi ko inaakalang magagawa sa akin ni Jake. Naabutan ko siyang kahalikan ang aking Ate Andrea. Worst, nakita pa ako ni Ate kaya isang ngisi pa ang ibinigay niya sa akin bago pa man niya sinagot ang bawat halik na ibinibigay ng aking boyfriend sa kaniya.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko kailangang mag-eskandalo sa sarili kong pamamahay. 

“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanilang dalawa habang pinipigilan ang aking emosyon.

“Nakauwi ka na pala,” nakangising sagot ni Ate Andrea sa akin habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. 

Tinititigan niya ako na para bang sinusubukan niya ang aking pasensiya. “Salamat sa pera na kinuha ni Jake para sa date namin ngayong araw. Talagang gumastos pa siya para lang ipakita sa akin na ako talaga ang mahal niya,” sambit ni Ate Andrea sa akin

Tumingin ako kay Jake, expecting na kokontrahin niya ang sinabi ni Ate. 

Hindi lumapit sa akin si Jake. Mas pinili niyang akbayan si Ate.

“What? Hindi mo ba tanggap ang katotohanan na nakikita mo ngayon? Nasaktan ba kita? You’re so boring. Ni hindi mo na magawa pang ibigay ang mga pangangailangan ko bilang isang lalaki. Si Andrea, mahal niya talaga ako dahil kaya niyang ibigay ang mga bagay na matagal ko nang hinihingi sa iyo,” sabi ni Jake sa isang nagmamalaking tinig.

Napasinghap ako sa aking narinig, “Hindi ko kayang ibigay ang mga hinihingi mo? Jake, alam mong inilalaan ko iyon sa araw mismo ng ating kasal! Hindi pa ba sapat ang luhong ibinibigay ko sa iyo?”

“Hindi iyon sapat dahil nagawa pa niya akong hanapin,” pang-aasar ni Ate sa akin. “Ah, first year anniversary namin ngayon kaya mas special ang date na inihanda niya para sa akin.”

“Hindi totoo iyang sinasabi mo, ako ang mahal niya at kami ang magpapakasal,” sabi ko in a denial tone.

“Wala tayong magiging future dahil maghihiwalay na tayo. Mahal ko si Andrea at hindi na ako masaya sa iyo. Iyong perang kinuha ko, maibabalik ko rin iyon sa iyo,” mayabang na saad ni Jake.

“No, hindi tayo maghihiwalay! Gusto ka lang ni Ate dahil nagmamahalan tayong dalawa. Inaagaw ka lang niya sa akin. Please, huwag mong gawin sa akin ito. Iyong pera, hindi na iyon magiging issue, basta’t hindi mo lang ako iiwan,” pagmamakaawa ko kay Jake.

Isang ngisi na lang ang ibinigay ni Ate sa akin, “Everything is over for you. Akin na ang mahal mo dahil deserved naman niya na mahalin ang isang tulad ko.”

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang sinabi ni Jake. Nanginginig ako sa galit nang nakita ko kung paano hilahin ni Jake si Ate upang halikan sa labi. Hindi pa siya nasiyahan dahil kinuha pa niya ang kaniyang mga gamit bago pa man sila lumabas ng bahay. Ako ang girlfriend niya, pero ibang babae ang kaniyang pinili, hindi ako.

“Hindi, this is not happening.”

Sinubukan ko pang magmakaawa sa kaniya kahit na magmukha na akong tanga sa paningin nila. Sa halip, isang sipa ang natanggap ko kay Jake na para bang nandidiri pa siya sa akin ngayon.

“Paalam na.”

Lumuluha man ako ay pinili ko pa rin na pumunta kina mama at papa. Kailangan nilang malaman kung ano ang ginawa ni Ate sa akin. Matagal na akong nagtitiis sa bawat pang-aagaw na ginagawa niya kaya hindi ako makapapayag na gawin pa niya ulit sa akin.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” tanong ni Mama sa akin nang sinabi ko sa kaniya ang problema. “Hindi mang-aagaw ang kapatid mo.”

“Ma! Malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanan! Ako naman ang paniwalaan ninyo!”

Imbes na pang-unawa ay isang malakas na sampal pa ang nakuha ko mula kay Papa, “Papa!”

“Wala kang utang na loob! Ate mo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay ka pa! Hindi ka man lang marunong tumanaw ng utang na loob sa kaniya!”

Naiyak na lang ako sa sinabi ni Papa, “Ang sinasabi ninyo ba sa akin ay tama lang na ipaubaya ko si Jake sa kaniya. Papa, ang unfair ninyo naman ni Mama!”

“Hindi kami unfair, ikaw ang hindi patas sa kaniya dahil lahat ng nagugustuhan niya, kinukuha mo. Akala mo ba ay hindi namin alam lahat ng ginawa mo para lang maging iyo si Jake?” sabi ni Papa sa isang pagalit na tinig.

“Hindi totoo iyan! Ako ang minamahal ni -”

Hindi ko nagawang tapusin ang aking sinasabi dahil pinutol iyon ni Papa ng isa pang malakas na sampal na siyang naging dahilan upang pumutok ang gilid ng aking labi.

“Sa ginagawa mo ay pinatutunayan mo sa amin na tama lang na itakwil ka na namin. Andrea deserves some happiness lalo na at ilang taon mo na rin siyang inaagawan. Umalis ka na sa bahay na ito!”

Hindi na ako nakapanlaban pa nang hinila na ako ni Papa palabas ng bahay. Sinubukan ko pang magmakaawa sa kanila pero hindi na nila ako tinitingnan pa.

“Antoinette, kung hindi ka lang sana naging makasarili ay hindi ka rin namin itatakwil. Kasalanan mo kung bakit kinuha na ni Andrea ang dapat ay para sa kaniya.”

Pagkasarang-pagkasara nila ng gate ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kinalampag ko ang gate ngunit hindi na nila iyon binuksan pa.

“Ate

Andrea, Jake, humanda kayong dalawa. Maghihiganti ako. Babalikan ko kayong dalawa!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status