author-banner
Lovina
Author

Novel-novel oleh Lovina

Becoming The CEO's Contract Lover

Becoming The CEO's Contract Lover

Itinaya ni Jean Antoinette Marcelo para sa kaniyang pag-ibig: from her career opportunities to her own bright future. Isinantabi niya ang bawat oportunidad na dumating sa kaniya dahil lang sa pagmamahal niya sa isang lalaki na inakalang mahal din siya. Her dreams shattered nang bigla na lang naglaho ang lalaki at tinangay pa nito ang kaniyang pinaghirapan bilang isang mananahi sa isang maliit na boutique. To make matters worse for her, nalaman pa niya na ipinagpalit siya ng kaniyang fiance sa kaniyang ate. Her parents disowned her na para bang siya pa ang gumawa ng pagkakamali sa kanila. She’s so broken na inakala niyang katapusan na niya. She was on the verge of giving up her own life nang may kumuha sa kaniya on the spot bilang secretary ng isang kilalang CEO. Inaasahan na niyang mahirap ang kaniyang trabaho. But then, hindi niya inaasahang mas mahihirapan siya sa pakikisama sa kaniyang boss. Kyle Zander Villaester was known for his perfectionist nature. Bawat gawa niya nahahanapan nito ng butas. He could easily tear her down with every rejection sa kaniyang trabaho. Sa kabila ng bawat pagkakamali niya ay hindi siya nito tinatanggal sa trabaho. Instead, he let her repeat everything hanggang sa makuha na niya ang gusto nito. Bumalik ang kaniyang ex-boyfriend na para bang wala itong ginawang kasalanan sa kaniya. Out of desperation, binanggit niya ang pangalan ng kaniyang boss bilang bagong boyfriend, even if alam niyang mali iyon. Kyle Zander knew that he had nothing to do with her affairs, but his ego told him to claim Jean Antoinette as his. “Ano ngayon kung nagkaroon kayo ng relasyon? You were her past, she is mine now. Gusto mo siyang bawiin? You have to pay the heavy price.”
Baca
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN: NORMAL DAY
Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na ikinasal na kami kaya minabuti na lang naming ituloy ang aming mga trabaho habang pinaghahandaan ang tunay naming kasal."Sigurado ka ba na hindi ka stressed ngayon?" tanong ni Heaven sa akin nang siya ay tumawag para ako ay kumustahin. "Biglaan ang pagpapakasal ninyo ah."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang sandaling iyon. Bukod sa mga nakasama namin sa civil wedding ay sina Roman at Heaven lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Wala nga lang sila sa kasal dahil sumunod lang din kami sa schedule na ibinigay ng judge sa amin."Natahimik ka na riyan," sabi sa akin ni Heaven. "Siguro ay stressed kang tunay ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari.""Well, I have to admit na nab
Terakhir Diperbarui: 2026-01-07
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE: RUSHED WEDDING PLANNING
Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na
Terakhir Diperbarui: 2026-01-05
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN: CONFIRMED PREGNANCY
Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa
Terakhir Diperbarui: 2026-01-04
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED TEN: ANOTHER PREGNANCY?
Mabilis na lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Naging busy kami pareho ni Kyle sa aming mga trabaho lalo na at mas naging hectic na iyon dahil kasabay noon ay ang pagsasaayos namin sa aming kasal. Iyon nga lang, hindi sa lahat ng oras ay kakayanin ng katawan namin ang pagod kaya mas maaga kaming nakakatulog sa gabi. "Nakausap ko na ang suppliers ng bulaklak," sabi sa akin ni Kyle. "Ipinahanap ko na ang mga paborito mong bulaklak." Akmang sasagutin ko na ang sinabi ni Kyle nang may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya na hindi nagustuhan ng aking ilong. Bago pa man ako makapagtakip ng ilong ay naramdaman ko na ang pagbaligtad ng aking sikmura. "Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong kaagad ni Kyle sa akin nang nakita niyang ako ay naduduwal sa lababo. Hinawi pa niya ang aking buhok upang masiguro na hindi iyon nakaharang sa aking mukha. Isang iling ang aking pinakawalan. Literal na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay gust
Terakhir Diperbarui: 2026-01-03
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED NINE: PERFECTION
Malapit na akong ikasal kay Kyle at nais naming maging perfect ang lahat para sa aming kasal. Nang nasiguro naming available ang venue na gusto namin ay nagsadya na kaagad kami sa lugar para magbigay ng full payment. Mahirap na, baka masulutan pa rin kami ng ibang couples kung sulat lang ang gagawin naming reservation. "We assure you na walang makakakuha ng venue na ito sa araw na nais ninyo," sabi ng receptionist na kausap namin na siyang tumanggap ng aming bayad. "Pero ipapaalala lang namin sa inyo na kung sakaling magkaroon ng pagbabago at last minute ay hindi na namin puwedeng i-refund pa ang bayad ninyo." "Walang problema," sagot ni Kyle. "Hindi ko rin naman pakakawalan ang bride ko hangga't hindi kami ikinakasal." Namula ako sa sinabi ni Kyle, lalo na nang nakita ko ang kinikilig na reaksyon ng aming kausap. "Miss, swerte ka na sa boyfriend mo kaya huwag mo na siyang pakakawalan pa," sabi agad ng receptionist sa akin. "Marami ang nag-aabang sa isang tulad niya, lalo na k
Terakhir Diperbarui: 2026-01-02
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED EIGHT: AFTERMATH
Hindi ko masabi kung alin ang mas malala: ang mapuyat dahil kay Kyle o ang manakit ang aking katawan dahil din sa kaniya. All I know is hindi kami tumigil hangga't hindi ako sumusurrender sa kaniya. Thankfully, attentive si Kyle sa akin kaya nang natapos kami ay siya rin ang naglinis at nagbihis sa akin. "Good morning," sabi ni Kyle sa akin habang may bitbit siyang tray ng pagkain. "Do you want some breakfast in bed o baka ako ang gusto mo?" Natawa na lang ako sa tanong ni Kyle, "As much as I want you ay mas pipiliin ko ang pagkain ngayon. Kailangan ko talaga ng pahinga dahil pinagod mo ako kagabi." "Well, don't blame me na napagod ka dahil alam nating pareho na nag-enjoy ka rin sa ginawa natin," sagot ni Kyle. "You know, puwede naman nating gawin iyon lagi kapag sigurado na nating tulog na si Chiara." Namula ako sa sinabi ni Kyle. Kung wala siyang dinalang pagkain nang sandaling iyon ay sigurado na akong nagawa ko siyang hampasin kaagad sa matipuno niyang dibdib. Isang mahina
Terakhir Diperbarui: 2026-01-01
Anda juga akan menyukai
CEO's Forgotten Wife
CEO's Forgotten Wife
Romance · Rhea mae
252.1K Dibaca
BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE
BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE
Romance · Scorpion Queen
249.9K Dibaca
CHAINED (Tagalog)
CHAINED (Tagalog)
Romance · Blu Berry
245.6K Dibaca
Sold to my Professor (Tagalog)
Sold to my Professor (Tagalog)
Romance · SenyoritaAnji
244.9K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status